Connect with us

entertainment

Weather reporter nag-trending dahil sa nasabing “sama ng loob” sa halip na “sama ng panahon”

Published

on

Nag-trending sa social media ang isang reporter ng UNTV network dahil sa pagkakamali niya sa pagbabalita tungkol sa lagay ng panahon sa bansa.

Sa halip kasi na “sama ng panahon” ang sabihin ay “sama ng loob” ang kanyang nabigkas.

Natawa rin ang reporter na si Mon Jocson sa pangyayari pero itinuloy pa rin niya ang pagbibigay ng weather update.

Sa kasalukuyan po ayon sa PAGASA wala po silang namo-monitor na sama ng loob (natawa siya sa parteng ito)..ng low pressure area po dito po  sa loob ng Philippine area of responsibility,” sabi niya.

Ngayon po sa labas, wala pong nakikita na ano mang sama ng panahon… labas po ‘yan ng ating bansa,” patuloy pa ni Jocson sa kanyang weather update.

In-upload niya sa Twitter ang blooper at nilagyan niya ng caption na “Walang tatawa, ang tatawa hindi ko na bati.”

Screenshot of Mon JOcson’s tweet

 

Ang tweet ni Jocson ay humakot na ng mahigit 598,000 views, higit 56,000 likes, 7,818 quote tweets at mahigit 10,000 retweets.

Natawa ang mga kapwa niya mamamahayag na nagkomento sa  tweet niya.

“Hahahaha! I miss you Kuya Mon,” sabi ng news correspondent na si JC Cosico ng News5 at One News.

 “Hahahahahaha Sorry Mon Can’t  help it mwah,” ayon naman sa radio correspondent na si Rowena Salvacion ng DZBB Super Radyo.

 “Hindi ako tumawa,” komento naman ni Lian Buan ng Rappler.

 “Totoo pong wala kaming binabantayang sama ng loob,” sabi naman ng PAGASA weather forecaster na si Ariel Rojas.

 Sinundan ito ni Rojas ng seryosong weather forecast:

 “For now, mababa ang tsansa nitong maging bagyo. Lalapit at magpapaulan ito sa Eastern Visayas at Bicol Friday and Saturday. Posibleng kumabit ito sa Shear Line o tumawid papuntang West Philippine Sea.

Dahil sa pagkakamali ni Jocson ay sinariwa naman ng ibang twitter users ang iba pang insidente sa pamamagitan ng pag-tweet ng mga bloopers ng weather forecasters na sina Mang Tani at Kuya Kim Atienza.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

entertainment

Kris, nasaktan sa pagbabalewala ni Mel Sarmiento sa damdamin ni Bimby

Published

on

By

Excited ang mga nagmamahal kay Kris Aquino nang mabalitaan na posibleng magkabalikan sila ng ex-fiance na si Mel Sarmiento.

Isinulat kasi ng entertainment columnist na si manay Lolit Solis na may mga senyales daw na babalikan ni Mel si Kris dahil talagang mahal daw niya ito. Pero sinabi mismo ni Kris na walang balikang magaganap.

Image from Kris Aquino

Halos wala na raw respetong natitira si Kris para sa dating nobyo dahil sa mga ginawa nito sa kanya. Napagtanto raw niya na ginamit lang siya ni Mel at hindi naman talaga minahal.

Ang lalo pang ikinasasama ng loob ni Kris ay ang pagbabalewala ng dating kasintahan sa naramdaman ng anak na si Bimby tungkol sa nangyari sa kanilang relasyon.

Ni minsan daw ay hindi kinumusta ni Mel ang kalagayan ni Bimby.

“It became clear to me what his true feelings for me had been and how little respect i had left for him… let’s not involve my sons, because Mel failed to have the common decency to acknowledge that he hurt Bimb and never once checked on how my son was taking all of this,” lahad ni Kris.

Nalaman din umano ni Kris na ilang beses nagmensahe kay Mel ang ate niya sa pagbabakasakaling maayos pa ang kanilang relasyon.

Subalit hindi man lang umano pinansin ni Mel ang ate ni Kris.

“It spoke volumes to me nung nalaman ko from my Ate that she had tried several times to message Mel trying to find a way to communicate with him and hopefully still create a bridge but he actually snubbed my Ate,” sabi pa ni Kris.

At ang pinakasukdulan daw ay nang malaman niya na nag-imbento si Mel ng maraming kuwento para lang masabi na close ito sa yumaong si Pres. Noynoy Aquino.

“And siguro yung final straw for me was the fact kinaya niyang mag-imbento ng napakaraming kwento bilang “patunay” na close talaga sila ni Noy,’ ani Kris.

Continue Reading

entertainment

Kris Aquino, nagsabing ginamit lang siya at hindi tunay na minahal ni Mel Sarmiento

Published

on

By

Walang balikan na mangyayari kay Kris Aquino at ex-fiance nitong si Mel Sarmiento.

Nanggaling ang pahayag na ito kay Kris Aquino mismo bilang reaksyon niya sa isinulat ng entertainment columnist na si Lolit Solis kamakailan lang tungkol sa diumano ay posibilidad na magkabalikan ang dalawa.

Image from Kris Aquino

“Balitang baka magkabalikan sila Kris Aquino at papa Mel Sarmiento, Salve. May mga sign daw na baka bumalik si Papa Mel kay Kris dahil talaga daw love nito ang nanay nila Joshua at Bimby. In fairness naman kay Kris talagang pag minahal ka niya all out siya para sa iyo,” bahagi ng post ni Manay Lolit sa Instagram.

Maaari raw na naramdaman ni Mel Sarmiento na sayang naman kung hindi bibigyan ng second chance ang pagmamahalan nila.

Hinikayat pa niya si Kris at Mel na magbalikan na dahil daw love is lovelier the second time around.

Pero nawindang si Manay Lolit sa sagot ni Kris Aquino sa kanyang isinulat.

Sinabi kasi ni Kris na hindi sila personal na magkaharap ng dating boyfriend nang nakipag-break ito sa kanya. Ginawa raw iyon ni Mel sa text lang.

“Iniwan niya ko Nay, when I was at my lowest and ginawa niya ‘yun via text… Matagal akong tahimik na nagdasal questioning if for both of us, was it ever really love or was it just grief, timing, and infatuation?” lahad ni Kris.

Image from Kris Aquino

Nagkaroon daw ng kasagutan ang kanyang mga katanungan nang magkausap sila ni Mel sa pamamagitan ng FaceTime audio.

At batay umano sa huling conversation nila ay napagtanto ni Kris kung ano ang totoong nararamdaman sa kanya ni Mel. Napagtanto rin daw niya kung gaaano na lang kaliit ang respeto niya sa dating nobyo.

“I found my answers because we finally got to talk over FaceTime audio a few nights ago… basing it on that final conversation it became clear to me what his true feelings for me had been and how little respect i had left for him…So paano magbabalikan sa taong hindi mo na pinagkakatiwalaan at ngayon alam mo nang hindi ka minahal at ginamit ka lamang?” aniya.

Ikinalungkot ni Manay Lolit ang mga isiniwalat ni Kris.

“How gross na sa text lang niya break si Kris Aquino. Sayang talaga dahil nga akala ng lahat ito na ang hinihintay na matagal ni Kris, at inakala pang kasundo ng mga anak niya, pero hindi pala. How sad.”

Image from Kris Aquino

Continue Reading

celebrities

Vice inalok raw na tumakbo sa eleksyon subalit tinangggihan ito: “Ano, ipapahamak ko ang Pilipinas?”

Published

on

By

Inamin ni Vice Ganda na inalok siya dati na tumakbo para sa darating na eleksyon subalit tinanggihan niya umano ito.

Sa vlog ni Dra. Vicki Belo noong isang araw, sinagot ni Vice ang tanong ng kaniyang kapwa celebrities at isa nga sa napag-usapan ay ang politika.

Si Derek Ramsay ang nagbato ng tanong sa comedian-host kung may plano ba itong pasukin ang mundo ng politika.

“Politics… sa ngayon, ha? Siyempre, I cannot sabihin never, baka lamunin ko… hindi ko alam. Pero sa ngayon, no,” pag-amin ni Vice.

Nang muling tanungin kung mayroon bang nag-alok sa kaniya para tumakbo sa 2022 elections, hindi naman ito itinanggi ng ‘It’s Showtime’ host.

Bagama’t hindi na idinetalye ng komedyante ang nasabing offer, ibinahagi naman nitong mataas ang posisyong inaalok sa kaniya para takbuhan.

Ipinaliwanag rin nito kung bakit hindi niya tinanggap ang alok kahit naniniwala siyang mananalo.

“Pwede akong manalo, feeling ko pwede akong manalo kasi marami akong followers, marami akong fans — baka maraming bumoto sa ‘kin, maraming natutuwa sa akin,” anito.

“Pero ako, sa sarili ko, ngayon, hindi ako magaling doon. So bakit ako pupunta doon? Ano, ipapahamak ko ang Pilipinas? Not because you can win, you will run,” dagdag na paliwanag ni Vice Ganda.

Sang-ayon naman dito si Dra. Vicki Bello dahil marami naman umanong natutulungan ang komedyante sa pamamagitan ng pagpapatawa.

“You help Filipinos a lot by making us laugh in times of hardships, by inspiring us with words of wisdom,” anang celebrity doctor.

Bukod dito, nagsilbing inspirasyon naman daw sa iba ang naging buhay nito mula noong nagsisimula pa lamang sa showbiz hanggang sa sumikat na nga at yumaman.

Panoorin ang buong vlog:

Continue Reading

Trending