Connect with us

Philippine Showbiz

Netizens nag-react sa eviction nina Alexa Ilacad, KD Estrada sa PBB

Published

on

Ikinalungkot ng ilang viewers ang pagkaka-evict ng housemates na sina Alexa Ilacad at KD Estrada mula sa Pinoy Big Brother (PBB) Season 10 celebrity edition nitong Linggo.

Nakakuha ng 16.99 percent ng votes to save si KD habang 17.03 percent naman ang nakuha ni Alexa.

Imahe mula sa Twitter | PBB

Samantala, nakaligtas naman mula sa eviction ang mga kapwa nominadong housemates na sina Samantha Bernardo (17.98 percent), Madam Inutz (18.92 percent), at Anji Salvacion (19.18 percent).

Bagama’t madalas na nakakasama sa listahan ng mga nominado, makailang beses na naligtas mula sa eviction sina Alexa at KD ngunit nitong Linggo ay tuluyan na silang lumabas sa “Bahay ni Kuya.” 

Marami ang nagpahayag ng panghihinayang sa naging resulta ng botohan.

Imahe mula sa Twitter | PBB

“Two of the most talked about and relatable housemates have just been evicted. We love you, KD and Alexa!” sabi ng isang Twitter user.

“Sa totoo lang, sa paglabas nina KD and Alexa, mas maraming opportunity na naghihintay sa kanila rito. They deserve to be part of the Big 4 but it was not part of God’s Will. However, andito [sa labas] ang laban. Let’s trust them and their talent,” sabi naman ng isa pang netizen.

Samantala, ang ex-housemate naman na si Karen Bordador, sinabing bagama’t nagulat siya sa resulta ay masaya pa rin siya sa mga nakaabang na oportunidad para kina KD at Alexa at ganoon din sa mga natitirang housemates sa loob ng Bahay ni Kuya.

Imahe mula sa Twitter | PBB

Shocking ang lahat ng evictions. Even mga natira sa loob shocked. All results are shocking and exciting at the same time. In the end… happy for the evicted for their future success and happy for the remaining housemates for their continued journey,” sabi niya.

Kasama nina Samantha, Madam Inutz, at Anji sina Brenda Mage at Alyssa Valdez sa final five housemates.

Philippine Showbiz

Bong Revilla, muling lilipad sa Agimat ni Agila Book 2

Published

on

By

Magbabalik at muling mapapanood sa GMA-7 ang sequel ng Agimat ng Agila dahil tinangkilik ng televiewers ang Book 1 ng comeback project ni Senator Bong Revilla sa telebisyon, matapos ang halos walong taong pagpapahinga mula sa pag-arte.

Hindi rin inaasahan ng aktor na magkakaroon muli ng Agimat ni Agila Book 2. Ito’y dahil na rin siguro maganda at mabenta sa mga manonood ang serye.

“Action films will always be there. Mawawala iyan for a while pero babalik iyan. Maski noong panahon ng ’70s, ikinukuwento ng tatay ko [Ramon Revilla, Sr.] at ni FPJ [Fernando Poe, Jr.], nung pumasok ‘yung bold movies, nawala yung action films pero bumalik pa rin.”

“So, action films like sa television, ngayon, mas in ‘yung television, babalik at babalik iyan. Tayo naman hangga’t nandirito tayo, kaya pa natin umaksyon, gagawa tayo ng magagandang aksyon para hindi mawala ito,” paliwanag ni Bong nang tanungin siya tungkol sa kapalaran ng action movies sa naganap na virtual mediacon ng Season 2 ng Agimat ng Agila noong Linggo ng hapon, Enero 23, ayon sa PEP.ph

Kaya naman bigay todo si Bong sa kanyang pag-eensayo na halos araw-araw niya umanong ginagawa upang mabawasan ang kaniyang timbang para sa mga maseselang action stunt na siya mismo ang gumagawa.

“I’m very proud of this project at magagaling talaga ‘yung mga kasamahan ko. Talagang nagpakundisyon ako physically at siyempre, we’re not getting any younger. Mga bata itong mga kasabay ko, so kailangan magpakitang-gilas din tayo,” aniya. “I work out almost every day. I do my boxing and kick boxing. Pati yung mga rolling-rolling na iyan, pagulong-pagulong, nandoon pa rin yung training.”

“Hindi tayo puwedeng kumawala diyan kasi lalo na sa mga ginagawa nating action scenes,” ang kuwento ni Bong na nagbiro pang 35 years old lamang ang kanyang pakiramdam.

Sinabi rin ng senator na  makikita ng televiewers sa Season 2 ng Agimat ng Agila ang pagkakaiba ng kanyang physical appearance sa unang season ng drama action fantasy series na pinagbibidahan niya.

Sa pagbabalik ng ‘Agimat ng Agila,’ mas pinatindi pa ang mga eksena at pakikipagsapalaran ni Major Gabriel Labrador (Bong Revilla), kasama si Maya (Sanya Lopez), Alejandro (Roi Vinzon), Wesley (Benjie Paras), (Zeus) Gardo Versoza, Art (Betong Sumaya), at Asha (Rabiya Mateo). Mapapanood ang Agimat ng Agila Season 2, simula sa January 29, tuwing Sabado, 7:45pm. Abangan!

Paanoorin ang Agimat ng Aguila Season 2 teaser, Ang Pagbabalik.

Continue Reading

Philippine Showbiz

Kris Bernal sa pagpapamilya: ‘We aren’t planning to have a baby just yet’

Published

on

By

Kamakailan ay ibinahagi ng aktres sa social media ang kanyang nararamdaman ngayong marami ang nagtatanong sa kanya kung kailan siya magkakaanak.

Sa Instagram, nagbahagi si Kris ng isang video na may filter na nagsasabi sa mga tao kung ano ang dapat nilang gawin ngayong 2022.

Noong ginamit niya ang filter, ang nakuha niya ay “In 2022, I should get pregnant.”

Sa caption, sinabi ni Kris na makailang beses na siyang tinanong kung kailan siya magkakaanak. “I’ve been asked a lot since I got married when I’m going to have a baby. We aren’t planning to have a baby just yet, but we aren’t actively trying to prevent it either,” saad sa kanyang post.

“Of course, I adore children and aspire to have my own,” dagdag pa niya.

Sila ng asawang si Perry ay nagpaplano muna umano bago gawin ang isang bagay.  “We’re just the type of couple who plans big life events and be organized.”

“We don’t want to end ourselves in a situation where we’re like, ‘Whoops, that was quick, we’re not quite ready,'” ani Kris. Dahil sa pandemic ay hindi umano sila nakapaglalakbay o nakapag-a-adventure kahit  pa nais nila.

Bago pa man sila makabuo ng isang pamilya, kailangan muna nilang mapunan ang kanilang Bucket list at mag-enjoy nang magkasama. “We aim to go to many of the countries on our bucket list.”

“We also want a bigger house before having a baby, which is currently in the works,” aniya.

Ayon kay Kris, aware siya na “all this baby stuff is also expensive and our finances might be a bit stretched for a while.”

Samantala, patuloy ang pagdating ng projects kaya’t nais niya munang samantalahin. Gayunpaman, sinabi ni Kris na “if it comes a surprise, then so be it.”

“In God’s perfect timing. God’s timing is impeccable. His plans, always. On the other side, I’m looking forward to having a mini Perry,” pagpapatuloy ng aktres.

Matatandaan na ikinasal ang aktres na si Kris Bernal kay Perr Choi noong September 25, 2021 sa Magallanes Church sa Makati City.

Continue Reading

Philippine Showbiz

Alice Dixson ipinakita ang masayang si Baby Aura habang pinapakain ang mga giraffe

Published

on

By

Isang masayang Baby Aura ang ipinakita ni Alice Dixson  habang pinapakain niya ang mga giraffe sa kanilang bakasyon sa Ilocos.

Ibinahagi ni Alice ang kanilang bonding moments ng anak na si Baby Alicia o Aura sa isang video na ini-upload sa kanyang Instagram account.

“Aside from long necks and legs, giraffes have long… hahah! They used to be so shy when they were calves, but now they come right to you,” caption ni Alice sa kanyang post.

Makikita  rin sa video ang pagiging cute ng anak ni Alice na maririnig na humahagikhik at pinapanood ang kanyang ina habang sinusubuan ang mga giraffe.

Masayang-masaya ang mag-ina sa kanilang bakasyon.

“Great way to be introduced to these domestic animals and can roam on 100 hectare pa of land at #SafariVillage @safarihotelandvillas. Thanks Popeye for taking us and thanks Anon for the videos!” dagdag niya.

Naaliw  si Alice nang pinapakain niya ang mga giraffe; lalo na nang biglang lumabas ang dila ng hayop! “Ang haba ng dila! Wow ang habaaa!” sabi pa niya sa video.

“Habaaaaa ngaaa!” komento ng isang follower.

Makikita rin sa video na  maganda pa rin ang aktres at mapapansin ang kahinhinan nito. Iba talaga ang ganda ni Alice kahit tumatanda na!

Marami ang naaliw sa mag-ina nang mapanood ang video at napakomento sa cute nitong anak;

“Cute baby”

“Nice idols both cutie cutie and hello hello super cutie cutie adorable little girl baby little Alicia.”

“Beautiful!”

“Enjoy ms. A”

Noong Abril ng nakaraang taon, nasurpresa ang netizens nang inihayag niya sa publiko na nagkaroon na siya ng anak  — ang kanyang ‘Little Miracle’.   Isinilang ang anak niyang si Baby Aura sa pamamagitan ng isang surrogacy.

Kamakailan ay ibinahagi din niya sa kanyang Instagram account na makakasama siya sa teleseryeng ‘First Lady‘ – ang First Yaya Book 2 – kasama ang aktor na si Gabby Concepcion at Sanya Lopez, na ipapalabas ngayong Febrero 14.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)

Continue Reading

Trending