Connect with us

lottery

Lola, tatlong beses nang nanalo ng P2.5 million sa scratch card na nabili sa iisang lottery outlet

Published

on

Isang 61-anyos na lola ang nanalo ng $50,000 sa ikatlong pagkakataon mula sa scratch card lottery ticket na binili niya sa Maryland lottery. Katumbas ito ng humigit-kumulang 2.5 million sa Philippine peso.

Noong taong 2018 ay dalawang beses na siyang nanalo ng kaparehong halaga sa scratch cards at ang mga iyon ay binili niya sa iisang lottery outlet lang.

Dalawang linggo pa lang ang nakalipas, ang retiradong housekeeper mula sa Maryland, USA, ay bumili ng dalawang Lucky scratch-off lottery tickets na nagkakahalaga ng $5 bawat isa sa Talbert’s Ice & Beverage Service sa Bethesda, ayon sa Maryland Lottery.

Image from MDLottery

Mintis ang unang lottery ticket, pero laking surpresa niya nang magbigay ng $50,000 prize ang ikalawang ticket. Iyon na ang ikatlong panalo niya ng kaparehong halaga ng premyo. Kinaskas daw niya ang ticket habang nasa loob siya ng kanyang kotse.

Ayon sa masuwerteng lola, hindi na naman daw siya makapaniwala sa suwerteng dumating sa kanya. Ang ibang tao raw ay araw-araw tumataya pero hindi nananalo, pero siya ay tatlong ulit nang nabiyayaan ng suwerte.

I just didn’t believe it, again! People play every day and not win. It’s amazing that I won three times, sabi niya sa mga lottery officials nang kubrahin na niya ang premyo.

Agad raw niyang tinawagan ang best friend niya para ibahagi ang good news.

Image from MDLottery

When she told me, I was so happy for her. It was hard to believe that she won $50,000 again, kuwento ng bestfriend ni lola.

Gagamitin umano ni lola ang napanalunang premyo para sa pagpapaayos ng kanyang bahay.

Ibinahagi rin ng Maryland Lottery ang istorya tungkol sa isang landscaper mula sa Waldorf, Maryland na muntik nang maitapon sa basurahan ang ticket na nanalo pala ng $50,000.

Image from MDLottery

 

Kinaskas umano nito ang dalawang ticket na binili pero walang premyong tinamaan. Balak na raw sana nitong lukutin at itapon ang scratch-off ticket, pero napansin ng lalaki na mayroon palang bonus game sa bandang ibaba ng ticket para sa isa pang tsansa para manalo ng premyo.

Buti lang daw ay hindi niya agad naitapon ang ticket na nagbigay ng malaking premyo sa bonus game.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Trending