Connect with us

entertainment

Soon-to-be mom Angeline: ‘Di ko nga alam tingnan ‘yong positive at negative sa pregnancy test kasi nasanay ako sa swab

Published

on

angeline pregnancy

Isang nakaaaliw na tagpo ang ibinahagi ng soon-to-be mom na si Angeline Quinto nang balikan niya ang panahon kung kailan siya nag-take ng pregnancy test.

Sa recent episode ng The Purple Chair Interview, kinumpirma ni Angeline sa beteranong host na si Boy Abunda na nagdadalantao siya sa anak nila ng kanyang non-showbiz boyfriend. Dito, ikinuwento niya kung ano ang nangyari noong nag-take siya ng pregnancy test.

Pag-amin ni Angeline, hindi daw niya alam kung alin ang positive at negative dahil nasanay daw siya sa swab test. “Tito Boy, natakot ako noong una, kasi sa totoo lang, hindi ko pa nga alam tingnan ‘yong positive at negative sa pregnancy test kasi nasanay ako sa swab. Totoo, Tito Boy, nasanay ako sa swab.”

Sabi ko, ‘Ano nga ba ‘yong dalawang linya?’ Tapos ‘yon, noong ni-research ko, dalawa nga ‘yong positive,” kuwento ng singer-actress, na nasundan ng tawanan nila ng premyadong host.

angeline pregnancy

Screenshot mula sa The Boy Abunda Talk Channel | YouTube

Naging seryoso rin sa kalaunan ang usapan habang ibinabahagi niya ang halo-halong emosyong naramdaman niya nang makumpirmang buntis siya.

“Ang tagal ko sa CR noon, parang ‘di ako makalabas ng CR noon,” aniya. “Tapos iniisip ko lang, sabi ko, ‘Sinong unang sasabihan ko?’ So sa bahay wala naman akong sinabihan agad kasi natatakot nga po ako.”

angeline pregnancy

Screenshot mula sa
The Boy Abunda Talk Channel | YouTube

“Natatakot ka, dahil?” tanong ng host.

“Una, sa trabaho ko. Paano ko masasabi sa mga katrabaho ko? ‘Yon ang una kong naisip,” tugon niya. “Siyempre, tito Boy, una naming inisip, unang-una, ang winorry niya rin talaga is ‘yong trabaho ko po. Pangalawa, kung paano rin ko sasabihin sa ibang mga taong nandiyan, kumbaga sa ibang kamag-anak ko. Pero siya, alam ko sobra siyang excited na mapaalam din sa family niya, e.”

angeline pregnancy

Screenshot mula sa
The Boy Abunda Talk Channel | YouTube

Sa kabuuan, biyaya pa rin para kay Angeline ang kanyang pagbubuntis. Sa katunayan, excited na siya at nag-iisip na ng ipapangalan sa magiging supling.

entertainment

Zia Dantes, kinagigiliwan ng mga netizens sa pagtulong sa gawaing-bahay

Published

on

By

Sabi nga ng mga matatanda habang bata pa ay turuan na ang mga anak sa gawaing-bahay upang sa paglaki nila ay madali na ito para sa kanila.

Sino ba naman ang hindi matutuwa sa mga batang maliliit pa lang ay natuturuan na ng mga house chores?

Katulad na lamang ng panganay na anak ng celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na marunong na palang maghugas ng plato.

Isang malakas na bulong ang maririnig sa camera, na parang sinusubukang makuha ang atensyon ng bata. Nang nakita na nagre-record ang nasa likod ay agad naman itong nagbigay ng isang magandang ngiti.

Sa ibinahaging video clip ng thedongyanatics sa Intagram, makikitang naghuhugas si Zia ng mga kubyertos. “Ang sipag naman!” saad sa caption.

Kaya naman maraming followers ang kinagigiliwan si Zia at nagkomento sa video clip nito.

“Wow marunong siya maghugas.”

“I salute to your parents ate Zia anak ng mayaman pero tinuturuan sa gawaing bahay.”

“Sipag naman ni Ate Z!”

“Nakakatuwa ka Maria Letizia, malinis, matalino, masipag, maganda, Manang mana sa MaMa Marian, Very good.”

“Nice! Good training, proud parents.”

Kinagigiliwan ng mga netizens ang celebrity kid dahil hindi lamang maganda ang bata kundi matalino at masipag pa! Talagang alagang mommy Marian ah!

Napakaresponsable at napakasipag ni Zia sa edad na 6 na taong gulang. Makikita talaga na maayos ang pagpapalaki ng mag-asawa.

Hindi lamang iyon; isa ring mapagmahal  na ate si Zia sa kanyang kapatid na si Ziggy.

Si Zia ay isa ring bibong bata at may talento rin ito!

Samantala, kinagiliwan rin si Zia sa bonding video nila ng kanyang amang si Dingdong.

Habang inaawit ang “Can’t Help Falling In Love”, mapapansin na pumipikit pa si Zia habang feel na feel nito ang pagkanta sabay sa pag-strum ng gitarang tinitipa ng kanyang ama..

“Sobra galing naman baby. Woooo cute!”

“Feel na feel ang pag sing ni ate Z very good!”

“Oh my God!! … you are so beautiful!! Just keep on singing!!”

“Very good ate Z,so smart and talented.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Team Dantes (@thedongyanatics)

Continue Reading

celebrities

‘Nakaraan’ nina Ryan Bang at Yeng Constantino, naungkat sa ‘It’s Showtime’

Published

on

By

Nasurpresa ang mga hosts at manonood ng ‘It’s Showtime’ nitong Biyernes, Enero 28, nang biglang maungkat ni Yeng Constantino ang ‘nakaraan’ nila ni Ryan Bang.

Nagsimula ito sa komento ni Yeng  sa isang contestang ng ‘Tawag ng Tanghalan’ kung saan isa sa mga hurado.

“Minsan, kahit hindi mo nga naging jowa, e, basta nagparamdam na sa ‘yo tapos biglang nawala, naku, napakasakit talaga,” panimula ng singer, sabay hirit “‘Di ba, Ryan?”

Dahil sa pambubuking ni Yeng, napilitan tuloy si Ryan na umaming nanligaw siya dati sa singer matapos usisain ni Vice Ganda tungkol dito.

“Unang crush ko kasi si Yeng. 2010, ‘no, Yeng? Nanligaw ako kay Yeng,” pag-amin ng South Korean actor-host.

Kaagad namang nilinaw ni Yeng na hindi niya binasted si Ryan.

“Pero, hindi kita binasted! Hindi kita binasted noon. Tumigil na lang siya magpadala ng kape,” paglilinaw nito sa host.

Inamin rin ni Yeng na nakikilig siya noon nang nililigawan pa siya ni Ryan. Nalungkot din daw siya nang bigla na lamang itong tumigil sa panunuyo sa kaniya.

“Oo na-sad ako nun,” ani Yeng.

Nang usisain ni Vice kung bakit bigla na lang siyang tumigil at hindi na nagparamdam kay Yeng, napilitan na ring magpaliwanag si Ryan.

“Akala ko, ayaw mo sa akin. Kasi noong panahon na ‘yun, gumigimik kami, kasama ko sila James Reid. Siyempre lumalabas ako tuwing gabi. Inaaya ko siya, ilang beses. Tuwing inaaya ko siya tuwing gabi, hindi siya lumalabas, kaya akala ko ayaw niya sa akin,” kuwento nito.

Maliban dito, akala rin daw niya noon ay nanliligaw din kay Yeng si Richard Poon, na pinabulaan naman ng ‘Chinito’ singer.

Humingi rin ng pasensiya si Ryan kay Yeng matapos siyang ‘pagsabihan’ ni Vice Ganda.

Anito, “Yeng, pasensya na. Dapat pala nagpaalam ako, nagtanong ako sa ‘yo. Noong nanligaw ako, galing naman talaga sa puso ko ‘yon. Ikaw ‘yung pinaka unang-unang crush ko sa buong buhay ko, ikaw ‘yun.”

Panoorin ang kanilang nakatutuwang pag-amin:

Continue Reading

celebrities

Angeline Quinto, Erik Santos kinakiligan ng mga fans dahil sa kanilang kulitan

Published

on

By

Nitong nagdaang Disyembre 2021 ay nagbahagi si Angeline sa kanyang Instagram ng kanyang pregnancy test result at ito ay nagpapakitang siya ay nagdadalantao na.

“Merry Christmas. Dahil Pasko ngayon, ito ang pinakamagandang regalo ang natanggap ko. Ito ang pinakamagandang positive result sa buhay ko. Baby on the way, Yahooo,” aniya. Bumuhos ang pagbati sa singer-aktres mula sa mga followers at mga kaibigan sa industriya.

Ngayon naman ay kinakikiligan ng maraming fans nina Angeline Quinto at Erik Santos sa social media ang dalawa nang makita ang mga larawang magkasama sila.

Sa Instagram account ni Erik nitong Huwebes ay ibinahagi niya ang mga larawan nila ng actress-singer habang nagkukulitan sila sa labas ng studio ng “ASAP Natin ‘To!”

Makikitang idinikit ni Erik ang kanyang tainga sa tiyan ni Angeline.

“Ge, narinig ko sabi nya… Mommy, patuloy ang pangarap,” pagbibiro ni Erik.

Hindi naman nagpatalo si Angeline kaya humirit ito sa comments section.

“Hahahaha. Pogs umalis kana kasi, may sinabi pa si Baby, THIS IS THE MOMENT MAMA.”

Pansinin na hango sa kanta ni Angeline ang sinabi ni Erik, sa kantang “Patuloy Ang Pangarap,” habang ang kay Angeline naman ay mula sa awitin ni Erik na “This Is The Moment.”

Matatandaang sa naging panayam kay Angeline ni Karen Davila noong Oktubre 2021, ay sinabi nitong sinubukan naman daw nila ni Erik na magkaroon ng romantic relationship, ngunit hindi talaga lumapat.

“Singing partner ko po talaga si Erik, isa sa mga matatalik kong kaibigan sa industriya,” ani Angeline.

“Ginawa namin ’yun kaya lang para kaming natatawa sa isa’t isa. Kaya sabi ko ‘Pogs, ’wag nating pilitin. Talagang magkaibigan lang tayo, kasi minsan magiging sweet kami tapos matatawa na lang kami,” dagdag pa niya.

 

Nagbahagi naman ang isang netizen ng kanyang saloobin sa dalawa.

“AND IN THIS MOMENT, THE WHOLE FANDOM LOST THEIR SHITS . Omg Im cryingggg rn, I loveyouu both my AngErik. Ps. Grabee yung love mo Kuya kay Ate na kahit sa mga mahalagang pangyayari sa buhay niya di mo pa den siya pinapabayan. Get a man like Erik Santos na iche- cheer ka at hindi ka iiwan sa lahat ng ganap mo sa life.” 

“Sana kayu na lang,” saad ng isa pang netizen, at may tugon dito ang isa pang follower nila. “Pinagtagpo pero di tinadhana.”

Sa ngayon ay matalik na magkaibigan pa rin ang dalawa. At sa darating na Mayo naman ang nakatakdang pagsilang ni Angeline sa kanyang panganay na anak sa kanyang non-showbiz partner.

Continue Reading

Trending