Connect with us

celebrities

Dr. Vicki Belo may dalawang refrigerators na puno ng mga mamahaling tsokolate

Published

on

Hindi lang pala mga mamahaling bags at sapatos ang bet ni Dr. Vicki Belo na kolektahin. Mahilig din pala siyang mangolekta ng iba’t ibang tsokolate.

Aminado naman ang celebrity dermatologist na isa siyang chocoholic. Bata pa raw siya ay matindi na raw ang pagkahilig niya sa mga ito at hindi naman iyon nabago hanggang ngayon. Alam daw ng mga kaibigan at maging ng mga pasyente niya ang hilig niyang ito kaya naman pinadadalhan siya ng mga chocolates mula sa iba’t ibang bansa.

Linggo-linggo raw ay hindi bababa sa tatlong kahon ng tsokolate ang inireregalo sa kanya.

My friends and even patients know that I love chocolates so they bring me the best chocolates from all over the world. I get at least three boxes of chocolates every week and I can’t eat them all,” aniya.

Screenshot from Kim Chiu’s vlog

 

Bukod sa mga inireregalo ay bumibili rin si Dr. Belo ng mga paborito niyang chocolates kaya kinalaunan ay namroblema na siya kung saan itatago ang mga iyon.

Sa halip na magbawas, ang naisip niyang solusyon ay bumili ng dalawa pang refrigerators para doon.

Ilang beses na ring naitampok sa mga TV shows at celebrity vlogs ang mga refrigerators niya na puno ng mga mamahaling tsokolate.

Kamakailan lang, ito ang paksa sa vlog ng aktres na si Kim Chiu.

Screenshot from Kim Chiu’s vlog

“Hi, everyone! Grabe. Finally na-raid ko ang ref ng isang doctora Vicki Belo at nagulat ako sa laman ng ref. Plus I also asked Doc Belo some truth or myth about beauty beliefs from Twitter,” sabi ng aktres.

Hindi naitago ni Kim ang kanyang pagkamangha sa laman ng ref na ang bawat level ay puno ng sari-saring brand ng mga luxury chocolates.

May lugar sa ref na dedicated para sa European chocolates, meron ding para sa mga galing sa America at ang isa sa mga drawers nito ay puno ng chocolate coins.

Screenshot from Kim Chiu’s vlog

Nakokontol naman daw ni Dr. Vicki Belo ang pagkain niya ng mga tsokolate.

Katulad na lang ng paborito niyang Jean-Paul Hevin praline-filled chocolate  na tinatayang nagkakahalaga ng P962 ang isa. Hinahati-hati niya iyon sa malilit na piraso para hindi raw madaling maubos.

Screenshot from Kim Chiu’s vlog

 

 

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

celebrities

Sen. Bong Revilla, dasal din ang hiling para kay Kris Aquino

Published

on

By

Panalangin din ang hiling at alay ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla para sa kumare niyang si Kris Aquino na dumaraan sa matinding pagsubok ngayon dahil sa estado ng kaniyang kalusugan.

Ani Bong, sana ay huwag nating hayaang mamayani ang ‘negativity’ ngayong nahaharap lahat sa matinding hamon ng pandemya.

“Sa panahong ito na dumaranas tayo ng ating kanya-kanyang pagsubok, napakahalaga po ng pakikipagkapwa-tao at pagmamalasakit sa isa’t isa,” wika ni Bong na abala ngayon sa pagpo-promote ng ‘Agimat ng Agila: Season 2’

BASAHIN: Bong Revilla, muling lilipad sa Agimat ng Agila Book 2

“We should not allow negativity to dictate our actions. We must let our compassion and humanity prevail,” dagdag pa ng senador.

Kung magugunita, si Bong Revilla ay nakulong dahil sa alegasyon ng kurapsyon na may kinalaman sa kaniyang ‘pork barrel’ noong panahon ng adminstrasyon ni Noynoy Aquino, ang kapatid ni Kris.

Subalit mistulang isinasantabi naman ng actor-politician ang usaping may kinalaman sa pulitika.

“Kaya naman nananawagan po ako sa lahat na ipagdasal po ang kalagayan ng aking kumare na si Kris Aquino, na nagdadaan ngayon sa matinding pagsubok sa kanyang kalusugan – huwag na bilang isang celebrity; o isang political figure; kundi bilang isang kapwa tao na nakikipaglaban sa karamdaman,” anito.

“Get well soon Kris. Our prayers are with you,” ayon pa sa mambabatas.

kris

Maliban kay Bong, marami pang celebrities at kilalang personalidad ang nagpaabot ng kanilang suporta sa tinaguriang ‘Queen of all Media’ dahil sa pinagdaraanan nitong hamon sa kaniyang kalusugan at personal na buhay.

Kabilang na rito sina Pokwang, Senador Kiko Pangilinan, Melai Cantiveros, at Robin Padilla.

BASAHIN: Robin: ‘Maging ano man ang kulay natin sa pulitika, kailangan natin si Kris’

Continue Reading

celebrities

Mariel inaming nagselos noon sa ‘bath tub scene’ nina Robin at Kris

Published

on

By

Inamin ni Mariel Padilla na nagselos siya noon sa isang eksena ng kaniyang mister na si Robin at ni Kris Aquino.

Ito ay matapos usisain ng netizens ang TV host-actress kung sino sa mga dating leading lady ni Robin ang kaniyang pinagseselosan.

“Not Ate Kris but the scene!!!” paglilinaw ni Mariel sa kaniyang Instagram stories na may kalakip pang larawan na magkasama ang kaniyang asawa at si Kris.

Pag-amin ni Mariel, immature pa siya noon kaya nahihiya siya sa kaniyang naging reaksyon.

“Kasi may love scene tapos may mga bath tub scene… tapos naka-diet ako tapos immature ako. Tapos nakakahiya kasi nag-react ako,” dugtong nito.

Sa tanong naman kung nagsisisi ba siya sa kaniyang pagseselos noon sa naturang eksena, sagot ni Mariel ay oo daw.

Aniya, “Do I regret it? Yes! Btw, love ate Kris to the max!!!”

Ayon sa Bandera, ang tinutukoy marahil na eksena ni Mariel ay sa Kapamilya teleserye na “Kailangan Ko’y Ikaw” kung saan nakasama ng dalawa si Anne Curtis.

Bago pa ang pag-aming ito ni Mariel, nag-alay ng panalangin si Robin para sa paggaling ni Kris Aquino.

BASAHIN: Robin: ‘Maging ano man ang kulay natin sa pulitika, kailangan natin si Kris’

Sa isang Facebook post nitong Martes, sinabi ni Robin na mahal na mahal nila ni Mariel si Kris bilang isang kaibigan.

Nalulungkot umano siya sa mga lumabas na masasamang balita tungkol sa actress-TV host sapagka’t hindi ito makatutulong sa kalusugan ng huli.

Dahil dito, nag-alay ng dasal ang aktor para sa kapatid ng yumaong Pangulong Noynoy Aquino.

“Ang aking salmo ay mabigyan ng pahinga ang kaisipan at damdamin ni Ms. Kris para siya ay makabawi at makabalik sa kanyang lakas,” wika ni Robin.

“Maging ano man ang kulay natin sa pulitika, kailangan natin si Ms. Kris,” dagdag pa ng binansagang ‘Bad Boy’ ng pelikulang Pilipino.

Continue Reading

celebrities

Vice Ganda may ‘power’ na magdesisyon para sa ‘It’s Showtime’?

Published

on

By

May ‘say’ umano si Vice Ganda sa mga desisyong ginagawa sa kanilang noontime show na ‘It’s Showtime’, ito ang ibinahagi ni Ogie Diaz.

Ani Ogie, may nakapagsabi sa kaniyang isang source na isa si Vice Ganda sa kinukonsulta o pinagkukunan ng desisyon kapag may bagong programa o segment silang ipapasok sa ‘It’s Showtime’.

“Actually ang alam ko, e, binigyan ng power si Vice na magdesisyon para sa show or magkonsulta sa kanya ang mga staff,” kuwento ng talent manager sa kaniyang co-host na si Mama Loi sa kanilang ‘Ogie Diaz Showbiz Update’.

Pakli naman ni Mama Loi, lumalabas na parang ‘creative consultant’ ng programa si Vice Ganda. Subalit ayon naman kay Ogie, BUH o ‘business unit head’ ang dating nito sa kaniya.

Sang-ayon naman dito si Ogie. Aniya, mas nakakahiya umano kapag ang kukunsultahin ay isang wala pa namang napatunayan sa showbiz.

“Nakakahiya naman kung kukunsulta ka sa hindi naman panalo sa show, so, siyempre doon ka kokonsulta sa tao na una tinitingala sa show, pangalawa, ‘yung source of energy ng show pinaghuhugutan nila,” paliwanag ng showbiz writer.

“Kasi sa totoo lang matalino naman ‘yang baklang ‘yan! In fairness to him kapag sa meeting-meeting ang dami niyang baon, doon niya naibubuhos,” dagdag pa ni Ogie.

Napag-usapan nina Ogie at Mama Loi si Vice Ganda matapos sabihin ni Lolit Solis na nagpa-power tripping umano ang sikat na komedyante sa ‘It’s Showtime’. Dahil dito nagparinig si Vice tungkol sa hindi magandang ginagawa raw ng mga ‘Marites’ na tila ang pinatatamaan ay si Lolit.

BASAHIN: Jugs sinagot ang post ni Lolit Solis tungkol sa umano’y power tripping ni Vice sa ‘It’s Showtime’

Subalit para kina Ogie, maaaring concerned lamang si Vice sa kanilang show kaya nasaktan ito sa sinabi ni Lolit. Wika pa ng dalawa, nagmamalasakit lamang ang comedian-host kaya iniisip nito ang lahat ng makabubuti sa kanilang programa.

Panoorin ang buong talakayan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa ‘Ogie Diaz Showbiz Update’ vlog:

Continue Reading

Trending