Connect with us

Inspiring

Typing class, school works, letters: Noong typewriters pa ang uso

Published

on

 

Sino nga ba ang makalilimot sa “panahon ng typewriter”?

Bago dumating ang panahon na halos lahat ay mayroon nang computer at laptop, naging malaking bahagi muna ng sistema ng marami ang paggamit ng typewriter; estudyante ka man, nag-oopisina, manunulat, kahit sino ka pa.


Ginagamit ito sa school at office works; maging sa mga sulat na nais mong maging mas presentable, personal man o hindi. 

Itinuring na karagdagang kasanayan ang pagiging maalam sa paggamit nito, kaya naman nagkaroon na rin ng mga typing class. Tinitiyak noon sa mga klaseng ito na kabisado ng mga naka-enroll ang position ng mga letra rito. Kapag may pagsusulit, hindi maaaring tingnan ang mga letra at kung minsan ay may piring pa para tiyaking kung talagang natuto na.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga gunitang naipon nila noong uso pa ang paggamit ng typewriter.


“‘Yan ang gamit ko noong araw. Napakalaking bagay sa akin niyan. Noong nagwo-work ako, ganiyan pa ang gamit ko,” pagbabahagi ng Facebook user na si M. Villanueva.

“Tinuruan ako ng aming tatay na mag-type,” kuwento ni V. Valdez. “Mayroon kami sa bahay kaya ang bilis kong mag-type kahit high school pa lamang ako noon.”

“May subject kami nito noong first year college ako, Typing 1,” ani M. Corillo. “Dahil sa subject na iyan, naging mabilis ako mag-type.”


Ikaw, naabutan mo rin ba ang panahon ng typewriter? Uso pa rin ba ito noong ikaw ay nagkamalay, o tinuruan ka na lamang ng mga nakatatanda gamit ang typewriter na maayos pang nakatabi sa inyong bahay? Ano ang hindi mo makalilimutang alaala na dala ng gamit na ito?

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Inspiring

Delivery rider nakatanggap ng helmet kapalit ng isang Paracetamol

Published

on

By

Parami na nang parami ang mga grupo ng riders na may natutulungang mga tao lalo na sa hanay ng mga delivery rider.

Katulad na lamang ng isang Toktok rider na nakatanggap ng biyaya mula sa isang rider vlogger na ipinost ng Jawo Motovlog sa kanyang Facebook  page na mayroon nang 444k reacts at 11k shares.

“Kahit isang pirasong bioflu lang nabili niya pero yung effort at malasakit niya sa tao ayun yung hindi matutumbasan! Saludo ako kay kuya toktok rider! Kayo rin ba? Habang naglilibot at umiikot ang vlogger at naghahanap ng mabibigyan na helmet ay pinili naman niya ngayon ay ang isang Toktok rider na hindi na kagandahan na helmet ang kanyang matutulungan,” saad sa kanyang caption.

Sa kanyang paglilibot at paghahanap ng mabibigyan pinili niya ang isang Toktok rider na hindi kagandahan ang helmet.

Tinanong naman niya ang rider kung mayroon itong paracetamol. “Sir may ano ka diyan, mayroon kang paracetamol Biogesic?” tanong ni Jawo.

“Wala po eh,” sagot naman ng Toktok rider.

Nakisuyo si Jawo na baka may mabilhan na Biogesic dahil masama umano ang pakiramdam niya. Iniwan pa ng rider ang kanyang motorsiklo para lang makahanap ng gamot para sa vlogger. Agad naman itong naglakad at naghanap sa mga tindahan para may mabiling gamot.

“Ang effort ni kuya oh, tingnan mo iniwan pa pati cellphone dito, kung may mga gamit dito [sa motorsiklo] baka nawala na rin yan kung masamang tao ako,” wika ni Jawo.

Alam naman ng rider na talagang mahirap makahanap at nagkakaubusan na ng mga gamot ngayon lalo na ng paracetamol at Bioflu dahil sa lumolobong kaso ng Covid-19 at influenza dahilan sa malamig na panahon.

Natuwa ang rider sapagkat makikita talaga kung gaano kamatulungin ang mga Pinoy. Siya naman talagang tunay!

Nang bumalik ang rider ay may dala na itong isang pirasong Bioflu at kaagad na ibinigay sa vlogger. Hindi paracetamol ang nabili ng rider. Pero sabi nga ni Jawo, may mabili man o wala ang rider ay bibigyan pa rin niya ito ng helmet.

“Okay lang ba, sir, palitan ko Bioflu mo? Evo helmet? ” tanong ni Jawo.

Hindi makapaniwala ang Toktok rider na ganoon kadali siyang mabibigyan ng helmet. Dahil sa pagkawili ni Jawo  sa rider ay agad niyang ibinigay ang bagong helmet para mapalitan na ang lumang suot nito.

Naiyak ang delivery rider matapos siyang makatanggap ng bagong helmet dahil lang sa isang pirasong Bioflu. Bukod pa sa helmet ay nag-abot din ng pera ang vlogger para makatulong sa delivery rider.

Maraming netizens ang natuwa at nagkomento sa ginawa ni Jawo;

“Grabe yung tiwala ni toktok driver sayo idol. Imagine iniwan niya nang buo ung panghanapbuhay nya sa di naman niya kilala para lang matulungan ka makabili ng gamot… Salute ke kuya driver at sayo din syempre idol Jawo”  –  H Delfin

“Ito yung ‘di inaasahang tulong na alam mong bukal sa loob ang pagtulong kc di \siya nag expect ng kapalit dahil di nya kilala ung taong tinutulungan niya salute sau kuya rider at sir jawo…God blessed more” – J Suarez

Nakakatuwa, naiiyak God bless po sa inyong dalawa.”  – E Surco

Narito at panoorin ang kabuoang video ni Jawo Motovlog:

Continue Reading

Inspiring

80-anyos na lola nag-aalaga pa ng dalawang anak na may special needs

Published

on

By

Sa edad na otsenta ay masasabing nasa dapithapon na ng kanyang buhay ang matandang nakilala bilang si nanay Aurora ng Pangasinan.

Tatlo ang anak niya na pawang may mga edad na rin. Ang isa ay magsasaka na mayroon nang sariling pamilya kaya’t nakabukod na ito ng tirahan.

Ang dalawang anak na kapiling niya ay may edad na 52 at 59. Parehong may special needs ang mga ito, ayon sa kapitbahay nilang si Aling Luchie na tumulong sa kanila upang maidulog kay idol Raffy Tulfo ang kanilang kalagayan.

Si nanay Aurora ang mag-isang nagtataguyod sa dalawang anak na may special needs. Tumutulong naman ang apo niya sa isang anak, subalit paminsan-minsan lang dahil hirap din sa buhay.

Naantig si idol Raffy sa panawagan ni nanay Aurora kaya naman agad siyang nangako ng agarang tulong para sa mag-iina.

“Tumatawag ako sa inyo, Señor Raffy dahil sa ganitong kalagayan ko na halos hindi na ako makapagsalita sa hina ng katawan ko. Humihingi ako ng tulong sa inyo para nang sa ganoon matulungan n’yo pa ako madugtungan ang buhay ko para sa mga anak ko dahil ang mga anak ko may mga diperensya sila,” panawagan ni nanay Aurora kay idol Raffy.

“Lalung-lalo na mahina na po ako kaya humihingi ako ng tulong sa inyo para nang sa ganoon lumakas pa ako. Panginoon ko, gusto ko pang humaba ang buhay ko . Hindi na ako halos makahinga sa hirap ng buhay ko. Baka sakaling matulungan n’yo ako sa ganitong kalagayan ko ngayon, sir Raffy,” sabi pa ng matanda na lalong nagpaantig sa damdamin ni idol Raffy.

Umabot sa P100,000 ang kabuuan ng tulong ni idol Raffy sa mag-iina, kabilang na ang limang biik na aalagaan nila.

Binigyan din ni Raffy Tulfo ng tulong ang kapitbahay na si aling Luchie. Ten thousand ang pangako niya kay aling Luchie, pero sinabi ng mabait na kapitbahay na itutulong raw niya iyon sa isang batang nangangailangan.

Lalong humanga si idol Raffy kay aling Luchie kaya P28,000 na ang ibibigay niya rito at tutulungan din ang batang sinasabi nito na nanganganilangan ng tulong.

Panoorin ang RTIA video:

Continue Reading

Inspiring

Lalaking tatlong dekada nang paralisado, patuloy pa ring naghahanapbuhay

Published

on

By

Para sa isang 47-anyos na lalaki sa Sagay, Camiguin Island, hindi hadlang ang kanyang karamdaman para naisin pa rin niyang mabuhay sa kabila ng mabigat na pinagdaanan.

Pagod at nahihirapan ka na bang magtrabaho?

Sa isang episode ng KMJS o Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) nitong Linggo, Enero 16, ay ibinagi ang kuwento ng isang lalaking paralisado na si Jerome Nacaitona.

Tatlong dekada na siyang paralisado mula baywang pababa kaya’t hindi na siya nakalalakad. Ngunit nakabibilib siya pagkat sa kabila ng kanyang kalagayan ay nagagawa pa rin niyang maghanapbuhay sa pamamagitan ng pagkokopra at pagkakaroon ng munting tindahan. Napakapositibo pa rin ng kanyang pananaw sa buhay.

Maglalabinwalong taong gulang lamang siya nang masangkot sa isang aksidente na nagdulot sa kanya ng pinsala sa spinal. Nang maging pabigat na siya sa kanyang pamilya ay naisipan niyang mamuhay nang mag-isa at tuluyan na siyang bumukod.

Sa kanyang munting kubo siya nagtatrabaho at nagtitinda. Makikita ang nakaratay niyang katawan habang nagbabalat ng niyog at pinipilit igalaw ang paralisadong katawan.

Sa maliit na kawayang katre na ito umiikot ang buhay ni Jerome. Sa nakalipas na tatlong dekada, ito na rin ang nagsisilbi niyang opisina sa pagkokopra at may tindahan pa siyang maliit.

“Nakatagilid ako diyan ako magbubunot at magbibiyak, sa wheelchair noong umpisa, masakit ang likod ko ‘pag nakaupo. Mas madali sa akin nakahiga lang,”  nakangiting kuwento niya.

Mayroon siyang gamit na patpat na kawayan na idinisenyo upang maabot ang niyog at ibang paninda sa ilalim ng kanyang higaan.

Ang pangkokopra ang isa niyang pinagkakakitaan. May nagbebenta sa kanya ng niyog upang gawin niyang kopra. Bukod sa pagkokopra, mayroon din siyang mini sari-sari store sa kanyang kubo.

Mabuti na lamang at may katu-katulong siya sa pagluluto ng kopra; ang kanyang pamangkin sa pinsan. “Ako po ‘yung nag-aasist sa kanya hindi naman po siya alagain” sabi ni Jovy.

Ang kanya namang pinatuyong niyog ay isinasako at ibinebenta ng kanyang kapitbahay na si Mayet sa halagang 41 pesos kada kilo.

Sinabi ni Jerome na ginagamit niya ang mga kinita upang bayaran ang kanyang mga utang. “Pambayad sa loan. PHP5,700 isang buwan. Matatapos na sunod na Martes. Loan na naman uli. Kasi walang laman,”  aniya.

Para makaligo naman ay binubuhat siya ng kanyang kapitbahay na si Magellan at ipinapasok muli kapag natapos na siyang maligo. Ang nagpapaginhawa na lamang sa kanya ay ang gula-gulanit at manipis na kutson. Ngunit walang reklamo sa buhay si Jerome. Napakapositibo pa rin niyang mag-isip at nagagawa pa rin niyang ngumiti. Ang tinatarget niya sa pag-iipon ay ang pangarap niyang matapos ang pagpapagawa sa munti niyang kubo.

Hindi na siya muling nakapagpatingin sa isang espesyalista mula noong siya ay naaksidente, kaya para matulungan si Jerome, dinala siya ng KMJS team sa Cagayan de Oro City. Pagkatapos ng pagsusuri, sinabi ni Dr. Wency Daya, isang neuro-spine specialist, na si Jerome ay nagkaroon ng kumpletong pinsala sa spinal cord at napuruhan noong naaksidente siya.

Pagbuhos ng tulong

Nang makarating sa kaalaman ng publiko ang kalagayan ni Jerome, mayroon mga nagparating ng tulong sa kanya.

Ang organisasyong ‘Metro Cagayan Eagles’ Club’ ang nagbigay sa kanya ng bagong wheelchair at folding bed.

Ipinarehistro din ng Department of Social Welfare and Development si Jerome sa ilalim ng listahan ng mga persons with disability (PWD), pinadalhan siya ng mga grocery item, at nangakong susubaybayan ang kanyang kapakanan.

Ang programang KMJS ay nag-abot naman ng financial assistance at nagbigay ng bagong kama at unan upang maging maginhawa siya sa kanyang paghiga.

“’Yang nawalan ka ng pag-asa ’wag n’yo na ’yang isipin. Ang importante diyan buhay pa tayo . Kaya natin ’to. Tayo mismo ang makapagbibigay ng pag-asa sa ating mga sarili,” ani Jerome.

Bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan nang makatanggap ng biyaya mula sa KMJS at iba pang grupo na may mabubuting puso. Hindi na niya napigilang maiyak. Makakakain na raw siya nang tatlong beses sa isang araw, hindi lang isa.

May pagkakataong babaldahin tayo ng mga problema. At sa puntong pakiramdaman natin ay wala na tayong silbi, mas lalo natin dapat itinataas at tinutulungan ang sarili. Laban!

Panoorin ang buong kuwento sa KMJS;

Continue Reading

Trending