Connect with us

lifestyle

Mansyon ni Manny Pacquiao sa Forbes Park ibinebenta sa halagang P2.3 billion

Published

on

Napakamahal na pala ng presyo ng marangyang mansyon ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao sa Forbes Park; isang exclusive gated subdivision sa Makati City.

Makikita sa website ng Presello, isang real estate firm na kilala sa pagbebenta ng mga high-end real estate properties, na available for sale ang Pacquiao mansion sa tumataginting na P2.3 billion.

Inilarawan ang marangya at napakalaking bahay ni Pacquiao bilang isang zen-inspired mansion.

“This wonderful zen-inspired mansion was designed with exceptional tastes. The feel and vibe of this mega-mansion have a very tropical modern feel with a touch of elegant resort-like vice. See this wonderful mega-mansion for yourself,” ayon sa Presello website.

Image from Presello

 

Hindi man sinabi ng Pressello kung sino ang may-ari ng mansion for sale ay may mga palatandaan namang makikita sa larawang ipinost nito na ang mga Pacquiao ang owner ng ari-arian.

Ang mansyon na may floor area na 1,525 square meters ay nakatayo sa 2,000 square meters na lote. Mayroon itong limang bedrooms, pitong bathrooms at maluwang na garahe na kasya ang apat na sasakyan.

Ang mansyon ay ipina-renovate ng mag-asawang Pacquiao noong 2019. Ipinost pa ni Jinkee sa social media ang mga pagbabagong ginawa sa swimming pool doon.

Kamakailan lang, nag-post ang maybahay ng pambansang kamao sa kanyang Instagram account ng larawan ng kanilang Forbes Park mansion, na noong nakaraang taon ay ibinebenta sa mas murang halagang P1.5 billion.

Image from Presello

Ang naturang mansyon ay nabili ng mag-asawa noong 2011 sa halagang P388 million.

Una nilang sinubukang ibenta ang bahay noong 2014 sa halagang P708 million matapos umanong magreklamo ang ilang kapitbahay nila doon dahil sa mga bisita nila na hindi maayos ang mga kasuotan.

Sinabi naman ni Manny na hindi siya mapili sa kanyang mga nagiging bisita sa bahay. Kahit nga raw naka-shorts at tsinelas ang mga ito, welcome sa kanyang tahanan.

Image from Jinkee Pacquiao’s Instagram account

 

Ang bisita ko, iba-iba. Nakakahiya naman sa mga kapitbahay ko na may mga bisita akong nakatsinelas lang. Baka nakakaistorbo ako, siyempre sikat na sikat na subdivision yun. Ako naman kasi, wala akong pinipili na bisita. Ayoko naman na iba yung pagkatao ko. Kahit marating ko na ako ‘yung pinakamayamang tao sa buong mundo, para pa rin ako sa mahihirap, sabi noon ni Pacquiao.

Si Senator Pacquiao ay kasalukuyang kandidato sa pagka-pangulo sa darating na halalan sa May 2022.

beauty

Hairstylist na may eye-catching flower braids hinahangaan ngayon sa social media

Published

on

flower braid hairstyle

Hanggang saan aabot ang pag-aayos mo ng buhok? Ikaw ba iyung simple at maayos na suklay lang ay kuntento na o talaga bang gumugugol ka ng ilang oras para maging mas presentable pa ang iyong “crowning glory”? Kung nasa pangalawa ka, tiyak na matutuwa ka sa hinahangaan ng marami ngayon na isang hairstylist mula sa Vietnam dahil sa mga naiiba at eye-catching flower braids na ginagawa nito.

Sa kanyang Facebook, Instagram, at TikTok accounts, pinahahanga ni Nguyen Phat Tri sa kasalukuyan ang maraming social media users sa simpleng pagpo-post niya ng photos at videos ng kanyang mga naiibang obra.

flower braid hairstyle

At masayang-masaya ito dahil noon pa man ay pangarap na niyang maibahagi ang kanyang kakayahan at ipakita sa mundo ang husay ng mga Vietnamese pagdating sa hairstyling.

“I want to inspire creativity in people who share my passion, and I hope to help Vietnam’s hair industry grow and reach the world,” saad niya.

Malayong-malayo sa unang kurso ni Nguyen ang pag-aayos ng buhok. Nagtapos siya ng pag-aaral sa An Giang University, kung saan siya nakakuha ng degree sa Biotechnology noong 2015. Ngunit dahil sa pangarap niya bilang isang hairstylist, nagdesisyon siyang tumungo sa Ho Chi Minh City para pag-aralan ang makeup at hairdressing.

Hindi naman siya binigo ng kanyang pangarap at naging maganda ang resulta ng kanyang mga flower braid.

flower braid hairstyle

Ang mga disenyo ni Nguyen at nakapag-generate ng libo-libong views sa social media. Ang pinakasimple niyang disenyo ay inaabot ng isa hanggang dalawang araw, habang ang iba naman na talagang mabusisi ay matiyagang ginagawa sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.

Sa kasalukuyan ay mayroon umanong high demand sa mga disenyong ginagawa ni Nguyen, kahit pa may kamahalan din ang ilan sa mga ito. Sa katunayan, ilan sa mga bridal design na ginagawa niya ay nagkakahalaga ng $130 hanggang $218, habang ang iba na mas mahirap gawin ay nasa $218 hanggang $305 naman.

flower braid hairstyle

Continue Reading

lifestyle

Mga pampasuwerte sa pagsalubong sa 2022 Year of the Tiger

Published

on

By

Likas na mapamahiin ang mga Pilipino lalo na sa gagawing pagsalubong sa bagong taon.

Karamihan sa mga pamahiing ito ay mula sa impluwensiya ng mga Intsik kaya naman talagang inaabangan taun-taon ang mga payo ng Chinese feng shui experts tulad ni Master Hanz.

Image from Master Hanz Cua

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ni Master Hanz ang maraming tips sa pagsalubong sa 2022 water tiger.

Para makaakit ng pera at suwerte dapat daw magsuot ng kulay pulang damit mula ika-31 ng Disyembre hanggang ika-1 ng Enero.  Ang color theme naman sa bahay at opisina ay dapat daw na kulay yellow gold.

Dapat daw palitan ang mga kurtina ng kulay red, yellow, orange o pink . Ang punda at bed cover palitan din. Pink sa mga walang asawa at red sa mga married couples.

Dapat buksan ang lahat ng ilaw para maliwanag ang buong kabahayan sa pagsalubong sa Year 2022 nang ma-attract ang prosperity at money luck. Palitan daw ang mga pundidong ilaw.

Bago pumasok ang bagong taon ay dapat mag-general cleaning ng bahay. Ang mga sira at luma ay itapon para pumasok ang good fortune energy. Ang lutuan o stove ay dapat malinis.

Ang tumutulong gripo ay kumpunihin, gayundin ang sirang main door.

Siyempre kabilang sa kanyang mga tips ang matagal na nating ginagawa na paglalagay sa hapag kainan ng isandosenang iba’t ibang klase ng mga prutas. Sinisimbolo raw ng 12 fruits ang labindalawang buwan ng pagiging masagana.

Screenshot from YouTube video

Para ma-attract at maging masuwerte ang 2022, dapat daw na mag-display ng tiger  sa loob ng bahay.

Itinuturing pa rin na masuwerte ang pagsusuot ng damit na polka dots ang disenyo. Magsuot din ng bagong underwear.

Ang payo pa ni Master Hanz ay dapat makipag-ayos sa mga nakaalitan bago matapos ang 2021. Dapat ding bayaran ang mga utang.

Dapat daw na masaya ang buong pamilya sa pagsalubong ng bagong taon at maghasik ng good vibes sa social media.

Narito ang buong listahan ni Master Hans para sa masaganang 2022:

Image from Master Hanz Cua

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!

 

Continue Reading

business

Nilagang kamote na tinirikan ng kandila iniregalo sa birthday ng 2nd richest man sa Pilipinas

Published

on

By

Bonggang party ang inaasahan ng marami sa birthday ng multi-billionaire (in US dollars) na si Manny Villar, pero ninais niyang idaos nang simple ang espesyal na araw na iyon.

Sa halip na lavish party na angkop para sa pangalawa sa pinakamayaman sa Pilipinas, kasunod ng Sy siblings na mga anak ni Henry Sy ng SM empire, minabuti ni Manny Villar na enjoy-in ang pagsalubong sa morning sunrise sa rooftop ng Crossing Cafe, ang pinakabago nilang cafe business.

Imagre from Manny Villar

Habang minamasdan ang pagsikat ng araw ay dinalhan siya ng anak niyang si Camille, na nagsisilbi ngayong Deputy House Speaker sa House of Representatives, ng paborito niyang Kamote Cake.

Hindi iyon cake na may kamote flavor kundi ilang piraso ng nilagang kamote na hindi pa natatalupan na tinirikan ng isang birthday candle.

“I welcomed my birthday catching the sunrise at the rooftop of our newest cafe, The Crossing Cafe, located in the 2,500-hectare Villar City. My daughter Camille joined me and brought one of my faves, camote. Thank you, darling, for the camote cake,” saad ng Facebook post ng real estate tycoon na dati ring nagsilbi bilang senador.

Pinasalamatan din niya ang lahat ng bumati sa kanya.

“To everyone who greeted and sent me warm wishes, thank you very much. I am very happy and I couldn’t think of a better way to celebrate my special day,” aniya.

Si Manny Villar ay ay nagdiwang ng kanyang ika-72 taong kaarawan noong Lunes, December 13.

Imagre from Manny Villar

Tulad ng nabanggit niya, ang bagong negosyo nilang Crossing Cafe ay matatagpuan sa Villar City, ang 2,500-hectare property na gagawing bagong central business district,

Ayon kay Manny Villar, ang Villar City ay ang pinakahuling development project na gagawin niya sa buhay niya. Sabi niya, dahil sa sobrang laki ng proyekto “it will take more than the rest of my life to develop because of its size. There is no other property near this size this close to Metro Manila.

Imagre from Manny Villar

Continue Reading

Trending