Connect with us

OFW

Pinay nurse na babysitter sa Italy pinahanga ang mga Italians sa husay niya sa pag-awit

Published

on

Pinabilib ng isang Pinay nurse na nagtatrabaho sa Italy bilang isang babysitter ang mga Italyano sa galing niya sa pag-awit bilang isang busker.

Si Jenika Duran ay isang nurse dito sa Pilipinas na nagtungo sa Italy upang makapiling ang pamilya. Tulad ng maraming overseas Filipino workers, hindi rin niya nagamit ang propesyon niya  pagdating sa naturang bansa.

Karamihan umano sa mga OFWs doon ay caregiver, babysitter at domestic helper.

Dito po sa Europa, mahirap pong mai-practice ang iyong profession sa atin sa Pilipinas. Isang malaking desisyon po ang ginawa ko sa aking buhay na makapunta dito sa Italy, para makasama ko po yung buo kong pamilya, wika ni Jenika.

Screenshot from Jomari Ebora’s YouTube video

 

Sa tulong ng mga kaanak ay madali naman daw siyang nakapag-adjust sa bagong buhay sa ibang bansa. Mahirap daw sa una subalit makakasanayan din kalaunan.

Sa simula po, mahirap po talaga ang buhay sa Italy, lalo na ang panibagong lugar, panibagong mga tao. Sa tulong po ng pamilya ko at mga kaibigan, yung hirap na pinagdaanan ko noon, lahat ng iyak na pinagdaanan ko, na-survive ko po, kuwento niya.

Bukod sa pagiging babysitter ay suma-sideline siya bilang isang busker o street performer kasama ang isang italyanong gitarista na umaakampanya sa kanyang pagkanta.

Screenshot from Jomari Ebora’s YouTube video

 

Ganoon na lang ang paghanga sa kanya ng mga Italyano na mababakas sa lakas ng kanilang hiyawan at palakpakan na mapapanood sa YouTube video na kanyang ibinahagi. May couples pang napasayaw!

Hindi raw akalain ni Jenika na ganoon ang magiging pagtanggap doon sa kanyang talento sa pag-awit.

“Hindi ko po in-expect na ganito ang magiging pagtanggap ng mga tao sa akin at sa boses ko, at sobrang nagpapasalamat po ako. Sobrang saya ng puso ko,” aniya.

Screenshot from Jomari Ebora’s YouTube video



Pangarap raw talaga niya na maging isang mahusay na mang-aawit. Sa Katunayan ay sumali siya noon sa singing competition ng ABS-CBN na “I Can See Your Voice.”

Aniya, nais niyang maibahagi ang talentong ibinigay ng Diyos upang makapagpasaya ng maraming tao.

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Food

OFW sa Italy kumikita ng extrang P128K dahil sa pagtatanim ng gulay

Published

on

By

Sipag at tiyaga ang puhunan ng isang overeseas Filipino worker (OFW) sa Italy upang magkaroon ng extra income para sa pamilya.

Si Lino Gutierrez Mandigma ay nagtatrabaho sa Parma, Italy bilang isang domestic helper simula pa noong 1999 matapos niyang iwan ang pagiging isang guro sa elementarya sa Pilipinas.

Dala niya sa Italy ang pangarap niyang magkaroon ng sariling farm kaya sa maliit na espasyo sa kanilang tinitirhan ay nagtatanim siya ng mga gulay. Kalaunan ay nagrenta siya sa Italian government ng bakanteng lote na may sukat na 150 square meters na binabayaran niya ng 90 euros kada taon o katumbas ng P5,152.

Image from Lino Gutierrrez Mandigma

Halos lahat na yata ng gulay na nababanggit sa kantang “Bahay Kubo” ay mayroon sa kanyang hardin tulad ng talong, kamatis, sitaw, patola, upo, kalabasa, mustasa at luya. Mayroon ding petsay, gabi, kangkong, sili, saluyot, okra, kamote, malunggay, petsay, alugbati, letsugas at pipino.Ang amplaya raw ang pangunahing gulay na pananim niya dahil iyon ang pinakamabili sa mga kapwa Pinoy na nasa Italy. Kasunod ay ang bawang at sibuyas.

Naibebenta raw niya ang ampalaya at kangkong sa halagang 5 euros kada kilo o katumbas ng P290, samantalang ang upo ay 3 euros ang bawat piraso.

Image from Lino Gutierrrez Mandigma

Pinakamainam umanong magtanim sa Italy tuwing summer – mula Hunyo hanggang Agosto – dahil ang araw ay lumulubog halos alas-nuwebe na ng gabi. Kahit daw galing sa trabaho ay marami pa siyang oras para sa kanyang hardin.Noong summer 2020 ay umabot sa 2200 euros o P128,000 ang benta niya sa mga gulay na inani.

Ang klima doon kapag summer ay kahalintulad umano ng klima sa Pilipinas, Ang maganda raw sa Italy ay sagana ang water supply kaya walang problema sa pagdidilig.

Image from Lino Gutierrrez Mandigma

Ngayong malamig na ang panahon ay naging mas maganda ang mga bunga ng tanim niya dahil kakaunti lang ang mga insekto.

Sabi ni Lino, bukod sa karagdagang kita, nakatutulong daw ang pagtatanim upang maibsan ang homesickness.

Continue Reading

Trending