Connect with us

business

BDO inumpisahan na ang proseso sa reimbursement ng 700 apektadong depositors

Published

on

Imahe mula sa Tribune

Inumpisahan na umano ng BDO ang pagpoproseso sa reimbursement ng mga kliyenteng naapektuhan ng malawakang hacking noong isang araw na nauwi sa pagkawala ng ilang milyong pera ng mga depositors.

Ayon sa pahayag na inilabas ng bangko nitong Martes, Disyembre 14, nagsimula na ang proseso ng pagre-reimburse ng nasa 700 kliyenteng nabiktima ng “recent online fraudulent transactions.”

Imahe mula sa SMIC

“We have requested our clients to go to their branch of account and submit documentation to get the refund. The Bank will shoulder the losses perpetuated by this cybercrime incident,” dagdag pahayag ng BDO.

Noong isang araw ay dinagsa ng reklamo ang Facebook page ng BDO Unibank mula sa mga customer na nagulat matapos mabawasan ang kanilang perang nakadeposito sa account nila sa naturang bangko.

BASAHIN: BDO tiniyak na ibabalik nila ang pera ng mga kliyenteng na-hack ang account

Ayon sa mga biktima, nasa P40,000 hanggang P200,000 umano ang perang nabawas sa kanilang account gayung wala namang dumarating na OTP request sa kanilang cellphone.

Imahe mula sa Krazytech

Napag-alaman sa mga lumabas na ulat na na-hack ang acoount ng ilang kliyente at nailipat ang laman nito sa isang account sa Union Bank sa ilalim ng pangalang ‘Mark Nagoyo’.

Ginamit umano ang naturang pera upang bumili ng Bitcoin cryptocurrency na nagkakahalaga ng P5-M.

Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na ang BDO sa National Bureau of Investigation (NBI) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang matunton kung sinuman ang nasa likod ng insidente.

Ikinasa na rin ng BDO ang karagdagang “security measures” upang hindi na ito maulit pa at maprotektahan ang kanilang bank credentials.

Imahe mula sa Facebook| BDO Unibank

“Most recently, we have required our online banking users to update their passwords. Changing their password improves account security and prevents fraudsters from accessing their hard-earned money,” ayon sa naunang pahayag ng BDO.

Samantala, ibinahagi naman ng BSP na patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon sa nasabing insidente.

“Investigation is still ongoing. Definitely, the BSP is looking at the root cause of why it happened which is part of the investigation,” ani BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier sa text message sa Philstar.

Nagsasagawa na rin ng sariling imbestigasyon ang BDO na umaming naapektuhan ng hacking incident ang kanilang “10-year-old web service” na nakatakda nang i-phase out.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

business

4 kataong umano’y sangkot sa BDO hacking noong Disyembre, nahuli na

Published

on

By

Nalambat na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat kataong sangkot diumano sa ‘hacking incident’ ng BDO Disyembre noong nakaraang taon.

Ayon sa ulat ng GMA News, kabilang sa naaresto ay dalawang Nigerian national na kapwa nasakote ng mga awtoridad sa Pampanga.

Ang naging papel umano ng dalawang banyaga sa grupo ay ‘i-synchronize’ ang kilos ng mga miyembro.

“Ino-open nila ang account, sila ang nagpapa-falsify ng mga dokumento tapos ‘yung mga downloaded amounts o downloaded cash, sila ang nagko-consolidate from different downloaders at sila rin ang nagbibigay ng payoff,” pahayag ni NBI Cybercrime Division chief Vic Lorenzo nitong Biyernes.

Bukod sa dalawa, nahuli rin ang dalawa pang sangkot sa magkahiwalay na operasyon sa Maynila at Pasig City. Isa umano sa mga ito ang siyang gumagawa ng computer program para ma-hack ang bangko.

Sa kasalukuyan, iniipon na ng NBI ang mga ebidensiya laban sa apat na suspek bilang paghahanda sa pagsampa ng kaukulang kaso.

Tiniyak dati ng BDO na ibabalik nila ang pera ng mga kliyenteng naapektuhan ng nasabing ‘hacking incident’.

BASAHIN: BDO tiniyak na ibabalik nila ang pera ng mga kliyenteng na-hack ang account

Ikinasa na rin ng bangko ang karagdagang “security measures” upang hindi na ito maulit pa at maprotektahan ang kanilang bank credentials.

Naumpisahan na rin ng bangkong pag-aari ng pamilya Sy ang reimbursement process para sa 700 kliyenteng apektado ng insidente.

BASAHIN: BDO inumpisahan na ang proseso sa reimbursement ng 700 apektadong depositors

Ayon sa pahayag ng mga biktima, nasa P40,000 hanggang P200,000 umano ang perang nabawas sa kanilang account gayung wala namang dumarating na OTP request sa kanilang cellphone.

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang BDO hinggil sa pagkakahuli sa 4 na suspek.

Continue Reading

business

Baker nawindang sa kanyang customer kaugnay sa inorder nitong money cake

Published

on

By

Ngayong pandemya isa ring sumikat na hanapbuhay ang pagbe-bake ng cake at pa-customize ng cake na mayroong pera sa loob. Ito ang tinatawag na ‘money cake’.

Isang baker, si Bea Manuel Sigua, ang nagbahagi online na nawindang siya sa kanyang kausap na customer thru messenger noong Enero 17.

Nagtanong umano ang customer na magpapagawa ng money cake sa kanya kung magkano ito at kung kasama na rin ba sa 1500 ang laman ng cake na nagkakahalaga ng 10k. Holler? Hindi lamang iyon humiling pa na kung maaari daw ay tig-iisang daan ang ilalaman sa loob.

Tugon niya, “Kayo na po magpoprovide ng bills na ilalagay tapos much better po nakabarya na din siya.” Nagbalik-tanong ang kanyang customer, “hindi pa po kasama yun sa 1500?”

Aniya, “Hindi po ako nag-aabono sa money cake hindi po ako mayaman kung bawat money cake 1500 lang halaga tapos may laman na 10k e di na po ako magbebake oorder nalang ako ng money cake sa ibang baker”

Sino ba naman ang hindi mawiwindang kapag may ganitong mga customer ang mag-iinquire sa ‘yo? Nakawiwindang nga naman!

 

Kaya  hindi sila nag-aabono lalo na kapag may mga nag-oorder na kung kailan malapit at nakahanda na ang lahat ay bigla-bigla namang magca-cancel.

“Pag money cake po kayo po magbibigay ng pera na ilalagay sa loob. Hindi po kami nag aabono don kasi last time na nag abono ako don nagcancel ng order yung client, nasayang effort ko mag withdraw, magpabarya at magbalot nakakadala na po talaga,” saad ni Bea.

Para sa mga baker, o kahit saan namang negosyo, ay masasayang lamang lahat ng iyong effort, pagod at oras kapag may mga nagca-cancel na orders lalo na kung nakahanda na ang lahat.

Sinabi naman niya na puwede namang mag-bank transfer, pero para sa isang baker na malayo sa bayan at maraming kliyente ang nagpapagawa, ubusan oras kumbaga kaya kaunti na lamang ang oras niya para sa mga ibang bagay gaya ng pagpapabarya.

“Sobrang loaded po kami ng orders talaga, di kami nagrurush. Matagal din po magbalot nyan lalo pag gusto ni client eh baryang barya ilalagay, di po ako tumatanggap ng isesend yung pera pag malapit na target date tapos ako pa magpapabarya dikitan na po talaga ng oras,” aniya.

 

 

Sa kanyang post sinabi din niya na kahit gaano kalaki ang pera ay safe naman at maiibigay sa tamang oras at sa pagdedeliveran nito. “Kung may duda naman po kayo wag na po kayo samin pagawa ng money cake. Di ko naman po gagastusin ang money, may mga nagawa na po kaming 100k, 70k, 50k, 20k at mga 10k na money cake. Safe po ang pera niyo naman samin kahit anong amount pa yaaaaan.”    “

Sa huli, hindi naman daw talaga siya galit sapagkat gusto lamang niya maglabas ng hinaing sa mga customer at malinawan ang mga ito. “NAGPAPALIWANAG LANG AKO good vibes lang dapat always hahahahaha,” dagdag niya.

Sa ibinahaging post ni Bea ay marami ang naloka at  nagkomento;

“Yung feeling na 1,500 lang ‘yung cake tapos free sa loob 10k hahaha. Pagawa na ako Cake now na.”

“Sakit sa ulo ng ganyan Bey. Pa’no kaya nila naiisip yun? “

“HAHAHAHAHAHA na stress ako girl!!! HAHAHAHAHA”

Continue Reading

business

Julia, kinagiliwan sa paglulunsad ng ginantsilyong produkto sa negosyong The JuJu Club

Published

on

By

Kinagiliwan ng mga followers at kaibigan sa showbiz ang aktres na si Julia Barretto nang ilunsad niya sa kanyang The Juju Club online store ang ilang bagong produkto.

Mga ginantsilyong scrunchies, bandanas at bucket hats ang bagong  produkto ni Julia.

“We just dropped an all new crochet collection on our shop. I love, love these pieces and I can’t wait for you girls to get your hands on them! Available now on @thejujuclub.co,” post ni Julia noong Biyernes, January 14.

“So cute,” comment ni Yassi Pressman.

Tatlong smiling face with heart-shaped eyes emojis naman ang inilagay ni Chie Filomeno sa komento niya sa post ni Julia.

“Cute. Nostalgic,” naman ang nasambit ng Kapuso actress na si Shaira Diaz.

Base sa online store ng The Juju Club sa isang e-commerce platform, ang presyo ng Crochet Scrunchies (Bundled by 3) ay P240.

Ang presyo naman ng bawat isang Crochet Bandana ay nasa pagitan ng P400 at P480. Samantalang ang Crochet Bucket Hat naman ay P639 each.

Ang The Juju Club ay inilunsad ng aktres noon lang Nobyembre ng nakarang taon. Sari-saring accessories ang mabibili rito tulad ng retro clips, hats, eyewears, rings at marami pang iba. Isa umanong dream come true ang kanyang negosyo.

Matagal na raw talaga siyang nag-iisip ng negosyo .

“For many years now, I’ve been really thinking about what kind of business I really wanna do, what kind of business will really best represent who I am, and the things I genuinely love and enjoy using and having. With The Juju Club coming out, I feel like that brand represents me as a whole and everything that I love and everything that says ‘Julia,” aniya sa panayam sa kanya noong inilunsad ang  sariling negosyo.

Nang tanungin kung saan nakuha ang pangalan ng online store niya, sinabi ng aktres na palayaw niya ang “Juju.”  Bukod pa roon, ang kahulugan daw ng “juju” ay luck.

 It’s either you have bad juju or good juju, but with The Juju Club, we always just want to spread good juju. That’s sort of what the brand is all about, just spreading good energy, good luck.

Continue Reading

Trending