Connect with us

Inspiring

Pinay na dating yaya sa Hong Kong, may-ari na ng eskwelahan sa Canada ngayon

Published

on

Nagbunga ang pagsisikap ng isang Pinay overseas worker upang marating ang kanyang mga pinapangarap.

Ginawa niyang stepping stone ang pagiging isang nanny o yaya sa Hong Kong upang  makarating sa Canada upang doon muling makipagsapalaran. Hindi naman nagtagal ay nagtagumpay siya at nakapagpatayo ng sariling paaralan doon – ang AGA Academy.

Tubong Ilocos si Abby Villanueva at nakapagtapos siya ng education sa Don Mariano Marcos State University sa Ilocos Norte.

Sabi niya dalawang taon siyang naging yaya sa Hong Kong pero sinigurado raw niya na matutulungan siya ng kanyang employer na makarating sa Canada. Hindi naman siya nabigo dahil sinuportahan siya ng amo niyang babae upang  makarating doon.

Screenshot from OMNI Filipino video

 

“She hired me. Pero ang purpose ko talaga is to make sure na mabibigyan niya ako ng leverage  to improve my life in Canada. So, nag-nanny ako ng two years. After that, sinuportahan nila ako to get my open work permit and then after my permanent residency, nag-start na ako for a nonprofit organization,” sabi niya sa panayam sa kanya ng OMNI Filipino.

Tulad ng maraming OFWs, nakaranas din siya ng mga pagsubok sa Canada. Kinuwestyon pa raw niya ang sarili kung  tama ba ang desisyon niyang makipagsapalaran sa napakalamig na bansa.

“Sabi ko, ‘Why did I move here?’”

Screenshot from OMNI Filipino video



Sa kabila noon ay hindi siya sumuko kaya naman nasumpungan din niya ang pinapangarap na tagumpay.

Noong nakaraang taon, sa tulong ng dalawang kaibigan ay naitayo niya ang sariling eskwelahan na siya rin ang nagsisilbing presidente.

Kuwento niya, noong simula ang AGA Academy ay may isang estudyante lang at isang staff. Ang staff na iyon ay siya rin daw.

Image from AGA Academy

 

Pero mabilis ang pag-unlad ng paaralan dahil sa loob lang ng labindalawang buwan ay umabot na sa halos  900 ang mga nag-aaral doon.

Ngayong taon, designated bilang learning institution ng Immigration, Refugees, and Citizenship Canada ang AGA Academy kaya maaari na rin itong tumanggap ng mga international students.

May mensahe si Abby Villanueva sa mga taong nais marating ang tagumpay.

“If you fail, who cares. Do it again. Climb up the ladder. Do it again,” payo niya.

Image from AGA Academy

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

entertainment

Zia Dantes, kinagigiliwan ng mga netizens sa pagtulong sa gawaing-bahay

Published

on

By

Sabi nga ng mga matatanda habang bata pa ay turuan na ang mga anak sa gawaing-bahay upang sa paglaki nila ay madali na ito para sa kanila.

Sino ba naman ang hindi matutuwa sa mga batang maliliit pa lang ay natuturuan na ng mga house chores?

Katulad na lamang ng panganay na anak ng celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na marunong na palang maghugas ng plato.

Isang malakas na bulong ang maririnig sa camera, na parang sinusubukang makuha ang atensyon ng bata. Nang nakita na nagre-record ang nasa likod ay agad naman itong nagbigay ng isang magandang ngiti.

Sa ibinahaging video clip ng thedongyanatics sa Intagram, makikitang naghuhugas si Zia ng mga kubyertos. “Ang sipag naman!” saad sa caption.

Kaya naman maraming followers ang kinagigiliwan si Zia at nagkomento sa video clip nito.

“Wow marunong siya maghugas.”

“I salute to your parents ate Zia anak ng mayaman pero tinuturuan sa gawaing bahay.”

“Sipag naman ni Ate Z!”

“Nakakatuwa ka Maria Letizia, malinis, matalino, masipag, maganda, Manang mana sa MaMa Marian, Very good.”

“Nice! Good training, proud parents.”

Kinagigiliwan ng mga netizens ang celebrity kid dahil hindi lamang maganda ang bata kundi matalino at masipag pa! Talagang alagang mommy Marian ah!

Napakaresponsable at napakasipag ni Zia sa edad na 6 na taong gulang. Makikita talaga na maayos ang pagpapalaki ng mag-asawa.

Hindi lamang iyon; isa ring mapagmahal  na ate si Zia sa kanyang kapatid na si Ziggy.

Si Zia ay isa ring bibong bata at may talento rin ito!

Samantala, kinagiliwan rin si Zia sa bonding video nila ng kanyang amang si Dingdong.

Habang inaawit ang “Can’t Help Falling In Love”, mapapansin na pumipikit pa si Zia habang feel na feel nito ang pagkanta sabay sa pag-strum ng gitarang tinitipa ng kanyang ama..

“Sobra galing naman baby. Woooo cute!”

“Feel na feel ang pag sing ni ate Z very good!”

“Oh my God!! … you are so beautiful!! Just keep on singing!!”

“Very good ate Z,so smart and talented.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Team Dantes (@thedongyanatics)

Continue Reading

entertainment

Wagi! Pinoy artist napansin, pinadalhan ng autograph at souvenirs ni Michael Jordan

Published

on

By

Isang Filipino artist na naging viral sa paggawa ng artwork ng iconic na “Last Shot” ni Michael Jordan noong 1998 NBA Finals laban sa Utah Jazz ay nakaiskor lang naman ng malaking tagumpay mula sa kanyang idolo!

Ayon sa ulat  ni Oscar Oida sa GMA News “24 Oras”, ang naturang obra ay gawa ni Christian Oliver Talampas, isang self-taught pen at charcoal artist na sumikat sa TikTok noon Hulyo 2021.

Ayon kay Talampas,  72 araw/620 oras daw ang ginugol niya para matapos ang naturang obra.

Nag-viral ang video ni Talampas at agad naman itong nabigyang- pansin ng isang collector mula sa America na si Bryan Apadoca. Nakipag-ugnayan naman si Apadoca sa kampo ni Jordan para sa kanya.

“Hiningi ni Michael Jordan ‘yung original artwork ko dahil nagustuhan,” saad ni Christian. “Agad-agad sir pinadala ko agad talaga.”

Laking tuwa niya nang ibalik sa kanya ang kanyang obra na may autograph na ni Jordan. Ipinadala rin sa kanya ang larawan ni Jordan nang pumirma ito sa kanyang likha.

Maluha-luha ang artist nang binuksan niya ang ipinadala, sapagkat sino ba naman siya para mapansin nang ganun ng isang sports icon!

Sabi nga raw ng iba, hindi basta-basta nag-o-autograph ang Legend kaya naman ganoon na lamang katindi ang sayang nararamdaman ngayon ng ating artist.

Mapapa-sana all ka na lang talaga! Na parang naka-‘three points’ ka sa basketball.

Bukod sa autograph, nakatanggap din si Christian ng shirt at playing cards na ginamit mismo ni Michael Jordan.

“Ang hirap paniwalaan. Ang ine-expect ko nga, gusto ko sana picture man lang na hawak niya pero sobra-sobra ‘yung binigay niya,” aniya. “Sabi nila makakatulong daw ‘to sa career ko as an artist.”

Sinabi ng isang kolektor na ang pirma ni Michael Jordan sa isang sapatos pa lang ay nasa $15,000 na.  Ngunit para kay Christian, higit pa umano sa ano mang halaga ang kanyang kasiyahan. Sapat na raw na napansin ng kanyang idolo ang kanyang obra.

Hinimok rin niya ang iba pa na huwag mawalan ng pag-asa at patuloy na magtiwala sa sarili.

“‘Wag kayong mawawalan ng pag-asa na magtiwala sa sarili n’yo, na maniwala kahit wala nang naniniwala sa ‘yo,” ani Christian.

Panoorin ang buong video sa 24 oras;

Continue Reading

Inspiring

Talentado! Baguhang artist iginuhit sa resibo ang mga karakter ng pelikulang ‘Encanto’

Published

on

By

Wow! Umani ng paghanga ang isang baguhang artist dahil sa pagkakalikha niya ng work of art sa isang resibo.

Mas nakilala ang young artist na si Eldo Caspillo ng Maragondon, Cavite nang ibahagi ang kanyang likha ng Bayan mo, ipatrol mo; kung saan ay itinanghal nila ang pagguhit nito sa imahe nina Mirabel, Isabel at Luisa Madrigal ng pelikulang ‘Encanto’ gamit ang graphite at charcoal powder.

Ayon sa Bayan mo, ipatrol mo, unang beses pa lamang ni Eldo na gumuhit sa resibo at limang oras niyang nilikha si Mirabel. Pagkatapos ay sinunod na niya ang  dalawa pang kapatid nito sa kuwento na sina Isabela at Luisa.

“The Madrigal Sister | Encanto Luisa, Isabela and Mirabel Lapis sa resibo Skl po, hope y’all like it,” pagbabahagi naman niya sa kanyang Facebook wall.

Makikita na mahusay sa pagguhit si Eldo bagama’t ayon sa kanya ay one year pa lamang siya sa pagguhit.  Tunay na talentado!

Para kay Eldo, paborito niya ang karakter ng magkakapatid dahil maganda silang mga halimbawa sa mga manonood.

Samantala, siya ay sumali kamakailan sa isang paligsahan sa pagguhit at napabilang siya sa top 5. Masaya niya itong ibinahagi sa kanyang Facebook post at makikita rin sa page ng MangguGuhit.

“Top 5 “TRACES OF LIFE” Charcoal and graphite on vellum paper One Reference Challenge | Pro Category All Glory to God! Salamat po sa Group Page ng MangguGuhit sa opportunity na ito po,” saad niya sa kanyang caption

Ipinalabas ang Encanto ng Disney Studios noong Nobyember 2021.

Ang movie na encanto ay tungkol sa magkakapatid na Madrigal. Ang mga Madrigal ay isang pambihirang pamilya na nakatira sa mga bundok ng Colombia sa isang kaakit-akit na lugar na tinatawag na Encanto. Ang mahika ng Encanto ay biniyayaan ng kakaibang regalo ang bawat bata sa isang pamilya — bawat bata maliban kay Mirabel. Gayunpaman, maaaring siya na ang huling pag-asa ng mga Madrigal kapag nalaman niyang nasa panganib na ngayon ang mahika na nakapaligid sa Encanto.

Ang “Encanto” ay matagumpay na tinangkilik ng mga manonood na may iba’t ibang edad.

Panoorin ang Encanto trailer:

Continue Reading

Trending