Connect with us

Food

Pinoy favorite: Kutsintang ipinapares sa taho ‘pag umaga, puwede rin sa meryenda atbp

Published

on

 


Isa ang kutsinta sa mga kakaning hindi pinagsasawaang kainin ng mga Pilipino. Sa almusal man o kahit anong oras pa iyan, may niyog man o wala, ang pagpili sa pagkaing ito ay tiyak na hindi pagsisisihan.

Hindi lamang sa taho maaaring ipares ang kutsinta; maaari rin itong gawing meryenda, masarap isabay sa kuwentuhan ng magkakaibigan, o isama sa simpleng “foodtrip” mo habang nanonood ng TV, nagbabasa, o anuman ang iyong ginagawa nang mag-isa.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, natakam ang marami sa litrato ng kutsinta na ibinahagi ng page admin. Anila, bukod sa masarap nitong lasa, may ibinabalik din daw itong mga alaala.


“Uy, puto at kutsinta na may peanut butter!” kumento ng social media user na si R. Donato. “Iyan lagi ang almusal ko noon bago ako pumasok sa school.”

“Iyan ang inaabangan ko roon sa daanan tuwing umaga! Siyempre, habang hinihintay binibilang ko muna ang mga tigpipiso kong barya,” pagbabalik-tanaw ni J. Tweentysix.

“Ang sarap, ano?” ani N. Pascual. “Ang sarap naman! Lalo na kapag makunat at mayroon kang iniinom na mainit na kape! Solved na ang meryenda, hindi ba?”



Pagbabahagi naman ni Corazon Pedraza,”Iyan ang pinagkakakitaan ko noon. Dahil dito, nagawa kong buhayin ang mga anak ko.”



Ikaw, mahilig ka rin bang kumain ng kutsinta? Ano ang paborito mong ipares dito para mas masarap ang kain mo? Ibahagi ang iyong perfect kutsinta combo sa comments section!

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Food

90s throwback: Ang old school Pretzel na baon mo lagi noon sa eskwela

Published

on

By

Katulad ng lasa nito, tumatak din sa mga “young once” ang disenyo ng old school packaging ng Jack ‘n Jill Pretzel.

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, binalikan ng maraming miyembro ang panahon kung kailan tila hindi kumpleto ang recess nila noong nasa elementarya kapag wala ang chocolate snack na ito. Paboritong baon, paboritong meryenda, at kadalasan ay paborito ring hilingin bilang pasalubong mula sa mga magulang nila. Sino nga ba ang hindi makaaalala sa pakete ng pagkaing naging malaking bahagi ng makulay niyang kabataan?

Image captured from Facebook

“Elementary days,” saad ng group member na si Y. Delios sa caption ng litrato ng old packaging ng Pretzel na ibinahagi niya.

“Favorite! Kailangan may baong Pretzels, lalo na ‘pag field trips,” kumento ni V. Custodio.

“‘Pag sahod ni Papa, ito ang baon ko plus Chuckie. ‘Pag wala pang sahod, Zest-o muna plus Lemon Square Cheesecake! Hahaha,” pagbabalik-tanaw ni K. Guillermo.

Image captured from Facebook

“‘Yan talaga ang gusto ko noon,” wika ni K. Diego. “Ginugupit ko pa iyong likod para may laruan ako.”

Kuwento naman ni D. Señeres, “Noong panahon ko, big time ka sa mga kalaro mo ‘pag meron ka nito.”

Image captured from Facebook

At dahil sobrang popular at madalas tawaging “pang-mayaman”, maging sa exchange gifts daw ay ibinibigay ito bilang regalo; at talaga namang naghahatid ng tuwa sa makatatanggap. Hay, simple lamang talaga noon ang lahat!

Gayunman, bagama’t ibang-iba rito ang disenyong nakalagay sa bagong packaging, tiniyak ng Jack ‘n Jill na ang lasa ng nasa loob nito ay ang parehong lasa na minahal ng napakaraming bata noon.

“A snack that never grows old, Jack ‘n Jill Chocolate Pretzels, now comes in a hip new packaging. This yummy treat offers the same choco goodness for fun snacking experience that both parents and kids can enjoy together,” saad sa website ng Universal Robina Corporation.

Ikaw, nami-miss mo rin ba ang lumang packaging o mas gusto mo ang bago nitong disenyo?

Continue Reading

Food

OFW sa Italy kumikita ng extrang P128K dahil sa pagtatanim ng gulay

Published

on

By

Sipag at tiyaga ang puhunan ng isang overeseas Filipino worker (OFW) sa Italy upang magkaroon ng extra income para sa pamilya.

Si Lino Gutierrez Mandigma ay nagtatrabaho sa Parma, Italy bilang isang domestic helper simula pa noong 1999 matapos niyang iwan ang pagiging isang guro sa elementarya sa Pilipinas.

Dala niya sa Italy ang pangarap niyang magkaroon ng sariling farm kaya sa maliit na espasyo sa kanilang tinitirhan ay nagtatanim siya ng mga gulay. Kalaunan ay nagrenta siya sa Italian government ng bakanteng lote na may sukat na 150 square meters na binabayaran niya ng 90 euros kada taon o katumbas ng P5,152.

Image from Lino Gutierrrez Mandigma

Halos lahat na yata ng gulay na nababanggit sa kantang “Bahay Kubo” ay mayroon sa kanyang hardin tulad ng talong, kamatis, sitaw, patola, upo, kalabasa, mustasa at luya. Mayroon ding petsay, gabi, kangkong, sili, saluyot, okra, kamote, malunggay, petsay, alugbati, letsugas at pipino.Ang amplaya raw ang pangunahing gulay na pananim niya dahil iyon ang pinakamabili sa mga kapwa Pinoy na nasa Italy. Kasunod ay ang bawang at sibuyas.

Naibebenta raw niya ang ampalaya at kangkong sa halagang 5 euros kada kilo o katumbas ng P290, samantalang ang upo ay 3 euros ang bawat piraso.

Image from Lino Gutierrrez Mandigma

Pinakamainam umanong magtanim sa Italy tuwing summer – mula Hunyo hanggang Agosto – dahil ang araw ay lumulubog halos alas-nuwebe na ng gabi. Kahit daw galing sa trabaho ay marami pa siyang oras para sa kanyang hardin.Noong summer 2020 ay umabot sa 2200 euros o P128,000 ang benta niya sa mga gulay na inani.

Ang klima doon kapag summer ay kahalintulad umano ng klima sa Pilipinas, Ang maganda raw sa Italy ay sagana ang water supply kaya walang problema sa pagdidilig.

Image from Lino Gutierrrez Mandigma

Ngayong malamig na ang panahon ay naging mas maganda ang mga bunga ng tanim niya dahil kakaunti lang ang mga insekto.

Sabi ni Lino, bukod sa karagdagang kita, nakatutulong daw ang pagtatanim upang maibsan ang homesickness.

Continue Reading

business

Negosyong kumikita ng P178K a month nagsimula sa puhunang P4K na galing sa ayudang natanggap

Published

on

By

Ang mag-partner na sina Kremie at Jessie ay kumikita na ngayon ng P178,000 kada buwan dahil sa negosyong sinimulan sa maliit na puhunan sa kasagsagan ng pandemya.

Apat na libong piso lang ang starting capital nila na nanggaling pa sa ayuda na kanilang natanggap.

Kuwento ni Kremie, dahil naapektuhan ang pagtatrabaho nila ay nagsimula silang gumawa ng mga frozen dimsum para magkaroon ng kita. Iniaalok lang nila ang mga ito sa mga kaibigan at kamag-anak. Nagpo-post din sila sa iba’t ibang Facebook groups upang ipakilala ang produkto nila.

Aniya, hindi rin naging madali ang pagbebenta ng mga dimsum dahil madalas silang maikumpara sa mga sikat na brands. Kesyo baka hindi raw masarap. Ang laging ikinakatwiran ni Kremie ay “to taste is to believe.”

Image via Wok It Out

Bukod sa frozen dimsum ay tumatanggap na rin sila ng orders para sa cooked dimsum.Kaya naman unti-unti ay dumami na ang mga orders. Kung noon ay 2 kilos a day lang ang naibebenta nila, ngayon ay umaabot na sa 40 kilos kada araw. Mayroon na kasi silang ilang branches ng itinayong Wok It Out restaurant.

Dahil isang master dimsum chef ang partner na si Jessie ay gumawa sila ng iba’t ibang klase ng dimsum na pumatok naman sa mga customers.

Image via Wok It Out

Isa sa mga mabentang produkto nila ay ang xiao long bao na tinatawag ding soup dimsum dahil may sabaw iyon sa loob.

Ayon kay Jessie, simple lang ang paggawa ng pork xiao long bao. Kailangan lang balutin sa dimsum wrapper ang pork giniling at frozen pork broth. Ang frozen pork broth ang sikreto kung paano nagkakaroon ng sabaw ang xiao long bao. Pagkatapos ay maaari na itong i-steam.

Sa simula ay kumikita sila ng P1,000 a day, pero ngayon umaabot na ito sa humigit-kumulang P178,000 kada buwan.

Image via Wok It Out

Nakabili na rin sila ng sariling bahay at naipagpatayo ng bahay ang mga magulang ni Jessie sa probinsya.

Natulungan din nila ang kanilang mga empleyado na makabili ng sarili nilang motorsiklo.

Sa maliit na puhunang P5,000 ay puwede na rin daw ang kahit sino na maging reseller sa ilalim ng kanilang distributors. P50,000 naman ang puhunan sa mga nais maging distributor.

Image via Wok It Out

Ang payo niya sa mga nagsimula ng negosyo na huwag mag-alala kung may araw na mahina ang kita dahil normal daw ang ups and downs sa anumang uri ng negosyo.Tiniyak ni Kremie na mabilis na mababawi ang ipupuhunan dahil mabenta ang kanilang dimsum.

Ang kailangan lang daw gawin ng mga negosyante ay siguruhin na mararamdaman ng mga cusrtomers na sulit ang ibinabayad nila sa biniling produkto.

Screenshot from GMA video

Continue Reading

Trending