Connect with us

entertainment

Syrian-Pinoy Basel Manadil namigay ng maagang Pamasko sa mga street vendors

Published

on

Sino ba naman ang hindi makakakilala kay Syrian-Pinoy Basel Manadil, na mas naunang nakilala bilang si ‘The Hungry Syrian Wanderer’ na walang sawang nagbibigay ng tulong at saya sa maraming Pinoy gaya ng mga vendors sa lansangan?

Siya ay isang Syrian-born Filipino vlogger at content creator, na minahal ang bansa at ginawa na itong tahanan niya. Isa rin siyang entrepreneur na masayang makapagbigay ng trabaho at tulong sa mga Pinoy na itinuturing na niyang kababayan. Napagkalooban na siya ng Filipino citizenship via naturalization noong 2019.

At ngayon, muli na naman siyang naghahatid ng good vibes dahil sa maaga niyang pamamahagi ng pamasko sa mga street vendors na para sa kanya ay marangal na nagtatrabaho sa kabila ng pandemya.

 

Aniya sa kanyang latest video upload, “Sharing blessings mga tao. Our job on earth isn’t to criticize, reject, or judge. Our purpose is to offer a helping hand, compassion, and mercy. We are to do unto others as we hope they would do unto us.”

Muli siyang naglibot at tinigilan ang ilang street vendors, lalo na yaong mga nakatatanda na ngunit patuloy na nagsisikap kumita.

 

Ang kanyang sentimyento, “While many of us are struggling to get back on our feet during this pandemic, I would like to show some kindness, Help those in need & dedicate most of my time to look after these people who need me the most.”

Isa sa mga tinigilan niya at kinausap ay si Tatay Bong na naglalako ng siomai nang nakapedicab.  Nauna rito ay napansin niyang dumaan ang tindero sa isang pamilihan ng damit at tumingin ng brip (underwear). Nakipagkuwentuhan pa siya kay Tatay Bong at sinubukang ‘bilhin’ ang pedicab nito, ngunit tumanggi ito pagkat iyon umano ang kanyang ikinabubuhay at ng kanyang pamilya.

Nang babayaran niya ang kanyang biniling siomai na 20 pesos, isang dolyar pa muna ang kanyang ipinakita. Pero syempre, ang ibinigay niya ay ilang pirasong tig-500 pesos bilang maagang pamasko. 

Labis na naantig ang puso ng siomai vendor at paulit-ulit na nagpasalamat. Hindi niya umano iyun makalilimutan.

 

 

Sunod namang tinigilan ni Basel ang isang tila malungkot na matandang vendor ng mga inuming pamatid-uhaw – si Lolo Roger – na napag-alaman niyang 75-anyos na pala. Matumal daw kasi ang benta ni lolo kaya siya malungkot. Pinansin din ni Basel na napakakonti ng paninda ng matanda. 

“No capital” naman ang sagot ng lolo sa pagtatanong ng pilantropong vlogger. Kaya naman labis ang pagkagulat ng lolo nang imbes na bente pesos para sa isang orange drink ang ibayad ni Basel ay maraming piraso ng lilimandaanin ang iniabot sa kanya.

“Lahat ito?” ang namamanghang nasambit ng lolo. Nang ipinaliwanag ni Basel ang dahilan ng pagbibigay niya rito ng maagang pamasko, tanging “Thank you very much” na lang ang nasabi ni Lolo Roger. (Hindi pa siya makapaniwala sa instant biyaya!)

Naglibot pa si Basel at namigay din sa iba pang vendors na nadaanan niya.

 

Sa pagtatapos ng video, sinabi ng matulunging Syrian-Pinoy na “For me everyday is Christmas, because everyday is giving time for me. I don’t only give out or give back on Christmas. I give back daily basis. With or without vlog I still do this, I will still extend help, I will still employ people and help more.”

Ngayon ay 28 anyos na si Basel at maraming taon na niyang ginagawa ang pagtulong sa mga masisikap na Pilipino na naging malapit na sa kanyang puso.

Mapapanood ang kanyang maagang pamasko vlog sa video na ito:

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

celebrities

‘Nakaraan’ nina Ryan Bang at Yeng Constantino, naungkat sa ‘It’s Showtime’

Published

on

By

Nasurpresa ang mga hosts at manonood ng ‘It’s Showtime’ nitong Biyernes, Enero 28, nang biglang maungkat ni Yeng Constantino ang ‘nakaraan’ nila ni Ryan Bang.

Nagsimula ito sa komento ni Yeng  sa isang contestang ng ‘Tawag ng Tanghalan’ kung saan isa sa mga hurado.

“Minsan, kahit hindi mo nga naging jowa, e, basta nagparamdam na sa ‘yo tapos biglang nawala, naku, napakasakit talaga,” panimula ng singer, sabay hirit “‘Di ba, Ryan?”

Dahil sa pambubuking ni Yeng, napilitan tuloy si Ryan na umaming nanligaw siya dati sa singer matapos usisain ni Vice Ganda tungkol dito.

“Unang crush ko kasi si Yeng. 2010, ‘no, Yeng? Nanligaw ako kay Yeng,” pag-amin ng South Korean actor-host.

Kaagad namang nilinaw ni Yeng na hindi niya binasted si Ryan.

“Pero, hindi kita binasted! Hindi kita binasted noon. Tumigil na lang siya magpadala ng kape,” paglilinaw nito sa host.

Inamin rin ni Yeng na nakikilig siya noon nang nililigawan pa siya ni Ryan. Nalungkot din daw siya nang bigla na lamang itong tumigil sa panunuyo sa kaniya.

“Oo na-sad ako nun,” ani Yeng.

Nang usisain ni Vice kung bakit bigla na lang siyang tumigil at hindi na nagparamdam kay Yeng, napilitan na ring magpaliwanag si Ryan.

“Akala ko, ayaw mo sa akin. Kasi noong panahon na ‘yun, gumigimik kami, kasama ko sila James Reid. Siyempre lumalabas ako tuwing gabi. Inaaya ko siya, ilang beses. Tuwing inaaya ko siya tuwing gabi, hindi siya lumalabas, kaya akala ko ayaw niya sa akin,” kuwento nito.

Maliban dito, akala rin daw niya noon ay nanliligaw din kay Yeng si Richard Poon, na pinabulaan naman ng ‘Chinito’ singer.

Humingi rin ng pasensiya si Ryan kay Yeng matapos siyang ‘pagsabihan’ ni Vice Ganda.

Anito, “Yeng, pasensya na. Dapat pala nagpaalam ako, nagtanong ako sa ‘yo. Noong nanligaw ako, galing naman talaga sa puso ko ‘yon. Ikaw ‘yung pinaka unang-unang crush ko sa buong buhay ko, ikaw ‘yun.”

Panoorin ang kanilang nakatutuwang pag-amin:

Continue Reading

celebrities

Angeline Quinto, Erik Santos kinakiligan ng mga fans dahil sa kanilang kulitan

Published

on

By

Nitong nagdaang Disyembre 2021 ay nagbahagi si Angeline sa kanyang Instagram ng kanyang pregnancy test result at ito ay nagpapakitang siya ay nagdadalantao na.

“Merry Christmas. Dahil Pasko ngayon, ito ang pinakamagandang regalo ang natanggap ko. Ito ang pinakamagandang positive result sa buhay ko. Baby on the way, Yahooo,” aniya. Bumuhos ang pagbati sa singer-aktres mula sa mga followers at mga kaibigan sa industriya.

Ngayon naman ay kinakikiligan ng maraming fans nina Angeline Quinto at Erik Santos sa social media ang dalawa nang makita ang mga larawang magkasama sila.

Sa Instagram account ni Erik nitong Huwebes ay ibinahagi niya ang mga larawan nila ng actress-singer habang nagkukulitan sila sa labas ng studio ng “ASAP Natin ‘To!”

Makikitang idinikit ni Erik ang kanyang tainga sa tiyan ni Angeline.

“Ge, narinig ko sabi nya… Mommy, patuloy ang pangarap,” pagbibiro ni Erik.

Hindi naman nagpatalo si Angeline kaya humirit ito sa comments section.

“Hahahaha. Pogs umalis kana kasi, may sinabi pa si Baby, THIS IS THE MOMENT MAMA.”

Pansinin na hango sa kanta ni Angeline ang sinabi ni Erik, sa kantang “Patuloy Ang Pangarap,” habang ang kay Angeline naman ay mula sa awitin ni Erik na “This Is The Moment.”

Matatandaang sa naging panayam kay Angeline ni Karen Davila noong Oktubre 2021, ay sinabi nitong sinubukan naman daw nila ni Erik na magkaroon ng romantic relationship, ngunit hindi talaga lumapat.

“Singing partner ko po talaga si Erik, isa sa mga matatalik kong kaibigan sa industriya,” ani Angeline.

“Ginawa namin ’yun kaya lang para kaming natatawa sa isa’t isa. Kaya sabi ko ‘Pogs, ’wag nating pilitin. Talagang magkaibigan lang tayo, kasi minsan magiging sweet kami tapos matatawa na lang kami,” dagdag pa niya.

 

Nagbahagi naman ang isang netizen ng kanyang saloobin sa dalawa.

“AND IN THIS MOMENT, THE WHOLE FANDOM LOST THEIR SHITS . Omg Im cryingggg rn, I loveyouu both my AngErik. Ps. Grabee yung love mo Kuya kay Ate na kahit sa mga mahalagang pangyayari sa buhay niya di mo pa den siya pinapabayan. Get a man like Erik Santos na iche- cheer ka at hindi ka iiwan sa lahat ng ganap mo sa life.” 

“Sana kayu na lang,” saad ng isa pang netizen, at may tugon dito ang isa pang follower nila. “Pinagtagpo pero di tinadhana.”

Sa ngayon ay matalik na magkaibigan pa rin ang dalawa. At sa darating na Mayo naman ang nakatakdang pagsilang ni Angeline sa kanyang panganay na anak sa kanyang non-showbiz partner.

Continue Reading

celebrities

Pinas pangatlo sa mga bansang may pinakamaraming K-pop fans noong 2021, ayon sa Twitter

Published

on

By

Hindi maipagkakailang napakaraming kabataang Pinoy ngayon ang nahuhumaling sa mga K-pop group at maging sa K-drama.

Kaya hindi na rin nakapagtataka na pumangatlo ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming fans ng K-pop sa mundo, base sa datos ng Twitter para sa taong 2021.

Ayon sa Twitter, nanguna sa listahan ang Indonesia, na sinusundan ng Japan.

Pumangatlo naman ang Pilipinas at tinalo pa ang South Korea kung saan nagmula mismo ang mga sikat na K-pop groups.

Sumunod sa listahan ang Estados Unidos, Thailand, Brazil, Mexico, India, at Malaysia.

Samantala, pumangalawa rin ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming tweet tungkol sa K-pop na pinangunahan pa rin ng Indonesia.

Ang Pinas ay sinundan ng South Korea, Thailand, Estados Unidos, Mexico, Brazil, India, at Japan.

Ang listahan naman ng ‘most tweeted K-pop artists in the Philippines’ noong nakaraang taon ay binubuo ng BTS, Enhypen, Blackpink, NCT, Seventeen, Treasure, Twice, EXO, Tomorrow X Together (TXT), at Stray Kids, ayon sa pagkasunod-sunod.

Nanguna rin ang BTS sa listahan ng ‘most tweeted K-pop artist globally’, na sinusundan ng NCT, Enhypen, EXO, Blackpink, Tomorrow X Together (TXT), Treasure, Seventeen, Ateez, at Stray Kids.

Halos umabot sa 7.8 bilyong ‘K-pop related tweets globally’ ang naitala ng micro-blogging platform para sa taong 2021; higit na mataas kumpara sa 6.7 bilyong tweets noong 2020.

Naniniwala rin ang Twitter na patuloy pang mamamayagpag ang K-pop artists at magbabasag ng mga kasalukuyang record sa mga susunod pang mga taon.

Continue Reading

Trending