Connect with us

business

BDO tiniyak na ibabalik nila ang pera ng mga kliyenteng na-hack ang account

Published

on

Imahe mula sa Business World Online

Tiniyak ng Banco De Oro (BDO) na mare-reimburse sa kanilang mga kliyente ang perang nawala sa kanilang account matapos mabiktima ng malawakang hacking incident ang pinakamalaking bangko sa bansa.

Sa isang pahayag, inamin ng BDO na aware sila sa nasabing insidente ng hacking na ginamitan umano ng “sophisticated fraud technique” upang manakaw ang pera ng ilan sa kanilang account holders.

Imahe mula sa SMIC

Ikinasa na rin umano ng bangko ang karagdagang “security measures” upang hindi na ito maulit pa at maprotektahan ang kanilang bank credentials.

“Most recently, we have required our online banking users to update their passwords. Changing their password improves account security and prevents fraudsters from accessing their hard-earned money,” ayon sa pahayag ng BDO.

“We thank our clients for their patience and cooperation in protecting their online bank accounts. We assure our affected innocent clients that we will reimburse their losses,” dagdag pa nito.

Imahe mula sa Facebook| BDO Unibank

Noong isang araw ay dinagsa ng reklamo ang Facebook page ng BDO Unibank mula sa mga customer na nagulat matapos mabawasan ang kanilang perang nakadeposito sa account nila sa naturang bangko.

Ayon sa mga biktima, nasa P40,000 hanggang P200,000 umano ang perang nabawas sa kanilang account gayung wala namang dumarating na OTP request sa kanilang cellphone.

Lumabas sa mga ulat na ninakaw ang pera sa mga account ng BDO at inilipat ito sa isang account sa Union Bank. Ginamit umano ang naturang pera upang bumili ng Bitcoin cryptocurrency na nagkakahalaga ng P5-M noong Disyembre 11 sa ilalim ng account name na “Mark Nagoyo” sa Union Bank.

Imahe mula sa Krazytech

Binuo rin ng mga biktima ang Facebook group na “Mark Nagoyo BDO Hacked” na sa ngayon ay mayroon nang mahigit 4,500 miyembro.

Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na ang BDO sa National Bureau of Investigation (NBI) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang matunton kung sinuman ang nasa likod ng hacking incident.

Inaalam na rin ng National Privacy Commission (NPC) kung may nanakaw ding personal data ng mga depositors bukod sa kanilang mga pera.

business

Informant ibinahagi kung paano nila nakuha ang OTP ng ilang kliyente ng BDO

Published

on

By

Idinetalye ng informant ang paraan kung paano sila nagkaroon ng access sa OTP (one-time password) ng mga kliyenteng apektado ng BDO hacking noong nakaraang Disyembre.

Sa panayam ng GMA News, isiniwalat umano ni ‘Alex’ na siya ang gumawa ng ‘text blast’ na ipinadala sa mahigit 700 kliyente ng BDO. Si Alex din ang nagbigay ng impormasyon na nauwi sa pagkakahuli ng apat na suspek noong isang araw.

Kuwento ng impormante, sa message link na ipinadala nila ay doon naglogin ang mga account holder gamit ang kanilang username at password.

“At the same time meron na po kaming OTP nung depositor, kumbaga hindi na po papasok sa kanya yung OTP, kundi sa panel na po namin,” lahad ng informant.

Inamin din ni Alex na kasama siya sa gumawa ng ‘Mark Nagoyo’ account na siyang ginamit ng mga hacker para itago at ibili ng cryptocurrency ang milyones na kanilang nanakaw.

Tinaon umano talaga nila na sa buwan ng Disyembre gagawin ang hacking dahil maraming OFW ang nagpapadala ng pera sa kanilang pamilya sa Pilipinas.

“Alam po namin na mas maraming depositor yung sa month ng December kasi po magpa-Pasko at Bagong Taon. Mas marami pong depositor si BDO sa ibang bansa po like OFW (Overseas Filipino Workers),” wika nito.

Inamin din ng isa pang naaresto, na isang babae, na isa siya sa kumakausap sa mga kliyente ng bangko para makuha ang kanilang OTP.

Samantala, patuloy na sinusuri ng National Bureau of Investigation  (NBI) ang mga gadgets na nasamsam nila mula sa apat na kataong naaresto para mas maintindihan nila umano ang operasyon.

BASAHIN: 4 kataong umano’y sangkot sa BDO hacking noong Disyembre, nahuli na

Bukod dito, magagamit rin daw ito para mas lalo pang mapalakas ang security ng ating financial institutions.

Buong ulat ng GMA News:

Continue Reading

business

4 kataong umano’y sangkot sa BDO hacking noong Disyembre, nahuli na

Published

on

By

Nalambat na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat kataong sangkot diumano sa ‘hacking incident’ ng BDO Disyembre noong nakaraang taon.

Ayon sa ulat ng GMA News, kabilang sa naaresto ay dalawang Nigerian national na kapwa nasakote ng mga awtoridad sa Pampanga.

Ang naging papel umano ng dalawang banyaga sa grupo ay ‘i-synchronize’ ang kilos ng mga miyembro.

“Ino-open nila ang account, sila ang nagpapa-falsify ng mga dokumento tapos ‘yung mga downloaded amounts o downloaded cash, sila ang nagko-consolidate from different downloaders at sila rin ang nagbibigay ng payoff,” pahayag ni NBI Cybercrime Division chief Vic Lorenzo nitong Biyernes.

Bukod sa dalawa, nahuli rin ang dalawa pang sangkot sa magkahiwalay na operasyon sa Maynila at Pasig City. Isa umano sa mga ito ang siyang gumagawa ng computer program para ma-hack ang bangko.

Sa kasalukuyan, iniipon na ng NBI ang mga ebidensiya laban sa apat na suspek bilang paghahanda sa pagsampa ng kaukulang kaso.

Tiniyak dati ng BDO na ibabalik nila ang pera ng mga kliyenteng naapektuhan ng nasabing ‘hacking incident’.

BASAHIN: BDO tiniyak na ibabalik nila ang pera ng mga kliyenteng na-hack ang account

Ikinasa na rin ng bangko ang karagdagang “security measures” upang hindi na ito maulit pa at maprotektahan ang kanilang bank credentials.

Naumpisahan na rin ng bangkong pag-aari ng pamilya Sy ang reimbursement process para sa 700 kliyenteng apektado ng insidente.

BASAHIN: BDO inumpisahan na ang proseso sa reimbursement ng 700 apektadong depositors

Ayon sa pahayag ng mga biktima, nasa P40,000 hanggang P200,000 umano ang perang nabawas sa kanilang account gayung wala namang dumarating na OTP request sa kanilang cellphone.

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang BDO hinggil sa pagkakahuli sa 4 na suspek.

Continue Reading

business

Baker nawindang sa kanyang customer kaugnay sa inorder nitong money cake

Published

on

By

Ngayong pandemya isa ring sumikat na hanapbuhay ang pagbe-bake ng cake at pa-customize ng cake na mayroong pera sa loob. Ito ang tinatawag na ‘money cake’.

Isang baker, si Bea Manuel Sigua, ang nagbahagi online na nawindang siya sa kanyang kausap na customer thru messenger noong Enero 17.

Nagtanong umano ang customer na magpapagawa ng money cake sa kanya kung magkano ito at kung kasama na rin ba sa 1500 ang laman ng cake na nagkakahalaga ng 10k. Holler? Hindi lamang iyon humiling pa na kung maaari daw ay tig-iisang daan ang ilalaman sa loob.

Tugon niya, “Kayo na po magpoprovide ng bills na ilalagay tapos much better po nakabarya na din siya.” Nagbalik-tanong ang kanyang customer, “hindi pa po kasama yun sa 1500?”

Aniya, “Hindi po ako nag-aabono sa money cake hindi po ako mayaman kung bawat money cake 1500 lang halaga tapos may laman na 10k e di na po ako magbebake oorder nalang ako ng money cake sa ibang baker”

Sino ba naman ang hindi mawiwindang kapag may ganitong mga customer ang mag-iinquire sa ‘yo? Nakawiwindang nga naman!

 

Kaya  hindi sila nag-aabono lalo na kapag may mga nag-oorder na kung kailan malapit at nakahanda na ang lahat ay bigla-bigla namang magca-cancel.

“Pag money cake po kayo po magbibigay ng pera na ilalagay sa loob. Hindi po kami nag aabono don kasi last time na nag abono ako don nagcancel ng order yung client, nasayang effort ko mag withdraw, magpabarya at magbalot nakakadala na po talaga,” saad ni Bea.

Para sa mga baker, o kahit saan namang negosyo, ay masasayang lamang lahat ng iyong effort, pagod at oras kapag may mga nagca-cancel na orders lalo na kung nakahanda na ang lahat.

Sinabi naman niya na puwede namang mag-bank transfer, pero para sa isang baker na malayo sa bayan at maraming kliyente ang nagpapagawa, ubusan oras kumbaga kaya kaunti na lamang ang oras niya para sa mga ibang bagay gaya ng pagpapabarya.

“Sobrang loaded po kami ng orders talaga, di kami nagrurush. Matagal din po magbalot nyan lalo pag gusto ni client eh baryang barya ilalagay, di po ako tumatanggap ng isesend yung pera pag malapit na target date tapos ako pa magpapabarya dikitan na po talaga ng oras,” aniya.

 

 

Sa kanyang post sinabi din niya na kahit gaano kalaki ang pera ay safe naman at maiibigay sa tamang oras at sa pagdedeliveran nito. “Kung may duda naman po kayo wag na po kayo samin pagawa ng money cake. Di ko naman po gagastusin ang money, may mga nagawa na po kaming 100k, 70k, 50k, 20k at mga 10k na money cake. Safe po ang pera niyo naman samin kahit anong amount pa yaaaaan.”    “

Sa huli, hindi naman daw talaga siya galit sapagkat gusto lamang niya maglabas ng hinaing sa mga customer at malinawan ang mga ito. “NAGPAPALIWANAG LANG AKO good vibes lang dapat always hahahahaha,” dagdag niya.

Sa ibinahaging post ni Bea ay marami ang naloka at  nagkomento;

“Yung feeling na 1,500 lang ‘yung cake tapos free sa loob 10k hahaha. Pagawa na ako Cake now na.”

“Sakit sa ulo ng ganyan Bey. Pa’no kaya nila naiisip yun? “

“HAHAHAHAHAHA na stress ako girl!!! HAHAHAHAHA”

Continue Reading

Trending