Connect with us

Inspiring

Unli kilig: Wedding reception sa fastfood may pa-unli rice at unli sabaw sa budget na P3k

Published

on

Image from Rian Baynosa’s Facebook account

Hinangaan dahil sa pagiging praktikal at kinakiligan dahil sa sweetness na ipinakita sa isa’t isa ang bagong kasal sa Cebu na sa isang fastfood restaurant idinaos ang kanilang wedding reception.

Matapos magpalitan ng “I do’s” at mangako na magsasama sa hirap at ginhawa, dumiretso ang newlyweds na sina Rian at Rhaqueza sa sikat na venue ng reception. Suot ang kanyang white wedding gown, ang bride mismo ang nagtungo sa counter upang umorder ng kanilang pagsasaluhan kasama ng mga bisita.

Screenshot from GMA’s video

Bago pa nila pagsaluhan ang kanilang pagmamahalan ay pinagsaluhan muna nila ang masarap na pagkain sa reception upang makasama sa selebrasyon ng espesyal na araw na iyon ang mga kaanak at kaibigan sa unang pagkakataon bilang magkabiyak.

Sa budget na P3,044 ay nabusog ang labinlimang katao kasama na ang bagong kasal sa handang masarap na fried chicken, unli rice at unli sabaw. May kasama na rin iyong dessert na halo-halo.

“Limited lang ‘yung mga tao na in-invite namin, mga 15 persons lang, hindi masyadong malaki ‘yung binayaran namin. Although ginusto talaga namin ‘yung medyo magara naman, kasi sabi nga minsan lang tayo kinakasal, pero siyempre ‘yung pera naman hindi naman minsan,” sabi ni Rhaqueza.

Image from Rian Baynosa’s Facebook account

Gumastos lang kami ng P3,044 good for 15 persons lang, lahat kasama na kami roon,” wika ng bride na 8 months pregnant na.

“Since pregnant na ako for eight months, decided talaga kami noon na pinili talaga namin sa fastfood na lang kasi mas tipid at hindi na kami mag-iisip ng mga utang utang pa,” paliwanag ng napaka-praktikal na bride.

Screenshot from GMA’s video

Sa naturang fastfood na rin ginawa ang money dance, isang tradisyon sa mga kasalan na habang nagsasayaw ang bagong kasal ay sinasabitan ng pera ang kanilang kasuotan. Ito ay simbolo umano sa pagtahak nila sa maalwan na buhay ng kanilang pagsasama.

Doon na rin sa restaurant ginawa ang pagbubukas ng mga natanggap nilang mga regalo. Kabilang sa mga iniregalo sa kanila ay isang kaldero na puno ng bigas at isang arinola.

Image from Rian Baynosa’s Facebook account

   

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

beauty

‘Kaya ko naman pala, Di ako nag iisa’: Solo parent na crochet artist nakatagpo ng oportunidad sa paggagantsilyo

Published

on

By

img_61a8d31cb0111

Marami ang nawalan ng pagkakakitaan at trabaho sa panahon ng pandemya. Pero dahil tuloy ang buhay sa kabila ng mga pagsubok sa gitna ng pananalasa ng covid, sige lang ang karamihan sa atin. ‘Ika nga, laban lang.
Ganyan ang kinaharap ng isang solo parent na si Mia. Determinasyon at pananampalataya ang pinanghawakan ng nanay na may dalawang anak.

Kamakailan lang ay nagpaskil siya ng isang ‘grateful post’ na naghahatid ng inspirasyon, sa atin.

Aniya, “Ang lakas ko po sa Inyo (emojis) Di man ako pala simba at araw araw na nagpi-pray. Pero kapag lumapit ako sa inyo. Hindi Mo kami pinawawalang mag-iina.”

Dagdag pa niya, unang araw pa lang ng Disyembre ay bumuhos na ang blessings. Kaya naman labis ang pasasalamat niya sa Diyos. “Lord salamat po talaga. Wala man tulog at pahinga okay lang basta mga needs ng mga anak ko kumpleto. Kaya ko naman pala, Di ako nag iisa kasama Kita.”

Sa kanyang FB friends ay mayroon din siyang mensahe na magpapalakas sa mga pinanghihinaan ng loob.

“Ps. Kung unemployed ka man, tingin ka sa paligid mo mamaya nasa malapit lang pala yung sagot sa Financial problem mo, di mo lang napapansin kasi nakatuon ka sa mga bagay na hindi naman laan para sa ‘yo.”

Paglalahad niya, dati raw ay awang-awa siya sa kanyang sarili dahil sa kawalan ng trabaho tapos isa pa siyang single mom at walang suporta mula sa ama ng kanyang mga anak. Ngunit noong nagpandemic, bigla na lang niya umanong naisipang mag-crochet, at sinimulan niya ito sa paggawa ng earsavers na naging in-demand.

Sinubukan niya ang iba pang magagawa sa paggagantsilyo at ayan na nga…lumawak na ang kanyang imahinasyon, kaalaman at kahusayan.

Nakabuo siya ng mga creative pieces at nagawa niyang makapagsimula ng negosyong CJLA’s Crochet Atbp. na hango sa pangalan ng kanyang mga anak.

“Until now. Crochet pa rin ang source of income ko, TAKE NOTE, ENOUGH siya, minsan sobra sobra pa (emojis) Pasalamat tayo sa skills and talent na meron tayo. Di yun ibibigay sa ‘tin kung walang dahilan. God will always provide. ALWAYS.”

Sino ba naman ang hindi bibilib sa kanyang talento?

Bukod sa mga Disney princesses at mga sikat na characters, gumagawa rin siya ng mga made-to-order na Minime Dolls na more or less ay 11 inches ang laki. Ilan sa kanyang mga obra ay naipa-courier na niya sa iba-ibang bansa ayon sa request ng mga nag-order.

Sa Facebook page ng CJLA’s Crochet atbp ay matatagpuan ang kanyang mga nagawa na.

Mayroon na rin siyang Shopee store.

Nais mong makabili o magpasadya ng gawa? Order na!

 

Continue Reading

celebrities

Pasko na! Mariel Padilla namili ng mga laruan upang ipamahagi sa mga bata sa Pasko

Published

on

By

“Omgggg!!!! After almost 2 years!!!!!! We went back to the mall!!!!”

Labis ang excitement ng  host-actress na si Mariel Rodriguez-Padilla base sa kanyang ibinahaging Instagram post kamakailan. Sa wakas kasi ay nakagala na silang mag-iina sa mall matapos ang halos  dalawang taon sa bahay bilang pag-iingat laban sa Covid-19 virus at iba pa.

Hindi rin napigilan ang tuwa ng 37-anyos na maybahay ng aktor na si Robin Padilla kaugnay sa kanilang bunsong si Gabriela na first time umanong makalabas at makapasyal sa mall. Dalawang taong gulang na ang kapatid ng 5-year-old namang si Maria Isabella. at naka-twinning pink ang dalawa nang mamasyal.

Image via Instagram / Mariel Padilla

Tinawag ni Mariel na ‘fun experience’ ang makasama ang dalawa niyang anak lalo pa sa panahon ng kapaskuhan. Namili sila ng mga laruan kaya’t tiyak ang saya ng mga bata.

Hiningi rin niya sa kanyang post ang tulong ng mga IG followers para sa mga pipiliing recipient ng mga pinamili nilang laruan. Para kasi kay Mariel, ang Pasko ay para talaga sa mga bata kaya’t namili sila ng maraming laruan para makapagpasaya ng ilang bata. Umani ng pasasalamat at papuri ang kaniyang ginawa.

Aniya sa kanyang ibinahaging post, “Such a fun experience (heart emojis) also can you guys help us… because for me Christmas is really for kids so we bought toys to donate. We are looking for a kids charity. Any suggestions?”

Image via Instagram / Mariel Padilla

Maraming tumugon sa kanyang panawagan kabilang na ang ilang personal requests:

“Gentle Hands Orphanage po Ms @marieltpadilla .. May Allah bless your Family ”

“Can my little preemie warrior have one ms @marieltpadilla”

“@marieltpadilla white cross childrens home san juan city”

“Hi maam @marieltpadilla pwede po ba ako makahinge ng toys para sa aking tatlo anak.. eto po ang first time ko mag Christmas na wala sa kanla..7 months here in oman pero di pa din makaraos sa hirap ng buhay.. gusto ko lang sana maparamdam sa mga anak ko ang pasko kahit magkalayo kame. salamat po.. More blessings to u, to idol robin and to ur baby”

Image via Instagram / Mariel Padilla

Continue Reading

Food

OFW sa Italy kumikita ng extrang P128K dahil sa pagtatanim ng gulay

Published

on

By

Sipag at tiyaga ang puhunan ng isang overeseas Filipino worker (OFW) sa Italy upang magkaroon ng extra income para sa pamilya.

Si Lino Gutierrez Mandigma ay nagtatrabaho sa Parma, Italy bilang isang domestic helper simula pa noong 1999 matapos niyang iwan ang pagiging isang guro sa elementarya sa Pilipinas.

Dala niya sa Italy ang pangarap niyang magkaroon ng sariling farm kaya sa maliit na espasyo sa kanilang tinitirhan ay nagtatanim siya ng mga gulay. Kalaunan ay nagrenta siya sa Italian government ng bakanteng lote na may sukat na 150 square meters na binabayaran niya ng 90 euros kada taon o katumbas ng P5,152.

Image from Lino Gutierrrez Mandigma

Halos lahat na yata ng gulay na nababanggit sa kantang “Bahay Kubo” ay mayroon sa kanyang hardin tulad ng talong, kamatis, sitaw, patola, upo, kalabasa, mustasa at luya. Mayroon ding petsay, gabi, kangkong, sili, saluyot, okra, kamote, malunggay, petsay, alugbati, letsugas at pipino.Ang amplaya raw ang pangunahing gulay na pananim niya dahil iyon ang pinakamabili sa mga kapwa Pinoy na nasa Italy. Kasunod ay ang bawang at sibuyas.

Naibebenta raw niya ang ampalaya at kangkong sa halagang 5 euros kada kilo o katumbas ng P290, samantalang ang upo ay 3 euros ang bawat piraso.

Image from Lino Gutierrrez Mandigma

Pinakamainam umanong magtanim sa Italy tuwing summer – mula Hunyo hanggang Agosto – dahil ang araw ay lumulubog halos alas-nuwebe na ng gabi. Kahit daw galing sa trabaho ay marami pa siyang oras para sa kanyang hardin.Noong summer 2020 ay umabot sa 2200 euros o P128,000 ang benta niya sa mga gulay na inani.

Ang klima doon kapag summer ay kahalintulad umano ng klima sa Pilipinas, Ang maganda raw sa Italy ay sagana ang water supply kaya walang problema sa pagdidilig.

Image from Lino Gutierrrez Mandigma

Ngayong malamig na ang panahon ay naging mas maganda ang mga bunga ng tanim niya dahil kakaunti lang ang mga insekto.

Sabi ni Lino, bukod sa karagdagang kita, nakatutulong daw ang pagtatanim upang maibsan ang homesickness.

Continue Reading

Trending