Connect with us

Uncategorized

Allan K at Ahron Villena umamin na kung ano ang ginawa nila sa Boracay

Published

on

Naging usap-usapan si dabarkad Allan K at hunk actor na si Ahron Villena nang kumalat sa social media ang ilang larawan nila habang nagbabakasyon sa Boracay.

Sa isang litrato ay makikita sila sa loob ng isang bar habang may hawak na baso ng inuming alak. Sa isang larawan naman ay magkaharap sila habang nakaupo sa beach bench.

Image from Allan K

Hindi lang ang mga “marites” ang naglabas ng mga haka-haka tungkol sa dalawa kundi maging ang mga kaibigan nila at kasama sa showbiz. Inakala nila na isang “dyowa reveal” iyon.

“Asan ba ‘yung pamalo ko. Kelan ka ba uuwe at nang mapalo kita,” biro nga sa kanya ng Eat bulaga co-host niya na si Paolo Ballesteros.

“Ganda ng nanay Allan_Klownz ko, may pag-ibig,” sabi naman ng comedienne na si Giselle Sanchez.

’Yan na nga baka paluin ka na talaga ni Pochoy (Paolo Ballesteros),” birong hirit ng singer na si Jaya.

“Post ka pa nga ng madaming ganyan jowana! @allan_klownz para mas maraming manginig sa ingget. Daming miserable. Hindi maka-move on, pati ako dinadamay,” post naman ng singer-comedienne na si Kakai Bautista na na-link na rin noon kay Ahron Villena.

Kasunod ng mga ispekulasyon tungkol sa totoong namamagitan sa kanila, inilabas ni Allan K at Ahron Villena ang katotohanan na ang lahat ay isang prank lamang.

Image from Allan K

“And now the reveal – it’s a prank. Thank you sa mga pumatol sa earlier posts namin. Isa lang siyang malaking playtime. Peace everyone,” post ni Allan K sa kanyang Instagram account.

Isang TikTok video naman ang sagot ni Ahron Villena sa maling hinala ng mga “marites.”

“Eto na po ang sagot namin sa mga nagtatanong na marites,” caption niya sa video.

Hindi naman naniniwala ang entertainment columnist na si Cristy Fermin na prank lang iyon. Sa palagay niya ay totoong may relasyon si Allan K at Ahron Villena.

Narito ang sabi ni Nay Cristy:

Tantanan ako ng dalawang baklang ’yan at baka pagbuhulin ko sila,….Itong Ahron Villena na ’to… Hindi lang naman ngayon ’yan, e. Ang dami-daming nali-link sa kanya na pinapatos n’ya, mga rich gay businessmen. Pupunta sila ng ibang bansa. Picture-picture sila, kunwari magkahiwalay, iisa naman ang background. So, sino ang niloloko mo? E, ’di kayo lang, ’di ba? Alam mo naman si Allan K, magaling din sumisid sa issue ’yan. Kapag nalaman n’ya na game ang lalaki, why not coconut, ’di ba?”

Image from Allan K

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Uncategorized

Netizen na nagpa-booster: ‘Naputol ‘yung syringe, halos hindi nai-vaccine ‘yung laman at tumapon’

Published

on

By

Sa panibagong pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, hinihikayat ng pamahalaan ang mga indibidwal na magpabakuna at booster jabs. Inilunsad din ang mga bagong patakaran para lamang mapalawak ang pagbabakuna sa bansa.

Ang netizen na si Jomari Benaza mula sa Nueva Ecija ay gustong maging bahagi nito kaya naman, sa kabila ng pagiging abala, naglaan siya ng isang araw para makakuha ng booster shot.

Gayunpaman, nang makauwi siya, napagtanto ni Jomari na hindi niya natanggap ang kumpletong dose ng booster shot.

Sa isang video na ipinost niya sa TikTok, makikita na nakaupo si Jomar habang hinihintay ang kanyang vaccine. Nang maitusok ng nagbabakuna ang syringe ay bigla itong naputol at halos hindi naiturok ang lahat ng vaccine.

“Nagulat na lang ako pag-uwi sa bahay nakita ko ’yung video na ganun ang nangyari. Kaya pala sobrang sakit ng aking braso at hanggang pag-uwi sa bahay, nakaramdam na ako ng sobrang sakit ng aking braso,” ani Jomari sa Philippine star.

“Naputol ang syringe at bigla nyang hinila ’yung karayom ​​na naiwan sa aking braso. Halos hindi nai-vaccine ’yung laman at tumapon. Hindi rin naman ako ininform nung vaccinator na ganun ang nangyari kahit sana umulit na lang ako ng isang vaccine ulit,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Jomari na bumalik daw siya nang araw din ng kanyang vaccination sa vaccination site sa Pag-asa Gym sa Barangay F.E. Marcos, San Jose City, upang subukang muling magpa-booster shot, ngunit sinalubong sila umano ng pananakot mula sa supervisor ng inoculation drive.

“Tinatakot po nila ako na bawal daw mag-video without consent nung vaccinator nasa batas daw ’yun. Pero kung hindi naman po ako nagpa-video hindi ko malalaman mali pala ’yung ginawa sa akin. Booster vaccinated lang ako sa papel pero hindi sa tamang dose,” aniya.

Matapos ang talakayan ng supervisor ng lugar ng pagbabakuna at isang doktor, sa wakas ay natanggap ni Jomari ang booster shot.

Sinabi ni Jomari na siya ay nag-post ng video upang mapalawak ang awareness na ang mga pagkakamali sa pagbabakuna ay nangyayari din at upang himukin ang publiko na bantayan ang mga bagay-bagay kapag binibigyan ng inoculation.

“Sana sa mga susunod na magpapa-vaccine maging aware po baka hindi po fully injected ‘yung gamot. Sa card lang sila vaccinated tulad ko,” aniya.

Continue Reading

social media

Wil Dasovich may kwelang bwelta sa viral post ng ex-GF; Alodia nagpaliwanag

Published

on

By

Nag-viral ang social media post ng popular na content creator at cosplayer na si Alodia Gosiengfiao kamakailan lang.

Napukaw kasi ang pansin ng mga netizens sa caption ng post niya kasama ng isang litrato kung saan nakasuot siya ng golden gown na obra ng designer na si Mara Chua.

“Hi. Ako nga pala ‘yung sinayang mo,” ang nag-viral na post ng cosplayer.

Inakala ng mga followers niya na patama iyon kay Wil Dasovich na dati niyang boyfriend.

Ang mga sumusunod ay ilan lang sa napakaraming komento ng netizens sa post ni Alodia.

Sayang nga.

 Kuya Wil, sinayang mo pa ‘to oh.”

 Bwisit ka Wil. Sinayang mo Queen A namin. Maglaway ka ngayon.”

 Nagkomento rin si Wil Dasovich sa comment ng kapatid ni Alodia na si Ashley Gosiegfiao, pero agad niya iyong binura.

’Wag na, nagbo-blow-up na phone ko. Alam ko na. Naku po,” sabi ni Wil sa burado niyang komento na na-screenshot ng isang follower ni Alodia.

Ilang oras lang ang lumipas ay nag-post naman si Wil Dasovich sa sarili niyang social media account na halatang reaksyon sa post ng dating kasintahan.

Kwela ang sagot ni Wil sa post ni Alodia kaya naman agad din iyong nag-viral.  Mayroon na iyong higit 22,000 shares, 19,000 comments at 366,000 ang nagbigay ng “Haha” reactions.

“Hi, ako nga pala ‘yung sinaing mo,” hirit ni Wil kasama ang larawan na hawak niya ang isang rice cooker na may sinaing.

Narito ang ilan sa mga komento sa post niya:

 “Haha, I knew you would post something like this, bro!”

 “Boss Alodia Gosiengfiao, nagpaparinig si Boss Wil , oh.”

 “Bumawi ka pa talaga. Pakurot nga.”

 “Huwag mong iwanan baka masunog. Love n’yo pa ang isa’t isa. May mga hugot, eh.”

 Samantala, ipinaliwang ni Alodia na ang post niya ay isang meme quote na nabasa niya. Pinasalamatan niya rin ang mga followers na nagpahayag ng suporta sa kanya.

Thank you guys for the support but yesterday’s post was based on a meme quote I saw somewhere on the intraweb but a few people took it seriously so sorry for the confusion!  I’ve been posting memes daily for a while now because I like sharing funny things. Even have a page dedicated to it which has been up for almost a decade – Alodia Memes.

Continue Reading

News

Testing czar ipinaliwanag ang delays sa COVID test results

Published

on

By

Humingi ng pang-unawa si Presidential Adviser for COVID-19 Response at testing czar Vince Dizon sa mga kababayan na naghihintay ng resulta ng kanilang RT-PCR test.

Imahe mula sa PNA

Aniya, mabagal ang turnaround time ng mga resulta ngayon dahil dagsa ang nagpapa-test. Karaniwan daw itong inaabot ng 48 hours hanggang tatlong araw.

“Unang-unang rason diyan ay ang dami po talaga nating kababayan na nagpapa-test dahil maraming nagpopositibo at maraming nagiging close contact ‘yong ating mga kababayang nagpopositibo,” paliwanag niya.

Bukod dito, maging mga medical technologist at laboratory technician na nagpo-proseso ng mga resulta ay tinatamaan din ng virus.

“Ang pinakamabigat dito, kaya humihingi tayo ng pasensya sa ating mga kababayan, marami po sa ating mga medical technologist at laboratory technician ay nagpopositibo, at sila ay kinakailangang mag-isolate at hindi po sila nakakapag-report sa trabaho,” sabi ni Dizon.

File photo mula sa PNA

“‘Yon po talaga ang pinakamabigat na hamon natin ngayon. Alam n’yo naman po ang PCR, ‘yan po ay hindi automated test. ‘Yan po ay kinakailangan po ng maraming mga technician sa ating mga laboratoryo.”

Bilang solusyon ay sinusunod nila ang rekomendasyon ng IATF na huwag nang mag-quarantine ang mga healthcare worker na na-expose sa COVID positive patients ngunit hindi nakararanas ng sintomas.

Pinababa rin nila sa limang araw ang isolation period ng mga empleyadong bakunado, nagpositive sa COVID-19, at walang nararamdamang sintomas. 

Imahe mula sa PNA | Avito Dalan

“Basta wala na pong sintomas at bakunado, puwede na pong bumalik sa trabaho… Kailangan flexible tayo at kailangan talagang mas maging responsive tayo sa nangyayari ngayon. Ika nga, nasa giyera pa rin tayo at nauubusan tayo ng sundalo nang mabilis,” sabi ni Dizon.

Upang makaiwas sa hawaan ay ipinatutupad nila ang mahigpit na safety protocols kabilang na ang pagsusuot ng mask.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health nitong January 10 ay nakapagtala sila ng 33,169 karagdagang kaso ng COVID-19.

Continue Reading

Trending