Connect with us

technology

Apple, nagbigay ng napakalaking bonus sa key employees para hindi masulot ng Facebook

Published

on

Ang Apple, na isa sa pinakamalaking mga tech companies sa mundo, ay nakakaramdam ng pag-aalala.

Ang sulutan kasi sa mga magagaling na talento mula sa tech sector ay umiinit.

Apple Logo

Ang partikular na ipinag-aalala ng Apple ay ang pangangailangan ng Meta – dating Facebook – ng libo-libong bagong empleyado para maitatag ang “metaverse.”

At para mapigilan na lumipat ang kanilang mga magagaling na empleyado sa Facebook ay nagbigay ang Apple ng stock bonus sa kanila, partikular na sa mga engineers sa silicon design, hardware, at software at iba pang grupo sa kanilang operasyon.

Ang halaga ng bonus, na ikinagulat ng mga empleyadong nakatanggap niyon, ay  nasa pagitan ng $50,000 (mahigit P2,500,000) at $180,000 (mahigit P9,000,000),

Ayon sa Apple insiders na hindi nagpakilala dahil ang programa raw ay hindi para sa publiko, ang karamihan sa mga engineers ay nakatanggap ng $80,000 hanggang $120,000 na halaga ng shares of stocks ng kumpanya.

Ang bonus ay ipinamahagi ng mga managers bilang reward daw sa mga high performers.

May mga Apple employees naman ang sumama ang loob dahil hindi sila binigyan ng ganoong bonus. Bihira daw kasi ang ganitong pinili lang ang mga pinagkalooban nito. Karaniwan daw na tumatanggap ang lahat ng empleyado ng base salary, stock units at cash bonus.

May basehan naman kasi ang pag-aalala ng Apple dahil sinulot ng Meta ang nasa 100 empleyado nila nitong ilang buwang nakaraan.

Image from Meta

Pero, ganoon din naman ang ginagawa ng Apple, may mga empleyado ng Meta ang naakit nilang lumipat sa kanilang kumpanya.

Sinasabing pinaiigting pa ng Meta ang panunulot sa mga Apple employees mula sa Augmented reality, artificial intelligence, software and hardware engineering divisions sa pammagitan ng pag-aalok ng napakalaking buwanang suweldo.

Sapul din ang iba pang division ng Apple sa nangyayaring sulutan, tulad ng self-driving car team nito.

Gumagawa ang kumpanya ng paraan upang hindi masulot ang mga empleyado nito lalo na’t kailangan nitong ma-maintain ang kanilang engineering prowess dahil sa mga ginagawang next-generation devices, kabilang ang sasakyan; Virtual Reality at Augmented Reality headsets, at future versions ng iPhone.

Image from Apple

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

technology

Smart Mirror na nagkakahalaga ng P85,000 ibinida ni Heart Evangelista

Published

on

By

Pangkaraniwan nang nakikita ang mga netizens na kumukuha ng selfie gamit ang kanilang smartphone sa harap ng isang salamin. Pero narinig n’yo na ba na may isang uri ng salamin na ito mismo ang kukuha ng selfie n’yo?

Meron nang ganyan. Ang Lulu Smart Mirror.

Isa ang aktres na si Heart Evangelista sa mga nagmamay-ari ng smart mirror. Sabi niya, iyon ay isang higanteng android phone na nagsisilbi ring “OOTD” mirror.

“Can you guys believe that I actually have a smart mirror at home? Meet Serena, @lulusmartmirror‘s latest smart technology  #OOTD mirror and features a 5MP camera. You can even download apps on it. It makes my life so much easier when I’m working at home or trying out new outfits for shoots and endorsements,” post niya sa Instagram.

“Php85k! Just wow”, “Omg. She’s serving tech and style”, at “Wow. I want to have one. Hihihi,” ang ilan lang sa mga komento ng followers niya.

Bukod kay Heart, si Cat Arambulo, na isa ring social media influencer, ay nagmamay-ari rin ng isang smart mirror.

Tatlong models ang maaaring pagpipilian sa Lulu Smart Mirror; ang Eve, Luna at Serena.

Ang Serena model kagaya ng kay Heart Evangelista ay 32”ang sukat.

“Serena 32″ would be your perfect buddy during your everyday exercise! It has no pre-installed fitness app but you may download any android fitness app that you want!,” ayon sa Facebook page ng Lulu Smart Mirror.

“Serena 32″ is technically an android tablet with real features of a mirror. It has a built in 5MP Camera and downloadable with any android apps that you love! This would be your perfect buddy during your workouts, meetings, classes or just having your OOTD selfie!” ayon pa rito.

Nagkakahalaga ito ng P85,000.

Ang Eve model na 32” rin ay nagkakahalaga naman ng P70,000.

Ang pinakamalaking model naman ay ang Luna na 43” ang sukat at P80,000 ang presyo ngayon mula sa dating P95,000.

 

Continue Reading

Social News

Gold fish, may kakayahang mag-navigate ng sasakyan, ayon sa pag-aaral

Published

on

By

Sa pagsasaliksik ng mga taga-Israel natuklasan na kayang mag-navigate at magmaneho ng goldfish sa lupa.

Sa pag-aaral na inilathala sa peer-reviewed journal Behavioral Brain Research, ang mga goldfish ay sinanay umanong gumamit ng isang may gulong na platform — ang FOV o ang ‘Fish Operated Vehicle’.

Ang FOV ay maaaring imaniobra at baguhin ang takbo nito bilang reaksyon sa mga galaw ng isda sa loob ng tangke ng tubig na nakakabit sa platform nito.

Imahe kuha mula sa video ng NBC News

“Surprisingly, it doesn’t take the fish a long time to learn how to drive the vehicle. They’re confused at first. They don’t know what’s going on but they’re very quick to realize that there is a correlation between their movement and the movement of the machine that they’re in,” sabi ng researcher na si Shachar Givon, ayon sa NBC News ,

Ang kanilang gawain ay “magmaneho” ng robotic na sasakyan patungo sa isang target na maaaring maobserbahan sa pamamagitan ng mga dingding ng tangke ng isda. Ang sasakyan ay nilagyan ng lidar, maikli para sa light detection at ranging, isang remote sensing na teknolohiya na gumagamit ng mga laser upang mangolekta ng data sa lokasyon nito sa lupa at lokasyon ng isda sa loob ng tangke.

Natuklasan ng mga mananaliksik, mula sa Ben-Gurion University, na nagawang ilipat ng isda ang FOV sa mga hindi pamilyar na kapaligiran habang naabot ang target “anuman ang kanilang panimulang punto, habang iniiwasan ang mga dead-end at itinatama ang mga kamalian sa lokasyon.”

Anim na isda na nakatanggap ng 10 driving lessons ang inilahok sa pag-aaral. Binibigyan sila ng pagkain kapag tama ang direksyon na kanilang target.

Screenshot sa video ng NBC News

Ang mga goldfish umano ang mas magaling magmaneho kaysa sa ibang isda.

“There were very good fish that were doing excellent and there were mediocre fish that showed control of the vehicle but were less proficient in driving it,” sabi ng biology professor at neuroscientist na si Ronen Segev.

Sa pag-aaral, kung saan naipapakita ang cognitive capability ng isang isda, kaya umanong palawakin ang kaalaman sa navigation skills ng mga hayop.

“We humans think of ourselves as very special and many think of fish as primitive but this is not correct,” ani Segev. “There are other very important and very smart creatures.”

Imahe mula sa Wikipedia

Ano nga ba ang mga kakayahan ng goldfish?

Marami sa atin ang nag-aalaga ng isda dahil makukulay sila at nakatutuwang panoorin, ngunit ang ilang mga goldfish ay nakakakita at nakatatanda nang sapat upang makilala ang mga tao.

Madalas nilang napapansin ang taong nagpapakain sa kanila araw-araw at natutuwa sila kapag nakita nila ang kanilang tagapangalaga. May mga kaso kung saan ang mga goldfish ay sinanay na gumawa ng mga trick tulad ng paglangoy sa mga maze, paglangoy sa mga hoop, o kahit na itulak ang isang bola sa isang lambat.

Panoorin ito:

Continue Reading

Social News

Lalaki sa China kulong matapos sunugin ang internet cable dahil sa ‘mabagal’ na connection

Published

on

By

Internet Cafe in China| Imahe mula sa Tech In Asia

Sa kalaboso ang bagsak ng isang lalaki sa China matapos niyang sunugin ang internet cable sa isang shop dahil sa diumano’y mabagal na connection.

Nagdulot kasi ng malubhang pinsala ang apoy kung saan natupok ang mahigit sa 4,000 kabahayan kabilang na ang isang public hospital.

Imahe mula sa Daily Mail| For Illustrative purposes only

Bukod dito, nawalan pa ng internet sa lugar na umabot ng 28 hanggang 50 oras.

Ayon sa record ng korte, nasa loob ng isang internet café sa Guangxi region ang naturang lalaki, na nakilala lamang sa pangalang Lan, nang madismaya ito at tuluyang magalit dahil sa sobrang bagal ng connection.

Dahil sa inis at pikon, binuksan nito ang isang public box kung saan nasa loob ang optical fibre network cables at sinilaban ang kahon.

Fiber optic cable box| Imahe mula sa Rainbowtech.net

Ayon sa ulat ng SCMP, gumamit si Lan ng isang lighter at napkin para simulan ang naturang apoy. Kaagad namang nahuli ng mga awtoridad ang lalaki matapos ang insidente.

“After the incident, public security officials seized Lan’s instrument of crime – a lighter,” ayon sa pahayag na inilabas ng korte nitong Lunes, Enero 10.

Nangyari umano ang insidente Hunyo noong nakaraang taon.

Internet cafe sa China| For illustrative purposes only

Dahil sa dulot na napakalaking pinsala, pinatawan si Lan ng pitong (7) taong pagkakakulong bilang parusa sa pagwasak sa “public telecommunications facilities”.

Inulan rin ng batikos si Lan sa Chinese social media dahil sa pangyayari. Isang Weibo user pa ang tinawag siyang ‘big baby’ o matandang iyakin.

Continue Reading

Trending