animals
Paniniwalang Pinoy: Ang mga paruparo at ang mga kaanak na namaalam na
Published
1 year agoon
By
Cha Echaluce
Ayon sa matandang paniniwalang Pinoy, ang mga paruparo na biglaang dumarating sa bahay o lumalapit sa tao ay kaluluwa ng mga yumaong mahal sa buhay.
Hanggang ngayon ay mayroon pa ring mga naniniwala sa misteryong iniuugnay sa mga paruparo at madalas napag-uusapan pa rin ng maraming Pilipino, katulad na lamang ng palitan ng kumento sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon.

Pabiro kasing sinabi ng admin na kapag may nakikitang paruparo ay iniisip na ng ibang Pinoy na ito ay kaluluwa ng isang mahal sa buhay na wala na sa atin.
Dito, ibinahagi ng Facebook users ang kanya-kanyang kuwento na may kinalaman sa nasabing paniniwala.
“Yes, I believe that butterfly is a sign na may kamag-anak o isang mahal sa buhay na pumanaw na,” pagsang-ayon ng Facebook user na si CL.
“Parang totoo ito kasi ‘pag may namatay na hindi mo pa alam, una mong makikita paruparo tapos may magbabalita na wala na si ganoon,” sabi naman ni L R.
Samantala, marami rin ang nagsabi na hindi lang naman sa kaluluwa naiuugnay ang paruparo. Wika nila, may iba’t ibang kahulugan ang paruparong bumibisita sa mga tahanan o sa tao at nakadepende raw sa kulay ang ibig sabihin nito sa buhay mo.
Kabilang ka ba sa naniniwala sa misteryong dala ng mga paruparo o isa ka sa mga naniniwalang nagkakataon lamang ang lahat ng ito?
You may like
animals
Aspin na nauutusang bumili sa tindahan, nagpabilib sa mga netizens
Published
2 months agoon
January 20, 2023By
Ron
Nagpaaliw at nagpabilib sa mga netizens ang isang aso na nauutusan ng kaniyang amo na bumili sa tindahan.
Marami ang humanga kay Epril, isang 4-anyos na aspin sa Nabunturan, Davao de Oro dahil marunong itong bumili bitbit lamang ang pera at nakasulat na mensahe.
Ibinahagi ng kaniyang furparent na si Langeleca Omasdang ang video kung saan inutusan niya si Epril na bumili ng gatas sa malapit na tindahan.
Isinabit lamang sa kaniyang collar ang plastic bag na may lamang pera at sulat kung ano ang bibilhin nito.
Makaraan ang ilang sandali ay bumalik na nga si Epril na bitbit naman ang kaniyang pinamili.
Biro naman ng mga netizens, paki-delete na raw ng video dahil baka makita pa ng kanilang nanay at sabihing mabuti pa ang aso dahil nauutusan at sumusunod. hahaha
Narito pa ang ilang reaksyon mula sa mga nakapanood:
“Buti pa ang aso nauutusan at hindi batugan tulad ng ibang 2 legged.”
“Isa na naman pong may silbi, di tulad ng mga nakatira sa bahay.”
“Nakakatuwa po yung gesture ni dogie na na train ng ganyan if totoo man yan. Pero hindi po advisable yan kasi pwede po malagay sa risk yung safety nya baka maaksidente po sa daan yan,unless kung nakasunod yung may ari.”
“Buti pa aso may silbi.. kapatid ko wala e … Hahaha.”
“Sikat naka epril deserve mo ng chimken.”
Turan naman ng ilan, tinuruan na rin lang daw si Epril na bumili, sana raw ay tinuruan na rin itong mangutang sa tindahan.
I-Click lamang ang imahe para mapanood ang orihinal na video:
animals
Stray dog na nakikikain lamang sa bahay ng animal rescue volunteer, nakatikim ng kaginhawaan
Published
4 months agoon
November 8, 2022By
Nami
Maraming netizens ang naantig sa ibinahagi ng isang Facebook user na si AngeL’z Dacillo sa Facebook group na ‘Dogs Lovers Philippines’ kung saan makikita sa larawan ang kanyang kinupkop na aso na nagngangalang Hanna.
“Halos buong buhay niya sa kalsada siya natutulog, sino ba naman ako para ipagkait sa kanya ang kaginhawaan kahit papano,” saad niya sa kanyang post.
Ayon sa ‘Pilipino Star Ngayon Digital,’ naglalakbay umano si Hanna ng ilang kilometro araw-araw upang makakain lamang sa bahay ni Maam Sonia, founder ng DARV (Davao Animal Rescue Volunteers)
Halos isang buwan umano niya itong ginagawa. Dahil sa kalagayan ng aso ay ni-rescue na lang ito ni Maam Sonia .
Kuwento ni Angel, nasa pangangalaga niya ngayon si Hanna.
Habang ginagamot umano ang aso dahil marami itong galis sa katawan, pansamantala muna itong ikinukulong sa cage upang hindi nito mahawaan ang ibang aso ni Angel.
“Sa ngayon nasa pangangalaga ko po siya. Actually naka-cage po talaga para kasi ginagamot pa siya at para hindi mahawan ‘yung ibang dogs ko.”
Binubuksan naman daw ni Angel ang cage ni Hanna kapag iihi or dudumi ito at bumabalik din pagkatapos, ngunit nagtaka ito nang hindi niya ito makita sa kanyang cage at kung saan saan pa niya ito hinanap.
Natagpuan na lamang ni Angel ang aso na nakahiga na sa kanyang kama. Dahil dama ni Angel ang pinagdaanan ni Hanna ay pinabayaan na lamang niya itong matulog nang mahimbing at makapagpahinga.
“Pag off ko inu-open ko lang ‘yung cage niya para makalabas at maka poop sya. Usually [pagtapos] niya gawin lahat ‘yun bumalik siya sa cage niya, nagtaka na lang ako ba’t wala siya sa cage niya hinanap ko siya kung saan saan nandon lang pala siya sa kama ko natutulog kaya hinayaan ku lang po siya kasi alam ko ‘yung pakiramdam na halos buong buhay siya sa kalsada natutulog sa semento or sa lupa,” dagdag pa nito.
Ilang netizen naman ang nagpasalamat sa kanya dahil sa pag-ampon nito kay Hanna.
“Thank you sa pagkupkop kay doggie, God bless you po.”
“You’re a good samaritan with her/him sila talaga ‘yung mga ‘di nang-iiwan at loyal sa atin treat them as a family.
“Sana lahat po katulad niyo mapagmahal sa alaga kasi may buhay din sila parang tao may pakiramdam nasasaktan din sila. Sana ituring natin silang kapamilya hanggang sa dulo ng buhay nila. More blessing po sa inyo. Godbless po.”
animals
From US with love: Fur mom Alexa sends help to stray animals rescued from PH streets
Published
7 months agoon
August 24, 2022By
Cha Echaluce
Certified animal lover and fur mom Alexa Ilacad might have been very busy working outside the country these days, but she never forgets her passion in supporting animals in need; sending a “generous amount” to an organization that rescues stray animals from the streets.
On Facebook, animal group Strays Worth Saving (SWS) uploaded the certificate of Alexa’s donation and expressed how grateful the organization is that the actress still made an effort to help stray animals in the Philippines despite being busy working abroad.
“SWS would like to thank Ms. Alexa Ilacad, who even in the USA busy with her work still manages to find time to help the rescues in need. From the bottom of our hearts, thank you and God bless!” read the caption of the photo it posted. “Please note that this is not the first time she donated for SWS rescues. Truly a beauty with a pure heart.”
[RELATED: Alexa spotted feeding stray cats outside a restaurant]
For years, the actress has been an active animal advocate participating in and holding different events for stray and rescued animals. She was even photographed while feeding stray cats outside the restaurant where she and her loved ones had their dinner.
Joining the reality show Pinoy Big Brother, animal group PAWSsion Project posted a statement expressing support for the actress, “We just want to share that prior to Alexa joining PBB, we got contacted by her mom asking for a video message to be shown to her as she’d always tell her mom that the reason why she works hard is so she can give back to the animals. She’s always tried in her own little ways to help strays and rescues, rescued and adopted a cat herself, even sang for our online benefit concert.”
It can be recalled that instead of spending a huge amount of fortune on a big, glamorous birthday party for her debut, Alexa celebrated her 18th birthday surrounded by more than 300 rescued animals at the Philippine Animal Welfare Society in 2018.
On her 22nd birthday last February 2022, she again celebrated with PAWSsion Poject, a Philippine-based non-profit organization dedicated to the rescue, rehabilitation and rehoming of animals in need is so thankful that she and her fans chose their org as recipient of their kindness.

#SosBolz House coming together! Solenn, Nico Bolzico ibinahagi ang kanilang dream home

Panoorin: Mahusay na rendisyon ni Maegan Aguilar ng ‘Anak’ nag-trending, hinangaan

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

Direk Lauren sa bagong direksyon ni Liza: ‘It’s her life’

Inang ibinalik ang unang suweldo ng anak, kinaantigan

Direk Lauren sa bagong direksyon ni Liza: ‘It’s her life’

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

Liza Soberano nagsalita na, ‘I’ve earned the right to finally be me’

Vicki Belo, Hayden Kho emosyonal sa 8th birthday post para kay Scarlet
