Connect with us

Food & Travel

Naabutan mo ba? Jollibee, unang nakilala sa pangalang ‘Jolibee’

Published

on

Marami na tayong natunghayang pagbabago sa kilalang fast food restaurant na Jollibee; sa hitsura ng kainan, sa mga gamit, sa mga pagkaing nawala na o muling nagbabalik, maging sa pagkakaiba ng hitsura ng mga mascot noon at ngayon. Ngunit kabilang ba sa iyong mga inabutan ang pangalan nito noon na “Jolibee”?

Hindi ka nagkamali ng nabasa. Hindi rin typographical error sa Jollibee ang iyong nakita. “Jolibee”, isang lamang ang letrang L sa pangalan nito noong una.

Jolibee poster via Filipiknow

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, marami ang  nagulat, nagtaka, at mayroon ding nagduda nang ibinahagi ng isang user ang poster ng Jollibee noong nagsisimula pa lamang ito. 

Kapansin-pansin na “Jolibee” (single L) at hindi Jollibee ang nakalagay sa lumang poster. May mga nag-akala na peke ang poster o ginaya lamang ng kainang ito ang Jollibee para makabenta. May mga nag-isip din na baka naman typographical error lamang ang nasa poster. Marami tuloy ang napa-research at may mga nagtanong pa sa kanilang mga magulang.

“Isa pa lang L niya noon. Since mas matanda si Jabi sa akin e nanay ko ang nakapansin. Bigla na lang may bubuyog ta’s dalawa na L noong umunlad na,” kuwento ng member na si Queenie Star Valera Duque.

Pero ano nga ba talaga ang mayroon? Bakit mayroong poster na isa lamang ang letrang L sa Jollibee gayong kahit saan kang branch pumunta at kahit anong advertisement ang tingnan mo ay dalawa talaga.

Ayon sa Filipiknow, tinawag muna itong “Jolibe” noong 1970s bago naging “Jolibee” sa kalaunan, hanggang sa naging Jollibee na matapos ang isang deliberate branding strategy.

Image via Jollibee | Facebook

Ikaw, inabutan mo ba ang mga pagbabagong ito? Naikuwento ba sa iyo ng mga nakatatanda? O ito ang unang beses na narinig mo ang tungkol dito?

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Food & Travel

Ilang McDonald’s branches pinalitan ng bikes ang mga upuan para i-promote ang pag-e-exercise

Published

on

mcdonald's bikes

Isa ka ba sa mga namomroblema sa iyong timbang ngunit hindi rin mapigilan ang cravings sa iba’t ibang fast food chain katulad ng McDonald’s? Pagkatapos bang umorder at kumain nang marami ay nabu-burn mo rin ba ang calories sa pamamagitan ng pag-eehersisyo? Sa China, mayroon nang mga McDonald’s branch na pinalitan ang kanilang mga regular seats ng stationary bikes.

Ang mga upuang ito ay hindi nakaligtas sa mga netizen na agad kumuha ng video para ibahagi sa social media. Isa sa mga ito ang nag-viral at nakakuha ng lampas 2.5 million na favorites at libo-libong shares sa TikTok.

mcdonald's bikes

Ayon sa statement ng McDonalds, layunin ng paglalagay nila ng Green Charging Bikes na bigyang-diin sa mga customer ang kahalagahan ng pag-eehersisyo sa bawat isa at i-promote ang “green behaviors” na makabubuti sa kalikasan. Sa kasalukuyan, nasa test run pa lamang ang mga ito at matatagpuan pa lamang sa dalawang lokasyon sa China.

“The Green Charging Bike is an in-restaurant experience, currently being tested at two locations in China, that is designed to inspire more green behaviors as customers enjoy their McDonald’s favorites,” saad nito.

“The bike generates electricity to power everyday devices like mobile phones and is a part of McDonald’s China’s ‘Upcycle for Good’ project. [It is] an initiative focused on creating products with plastic parts from recycled materials,” pagpapatuloy pa ng restawran.

mcdonald's bikes

Hati naman ang reaksyon dito ng mga social media user mula sa iba’t ibang panig ng mundo. May mga natuwa at humiling na sana ay magkaroon din ng ganito sa mga McDonald’s sa kanilang lugar. Mayroon naman nagsabi na parang wala naman itong epekto dahil mas marami raw ang calories na ini-intake kaysa sa binu-burn sa saglit lamang na pag-upa. May mga nagsabi rin na mas iniisip nila ang magiging epekto sa digestive system ng paggamit ng bikes na ito habang kumakain.

mcdonald's bikes

Ikaw, ano sa tingin mo?

Continue Reading

entertainment

Look: Manila StrEATfood Festival ginanap sa Mehan Garden

Published

on

Bilang suporta sa mga lokal na produkto, idinaos nitong Biyernes, Nobyembre 12, ang Manila StrEATfood Festival sa Mehan Garden.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Manila Public Information Office (MPIO) ang ilang larawang kuha ni K R De Asis kung saan makikita ang iba’t ibang streetfood na nakahiligan na kainin ng mga Pilipino katulad ng kwek-kwek, hotdog on stick, kikiam, at iba pa.

Mayroon ding mga rice meal na nagtatampok ng iba’t ibang putaheng kapares ng kanin. Dagdag pa rito, mamamataan din ang mga dessert at ang ilan sa mga ito ay hindi basta-bastang mabibili kung saan-saan.

Image via K R De Asis/MPIO

“Another event project brought to you by the City Government of Manila, through the efforts of the Bureau of Permits, Let’s Buy Local, Eat Local, Shop Local, and support our local entrepreneur,” saad ng tarpaulin na nakalagay sa venue ng nasabing event.

Sa comments section ng post, iba-iba ang naging reaksyon ng mga social media users.

May mga nanabik, nag-crave, at nagkayayaang pumunta. Ikinatuwa rin ng iba ang nasabing proyekto dahil nakapagbibigay daw ito ng pagkakataon sa mga produktong lokal at sa mga gumagawa nito na karamihan ay nagsisimula pa lamang sa food business.

May mga nagmungkahi rin na dagdagan pa ito ng mga pagkaing mas espesyal pa at may humiling din na sana ay magkaroon din ng performances.

Samantala, ang ilan ay nagpayo na dapat ay ibayong pag-iingat ang gawin dahil sa kasalukuyan ay mayroon pa ring pandemya.

Continue Reading

Food & Travel

Pink Beach sa Pilipinas isa sa Pinakamagandang Beach sa Buong Mundo.

Published

on

By




Ang Pilipinas ay kilala sa magagandang beaches sa buong mundo. Dinadayo ito ng mga torista galing sa iba’t ibang Bansa. Kahit saan ka sa Luzon,Visayas o Mindanao ma ipagmamalaki talagang mga beach. 



Pero, hindi lamang white fine sand beaches ang maipagmamalaki ng bansa, dahil ang baybayin din ay mayroong iba’t ibang kulay katulad ng golden yellow, itim, at kahit kulay pink.

Sa Great Santa Cruz Island sa southern coast sa Zamboanga, matatagpuan ang kulay Pink na buhangin. Ang kulay na ito ay nagmula sa mga durog durod na red corals o tinatawag din na organ pipe corals na humalo naman sa puting buhangin.



Dahil sa ganda na mayroong ito, tinampok ito ng National Geographic, isang international magazine na kilala dahil sa paksa nito sa heograpiya, kasaysayan, at kultura ng mundo. Hindi lamang iyan, dahil tinagurian din nila ang Pink Beach ng Zamboanga bilang isa sa “21 Best Beaches in the World.”

Isang international magazine na kilala dahil sa paksa nito sa heograpiya, kasaysayan, at kultura ng mundo (National Geographic) tinampok ang beach na ito. Tinagurian din nila ang Pink Beach ng Zamboanga bilang isa sa “21 Best Beaches in the World.”



Kung ninanais mo naman na makita ang pink na buhangin na mayroon sa Zamboanga, maaari kang mag-book ng flight patungong Manila hanggang Zamboang City.

From airport, maaari kang pumunta sa City Tourism Office sa Paseo del Mar. Sasakay ka din ng bangka patungo sa nasabing isla. 

Continue Reading

Trending