Connect with us

entertainment

Squid Game Season 2 niluluto na

Published

on


Pumatok nang husto sa mga Netflix afficionado ang survival drama series na Squid Game na unang inilabas noong buwan ng Setyembre 17, 2021 at mabilis na naging isa sa mga most popular shows ng online streaming service provider.

Umikot ang istorya nito sa isang paligsahan kung saan itinaya ng 456 players, na lahat ay baon sa utang (maliban sa isa), ang kanilang buhay para sa pagkakataong mapanalunan ang 45.6 billion won.

Sa isang red carpet event para sa serye na ginawa sa NeueHouse sa Los Angeles, California, kinumpirma ni Hwang Dong-hyuk, ang director, creator at writer ng naturang nine-episode Korean thriller, na tiyak na magkakaroon iyon ng Season 2.


There’s been so much pressure, so much demand and so much love for a second season. So I almost feel like you leave us no choice! But I will say there will indeed be a second season, pahayag niya.

May ideya na umano siya tungkol sa season 2 subalit hindi pa niya alam kung kailan at paano iyon sisimulan. Pero tiniyak niya na muling magbabalik ang main character ng serya na si Seong Gi-hun na ginampanan ng aktor  na si Lee Jung-jae.


“I have a rough idea about it but I think it’s too early to say when or how specifically. But I can promise you this — Gi-hun will come back and he will do something for the world, aniya.

Sinabi naman ng tagapagsalita ng Netflix na may nagaganap nang usapan hinggil sa Season 2 ng Squid Game, pero hindi pa iyon kumpirmado.

Samantala, sa ibang panayam, nabanggit ni Hwang Dong-hyuk na ang naging basehan ng Squid Game series ay ang hirap na naranasan ng pamilya niya noong 2009, kung kailan apektado ng global financial crisis ang South Korea.



Aniya, ang pangalan ng ilan sa mga main characters ay ibinase niya sa mga pangalan ng mga childhood friends niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

entertainment

Lolit Solis pinuri si Jugs Jugueta sa pagbibigay-linaw nito sa usaping ‘power tripping’ ni Vice sa “It’s Showtime”

Published

on

By

Pinuri ni Lolit Solis ang pagkomento ni Jugs Jugueta sa kanyang post tungkol sa diumano’y “power-tripping” ni Vice Ganda sa noontime program ng ABS-CBN na “It’s Showtime” kung saan ang mga host ng show daw ay  nagkakaproblema sa kanya.

Kamakailan ay nagpost si Lolit sa social media na may power tripping daw si Vice Ganda sa programang “It’s Showtime”, according sa kanilang source.

Aniya, “Medyo alarming Salve iyon mga balita na nagpa power tripping si Vice Ganda. Balita na parang siya na ang nagpapa takbo ng Showtime, siya na ang nasusunod sa lahat ng galawa ng programa. Marami pang horror story na kumakalat sa pagbabago daw ng ugali ni Vice Ganda, at parang marami narin mga tao ang nasasaktan sa mga ginagawa daw nito…”

Agad namang ipinagtanggol ang IS host ng kasamahan nito sa noontime show na si Jugs Jugueta sa pamamagitan ng pagkokomento sa nasabing IG post ni Manay Lolit.

“Hanap po kayo ng bago ninyong source na Maritess, Tita… MASAYANG MASAYA PO KAMI SA SHOWTIME NGAYON!!!! Peace be with you and happy new year!” 

Matapos basahin ang komento ni Jugs, nagpasalamat si Lolit sa pagtutuwid nito sa kanyang nakalap na tsika at sa pagbabahagi ng katotohanan. Sabi ng talent manager, sana lahat ng celebrity na naisusulat nila, tulad ni Jugs,  ay may oras para ituwid iyong mga nabasa nila.

Ibinahagi ni Lolit sa kanyang Instagram acount ang pag-appreciate at pasasalamat kay Jugs.

“Appreciate ko iyon comment ni Jugs sa IG post ko about Vice Ganda, Salve. Sabi niya, hindi totoo ang mga kumakalat na balita na marami ang discontented dahil sa mga nagaganap na power tripping sa Showtime,” saad ni Lolit.

Ipinahayag din niya ang kanyang kasiyahan na maayos naman pala ang lahat sa mga host ng Kapamilya show.

“Dapat talaga na maging maganda ang samahan nila dahil araw araw silang magkasama, dapat para na silang magkakapatid. Sana lahat ng celebrity tulad ni Jugs may oras para ituwid iyon nabasa nila, mas appreciate namin iyon. Puwede naman kasi na mali ang information na nakuha namin, at puwede naman itong ituwid. Thank you Jugs for your time. Appreciate much!”  dagdag pa niya.

 

Basahin: Jugs sinagot ang post ni Lolit Solis tungkol sa umano’y power tripping ni Vice sa ‘It’s Showtime’.

Continue Reading

entertainment

Baby Shark, ang unang video na umabot sa 10 billion views sa YouTube

Published

on

By

Gumawa ng kasaysayan ang video ng children song/dance craze na Baby Shark bilang kauna-unahang video na nagkaroon ng 10 billion views sa YouTube.

Mas marami pa ang views nito kaysa sa populasyon sa buong mundo na wala pang 8 billion.

“The catchy sing-along by Pinkfong was first uploaded in 2016, becoming the most viewed children’s music video on YouTube, before surpassing Luis Fonsi’s ‘Despacito’ in 2020 as the most viewed music video on YouTube and the most viewed video on YouTube overall,” ayon sa pahayag ng Guinness World Records.

Si Hope Segoine, na noon ay 10 years old pa lang, ang kumanta ng Baby Shark noong 2016. Umabot lang ito noon sa number 32 sa US Billboard Hot 100 at No. 38 naman sa Global 200.

Pero nag-viral ito sa Indonesia at South Korea at mabilis na kumalat ang popularidad sa buong Asya at iba pang bansa noong 2017.

Mas lalo pang naging sensational ang dance craze nang nagtanghal nito ang BlackPink.

Sinabi ng Guinness World Records na kung ang 10 billion views ng video ay panonoorin nang sunud-sunod ay aabutin ito ng 41,095 years para matapos.

Noong 2020 ay nalampasan ng Baby Shark ang YouTube views ng “Despacito.”

“We are delighted to announce that our beloved Baby Shark has recorded another remarkable milestone. It has been a truly meaningful journey to witness how Baby Shark has connected people around the world, and we can’t wait to introduce Baby Shark’s further adventures that will bring unparalleled experiences to even more fans everywhere,” ayon kay Min-seok Kim, ang CEO ng “Baby Shark” creator na The Pinkfong Co.

Kasunod na kasikatan ng Baby Shark, ginawan ito ng Nickelodeon ng TV series noong 2021 – ang “Baby Shark’s Big Show.” Nagkaroon din ito ng live tour noong 2019.

Kamakailan  lang ay inanunsyo ng Nickelodeon na gagawan nito ng pelikula ang Baby Shark.

Continue Reading

celebrities

P500K buwanang sustento ni Gretchen kay Claudine naudlot? “‘Di nasunod ang gusto ni Gretchen” – Ogie

Published

on

By

Nanghihinayang sina Ogie Diaz at ang kaniyang co-host na si Mama Loi sa sustento umano dapat ni Gretchen Barretto sa kaniyang kapatid na s Claudine na hindi na raw natuloy.

Sa kuwentuhan ng dalawang host  sa “Ogie Diaz Showbiz Update” nitong Miyerkules, Enero 19, napag-usapan nila ang tungkol sa magkapatid na Barretto.

Kabilang na rito ang  naging ‘hugot’ ni Claudine tungkol sa umano’y ‘panloloko at pandaraya’ sa kaniya ng mga taong itinuring niyang kaibigan at pinagkatiwalaan pa.

Napag-usapan rin nina Ogie at Mama Loi ang pagkandidato ng aktres bilang konsehal sa Olongapo City. Subalit ang mas naging interesting sa mga nanonood ay ang ‘tsika’ hinggil sa naudlot na sustento ni Gretchen sa kaniyang bunsong kapatid.

“Pangalawa mayroong nagtsika sa akin. Dapat pala itong si Claudine ay sinusuportahan na dapat ni Gretchen Barretto. Kaya lang medyo hindi nasunod ‘yung gustong mangyari ni Gretchen na para rin kay Claudine,” paglalahad ni Ogie.

“Kaya lang parang hindi yata ito nasunod ni Claudine at nasuway niya. So sayang ‘yung supposedly P500 thousand a month na supporta ni Gretchen kay Claudine,” patuloy pa ng talent manager.

Nilinaw rin ni Ogie na wala itong kinalaman sa pagiging magkasama nina Claudine at Marjorie noong New Year. Sa unang bahagi pa lamang raw ng 2021 niya narinig ang isyung binabanggit niya.

BASAHIN: Claudine at Marjorie, present sa New Year celebration ng Barretto family, nagkabati na nga ba?

“Kung hindi siguro tumakbo si Claudine, eh malamang nasuportahan siya ni Gretchen ng P500,000 a month,” ayon pa sa showbiz writer/host.

‘’Yung ‘diretso’ lang ang buhay… ‘yun ang narinig natin, ha?” dagdag pa ni Ogie.

Iginiit din ni Ogie Diaz na maaayos pa rin naman ang relasyon ng magkapatid at ‘love’ naman nila ang isa’t-isa.

Kaya lang daw sa ‘checklist’ ni Gretchen na gustong mangyari kay Claudine, mayroong hindi raw nagawa ang huli.

Hindi naman na isiniwalat ni Ogie ang ‘kondisyong’ hinihingi ni Gretchen.

Panoorin ang buong episode ng “Ogie Diaz Showbiz Update”:

Continue Reading

Trending