Connect with us

government

Year-end bonus ng mga manggagawa dapat ibigay nang mas maaga para iwas siksikan sa pamilihan

Published

on

Image from Money Sense


Ibigay na sa mga manggagawa nang mas maaga ang kanilang year-end bonus — ito ang panawagan ni Anakalusugan Partylist Represantative Mike Defensor sa mga ahensya ng pamahalaan.

Ito ay upang maagang makapamili ang mga empleyado ng mga kakailanganin para sa nalalapit na kapaskuhan at hindi na sila makadagdag pa sa dagsaan ng mga tao sa mga shopping malls at iba pang pamilihan.

Aniya, kailangan pa rin natin ang mahigpit na pag-iingat dahil umiiral pa rin ang pandemya.

Batay sa Section 8 ng Republic Act No. 11466 o Salary Standardization Law of 2019, bahagi ng mga incentives sa ilalim ng Total Compensation Framework ang mid-year bonus katumbas ng 1 month salary na ibinibigay tuwing May 15th at ang year-end bonus na katumbas ng 1 month salary at karagdagang cash gift na nagkakahalaga ng P5,000 tuwing Nobyembre kada taon.. 


Image from Philippine News Agency


They will be able to avoid crowds in malls and other shopping areas if they can plan their purchases in advance, and they can steer clear of the highly infectious novel coronavirus,” paliwanag ni Rep. Defensor.

Ayon pa sa mambabatas, bilang pagsunod sa nabanggit na batas, ipinag-utos na ni House of Representative Speaker Lord Allan Velasco ang pamamahagi ng year-end bonus ngayong linggo.

Dapat daw itong tularan ng ibang government agencies at ipamahagi na ang bonus ngayong linggo o sa susunod na linggo.

Image from Rep. Mike Defensor’s Facebook account


Other agencies could give out the year-end benefits also this week or next week,” giit niya.

Nanawagan  din siya sa Department of Budget and Management na ilabas na ang pondo upang makapagpamahagi na ang mga ahensya ng pamahalaan ng bonus at P5,000 cash gift para sa kanilang mga kawani.

Binanggit din ni Rep. Defensor na ang mga local government units ay mayroong mandato na magbigay ng mid-year at year-end incentives batay sa kanilang kakayahan.

Maliit man o mayamang LGU ay dapat umanong magbigay na ng bonus ngayong buwan.


Image from Philippine News Agency


 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

government

PAO chief Persida Acosta umaming hindi pa bakunado

Published

on

By

Inamin ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Atty. Persida Rueda-Acosta na kabilang siya sa mga Pilipinong hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Ginawa ni Acosta ang pag-amin sa gitna ng patakarang pinaiiral ngayon ng pamahalaan kung saan nililimitahan ang kilos ng mga ‘unvaccinated’ upang hindi na mahawahan ng virus.

Subalit tiniyak ng hepe ng PAO na nakahanda itong ipaglaban ang kaniyang karapatan sakaling siya ay mahuli ng mga awtoridad na lumalabag sa naturang polisiya.

“If ever the local officials will incarcerate me for being unvaxed, then I will fight for my cause,” ani Acosta sa panayam ng ANC Headstart nitong Lunes, Enero 17.

Nilinaw naman ng opisyal na hindi siya ‘anti-vaccination’.

“Ako talaga may second thoughts ako. I am waiting for a protein-based COVID vaccine,” paliwanag ni Acosta dahil ang mga kasalukuyang bakuna umano ngayon ay ribonucleic acid (RNA)-based.

Iginiit din ng abogado na ang ipinatutupad na ‘no vax, no ride’ policy ng gobyerno ay labag sa Saligang Batas.

Malinaw na nakasaad umano sa Bill of Rights ng Konstitusyon na “no person shall be deprived of life, liberty and property without due process of law.”

“I think the policy of the mayors is highly unconstitutional and against the law because Republic Act 11525 states that vaccine cards shall not be necessary for educational, any transactions and yet they are syncopating. Nilalabag nila ang batas eh,” dagdag pa nito.

Nilinaw din ni Acosta na bagama’t maraming grupo ngayon ang nananawagan na ideklarang ‘unconstitutional’ ang ‘mandatory vaccination’, wala siyang planong sumali sa kanila sapagkat hindi naman ito hinihingi ng pagkakataon ngayon.

BASAHIN:  ‘Wag silang ituring na kriminal’: Pacquiao tutol sa ‘no vax, no ride’ policy ng DOTr

Continue Reading

government

Listahan ng mga hindi bakunado hinihingi ng DILG sa lahat ng barangay

Published

on

By

Inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay sa buong bansa na ilista ang lahat ng mga residente sa nasasakupan na hindi pa nababakunahan.

Ipinahayag ni Undersecretary Jonathan Malaya, na siyang tumatayong tagapagsalita ng DILG, na naglabas ng isang memorandum circular si Interior Secretary Eduardo Año na nag-uutos sa mga barangay na kilalanin ang mga unvaccinated residents sa kanilang lugar.

Image from PCOO

Ang memoradum circular ay kaugnay ng ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pigilan ang galaw ng mga taong hindi bakunado.

“Nagpalabas po si Secretary Año ng memorandum circular para magsagawa ang lahat ng mga barangay sa buong bansa para malaman ‘yung hindi pa nagpapabakuna sa barangay,” wika ni Usec. Malaya.

Sa oras na makumpleto na ang listahan, ito na rin daw ang gagamiting batayan para sa pagpapasa ng ordinansang magtatakda ng limitadong paglabas ng mga residenteng hindi pa nababakunahan.

Ang pagsasagawa ng imbentaryo sa mga wala pang bakuna ay gagawin buwan-buwan at ang talaan ay isusumite sa DILG field office sa kanilang lugar.

Matapos ang paglilista, dapat umanong i-monitor ang galaw ng mga unvaccinated at sabihan ang mga iyon na huwag lumabas ng bahay.

Samantala, inalmahan  naman ng isang mambabatas ang kautusan ng DILG at maituturing daw iyon na isang “witch hunt.”

“Imbes na makatulong sa naghihingalong mamamayang Pilipino at health care system ng bansa, witch hunt sa unvaccinated ang inaatupag ng Duterte administration,” wika ni ACT party-list Representative France Castro.

Image from ACT Partylist

Posible umanong malabag ang privacy ng mga taong hindi pa bakunado o ayaw magpabakuna dahil sa kanilang personal na paniniwala.

Sa halip na listahan ng mga unvaccinated, ang dapat daw likumin ng pamahalaan ay ang listahan ng mga nawalan ng trabaho at mga pamilyang nangangailangan ng tulong.

“Listahan ng mga nawalan ng trabaho at mga pamilyang nangangailangan ng ayuda ang likumin ng DILG. Imbes na bigyang prayoridad ng gobyerno ang mass testing, contact tracing at mas agresibong pagpapabakuna, obsesyon sa mga unvaccinated ang mas binibigyan ngayon ng pansin,” pahayag ng mambabatas.

Nangangamba rin ang Commission on Human Rights sa kautusan ng DILG na baka malabag nito ang right to privacy ng mga tao.

Image from The Guardian

Continue Reading

government

‘Wag silang ituring na kriminal’: Pacquiao tutol sa ‘no vax, no ride’ policy ng DOTr

Published

on

By

Hindi pabor si Senador Manny Pacquiao sa patakarang ipatutupad ng Department of Transportation (DOTr) para malimitihan ang kilos ng mga hindi pa bakunadong mamamayan.

Nagpalabas kasi ng kautusan ang DOTr na bawal nang sumakay sa mga pampublikong sasakyan ang mga taong hindi pa nababakunahan kontra COVID o ‘no vax, no ride’ policy.

Imahe mula sa PNA

Ayon kay Transport Sec. Art Tugade, ipatutupad ito ‘effective immediately’ sa buong Metro Manila muna. May basbas rin umano ito ng lahat ng mayors sa National Capital Region (NCR).

Subalit tutol dito ang ilang grupo at pulitiko kabilang na si Pacquiao na tumatakbo ngayon bilang pangulo para sa susunod na eleksiyon.

Wag pilitin ang ayaw

Ayon sa mambabatas, dapat ay paliwanagan ang mga taong ito at kumbinsihin na magpabakuna subalit hindi dapat pilitin.

“Ako po ay nanawagan sa DILG, sa PNP, sa DoTr at sa ating mga LGU na huwag naman po sana nating pilitin ang ating mga kababayan na magpabakuna kung ito ay labag sa kanilang paniniwala. Kumbinsihin po natin sila at pagpaliwanagan ngunit huwag natin silang pilitin,” pahayag ng senador.

Imahe mula sa Facebook| Manny Pacquiao

“Huwag po natin silang ituring na parang mga kriminal. Huwag po natin silang putulan ng karapatan na makapagtrabaho o makapamili ng kanilang mga pangangailangan,” wika pa ni Pacquiao.

Wala rin umanong batayan sa batas na pigilan ang mga hindi bakunadong indibidwal sa kanilang malayang pagkilos.

“ Yun pong mga may gustong magpa-vaccinate eh ‘di magpa-vaccinate. Pero yun pong mga ayaw ay bigyan po natin sila ng karapatan na manindigan sa kanilang paniniwala,” dagdag pa ng senador.

Walang diskriminasyon

Iginiit naman ng DOTr na walang mangyayaring diskriminasyon sa pagpapatupad ng naturang policy dahil para lamang ito sa public transportation.

Imahe mula sa Lowy Institute

“I don’t think there will be discrimination…we are not limiting their right to transportation, but they will not be able to use public transportation. They have other means of transportation,” paliwanag ni DOTr Usec. Artemio Tuazon Jr.

Inaasahang tuluyang magiging epektibo na ang implementasyon ng ‘no vax, no ride’ policy simula sa Lunes, Enero 17, bagama’t unti-unti na itong ipinatutupad sa ilang lugar sa Metro Manila ngayong linggo.

Continue Reading

Trending