Connect with us

environment

Problema kung saan idi-dispose ang mga used face shields? Sagot ‘yan ng ‘The Plaf’

Published

on

Image from The Plaf


Malaking problema ng bansa ang plastic pollution. Katunayan isa ang Pilipinas sa mga bansang pinagmumulan ng malaking bahagi ng marine plastic pollution o mga plastic wastes na napupunta sa karagatan.

Batay sa isang pag-aaral na ginawa noong nakaraang taon, ang Pilipinas ay gumagamit ng 60 billion pieces ng plastic sachets every year.

Ang problema natin sa basurang plastic ay nadagdagan pa nang ideklara na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield. Sa katunayan ay nanawagan ang isang mambabatas sa mga local government units na mag-organisa ng plastic waste drive upang matiyak na maidi-dispose nang maayos ang mga patapong face shields.

Image from The Plaf

Mabuti na lang at may mga organisasyon o grupo tulad ng The Pink Flamingo (The Plaf) na nangongolekta ng plastic wastes upang gawing mga produkto na mapakikinabangan.

“Face shields? Mine please,” tweet ng The Plaf kamakailan lang.

Sino ba ang The Plaf?

Ito ang sabi nila sa kanilang Facebook page:

“The Plastic Flamingo,or more commonly known as The Plaf,is a social enterprise that aims to tackle marine plastic pollution in the Philippines. We collect plastics through our partners, compensate for plastic footprint, educate the community through webinars, and transform collected plastics into eco-lumbers.”

Image from The Flap


Mula nang itinatag ang The Plaf noong 2018 hanggang sa kalukuyan ay nakakolekta na ito ng libo-libong tonelada ng mga basurang plastic mula sa mga collection points sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.

May factory na sila ngayon ng eco-lumbers na maaaring gamitin sa bakod, upuan at sahig. Nakabuo na rin sila ng mga bahay na matibay kontra sa mga kalamidad gamit ang eco-lumbers.

Tumatanggap ang The Plaf ng mga donasyong plastic wastes. Kailangan lang hugasan ang mga iyon at patuyuin bago dalhin sa mga collection points o sa kanilang warehouse na matatagpuan sa Block 6 Building 2 National Road, 1 Tepaurel Compound, Putatan, Muntinlupa City.

Image from The Plaf

Makiisa sana tayong lahat sa pagsisinop ng mga plastic wastes.

 

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

environment

Dahon ng Avocado nakatutulong para sa mga taong may ASTHMA

Published

on

By

Ang pagkakaroon ng asthma ay isang bagay na hindi dapat ipinagwawalang-bahala, dahil ito ay nakaaapekto sa airway ng isang tao na possibleng maudlot ito at hindi na makahinga.  Kadalasang ipinapayo ng mga eksperto pag meron kang asthma ay ang pag-iwas sa mga triggering factors ng asthma gaya ng pag-iwas sa allergens. Ayon din sa kanila, kung ang tao ay mayroon nang asthma, hindi na daw ito gagaling pero ang sintomas nito ay puwedeng puwedeng makontrol.

 

 

Kaya naman ang mga taong may asthma ay kinakailangang magpasuri sa doctor upang matulungan kung ano-ano ang mga gagawin dahil iba iba ang triggering factors ng asthma.

 

 

Pero alam mo ba na ang dahon ng Avocado ay nakatutulong upang maiwasan ang pag-atake ng asthma?

 

 

Papaano nga ba ito gawin? Napakadali lamang.

1. Maghanda ng 6 na dahon ng avocado, malinis na tubig at isang kaldero.

2. Hugasang mabuti ang mga dahon at ilagay sa kaldero

3. Salinan ito ng tatlong basong tubig.

4. Isalang na at takpan ang kaldero. Hayaang kumulo.

5. Kapag ito ay kumukulo na, marahang buksan ang takip at i-off na ang kalan.

6. Tanggalin ang dahon ng avocado sa kaldero gamit ang tong.

7. Ilagay ang napakuluang tubig sa isang baso o tasa.

 

 

Maaari itong inumin bago matulog sa gabi. Sa ganitong paraan maiwasan ang pag-atake ng asthma.

Hindi lang asthma ang puwedeng matulungan nito. Maging ang mga taong may sakit sa bato at ulcer ay puwedeng matulungan nito. Mayaman din ito sa protina, fiber, potassium, iron, magnesium, zinc, calcium at phosphorus.

Kung walang diabetes, maaari itong lagyan ng honey para sa masarap na lasa.

 

Continue Reading

Trending