Connect with us

Uncategorized

Alagang aso nailigtas ang baby girl na inakala ng magulang na natutulog lang nang mahimbing

Published

on

Isa na namang alagang aso ang humahakot ng papuri at pagmamahal sa social media dahil sa pagkakaligtas nito sa baby girl ng kaniyang mga fur parents kamakailan.

Batid natin ang old adage na ang mga aso ay “man’s best friend” dahil  sa pagiging loyal nito at mapagmahal sa mga nagiging amo. Tunay na isang blessing na maituturing ang may aso sa bahay at sa ating buhay dahil sa maraming dahilan.

Bukod kasi sa kanilang katapatan at pagiging mapagmahal, may mga pagkakataon pa na sila ay nakapagliligtas ng buhay at mga ari-arian. Di nga ba’t ilan nang kuwento ng kabayanihan ng alagang aso ang nag-viral sa social media? Kapag yata ang alaga natin ay labis na ang attachment sa pamilya, mas lumalakas ang tinatawag na animal instinct?

 

Bayaning Fur Baby

Kamakailan ay isang babae ang nag-tweet kaugnay sa kanilang Boston terrier na alaga na tinatawag nilang Henry. Itinuturing umano nilang bayani ang kanilang fur baby pagkat ito ay nakatulong na mailigtas ang kanilang sanggol mula sa tiyak na kapahamakan.

Ayon kay Kelly ng Boston, Massachusetts, ang fur parent ni Henry, hindi umano mapakali ang kanilang aso sa kalagitnaan ng gabi at pandalas na pinupuntahan ang nursery (silid ng bata) at pinipilit itong gumising.

Napipikon na umano siya kay Henry dahil hindi ito masaway at nagpapahinga ang sanggol na galing lamang sa pagkakasakit.

Dahil sa kakulitan ng alaga nila ay napagtuunan tuloy nila ng pansin ang inakala nilang nahihimbing nilang sanggol. Hindi na pala ito humihinga!

Dali-dali nilang naisugod sa pagamutan ang sanggol. Saka lamang napagtanto ni Kelly na hindi pala nanliligalig ang kanilang alaga. Bagkus, ito ay nagsisikap na iligtas ang baby. Tila malakas ang pakiramdam ng aso at batid nito na may mali; na may hindi magandang nangyayari sa baby.

Sinisikap nitong gisingin ang baby at inaalerto ang mga magulang bago pa man maging huli ang lahat.

“I don’t know what would have happened if he hadn’t woken her,” saad sa Twitter post ni Kelly. “We don’t deserve dogs.”

Nanatili muna ang sanggol sa ospital matapos ang insidente at maayos na ang kalagayan, ayon sa update ng ina.

Takot pala sa dilim ang hero dog ngunit pagbabahagi ni Kelly, “he bravely held the fort all night even though he is scared of the dark.”

Sa isa pang tweet ay pinasalaman din ng ina ang ER Department ng Connecticut Children’s Hospital sa maagap nilang pag-aasikaso sa kaniyang anak na babae.  Ngunit higit na pumukaw ng atensyon at papuri ang naging gampanin ni Henry sa pangyayari.

Nag-viral ang pagbabahaging iyon ng ina at marami ang namangha sa pamamayani ng ‘instincts’ ni Henry.

Mayroon ding mga nagbahagi at nagpatunay ng kahawig na kuwento kaugnay sa kanilang mga alagang aso; mga life-saving dogs na nagpamalas ng kakaibang asal sa gitna ng emergencies.

“I’m chronically ill. There’s been many a time I’ve gone to the hospital because one of my dogs has started sniffing and paying attention to a body part and alerting something’s wrong,” saad ng isang nagkomento. “Dogs are heroes!”

“We couldn’t figure out for the longest time why my service dog kept going in to my parents room several times a night sniffing my dad’s face and nudging him repeatedly,” kuwento naman ng isa pa. “They always pushed her away and she would still circle back. She stopped as soon as he got his pacemaker.”

Great doggy Henry! Tunay kang hero!

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Social News

‘When mommy is life but majorette is lifer’: Buntis na dating majorette, nagpabilib

Published

on

By

Matindi ang tawag ng musika kaya’t hindi na nakapagpigil pa ang isang babae na magpakitang gilas sa publiko nang dumaan ang isang banda. Kaya lang ay buntis siya!

Ibinahagi ni Sharmaine Federizo sa kanyang Facebook account nitong January 23 ang video ng isang buntis habang nagme-majorette performance ito sa gitna ng kalsada.

“ATE YUNG BATA!   HHAHAHAHAHA” ang caption ni Sharmaine sa video clip. Kapansin-pansin namang malaki na rin ang tiyan ng ginang.

Makikitang hawak ng babae ang dalawang baton at nagme-majorette moves ito sa saliw ng tugtog ng banda. Halatang na-miss ni ate ang kanyang majorette days ah! Ang galing niya!

Maririnig sa video ang hiyawan ng mga tao at may mga sumisigaw pa ng “Ate ang bata!”. Maliksi kasi at ‘bouncy’ ang ‘da moves’ ng babae kaya’t hindi maiwasang mag-alala ng ibang nanonood sa kanya.

Ang buntis ay nakilalang si Nicole Caimoy Marbella na isa palang dating lead majorette. Siya ay taga Tanay Rizal  at nagdaraos ng pista sa kanilang lugar noong Linggo.

Instant celebrity

Humakot agad ang naturang video ng mahigit 13k reactions at may halos 700K views na sa Facebook clip pa lang.

Marami ang naaliw at mayroon din namang nabahala sa pag-indak ng ginang. Baka daw kasi ito mapaanak nang wala sa oras.

“Hooyyyu. Nicoleeeeee… Uwi.. Makukurot kita jan.”

“Ako lang ba yung kinakabahan kasi baka matamaan tyan nya haha.”

“Pag passion mo talaga kahit ilang dekada ang lilipas pag nagawa mo uli ang saya ng feeling parang ako passion ko sumayaw dito ko na lang sa TikTok nilabas.”

“Galing ni ate.”

“When mommy is life but majorette is lifer.”

“Tapo paglabas nung baby nag mamajorette na rin HAHAHAHAHHAH cotton buds hawak n’ya.”

“ay Bongga hehehehh dating majoret ata.”

May mga naka-miss din noong panahon na nagma-majorette pa sila. “Yung laking Banda ka nakakamiss to nung Elem/highschool.”

Naalala ko nung nag majoritte din ako during my teenage ang saya saya lalo na kapag naka uniform na kami at nagpaparade”.

Panoorin ang video:

Continue Reading

Uncategorized

Netizen na nagpa-booster: ‘Naputol ‘yung syringe, halos hindi nai-vaccine ‘yung laman at tumapon’

Published

on

By

Sa panibagong pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, hinihikayat ng pamahalaan ang mga indibidwal na magpabakuna at booster jabs. Inilunsad din ang mga bagong patakaran para lamang mapalawak ang pagbabakuna sa bansa.

Ang netizen na si Jomari Benaza mula sa Nueva Ecija ay gustong maging bahagi nito kaya naman, sa kabila ng pagiging abala, naglaan siya ng isang araw para makakuha ng booster shot.

Gayunpaman, nang makauwi siya, napagtanto ni Jomari na hindi niya natanggap ang kumpletong dose ng booster shot.

Sa isang video na ipinost niya sa TikTok, makikita na nakaupo si Jomar habang hinihintay ang kanyang vaccine. Nang maitusok ng nagbabakuna ang syringe ay bigla itong naputol at halos hindi naiturok ang lahat ng vaccine.

“Nagulat na lang ako pag-uwi sa bahay nakita ko ’yung video na ganun ang nangyari. Kaya pala sobrang sakit ng aking braso at hanggang pag-uwi sa bahay, nakaramdam na ako ng sobrang sakit ng aking braso,” ani Jomari sa Philippine star.

“Naputol ang syringe at bigla nyang hinila ’yung karayom ​​na naiwan sa aking braso. Halos hindi nai-vaccine ’yung laman at tumapon. Hindi rin naman ako ininform nung vaccinator na ganun ang nangyari kahit sana umulit na lang ako ng isang vaccine ulit,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Jomari na bumalik daw siya nang araw din ng kanyang vaccination sa vaccination site sa Pag-asa Gym sa Barangay F.E. Marcos, San Jose City, upang subukang muling magpa-booster shot, ngunit sinalubong sila umano ng pananakot mula sa supervisor ng inoculation drive.

“Tinatakot po nila ako na bawal daw mag-video without consent nung vaccinator nasa batas daw ’yun. Pero kung hindi naman po ako nagpa-video hindi ko malalaman mali pala ’yung ginawa sa akin. Booster vaccinated lang ako sa papel pero hindi sa tamang dose,” aniya.

Matapos ang talakayan ng supervisor ng lugar ng pagbabakuna at isang doktor, sa wakas ay natanggap ni Jomari ang booster shot.

Sinabi ni Jomari na siya ay nag-post ng video upang mapalawak ang awareness na ang mga pagkakamali sa pagbabakuna ay nangyayari din at upang himukin ang publiko na bantayan ang mga bagay-bagay kapag binibigyan ng inoculation.

“Sana sa mga susunod na magpapa-vaccine maging aware po baka hindi po fully injected ‘yung gamot. Sa card lang sila vaccinated tulad ko,” aniya.

Continue Reading

social media

Wil Dasovich may kwelang bwelta sa viral post ng ex-GF; Alodia nagpaliwanag

Published

on

By

Nag-viral ang social media post ng popular na content creator at cosplayer na si Alodia Gosiengfiao kamakailan lang.

Napukaw kasi ang pansin ng mga netizens sa caption ng post niya kasama ng isang litrato kung saan nakasuot siya ng golden gown na obra ng designer na si Mara Chua.

“Hi. Ako nga pala ‘yung sinayang mo,” ang nag-viral na post ng cosplayer.

Inakala ng mga followers niya na patama iyon kay Wil Dasovich na dati niyang boyfriend.

Ang mga sumusunod ay ilan lang sa napakaraming komento ng netizens sa post ni Alodia.

Sayang nga.

 Kuya Wil, sinayang mo pa ‘to oh.”

 Bwisit ka Wil. Sinayang mo Queen A namin. Maglaway ka ngayon.”

 Nagkomento rin si Wil Dasovich sa comment ng kapatid ni Alodia na si Ashley Gosiegfiao, pero agad niya iyong binura.

’Wag na, nagbo-blow-up na phone ko. Alam ko na. Naku po,” sabi ni Wil sa burado niyang komento na na-screenshot ng isang follower ni Alodia.

Ilang oras lang ang lumipas ay nag-post naman si Wil Dasovich sa sarili niyang social media account na halatang reaksyon sa post ng dating kasintahan.

Kwela ang sagot ni Wil sa post ni Alodia kaya naman agad din iyong nag-viral.  Mayroon na iyong higit 22,000 shares, 19,000 comments at 366,000 ang nagbigay ng “Haha” reactions.

“Hi, ako nga pala ‘yung sinaing mo,” hirit ni Wil kasama ang larawan na hawak niya ang isang rice cooker na may sinaing.

Narito ang ilan sa mga komento sa post niya:

 “Haha, I knew you would post something like this, bro!”

 “Boss Alodia Gosiengfiao, nagpaparinig si Boss Wil , oh.”

 “Bumawi ka pa talaga. Pakurot nga.”

 “Huwag mong iwanan baka masunog. Love n’yo pa ang isa’t isa. May mga hugot, eh.”

 Samantala, ipinaliwang ni Alodia na ang post niya ay isang meme quote na nabasa niya. Pinasalamatan niya rin ang mga followers na nagpahayag ng suporta sa kanya.

Thank you guys for the support but yesterday’s post was based on a meme quote I saw somewhere on the intraweb but a few people took it seriously so sorry for the confusion!  I’ve been posting memes daily for a while now because I like sharing funny things. Even have a page dedicated to it which has been up for almost a decade – Alodia Memes.

Continue Reading

Trending