Connect with us

Philippine Showbiz

Aj Raval nagsalita na sa isyu kay Barbie Imperial

Published

on

Nagsalita na rin sa wakas si Aj Raval tungkol sa isyung ipinukol sa kanya ni Barbie Imperial kaugnay ng mga bali-balitang ipinakalat ng kontrobersyal na social influencer na si Xian Gaza.

Image from AJ Raval’s Facebook account

Magugunitang naglahad ng kanyang saloobin si Barbie Imperial sa panayam sa kanya ng tinaguriang “The King of Talk” na si Boy Abundia kung saan sinabi niya na dapat magsalita si AJ Raval upang pasinungalingan  ang mga pahayag ni Xian Gaza kung talagang walang namagitan sa kanila ni Diego Loyzaga na nobyo ni Barbie.

Batay sa ‘exposé’ ni Xian Gaza, nagpupunta raw si Diego sa bahay nina AJ sa Pampanga para manligaw.

Sa interview sa kanya ng PikaPika, tahasang itinanggi ni AJ Raval na nanligaw sa kanya si Diego Loyzaga. Aniya, napanood raw niya ang mga naging pahayag ni Barbie Imperial matapos ipakita iyon sa kanya ng kanyang personal assistant.

“Pinapanood po sa akin ng personal assistant ko kasi po wala na po akong update sa social media. Nag-detox po talaga ako ngayon kaya hindi ko po alam ’yong mga nangyayari. Tapos pinapanood lang sa akin ’yong video,” wika ni Aj.

“Nu’ng oras po na ’yon parang nagtaka rin po ako saan po galing ’yong ganu’ng issue. Hindi naman din po ako nagalit. Parang wala lang po. Wala po akong reaction. Tapos parang gusto din po niya akong magsalita. Para saan po? Parang ganu’n. Alam naman po nilang dalawa na hindi totoo ’yon,” paliwanag pa ng dalaga.

Imaage from AJ Raval’s Facebook account

At para wakasan na ang isyu ay sinabi na ni AJ na walang katotohanan na nanligaw sa kanya ang nobyo ni Barbie imperial.

“Si Diego po, hindi po, never po nanligaw si Diego sa akin. Wala po kaming naging relationship ni Diego. One time ko lang po siyang nakasama, sa set pa po ng Death of a Girlfriend. Ayon lang po,” aniya.

Bukod sa pagtanggi na nanligaw sa kanya si Diego, nagbigay din ng pahayag si AJ tungkol kay Xian Gaza. Itinanggi niya ang paratang ni Barbie na siya ang nagbibigay ng impormasyon sa kontrobersyal na influencer.

“Hindi ko po alam. Wala po akong idea sa’n po galing ’yon kasi ba’t naman ako magpi-feed kay Xian ng tungkol sa akin, e, ‘di parang pinahamak ko po ’yong sarili ko?” paliwanag niya.

Nauunawaan din daw ni AJ ang panig ni Barbie. Nadala lang daw ito ng kanyang emosyon dahil na rin umano sa mga sinasabi ng mga fans.

Sa huli, ang wish ni AJ ay maging maayos ang relasyon ni Barbie at Diego.

Image from Barbie Imperial’s Instagram account

 

Philippine Showbiz

Dating PA ni Piolo: ‘Ito na ang umpisa ng journey namin’

Published

on

By

Muling kinaaliwan ang hirit ng dating personal assistant ni Piolo Pascual na si Moi Marcampo nang magbahagi ito ng larawan nila sa Instagram.

“Ito na po ang umpisa ng journey namin sa katagang ‘pag 50 years old ka na at wala ka pang asawa, baka tayo talaga.’ hahaha. Apaka feelingera ko!!!!” sabi ni Moi sa caption ng post.

Matatandaang noong kaarawan ni Piolo ay humirit itong kapag umabot ang aktor ng 50 years old nang hindi pa nakakapag-asawa ay baka sila talaga ang nakatadhana para sa isa’t isa.

[Basahin: ‘Baka tayo talaga’: Dating PA ni Piolo Pascual may nakaaaliw na birthday message sa aktor]

“Happy birthday, my Mayor. You’re the best and you’re the yummiest, the yummier? I love you beri beri much! Ikaw lang ‘yong habang tumatanda, lalong sumasarap. ‘Pag di ka pa nakapag-asawa tapos 50 years old ka na, naku lagot, baka tayo talaga,” biro niya.

Naging personal assistant ni Piolo si Moi sa loob ng 16 taon. Nakapasok na rin ito sa mundo ng show business at nagtatrabaho na rin bilang isang chef.

Gayunpaman, nang matapos ang kaniyang serbisyo kay Piolo ay aminado itong labis siyang nalungkot.

“Noong una, siyempre kasi sobrang close namin. Tapos nung nakikita ko na umaalis sila na hindi ako kasama, parang naiinggit ako. Nadudurog ang puso ko. Kasi sanay ako na ako ‘yong nauuna sa kotse, ako ‘yong unang umaakyat,” sabi noon ni Moi.

Samantala, usap-usapan din ang namamagitan kina Piolo at aktres na si Shaina Magdayao dahil nakita silang magkasama sa beach trip kamakailan. Nang usisain tungkol dito, sinabi niyang what you see is what you get na lang sa relasyon nila.

“It’s just the same. I guess it’s better not to talk about it. Let it just die down because it’s been how many years, and we always say the same thing, anyway. So, I guess, for now, wala, wala na…’yon na iyon. What you see is what you get, as simple as that.”

[Basahin: Piolo sa mga litrato nila ni Shaina: What you see is what you get]

Continue Reading

entertainment

Lolit Solis pinuri si Jugs Jugueta sa pagbibigay-linaw nito sa usaping ‘power tripping’ ni Vice sa “It’s Showtime”

Published

on

By

Pinuri ni Lolit Solis ang pagkomento ni Jugs Jugueta sa kanyang post tungkol sa diumano’y “power-tripping” ni Vice Ganda sa noontime program ng ABS-CBN na “It’s Showtime” kung saan ang mga host ng show daw ay  nagkakaproblema sa kanya.

Kamakailan ay nagpost si Lolit sa social media na may power tripping daw si Vice Ganda sa programang “It’s Showtime”, according sa kanilang source.

Aniya, “Medyo alarming Salve iyon mga balita na nagpa power tripping si Vice Ganda. Balita na parang siya na ang nagpapa takbo ng Showtime, siya na ang nasusunod sa lahat ng galawa ng programa. Marami pang horror story na kumakalat sa pagbabago daw ng ugali ni Vice Ganda, at parang marami narin mga tao ang nasasaktan sa mga ginagawa daw nito…”

Agad namang ipinagtanggol ang IS host ng kasamahan nito sa noontime show na si Jugs Jugueta sa pamamagitan ng pagkokomento sa nasabing IG post ni Manay Lolit.

“Hanap po kayo ng bago ninyong source na Maritess, Tita… MASAYANG MASAYA PO KAMI SA SHOWTIME NGAYON!!!! Peace be with you and happy new year!” 

Matapos basahin ang komento ni Jugs, nagpasalamat si Lolit sa pagtutuwid nito sa kanyang nakalap na tsika at sa pagbabahagi ng katotohanan. Sabi ng talent manager, sana lahat ng celebrity na naisusulat nila, tulad ni Jugs,  ay may oras para ituwid iyong mga nabasa nila.

Ibinahagi ni Lolit sa kanyang Instagram acount ang pag-appreciate at pasasalamat kay Jugs.

“Appreciate ko iyon comment ni Jugs sa IG post ko about Vice Ganda, Salve. Sabi niya, hindi totoo ang mga kumakalat na balita na marami ang discontented dahil sa mga nagaganap na power tripping sa Showtime,” saad ni Lolit.

Ipinahayag din niya ang kanyang kasiyahan na maayos naman pala ang lahat sa mga host ng Kapamilya show.

“Dapat talaga na maging maganda ang samahan nila dahil araw araw silang magkasama, dapat para na silang magkakapatid. Sana lahat ng celebrity tulad ni Jugs may oras para ituwid iyon nabasa nila, mas appreciate namin iyon. Puwede naman kasi na mali ang information na nakuha namin, at puwede naman itong ituwid. Thank you Jugs for your time. Appreciate much!”  dagdag pa niya.

 

Basahin: Jugs sinagot ang post ni Lolit Solis tungkol sa umano’y power tripping ni Vice sa ‘It’s Showtime’.

Continue Reading

Philippine Showbiz

Jugs sinagot ang post ni Lolit Solis tungkol sa umano’y power tripping ni Vice sa ‘It’s Showtime’

Published

on

By

Pumalag si “It’s Showtime” host Jugs Jugueta sa post ni Lolit Solis tungkol sa diumano’y power tripping ni Vice Ganda sa noontime show.

Ani Lolit, may balitang si Vice na raw halos ang nagpapatakbo sa programa dahil gusto nitong laging masunod.

“​​Medyo alarming Salve iyon mga balita na nagpa-power tripping si Vice Ganda. Balita na parang siya na ang nagpapatakbo ng Showtime, siya na ang nasusunod sa lahat ng galawan ng programa,” sabi niya sa post.

“Marami pang horror story na kumakalat sa pagbabago daw ng ugali ni Vice Ganda, at parang marami na ring mga tao ang nasasaktan sa mga ginagawa raw nito.”

Sabi pa ni Lolit, baka dala ng pressure kaya naging off ang komedyante. “Well, baka naman dahil na rin overworked at pressured si Vice Ganda kaya kung minsan medyo off ang mga ginagawa niya, pero sana maayos niya ito bago maging huli ang lahat.”

Mahihirapan daw kasing maging kampante si Vice sa comedy kung may mga masama ang loob sa kaniya.

“Paano ka magiging kampante sa comedy kung maraming tao ang inis o galit sa iyo? Siyempre affected din ang performance mo,” aniya.

Dagdag niya pa, kung gusto ng It’s Showtime host na tumagal ang kanilang programa gaya ng Eat Bulaga ay kailangan ng magandang samahan.

“Dapat very family ang samahan nyo. Lahat masaya, lahat comfortable, walang may tampo. Dapat sincere ang samahan, walang mataas o mababa. ‘Yon team playing importante, may malasakit kayo sa isa’t isa,” komento pa niya.

“Sana nga hindi tutoo ang mga kumakalat na balita. Sayang kung ito ang magiging dahilan ng pagbabago ng kapalaran ni Vice Ganda. Ayusin agad.”

Ngunit ayon mismo sa co-host ni Vice na si Jugs, masaya sila sa show.

“Hanap po kayo ng bago ninyong source na Maritess, Tita… MASAYANG MASAYA PO KAMI SA SHOWTIME NGAYON!!!! Peace be with you and happy new year!”

Continue Reading

Trending