Connect with us

celebrities

Bea ‘mas wild’ pa kay Julia; ‘OA’ na ang sweetness kay Dominic – Lolit

Published

on

Imahe mula sa GMA News at Instagram

Iniintriga na naman ni Lolit Solis ang magkasintahan na sina Dominic Roque at Bea Alonzo dahil umano sa pagiging ‘OA’ na ng kanilang sweetness.

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ng kontrobersiyal na talent manager na maging ang mga followers ng showbiz couple ay napansin na ang kanilang pagiging ‘OA’ sa mga larawang ibinabahagi sa social media.

Screesnhot mula sa Instagram| Lolit Solis

“Napansin din pala ng mga followers nila Bea Alonzo at Dominic Roque iyon parang OA na sweetness nila sa mga pictorial Salve,” bungad ni Manay Lolit sa kaniyang Instagram.

“Kahit ako nagugulat na para bang mga posing na ng mag asawa ang ginagawa ng dalawa. Meron pa nga silang isang photo kung saan nakahiga si Dominic at nasa tabi niya si Bea na naka shorts na kung malisyosa ka iisipin mo na meron silang ginawa bago nag pictorial,” patuloy nito.

‘Medyo very daring’ ang naging paglalarawan ni Lolit sa mga larawang magkasama raw sina Bea at Dominic.

Screenshot mula sa Instagram| Lolit Solis

Bukod dito, hindi rin napigilan ng talent manager na iugnay ang pangalan ng dating boyfriend ni Bea na si Gerald Anderson sa ipinapakitang ito ng aktres sa publiko.

“Meron ka ngang parang maiisip na para bang gusto lang ipakita ni Bea Alonzo kay Gerald Anderson na naka move on na siya sa ghosting nito. At para naman very unfair kay Dominic na nagagamit siya kung tutoo nga ito,” anito.

Nagtataka rin si Lolit dahil hindi umano ito ang ‘usual’ na Bea na nakikita sa mga pictorial dati, o baka naman daw ito talaga ang tunay na Bea – ‘very passionate at touchy’.

Screenshot mula sa Instagram

Nabanggit din ni Manay Lolit ang kasaukuyang girlfriend ni Gerald na si Julia Barretto na itinuturo noon na naging dahilan ng ‘ghosting’ ng aktor kay Bea at ng kanilang tuluyang paghihiwalay.

“Bongga nga, mas parang wild pa si Bea Alonzo kay Julia Barretto, hah hah , or hindi lang showy si Gerald Anderson at mas wild si Dominic Roque,” pagwawakas ng kaniyang post.

celebrities

Mark Anthony sa ex-GF na si Claudine: Iniisip ko rin, kung nagkatuluyan kami, ano kaya ang hitsura ng anak namin?

Published

on

mark anthony claudine

Ngayong nagkasama muli sa isang proyekto pagkalipas ng halos tatlong dekada, hindi maiaalis sa marami ang magbalik-tanaw sa nakaraan ng dating magkasintahang sina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto. Ngunit kumusta naman kaya silang dalawa sa usaping ito?

Sa panayam nila sa Push, inamin ng dalawa na maging sila ay binabalikan din ang kanilang kahapon, at sa katunayan, napapaisip kung kumusta kaya sila kung silang dalawa ang nagkatuluyan.

mark anthony claudine

“Hindi man kami nagmamahalan bilang lovers, bilang magkaibigan, bilang acquaintance, ako natutuwa pa rin akong nakakausap si Boss Clau. Gano’n din siya sa akin. Pero iniisip ko rin, kung nagkatuluyan kami, ano kaya ang hitsura ng anak namin? Alam mo ‘yon?” ani Mark Anthony, kasabay ng pag-amin na hindi niya isinasara ang mga posibilidad para sa ikalawang pagkakataon nila.

“Para sa akin, hindi pa huli ang lahat, alam mo ‘yon? Kung anuman ‘yon. Kasi bata pa naman si Boss Clau, e. Depende sa sitwasyon, alam mo ‘yon? Kung biglang may access ako na makaligaw sa kanya, bakit hindi? Yes, I still love Claudine, as an actress, as a friend. Crush-wise, hindi mawawala ‘yong pagka-crush ko sa kanya. Kahit ano pa ang situation. Basta lagi ko siyang crush,” dagdgag pa ng aktor.

Wika naman ni Claudine, “Napag-usapan namin ‘yan, actually. ‘Paano kung nagkatuluyan tayo? Ilang taon na ‘yung anak natin?’ Kino-compute pa namin.”

Huling beses nagkasama sa isang proyekto ang dalawa noong 1995 sa pelikulang Mangarap Ka ng Star Cinema. Ngayon naman ay magkakasama muli sila sa pelikulang Deception ng Viva Films na mapanonood sa Vivamax sa January 28, 2022.

mark anthony claudine

Hindi naman daw naging mahirap para kay Claudine ang muling gumawa ng pelikula kahit matagal-tagal din itong nagpahinga; patunay na isa talaga siyang magaling na artista.

“Paano ba ako naghanda dito?” aniya. “Wala naman akong ginawa kung ‘di aralin ‘yong script. Nag-focus lang talaga ako kung anuman ang gustong ipagawa ni Direk.”

Samantala, sa kanilang pagbabalik tambalan, napansin daw ni Claudine na lumalim si Mark Anthony bilang aktor.

“Lumalim siya bilang aktor. Pinag-aralan niya ‘yong role niya. Adventurous siya at nag-e-explore sa pelikulang ito. Magaling si Mark, matagal naman nang alam ng tao ‘yon, lalo na ngayon, at nagulat ako na sobrang gumaling talaga siya. Nag-mature siya tapos ibinibigay niya lahat ang mga requirements,” saad niya.

mark anthony claudine

Continue Reading

celebrities

‘You are enough, you were created from His image’: IG post ni LJ nagdala ng inspirasyon sa social media

Published

on

LJ Reyes

Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang pinagdaanan ng aktres na si LJ Reyes matapos ang hiwalayan nila ng dating partner na si Paolo Contis, kaya naman marami ang nakakuha ng inspirasyon sa isa sa kanyang mga recent post sa Instagram na nagpapaalala sa bawat isa na karapat-dapat sila sa magagandang bagay sa mundo.

lj reyes

Kasabay ng pagbabahagi ng ilang litrato, kabilang na ang larawan niya na masayang-masaya, binitawan ni LJ ang mga katagang maghahatid ng inspirasyon sa mga taong may pinagdadaanan at kinukuwestiyon na ang self-worth.

“You are enough,” paalala niya. “Yes! To all of you reading this, I want to remind you that YOU are ENOUGH. Why? Because YOU are God’s best creation. You were created from His image. You are His masterpiece!”

lj reyes

Kasama rin sa mga litratong ibinahagi niya ang isang T-shirt na may nakaimprenta na “you are enough” at magandang parke.

“I couldn’t get this image out of my head,” wika ng actress. “This area in Central Park that just really had me in awe of God’s creation! God created a beautiful world—a world that is an expression of His love for us. So if sceneries such as this take our breath away, how much more should you feel confident that YOU…are…beautiful! YOU…are…ENOUGH! Stay WONDERful!”

LJ Reyes

Sa comments section ng post, may mga nag-iwan ng mensahe ng pagmamahal, suporta, at pasasalamat para sa aktres.

Wika ng social media user na si @beeralin, “Continue to allow the Lord to use you as His voice to the women you influence. May purpose si Lord sa lahat. From our pain and triumphs, may He be glorified in our lives. Praise God for your life. God bless you more and more!”

“I love reading your inspiring words of wisdom,” kumento ni @Sanala1016. “God bless you and your lovely kids with his love”

Continue Reading

celebrities

Pa-calendar naman! 2022 Kalendaryo ni Karla Estrada, ‘inaawitan’ ng netizens

Published

on

By

Inaawitan ngayon sa social media ang 2022 kalendaryo ng aktres na si Karla Estrada matapos niya itong i-post sa kanyang Facebook account.

“She never gives up. She believes in her strength. Everything is possible when it comes to her family..she has to deal with her Cards the best way she can. She can be a Teacher, Doctor, Cook, Referee, Provider, Protector, Defender and a superhero! She can wear her Cape anytime and anywhere she wants, for She is Real Life Wonderwoman. She is MAMA,” aniya sa kanyang post.

Makikita sa 2022 na kalendaryo ang napakagandang quote. “The Love of a Family Makes Life Beautiful.”

Sa larawan ay kasama niya ang kanyang apat na anak. Ang nasa gawing kaliwa niya ay si Carmela Ford Tenorio o lella, 15 taong gulang na bunsong anak. Inilalarawan niya si Daniel at Carmela bilang pinaka ‘makulit’ sa miyembro ng kanilang pamilya.

Ang nasa kanan naman niya ay si Margaret Ford Planas o Magui, 19 taong gulang. Anak niya ito sa ex-partner na si Mike Planas, dating Councilor sa Quezon City. Hindi nakabibigla na mayroong talento si Margaret sa paggigitara at pagtugtog ng piano.

Makikita rin sa kalendaryo ang panganay nitong anak na si Daniel Padilla, 26, na anak nila ni Rommel Padilla. Narito rin ang kanyang pangalawang anak na si Jose Carlito Padilla, 25 anyos, na anak naman niya kay Naldy Padilla.

Maraming netizens ang gustong makakuha ng kalendaryo niya. Ang iba naman ay hinangaan ang aktres dahil sa pagiging matatag bilang ina at ama sa kanyang mga anak.

“Momshie Karla Estrada pengeng kalendaryo para may picture ako ng family nyo sa bahay namin.”

“Hello goodmorning miss Karla, proud momshie fighter sa lahat ng pagsubok sa buhay. God bless you and the entire family”

Naikuwento ni Karla sa programang ‘Toni talks ‘ noong Disyembre 12, 2021 na hindi naging madali ang pinagdaanan niya sa pagpapalaki sa apat niyang anak. Maliban sa mga naririnig niyang negatibo dahil sa magkakaibang ama ng mga ito ay naging mahirap rin talaga ang pamumuhay nila.

“Ginapang talaga. I was really tested. Hindi lang sa panganganak, pati ‘yong pang-araw-araw saan ka kukuha,” aniya.

Pero kahit ganoon ang naging sitwasyyon nila hindi niya ipinaramdam sa mga anak na kawawa sila. Sa halip ay inilagay niya umano sa isip ng mga ito na matutong maging maparaan at madiskarte sa buhay para hindi umasa.

Continue Reading

Trending