Connect with us

Health

Nostalgia: Sebo de Macho, ang old school na lunas sa peklat ng batang Pinoy

Published

on

Bahagi na ng kabataan ang paglilikot at paglalaro, kaya naman hindi na rin maiaalis ang mga hindi inaasahang pangyayari katulad ng pagkadapa at pagkakaroon ng mga sugat. Wala pang gadgets noon kaya’t kadalasang sa labas ng bahay nagkikita’t naglalaro ang mga bata.

 

Mabuti na lamang at mayroong mga lunas para sa peklat, o ang marka na iniiwan ng sugat. Isa ang Sebo de Macho sa mga gamot na madalas gamitin ng mga magulang para sa kanilang mga anak.

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, binalikan ng mga miyembro ang mga sandali kung kailan naging epektibo ang remedyong ito para hindi mag-iwan ng bakas ang sugat sa kanilang balat.
Inalala rin ng iba ang mga hindi nila malilimutang gunita na may kinalaman dito.

“Binigyan ako ng lola ko nito kasi madami akong peklat sa binti dahil sa kagat ng lamok,” ani T. De Jesus.

“Effective. Ginamit ko noong nagka-chicken pox ako noong fourth year high school,” kuwento ni E. Martinez.

“I still use it up to now, even if I live abroad. I make sure I have enough supply that can last for a while,” kumento ng miyembrong si E. Petfield.

Pagbabahagi naman ni N. Magnaye, “Noong bata pa ako, marami akong peklat. Every day, nilalagyan ako ng nanay ko nito…alaga ang legs kasi babae, then panganay. kapag panganay kasi super alaga. Haha! Sa tiyaga ng nanay ko, nawala naman.”

Natulungan ka rin ba noon ng Sebo de Macho? Dahil ba sa old school na remedyo na ito ay lumaki kang makinis ang balat kahit pa paulit-ulit kang nadadapa at nagkakasugat noon?

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Health

Dahon ng tanglad nakapagpapalakas ng resistensya

Published

on

By

Sa paningin ng iba ang halamang tanglad ay pangkaraniwang damo lamang. Ngunit alam mo bang espesyal ang damong ito?

Ano ang tanglad o lemon grass?

Ang tanglad ay isang mabangong damo na karaniwang ginagamit na pantanggal sa lansa ng mga pagkain. Kilala rin ito bilang sangkap sa paggawa ng tsaa. Ang mga dahon nito’y pahaba at napalilibutan ng maliliit na tusok-tusok. Orihinal na nagmula ang halaman sa bansang Sri Lanka, India at isla ng Java, ngunit ito’y karaniwan na ring pananim sa mga taniman sa Pilipinas.

Popular ang halamang ito sa rehiyon ng Southeast Asia dahil sa iba-ibang gamit nito. Ginagamit mang pampabango at pampasarap sa pagkain ang tanglad, mahalagang malaman din natin na pinalulusog din nito ang mga kumakain. Ito ay ayon sa mga pag-aaral sa halamang ito na may scientific name na Cymbopogon citratus at kilala rin bilang lemongrass.

Tradisyunal sa mga pinoy na gumamit ng tanglad bilang sahog sa pagluluto dahil sa taglay nitong bango at pampalasa. Ang puting bahagi ang kadalasang hinihiwa nang pino at hinahalo sa lutuin dahil malambot ito kumpara sa berdeng parte.

Karamihan sa mga nagluluto ay sinasahog ang buong bungkos ng tanglad para tumingkad pa ang lasa ng  iba’t ibang putahe.

Ngunit may benepisyo rin palang hatid sa atin ang dahon ng tanglad at hindi lang basta pampagana sa ating pagkain.

Katulad ng kalamansi, luya at iba pang mga halamang gamot, ang tanglad ay nagbibigay resistensya din pala para sa ating pangangatawan.

Ngayong 2022 mas patibayin at palakasin pa natin ang ating resistensya laban sa mga sakit at virus na kumakalat.

Sa programang KMJS o Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) ay ibinahagi ni  Annie ang benepisyo ng tanglad. Si Annie Rose Cane ng Bayugan City, Agusan del Sur,  ay may mahigit 2.5 hektarya na taniman ng tanglad.

“Ang intensyon po namin noong una for food seasoning lang po, tapos ayun may bumalik sa amin na bibili nun,” sabi ni Annie

Ang purpose lamang talaga nila daw ay pansahog lamang ang mga tanglad nila hanggang sa lumaon ay naisip nila na puwede pala itong gawing tsaa.

Kada tatlong buwan ay kanila itong inaani at inilalagay sa distiller upang makuha ang katas nito at ginagawang tanglad juice.

Ang kanilang inaaning tanglad o lemongrass ay kanilang kinukuhanan ng katas o hydrosol at ginagawang inumin.

“Pag-inuubo po ako o sinisipon o kahit po lagnat iniinom ko po ang tubig ng tanglad pampawala ng sakit ko,” aniya.

Kapag nagkakasakit umano siya tulad ng ubo o sipon, ang tubig na pinaglagaan ng tanglad daw ang kaniyang iniinom at gumiginhawa na ang kaniyang pakiramdam.

At kahit sa bahay, maaaring makagawa ng tanglad juice sa pamamagitan ng pagpapakulo ng dahon nito. Pero hindi dapat patagalin ang pagpapakulo upang hindi mawala ang nutrients ng halaman.

Ayon kay Algy Bacla, certified naturopathic practitioner, “70 hanggang 80 percent ng essential oil na galing sa tanglad ay may citral.”

Batay umano sa mga pag-aaral, ang citral ay maraming benepisyo tulad ng pag-prevent ng impeksyon, ng mga bacteria, nagpapalakas ito ng lungs at immune system.

Paglilinaw ng mga eksperto,  ang tanglad ay hindi gamot sa Covid-19 pero nakatutulong ito sa pagpapalakas sa resistensiya ng katawan na mahalaga lalo na sa panahong ito ng pandemya.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Tanglad?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang tanglad ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan. Taglay ng sariwang dahon ng tanglad ang ilang uri ng langis gaya ng lemongrass oil, verbena oil, at Indian Molissa oil. Mayroon din itong methyl heptenone at terpenes. Ang dahon at ugat ay makukuhanan din ng alkaloids, saponin, a-sitosterol, terpenes, alcohol, ketone, flavonoids, chlorogenic acid, caffeic acid, p-coumaric acid at sugars.

 

Panoorin ang KMJS feature:

Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Mediko.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.

Continue Reading

business

Unilab, itinangging iniipit ang stock ng mga gamot; ‘di rin umano nagtaas ng presyo

Published

on

By

Itinanggi ng Unilab na iniipit nila ang stock ng kanilang produkto sa gitna ng nagkakaubusang gamot sa mga botika dahil sa dami ng nagkakaroon ng sipon, ubo at trangkaso.

Sa isang pahayag na inilabas ng pharmaceutical company, pinasinungalingan nito ang diumano’y kumakalat na tsismis tungkol sa pagho-hoard nila ng gamot at pagtataas ng presyo nito.

“We refer to rumors circulating that Unilab is withholding stocks and increasing the prices of Biogesic, Bioflu, Neozep, Solmux and Decolgen, which allegedly caused the out of stock situation in drugstores,” anang Unilab.

“The rumor is NOT TRUE. Unilab has not increased the prices of these brands,” giit ng kompanya.

Nilinaw din ng Unilab na ang pansamantalang pagkaubos ng mga naturang gamot sa mga botika ay sanhi ng ‘extraoridnary high demand’ ng mga produktong panlunas sa ubo, sipon at trangkaso sa ilang bahagi ng bansa.

“We continue to manufacture and have in fact increased the manufacturing volume of these products toserve the extraordinary demand,” dagdag pa nito.

Nakiusap rin ang Unilab sa mga tao na iwasang maniwala agad sa mga ‘fake news’ at ilang impormasyong nababasa at lalong iwasang ipasa ito sa iba upang hindi dahilan ng panic at pagkalito.

Bilang ng mabibiling gamot limitado na

Kung magugunita, naglabas na ng direktiba ang gobyerno na naglilimita sa bilang ng mga nasabing gamot na maaaring bilhin ng mga tao.

Sa listahang inilabas ng Malakanyang kamakailan, nakasaad dito na ang paracetamol tablet na 500mg ay maaari lamang mabili ng hanggang 20 piraso kada indibidwal o 60 piraso bawat household.

BASAHIN: Bilang ng mabibiling paracetamol at iba pang gamot, nilimitahan  na

Ganito rin ang itinakdang limitasyon para sa phenylephrine hydrochloride na 10/20/500mg tablet at carbocistine 500mg capsule.

Bukod dito, ipinagbabawal na rin ang online selling ng mga nabanggit na gamot.

Nakatakda ring magsagawa ng compliance monitoring kapwa ang Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) upang matiyak na masusunod ang nabanggit na direktiba.

Continue Reading

Health

Gobyerno gagastos ng P1.4-B kada araw para sa libreng mass testing – Duque

Published

on

By

Para kay Health Sec. Francisco Duque III, lubhang malaki ang gagastusin ng gobyerno kung magsasagawa ng libreng mass testing na maaaring ilaan na lang sa mas mahalagang bagay.

Ginawa ng kalihim ang pahayad sa gitna ng mga panawagang gawing libre ang COVID mass testing ng mga tao lalo pa’t patuloy ang pagtaas ngayon ng kaso sa bansa.

Imahe mula sa The Straits Times

Nauna nang sinabi ni Duque sa isang panayam na ‘imposible’ magawa sa Pilipinas ang mass testing lalo’t hindi naman daw ito ganun kaepektibo gaya ng ginagawa sa Estados Unidos.

Ibinahagi rin ng kalihim ang pag-aaral na isinagawa ng medical journal na The Lancet kung saan nasasaad ditong ang pagtest sa 5 porsiyento ng populasyon ay nakapagpababa ng risk ng 2 porsiyento lamang.

“Ipagpalagay na natin 5 percent of the population, 100 million, five million, divided by seven, that is 700,000 tests per day at 2,000 pesos per test, that is P1.4 billion a day, that is P14 billion per 10 days, P42 billion in one month,” paliwanag ng opisyal.

Imahe mula sa DOH

Dahil dito, mas makabubuti raw na ilaan na lamang naturang pera sa mas importanteng bagay gaya ng benepisyo para sa mga health workers.

“My God, i’d rather put that money for my healthcare worker benefits, for ayuda in communities doing granular lockdowns, that is the way to put huge sums of money in better use,” dagdag pa ni Duque.

Gayunpaman, bukas naman daw ang DOH sa na muling pag-aralan ang kasalukuyang presyo ng RT-PCR test upang mas mapababa pa ito.

Imahe mula sa PNA

Sa kasalukuyan kasi, umaangal ang mga tao sa presyo ng RT-PCR test na naglalaro sa P2,400 hanggang P2,800 sa pampublikong laboratory at P3,400 hanggang P4,000 naman sa mga pribadong laboratory.

Bukod dito, gagawin ding umanong prayoridad ang testing ng mga health care workers, senior citizens at yaong may mga comorbidities.

Continue Reading

Trending