Connect with us

politics

Yorme tutularan ang Korea, gagawing globally competitive ang local entertainment industry

Published

on

Plano ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na bigyan ng nararapat na ayuda ang local entertainment industry upang makaya nitong makipagsabayan sa ibang bansa tulad ng ginagawa ng South Korea.

Kung papalaring siya ang magwagi bilang bagong lider ng bansa sa darating na halalan ay mamumuhunan umano siya sa nabanggit na industriya.

Naniniwala siya na kapag pinagbuhusan ng kapital ang entertainment industry, kabilang ang telebisyon, pelikula at ibang mga katulad nito, ay makatutulong iyon upang makagawa ng mga de-kalidad na pelikula at mga programa sa telebisyon.

Image from Manila PIO

 

Binanggit niya ang mga Korean telenobela at K-Pop. Aniya, kung tatahakin natin ang daang tinahak ng Korea kung saan gumagastos ito ng malaking halaga upang maisayos ang movie industry nito, tiyak umano na magagawa rin iyon ng Pilipinas.

Dalawampung taon daw ang ginugol ng South Korea upang ipakilala sa buong mundo ang kanilang kultura  sa pamamagitan ng visual arts.

If we can go on the same path where the Korean government spent so much money to develop their movie industry, I think we can do the same. It took them 20 years to introduce Korean culture through visual arts to the world, we can do it as well,” wika ni Yorme.

Image from Medium

Ayon pa sa presidential hopeful, ang tinatamong tagumpay ng K-Pop groups at korean TV shows at mga pelikula ay nakatutulong sa ekonomiya ng South Korea. Umaabot umano sa $10 billion ang ipinapasok ng mga ito sa bansa kada taon.

“Imagine how Korean culture is now ingrained globally. All because of their entertainment industry that is also contributing substantially to their economy,” aniya.

Upang matularan ang tagumpay ng South Korea, ang tanging paraan lang umano ay gugulan ito ng malaking pondo.

Image from Peque Gallaga

So, all we need to do as government is to really invest. Ang ganda, ganda ng CCP (Cultural Center of the Philippines). Ang ganda ng mga talents natin. Guwapo ang mga artista natin at talented silang lahat. In fact, we keep on winning in terms of talent,” ayon kay Yorme  na binanggit pa si Lea Salonga at John Arcilla na tumanggap ng mga parangal sa international stage.

celebrities

Ex-wife Liezl Sicangco nagpahayag ng suporta kay Robin sa pagtakbo nito bilang senador

Published

on

By

Maraming showbiz personalities ang sumusubok pumasok sa public service sa darating na halalan. Isa sa kanilang pangunahing dahilan sa pakikipagsapalaran sa politika ay upang palawakin umano ang kanilang plataporma sa pagtulong sa iba.

Kabilang sa mga sumusubok sa elective posts sa 2022 ay ang mga kilalang celebrities tulad nina Raffy Tulfo, Jason Abalos, Ejay Falcon, Richard Yap, Angelu de Leon, Nash Aguas, at Dennis Padilla.

Ang action star namang si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla, mas kilala bilang Robin Padilla, ay tatakbo bilang senador sa ilalim ng paksyon ng PDP-Laban sa pangunguna ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Bagama’t pinupuna ng ilan ang kanyang “ambisyon” na makakuha ng puwesto sa senado, mayroon ding mga nagtatanggol at nangangampanya pa para sa kanya.

Isa na rito ang kanyang ex-wife na si Liezl Sicangco, ina ni Kylie Padilla, kung saan nagpahayag ito ng suporta sa dating asawa. Sa kanyang post, makikita siyang may hawak na tarpaulin na naka-print ang mukha ng aktor habang isinusulong ang kanyang senatorial bid sa darating na eleksyon sa Mayo 9, 2022.

Sinabayan pa ng caption na: “Ang tunay na may malasakit sa Filipino. Robin ang senator ko.”

Samantala, sa daan-daang naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) para  sa 2022 senatorial polls, 12 lamang ang mahahalal.

Ang panahon ng kampanya ay magsisimula sa Pebrero 8, 2022, hanggang Mayo 7, 2022. Ang pambansang halalan ay nakatakdang isagawa sa Mayo 9.

 

Si Robin ay isinilang noong Nobyembre 23, 1969 sa Daet, Camarines Norte, at isa sa mga anak ng dating Camarines Norte Vice-Governor at assemblyman Roy Padilla at Eva Cariño.

Kilala bilang “Bad Boy” ng Pinoy movies dahil sa pagganap ng mga gangster roles, gumanap siya ng mga pangunahing karakter sa mga pelikulang Bad Boy, Anak ni Baby Ama, at Grease Gun Gang. Ang tatlo pa niyang kapatid na sina BB Gandanghari (dating kilala bilang Rustom), Rommel, at yumaong Royette, ay pawang mga artista rin.

Continue Reading

politics

Utol ni Pacquiao, si Sara ang inendorso bilang VP; Manny kakausapin ang kapatid

Published

on

By

Tiniyak ni presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao na kakausapin niya ang kaniyang kapatid matapos mapaulat na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang inendorso nito bilang kandidato sa pagka-bise presidente.

Ayon kay Pacquiao, ipinatawag na niya ang kapatid na si Sarangani Rep. Ruel Pacquiao upang hingan ng paliwanag tungkol dito.

Subalit nitong Miyerkules ay sinabi ng Pambansang Kamao na hindi pa niya nakakausap ang nakababatang kapatid.

“Mamaya ko pa tatawagan siya dahil hindi ko pa ma-contact kanina,” ani Pacman sa panayam ng mga mamamahayag.

Susubukan niya umanong kausapin si Ruel, pati na ang isa pang kapatid na si OFW Family Club Party-list Rep. Bobby Pacquiao, tungkol sa pananaw sa pulitika ng kanilang pamilya.

“Kakausapin ko muna sila, kukumbinsihin dahil nakakahiya naman sa ating vice president. Kinuha ko ‘yung bise presidente ko dahil malaki ang tiwala ko, at ‘yung ekspiryensya sa pagserbisyo and’yan,” dagdag pa ng senador.

Si Pacman ay tumatakbo sa ilalim ng partidong PROMDI at ka-tandem niya si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza bilang running mate.

Noong isang araw ay inanunsiyo ng Lakas-CMD na isa si Ruel Pacquiao sa sumusuporta sa kandidatura ni Inday Sara bilang pangalawang pangulo.

“Rep. Pacquiao, Gov. Solon, and the mayors of Sarangani expressed support to the vice-presidential candidacy of Inday Sara,” anang partido sa isang pahayag.

Inamin naman ni Pacman na nagulat siya matapos marinig ang anunsiyo ng Lakas-CMD. Hindi umano siya nakonsulta ng kaniyang kapatid hinggil dito.

“Bilang pamilya at bilang magkapatid ay kailangan naming magkaisa upang matiyak na tuloy-tuloy ang labang Pacquaio-Atienza,” wika pa ng mambabatas.

Continue Reading

government

Pang. Duterte nangakong papangalanan ang ‘most corrupt’, ‘inexperienced’ presidential bets

Published

on

By

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilalabas niya ang ‘baho’ ng ilan sa mga kandidato na tumatakbong presidente sa susunod na eleksyon.

Sa kaniyang ‘Talk to the People’ nitong Lunes nang gabi, nangako ang Pangulo na papangalanan niya kung sino sa mga ito ang ‘masyadong corrupt’ pati na umano ang isang walang kakayahang maging lider ng bansa.

“In due time, I will personally name the candidates, maybe what is wrong with them. Kailangan malaman ng tao because you are electing a president,” paglalahad ni Duterte.

Iginiit rin ng Pangulo na hindi siya namumulitika subalit ginagawa lamang niya ito bilang presidente at dapat ring malaman umano ng mamamayang Pilipino.

Batay raw ito sa mga impormasyong nakararating sa kaniya bilang presidente bukod pa sa kaniyang personal na karanasan at obserbasyon.

Kabilang raw sa nakarating sa kaniya ang isanng kandidato na ‘lasenggo’, mahilig mang-insulto at nagwawala pa kapag nakainom.

Isa rin umano ay ‘masyadong corrupt’ kaya hindi maaaring maging presidente.

“Akala lang kasi ng mga tao malinis pero ‘yung mga nag-transact sa business sa kanya, mga official business, pati yung mga Chinese nagreklamo na na masyadong corrupt daw,” bahagi ng Pangulo.

Mayroon din umanong ‘kulang’ pa talaga sa karanasan at walang kapasidad na mamuno sa bansa.

“Meron dito hopelessly, I think, hindi dapat mag-presidente kasi medyo kulang talaga, kulang na kulang,” anito.

Hindi naman sinabi ng Pangulong Duterte kung kailan niya tuwirang papangalanan ang kaniyang mga tinukoy na kandidato subalit bahala na raw ang mga tao kung maniniwala sa kaniyang mga ibinulgar.

“But if you reject it at ayaw ninyong maniwala, ang masasabi ko lang, bahala kayo. Besides, it’s also your country, it’s not only mine,” dagdag pa nito.

Ilan sa mga kumakandidato ngayon sa pagkapangulo ay sina dating Senador Bongbong Marcos, Vice President Leni Robredo, Senador Ping Lacson, Senador Manny Pacquiao, Manila Mayor Isko Moreno at Labor Leader Leody de Guzman.

Continue Reading

Trending