Connect with us

celebrities

Vice Ganda at Ion Perez sinagot ang tanong kung sino ang unang bibitiw sa relasyon nila

Published

on

Sa latest vlog ni Vice Ganda, na humakot na ng halos kalahating milyong views wala pang 24 oras ang nakararaan matapos iyong i-upload sa YouTube, ay sinagot nila ng kasintahang si Ion Perez ang maraming katanungan tungkol sa kanilang relasyon.

Ang vlog ay kinunan sa popular na parke sa New York City sa Estados Unidos.

Bago nila ginawa ang question and answer portion ng vlog ay ilang tagpo ng kanilang paglilibot sa Central park, ang most visited urban park sa Amerika, ang ibinahagi ng magsing-irog.

Naroong kumukuha sila ng mga larawan ng mga bagay na nakikita sa park gamit ang kanilang cellphone, magpa-picture, at bumili ng ice cream para raw mas nakakatamis.

“Para mas nakakatamis kumain tayo ng ice cream.”

Screenshot from Vice Ganda’s vlog

 

At tulad ng maraming Pinoy na hindi sanay sa presyo ng mga bilihin doon ay ikinumpara ni Vice Ganda ang presyo ng dalawang cones ng ice cream na binili nila at presyo ng isang sikat na brand ng ice cream sa Pilipinas.

“$18. Kulang-kulang isanlibo. Ano ‘to? Dyusko, ilang galong ice cream na ‘yon sa Magnolia sa Pilipinas, no? Minsan budol din talaga dito sa Amerika, eh. Parang kagabi, bumili kami ng hotdog. $20 ‘yung hotdog…dalawa. Hindi kami nakabili ng tubig. $10 isa. Ano ‘to isanlibo? Ilang plastic na ‘to ng Purefoods o kaya Bibbo,” patawang sabi ni Vice Ganda.

Sabi niya, nandoon sila sa Central Park  dahil nagse-celebrate sila ni Ion ng kanilang 3rd anniversary.

Screenshot from Vice Ganda’s vlog

 

“Three years of just being unapologetically in love and happy with each other,” aniya pa.

Habang nakaupo sa isang picnic blanket ay sinimulan ng dalawa ang pagsagot sa mga katanungan tungkol sa relasyon nila. Marami raw kasing nagre-request na gawin nila ang ganoon – ang “Who’s Who game” na sumikat sa TikTok.

Isa sa mga tanong na kanilang sinagot ay kung sino raw ba sa palagay nila ang unang bibitaw sa kanilang pagsasama.

Screenshot mula sa Vice Ganda vlog

 

Sabi ni Vice Ganda, “definitely hindi ako.”

“Hindi rin ako,” hirit naman ni Ion Perez.

Ayon kay Vice, sa punto ngayon na intense ang samahan nila ay hindi niya nararamdaman na mangyayari na bumitiw ang bawat isa sa kanilang relasyon.

Hindi raw niya nararamdaman na kaya niyang gawin iyon at hindi rin niya nararamdaman na kaya iyong gawin ni Ion.

Marami pa silang isiniwalat tungkol sa kanilang relasyon na mapapanood sa naturang vlog.

celebrities

‘Nakaraan’ nina Ryan Bang at Yeng Constantino, naungkat sa ‘It’s Showtime’

Published

on

By

Nasurpresa ang mga hosts at manonood ng ‘It’s Showtime’ nitong Biyernes, Enero 28, nang biglang maungkat ni Yeng Constantino ang ‘nakaraan’ nila ni Ryan Bang.

Nagsimula ito sa komento ni Yeng  sa isang contestang ng ‘Tawag ng Tanghalan’ kung saan isa sa mga hurado.

“Minsan, kahit hindi mo nga naging jowa, e, basta nagparamdam na sa ‘yo tapos biglang nawala, naku, napakasakit talaga,” panimula ng singer, sabay hirit “‘Di ba, Ryan?”

Dahil sa pambubuking ni Yeng, napilitan tuloy si Ryan na umaming nanligaw siya dati sa singer matapos usisain ni Vice Ganda tungkol dito.

“Unang crush ko kasi si Yeng. 2010, ‘no, Yeng? Nanligaw ako kay Yeng,” pag-amin ng South Korean actor-host.

Kaagad namang nilinaw ni Yeng na hindi niya binasted si Ryan.

“Pero, hindi kita binasted! Hindi kita binasted noon. Tumigil na lang siya magpadala ng kape,” paglilinaw nito sa host.

Inamin rin ni Yeng na nakikilig siya noon nang nililigawan pa siya ni Ryan. Nalungkot din daw siya nang bigla na lamang itong tumigil sa panunuyo sa kaniya.

“Oo na-sad ako nun,” ani Yeng.

Nang usisain ni Vice kung bakit bigla na lang siyang tumigil at hindi na nagparamdam kay Yeng, napilitan na ring magpaliwanag si Ryan.

“Akala ko, ayaw mo sa akin. Kasi noong panahon na ‘yun, gumigimik kami, kasama ko sila James Reid. Siyempre lumalabas ako tuwing gabi. Inaaya ko siya, ilang beses. Tuwing inaaya ko siya tuwing gabi, hindi siya lumalabas, kaya akala ko ayaw niya sa akin,” kuwento nito.

Maliban dito, akala rin daw niya noon ay nanliligaw din kay Yeng si Richard Poon, na pinabulaan naman ng ‘Chinito’ singer.

Humingi rin ng pasensiya si Ryan kay Yeng matapos siyang ‘pagsabihan’ ni Vice Ganda.

Anito, “Yeng, pasensya na. Dapat pala nagpaalam ako, nagtanong ako sa ‘yo. Noong nanligaw ako, galing naman talaga sa puso ko ‘yon. Ikaw ‘yung pinaka unang-unang crush ko sa buong buhay ko, ikaw ‘yun.”

Panoorin ang kanilang nakatutuwang pag-amin:

Continue Reading

celebrities

Angeline Quinto, Erik Santos kinakiligan ng mga fans dahil sa kanilang kulitan

Published

on

By

Nitong nagdaang Disyembre 2021 ay nagbahagi si Angeline sa kanyang Instagram ng kanyang pregnancy test result at ito ay nagpapakitang siya ay nagdadalantao na.

“Merry Christmas. Dahil Pasko ngayon, ito ang pinakamagandang regalo ang natanggap ko. Ito ang pinakamagandang positive result sa buhay ko. Baby on the way, Yahooo,” aniya. Bumuhos ang pagbati sa singer-aktres mula sa mga followers at mga kaibigan sa industriya.

Ngayon naman ay kinakikiligan ng maraming fans nina Angeline Quinto at Erik Santos sa social media ang dalawa nang makita ang mga larawang magkasama sila.

Sa Instagram account ni Erik nitong Huwebes ay ibinahagi niya ang mga larawan nila ng actress-singer habang nagkukulitan sila sa labas ng studio ng “ASAP Natin ‘To!”

Makikitang idinikit ni Erik ang kanyang tainga sa tiyan ni Angeline.

“Ge, narinig ko sabi nya… Mommy, patuloy ang pangarap,” pagbibiro ni Erik.

Hindi naman nagpatalo si Angeline kaya humirit ito sa comments section.

“Hahahaha. Pogs umalis kana kasi, may sinabi pa si Baby, THIS IS THE MOMENT MAMA.”

Pansinin na hango sa kanta ni Angeline ang sinabi ni Erik, sa kantang “Patuloy Ang Pangarap,” habang ang kay Angeline naman ay mula sa awitin ni Erik na “This Is The Moment.”

Matatandaang sa naging panayam kay Angeline ni Karen Davila noong Oktubre 2021, ay sinabi nitong sinubukan naman daw nila ni Erik na magkaroon ng romantic relationship, ngunit hindi talaga lumapat.

“Singing partner ko po talaga si Erik, isa sa mga matatalik kong kaibigan sa industriya,” ani Angeline.

“Ginawa namin ’yun kaya lang para kaming natatawa sa isa’t isa. Kaya sabi ko ‘Pogs, ’wag nating pilitin. Talagang magkaibigan lang tayo, kasi minsan magiging sweet kami tapos matatawa na lang kami,” dagdag pa niya.

 

Nagbahagi naman ang isang netizen ng kanyang saloobin sa dalawa.

“AND IN THIS MOMENT, THE WHOLE FANDOM LOST THEIR SHITS . Omg Im cryingggg rn, I loveyouu both my AngErik. Ps. Grabee yung love mo Kuya kay Ate na kahit sa mga mahalagang pangyayari sa buhay niya di mo pa den siya pinapabayan. Get a man like Erik Santos na iche- cheer ka at hindi ka iiwan sa lahat ng ganap mo sa life.” 

“Sana kayu na lang,” saad ng isa pang netizen, at may tugon dito ang isa pang follower nila. “Pinagtagpo pero di tinadhana.”

Sa ngayon ay matalik na magkaibigan pa rin ang dalawa. At sa darating na Mayo naman ang nakatakdang pagsilang ni Angeline sa kanyang panganay na anak sa kanyang non-showbiz partner.

Continue Reading

celebrities

‘Enjoy the wind on your smiling face’: Iza inalala ang amang si Direk Lito sa ika-77 birth anniversary nito

Published

on

iza direk lito

Binalikan ng aktres na si Iza Calzado ang masasayang alaala ng kanyang ama na si Lito Calzado sa ika-77 birth anniversary nito.

Sa Instagram, ibinahagi ni Iza ang isang litrato at dalawang clips na nito lamang daw niya nakita. Dito, bakas na bakas ang personalidad ng kanyang ama: masayahin at nakapaghahatid din ng tuwa sa iba.

“Happy Birthday to the OG!” saad ng aktres sa caption ng mga l. “You would have been 77 today, Daddy Yo, and I am pretty sure that you’d still be as cute, charming, and youthful as you are in this photo.”

iza ama

Kuwento ng aktres, ang mga clip na inilakip niya ay mula sa pelikulang Drakulita na kamakailan lamang niya nakita matapos maipadala sa kanya.

“These clips from the film, Drakulita, were recently sent my way by @thereyno through @redgynn and it’s my first time to see this,” wika niya. “Makes me think of the many hats you wore—dancer, choreographer, director, producer, actor, husband, father, and friend. The life you lived and how colorful it was. You were always true to who you were. Unapologetically you.”

“Thank you for showing me what it means to be light, to love, and to be free,” pagpapatuloy niya. “I get it now. Fly and dance freely, Daddy. Enjoy the wind on your smiling face.”

Samantala, marami ang nag-iwan ng komento sa nasabing post; mula sa mga ordinaryong tao hanggang sa mga celebrity na napalapit na sa pamilya Calzado.

iza direk lito

“Saying an extra prayer for Tito Lito tonight,” wika ni @indigopaipoetry. “Happy birthday to one of the most amazing souls I had the privilege of knowing.”

“Happy birthday in heaven, Tay, always in hearts,” ani @m_sunshinedizon.

Puna naman ni @realprincesspunzalan, “Magkamukha pala kayo! You have similar bone structures.”

iza direk lito

Continue Reading

Trending