Connect with us

Food

Masarap na Cherimoya fruit: Kauri ba ng atis o ng guyabano

Published

on

 

Ano nga ba ang cherimoya? Parang atis ba yan o guyabano?

Iyan ang naging katanungan ng maraming nakakakita ng mga posted na larawan ng cherimoya sa social media. Anong klaseng prutas nga ba ito na hindi pangkaraniwang nakikita sa mga pamilihan gaya ng atis at guyabano kaya naman tila napakarami ng hindi pa ito natitikman?

Sa mga nakatikim naman, super sarap daw nito!




Ang bihirang makita na prutas na cherimoya ay nagmula sa pamilyang Annonov at sa Pilipinas ay tinatawag na anonas (Annona cherimola). Cherimoya o custard apple naman ito sa ibang bansa at may kamahalan ang halaga.




Ang Cherimoya ay katutubong bunga sa Timog Amerika at mayroon nito sa Peru, Bolivia, Colombia at Ecuador. Artipisyal din umano itong nilinang sa Spain,Thailand, Australia, China, Malaysia at Chile.

Ang prutas na ito ay hugis kono (cone) o hugis puso at mayroon ding maliliit at malalaki na umaabot ng hanggang 2 kilos ang bigat. Ang balat nito ay siksik na tila kaliskis ang itsura at kapag binuksan na ito ay malaman, makatas at may mabangong katangian.


Photo credit: Judy Unas/Facebook

Kumusta naman ang lasa? 

Kapag nasa tamang kahinugan, napakatamis nito ayon sa mga nakakain na nito. Mayroong mga nagsabi na ang lasa nito ay katulad ng pinagsama-samang pinya, strawberry at saging. Kahit umano si Mark Twain ay isang tagahanga ng cherimoya, at inilarawan pa ito bilang “the most delicious fruit known to man” at “deliciousness itself.”

Ang cherimoya ay tinatawag na anonas sa Pilipinas at tumutubo rin naman sa ating bansa. Kahawig ito na atis ngunit walang mga bukol-bukol na balat. Tandaan na hindi puwedeng kainin ang mga buto nito.


Bukod sa napakasarap na lasa, ang cherimoya o anonas ay marami ding benepisyo sa kalusugan ayon sa mga pag-aaral. Nagbibigay ito ng vitamins, minerals, at fiber na mahalaga para magkaroon ng balanseng diet. 

Marami pa ring nalilito sa pagkakaiba ng cherimoya/anonas), atis o sugar apple, at guyabano o soursop. Nakaka-curious naman talaga, ‘di ba?

Well, ating panoorin ang video ni Garden Florida para sa dagdag kaalaman! Ibinahagi niya ang pagkakaiba ng mga prutas na nabanggit.






Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Food

Taho vendor sa Boracay, nag-viral dahil sa cashless na pagbebenta

Published

on

By

Kapag tayo ay bumibili sa taho vendor ang ipinambabayad natin ay ang perang hawak-hawak natin, pero alam mo ba na ang ilang taho vendor sa Boracay ay tumatanggap na ngayon ng cashless payment?

Viral ngayon sa social media ang taho vendor sa isla ng Boracay na si Mang Reynaldo Indalos.

Paano ba naman hi-tech na rin kasi ang pagbabayad sa kanya ng mga customer. Si Mang Reynaldo ay tumatanggap ng bayad gamit ang GCcash at Paymaya app. May pa-QR code o ‘quick response’ code pa ito. Scan and pay, ganoon kadali!

“Sa beach maam kapag nagdadala po ako nito, ang sigaw ko po Tahooo!  kapag walang cash pwede gcash,” ani  Reynaldo sa Ulatbayan.

Ayon kay Roanne, isang online freelancer na kumuha ng video, natuwa siya sa diskarteng ito ni Mang Reynaldo kaya’t kahit walang dalang cash ay napabili na rin siya ng taho.

“I find cashless transaction mas convenient and also para iwas na rin  for covid sense. ‘Yung money syempre. ‘Yung transfer ba ng viruses sa paghawak natin ng pera,” aniya sa Ulatbayan.

 

Ayon pa sa uploader, maging ang mga maliliit na vendor sa Boracay ay naka-cashless transaction na rin.

“Bibigyan ka na talaga nila ng QR code. As in naka laminate na talaga at ipapakita na lang sa’yo,” aniya.

Para naman kay Mang Reynaldo, na anim na taon nang magtataho sa Bora, nakatulong din sa kanya ang ganitong mode of payment. Minsan kasi ay malaki rin ang tip ng mga customer at dahil sa kanyang kwelang personalidad na-feature na rin siya ng mga bloggers mula sa ibang bansa.

“‘Yung taho ko, maam, may halong pagmamahal,” ngiting sabi ni Mang Reynaldo.

“Pampatibay ba ng relasyon ‘yung taho ko, sigurado,” dagdag pa niya.

Sa panahong nasa gitna tayo ng pandemya, lumalabas lalo ang diskarte ng marami at nahihikayat ang bawat isa na sumabay sa teknolohiya na mayroon ngayon. At sa panahon din na apektado ang kabuhayan ng mga maliliit na naghahanap-buhay, mainam na sila’y ating tangkilikin at suportahan.

Continue Reading

Food

Amazing! Baker gumawa ng hyperrealistic cake na kanyang kawangis

Published

on

hyperrealistic cake

Lahat tayo gustong gawing espesyal ang araw kung kailan tayo isinilang—mula sa mga kakainin at ihahanda, sa mga planong gawin, sa mga pupuntahan, hanggang sa mga taong nais makasama sa araw na ‘yun. Katulad ng marami, ginawa ring espesyal ng isang baker ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng isang hyperrealistic birthday cake na siya mismo ang lumikha.

hyperrealistic cake

Sa Instagram, ibinahagi sa page ni Natalie Sideserf na @sideserfcakes ang isa na namang naiibang hyperrealistic sculpted cake na ngayon ay mas naging espesyal pa dahil para ito sa kaniyang kaarawan. Aniya, dahil nagdiriwang siya ng espesyal na araw, naisipan niyang gumawa ng cake para sa sarili niya.

“It’s my birthday, so I made myself a cake!” saad ni Natalie sa caption ng kanyang post.

Sa simula ng kanyang video, tinakpan muna ni Natalie ang mukha gamit ang hyperrealistic cake na mayroon nang isang slice sa platong pinaglalagyan nito.

hyperrealistic birthday cake

Screenshot from @sideserfcakes | Instagram

Kasunod nito, sa wakas ay inalis na rin niya ang cake sa pagkakatabing nito sa kanyang mukha at doon ay makikita na kuhang-kuha nito ang hitsura niya; ang sukat ng ulo, ang ayos ng mukha at buhok niya nang araw na iyon, at maging ang itim na damit na kasalukuyan niyang suot.

hyperrealistic birthday cake

Screenshot from @sideserfcakes | Instagram

Manghang-mangha ang mga social media users sa cake na ginawa ni Natalie. Gayunman, sa comments section ng post ay sinabi niya na nagbibiro lamang siya at matagal na niyang ginawa ang cake na ito, “This is just jokes, friends! I made this cake a little while ago. No birthday cake for me this year. I’m taking a cake break today.”

Sa kabila nito, pinasalamatan pa rin siya ng mga taong napahanga niya. Anila, wala naman kaso kung kailan niya ginawa ang cake na ito dahil kahit pagbali-baligtarin pa ang mundo ay kamangha-mangha ang ginawa niya rito.

hyperrealistic cake

Continue Reading

Food

Meet ‘NUMBER 1′: Dunkin’ naglunsad ng unang service bot sa Pilipinas

Published

on

By

Ang Dunkin’ ay naglunsad nitong buwan ng Enero ng kanilang unang robot server na ang pangalan ay ‘Number 1’. Mayroon na nito sa mga branches nila sa Aurora, SM North EDSA, at Robinsons Nova upang magbigay serbisyo sa kanilang mga giliw na customers.

Siguro ay curious ka kung paano gumagana ang Number 1 service bot ng multinational coffee at doughnut company.

Una,  kailangan mong umorder at bayaran ito sa cashier.  Pagkatapos ng step 1 ay ay magtungo na sa table number na ipo-provide ng service crew sa iyo.

Kapag naihanda na ang iyong mga order ay dito ka na aasikasuhin ng service bot. Dadalhin nito ang mga inorder mo at kapag nakuha mo na ay babalik na ito sa area niyang pinanggalingan.

May mga natutuwa naman sa ‘Number 1’ launch, pero mixed emotions ang ilang netizens pagdating sa kanilang opinyon dito.

“I think they do this para iwas sa covid mga staff. Take note nakaremote control siya. I hope matapos na covid para ‘di na need ng mga ganitong robot kasi mahirap mawalan ng work,” ani ng isang netizen.

 

Ilan din namang netizen ang nalungkot dahil mas bababa daw ang bilang ng trabahador kapag dumani ang ganitong robot pang-serbisyo.

Bunsod nga sa pagdami ng kaso ng COVID sa ating bansa ay ramdam ng isang netizen na kaya daw ginawa ang service bot ay para na rin sa ikabubuti ng staff ng Dunkin’.

“Dapat hindi ito magtuloy-tuloy mababawasan ng employment sa bansa natin dami na nga yung employed, lalong mawawalan ng trabaho.”

“Isa naman ang mawawalan ng work dahil sa ganyan siguro mapapadali yung trabaho sa Pilipinas pero isipin mo kapag ganyan mas lalo lang dadami yung mga taong mawawalan ng work at magugutom. Syempre magugutom sila tpos ang ending nga naman eh kakapit sa patalim yung iba. Di naman masama na umunlad ung tech. natin kaso isipin naman yung mga taong need yung trabaho ayan na lang napapasukan ng ibang tao mawawalan pa dahil sa ganyan.”

Samantala, panoorin ang video na ibinahagi ng Dunkin.

Continue Reading

Trending