Connect with us

Inspiring

Unli kilig: Wedding reception sa fastfood may pa-unli rice at unli sabaw sa budget na P3k

Published

on

Hinangaan dahil sa pagiging praktikal at kinakiligan dahil sa sweetness na ipinakita sa isa’t isa ang bagong kasal sa Cebu na sa isang fastfood restaurant idinaos ang kanilang wedding reception; may pa-unli rice at unli sabaw pa!

Matapos magpalitan ng “I do’s” at mangako na magsasama sa hirap at ginhawa, dumiretso ang newlyweds na sina Rian at Rhaqueza sa sikat na venue ng reception. Suot ang kanyang white wedding gown, ang bride mismo ang nagtungo sa counter upang umorder ng kanilang pagsasaluhan kasama ng mga bisita.

 

Bago pa nila pagsaluhan ang kanilang pagmamahalan ay pinagsaluhan muna nila ang masarap na pagkain sa reception upang makasama sa selebrasyon ng espesyal na araw na iyon ang mga kaanak at kaibigan sa unang pagkakataon bilang magkabiyak.

Sa budget na P3,044 ay nabusog ang labinlimang katao kasama na ang bagong kasal sa handang masarap na chickenbbq, unli rice at unli sabaw. May kasama na rin iyong dessert na halo-halo.

“Limited lang ‘yung mga tao na in-invite namin, mga 15 persons lang, hindi masyadong malaki ‘yung binayaran namin. Although ginusto talaga namin ‘yung medyo magara naman, kasi sabi nga minsan lang tayo kinakasal, pero siyempre ‘yung pera naman hindi naman minsan,” sabi ni Rhaqueza.

“Gumastos lang kami ng P3,044 good for 15 persons lang, lahat kasama na kami roon,” wika ng bride na 8 months pregnant na.

“Since pregnant na ako for eight months, decided talaga kami noon na pinili talaga namin sa fastfood na lang kasi mas tipid at hindi na kami mag-iisip ng mga utang utang pa,” paliwanag ng napaka-praktikal na bride.

Sa naturang fastfood na rin ginawa ang money dance, isang tradisyon sa mga kasalan na habang nagsasayaw ang bagong kasal ay sinasabitan ng pera ang kanilang kasuotan.

Ito ay simbolo umano sa pagtahak nila sa maalwan na buhay ng kanilang pagsasama.

Doon na rin sa restaurant ginawa ang pagbubukas ng mga natanggap nilang mga regalo. Kabilang sa mga iniregalo sa kanila ay isang kaldero na puno ng bigas at isang arinola.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

entertainment

Wagi! Pinoy artist napansin, pinadalhan ng autograph at souvenirs ni Michael Jordan

Published

on

By

Isang Filipino artist na naging viral sa paggawa ng artwork ng iconic na “Last Shot” ni Michael Jordan noong 1998 NBA Finals laban sa Utah Jazz ay nakaiskor lang naman ng malaking tagumpay mula sa kanyang idolo!

Ayon sa ulat  ni Oscar Oida sa GMA News “24 Oras”, ang naturang obra ay gawa ni Christian Oliver Talampas, isang self-taught pen at charcoal artist na sumikat sa TikTok noon Hulyo 2021.

Ayon kay Talampas,  72 araw/620 oras daw ang ginugol niya para matapos ang naturang obra.

Nag-viral ang video ni Talampas at agad naman itong nabigyang- pansin ng isang collector mula sa America na si Bryan Apadoca. Nakipag-ugnayan naman si Apadoca sa kampo ni Jordan para sa kanya.

“Hiningi ni Michael Jordan ‘yung original artwork ko dahil nagustuhan,” saad ni Christian. “Agad-agad sir pinadala ko agad talaga.”

Laking tuwa niya nang ibalik sa kanya ang kanyang obra na may autograph na ni Jordan. Ipinadala rin sa kanya ang larawan ni Jordan nang pumirma ito sa kanyang likha.

Maluha-luha ang artist nang binuksan niya ang ipinadala, sapagkat sino ba naman siya para mapansin nang ganun ng isang sports icon!

Sabi nga raw ng iba, hindi basta-basta nag-o-autograph ang Legend kaya naman ganoon na lamang katindi ang sayang nararamdaman ngayon ng ating artist.

Mapapa-sana all ka na lang talaga! Na parang naka-‘three points’ ka sa basketball.

Bukod sa autograph, nakatanggap din si Christian ng shirt at playing cards na ginamit mismo ni Michael Jordan.

“Ang hirap paniwalaan. Ang ine-expect ko nga, gusto ko sana picture man lang na hawak niya pero sobra-sobra ‘yung binigay niya,” aniya. “Sabi nila makakatulong daw ‘to sa career ko as an artist.”

Sinabi ng isang kolektor na ang pirma ni Michael Jordan sa isang sapatos pa lang ay nasa $15,000 na.  Ngunit para kay Christian, higit pa umano sa ano mang halaga ang kanyang kasiyahan. Sapat na raw na napansin ng kanyang idolo ang kanyang obra.

Hinimok rin niya ang iba pa na huwag mawalan ng pag-asa at patuloy na magtiwala sa sarili.

“‘Wag kayong mawawalan ng pag-asa na magtiwala sa sarili n’yo, na maniwala kahit wala nang naniniwala sa ‘yo,” ani Christian.

Panoorin ang buong video sa 24 oras;

Continue Reading

Inspiring

Talentado! Baguhang artist iginuhit sa resibo ang mga karakter ng pelikulang ‘Encanto’

Published

on

By

Wow! Umani ng paghanga ang isang baguhang artist dahil sa pagkakalikha niya ng work of art sa isang resibo.

Mas nakilala ang young artist na si Eldo Caspillo ng Maragondon, Cavite nang ibahagi ang kanyang likha ng Bayan mo, ipatrol mo; kung saan ay itinanghal nila ang pagguhit nito sa imahe nina Mirabel, Isabel at Luisa Madrigal ng pelikulang ‘Encanto’ gamit ang graphite at charcoal powder.

Ayon sa Bayan mo, ipatrol mo, unang beses pa lamang ni Eldo na gumuhit sa resibo at limang oras niyang nilikha si Mirabel. Pagkatapos ay sinunod na niya ang  dalawa pang kapatid nito sa kuwento na sina Isabela at Luisa.

“The Madrigal Sister | Encanto Luisa, Isabela and Mirabel Lapis sa resibo Skl po, hope y’all like it,” pagbabahagi naman niya sa kanyang Facebook wall.

Makikita na mahusay sa pagguhit si Eldo bagama’t ayon sa kanya ay one year pa lamang siya sa pagguhit.  Tunay na talentado!

Para kay Eldo, paborito niya ang karakter ng magkakapatid dahil maganda silang mga halimbawa sa mga manonood.

Samantala, siya ay sumali kamakailan sa isang paligsahan sa pagguhit at napabilang siya sa top 5. Masaya niya itong ibinahagi sa kanyang Facebook post at makikita rin sa page ng MangguGuhit.

“Top 5 “TRACES OF LIFE” Charcoal and graphite on vellum paper One Reference Challenge | Pro Category All Glory to God! Salamat po sa Group Page ng MangguGuhit sa opportunity na ito po,” saad niya sa kanyang caption

Ipinalabas ang Encanto ng Disney Studios noong Nobyember 2021.

Ang movie na encanto ay tungkol sa magkakapatid na Madrigal. Ang mga Madrigal ay isang pambihirang pamilya na nakatira sa mga bundok ng Colombia sa isang kaakit-akit na lugar na tinatawag na Encanto. Ang mahika ng Encanto ay biniyayaan ng kakaibang regalo ang bawat bata sa isang pamilya — bawat bata maliban kay Mirabel. Gayunpaman, maaaring siya na ang huling pag-asa ng mga Madrigal kapag nalaman niyang nasa panganib na ngayon ang mahika na nakapaligid sa Encanto.

Ang “Encanto” ay matagumpay na tinangkilik ng mga manonood na may iba’t ibang edad.

Panoorin ang Encanto trailer:

Continue Reading

celebrity

Ken Chan, may malalaking negosyo dahil sa pagsunod sa payo ng mga magulang

Published

on

By

Sampung taon na rin ang showbiz career ng aktor na si Ken Chan.

Nagsimula siya bilang isa sa mga co-hosts sa “Walang Tulugan” ng yumaong German Moreno at ngayon ay isa na siya sa mga bankable male actors sa local showbiz industry.

Bukod sa pagiging mahusay na artista, nalilinya na rin ang aktor sa pagnenegosyo. Sa ngayon ay mayroon na siyang tatlong businesses na inaatupag. Filipino-Chinese si Ken kaya naman nananalaytay sa kanyang mga ugat ang dugo ng pagiging negosyante.

Noong November 2020 ay ibinida ng aktor ang ipinagagawang branches niya ng iFuel gasoline stations na umabot na sa lima.

“Just visited two of my iFuel Gasoline Station branches in Baliuag, Bulacan and San Fernando, Pampanga and I couldn’t be happier with the progress coming along. Can’t wait to show you my three new branches in the works. Stay tuned to find out in which cities!” pagbibida ni Ken noong 2020.

Co-founder din siya sa negosyong Aromagicare, na ang produkto ay affordable wellness massage chair at therapy oils.

At kamakailan lang ay inilunsad niya ang Cafe Claus, ang cafe-bakery na nagse-serve ng American at Pinoy dishes bukod pa sa cake at pastries.

Wika ni Ken, bata pa lang siya ay pangarap na raw talaga niya ang magkaroon ng sariling negosyo at ngayon nga ay natupad na iyon dahil sa kanyang pagsusumikap.

Malaking factor daw ang payo ng  kanyang mga magulang noon sa pagkakaroon niya ng puhunan sa negosyo. Mula noon hanggang ngayong may matagumpay na siyang showbiz career ay ina-apply pa rin daw niya sa buhay ang pagtitipid na natutuhan mula sa mga magulang.

“Ang turo ng mga magulang ko, kapag kumita ako ng sampung piso, ’yung gagastusin ko ’yung piso at ’yung siyam na piso, itatago ko. Ini-apply ko ’yun sa buhay ko simula pa nang mag-artista ako at hanggang ngayon po,” lahad niya.

Napatunayan raw niya na kapag may mga pangarap ka at pinaniwalaan ang iyongsarili ay matutupad ang mga iyon.

Continue Reading

Trending