Connect with us

Social News

Ano’ng ginawa sa atin ng pandemic? Pagbabahagi ng isang mommy blogger, ‘Ginawa tayong mga transformers’

Published

on

Ang tanong ng isang mommy blogger, “Ano’ng ginawa sa atin ng pandemic?” Ano nga ba? Para kasi sa kanya, “ginawa tayong mga transformers!”

Matindi ang pagsubok na dinala ng Covid sa buong mundo na nauwi sa pagiging pandemya. Inabot na ng dalawang taon ang ating pakikipaglaban sa covid virus at sa naging epekto nito sa ating kabuhayan, kalusugan at personal na buhay.

Image via pexels

Ano’ng ginawa sa atin ng pandemic?

Sa kabila ng mga challenges na kakabit ng pandemya, sinikap nating maging matatag. Nilabanan natin ang panghihina ng loob habang nag-iingat pa rin upang hindi mahawa sa virus na hindi nakikita. Maraming napilitang manatili sa bahay habang gumagawa ng paraan na makapagtrabaho mula sa mismong tahanan. May nag-online selling, may nag-work-from-home, may nagtayo ng munting negosyo sa tapat ng tirahan atbp. Mga essential workers ang walang choice kundi ang magtrabaho on-site.

Ang positibong anggulo naman ng sapilitang pagkakatigil sa sariling tahanan ay tila mas maraming pamilya ang naging close dahil sa ilang beses na lockdown. Mayroon ding mas napagtuunan ng pansin ang mga pangangailangan ng pamilya at bahay.

Mayroon ding mga nakatuklas ng bagong kakayahan o kagalingan (skill) na hindi pa nila dati nadidiskubre. May mga sinuwerte rin naman na kung kailan may pandemya ay saka nakapagpatayo ng kanilang bahay, nakabili ng sasakyan o kaya’y natumbok ang tamang pormula sa negosyong pinasok.

Para naman kay Bibong Pinay na mommy blogger, ginawa umano tayong mga TRANSFORMERS! 

Ayon sa kanyang Facebook post kamakailan, tayo ay naging “transformer ng garahe, ng kusina, ng salas, ng kubeta at ng kung ano-ano pang parte ng ating bahay. (laugh emoji) Yung mga bahay natin na dati ay halos tulugan lang dahil most of the time nasa labas tayo, naging place of comfort, connection and productivity ngayon (star emoji)  Who would have thought na magugustuhan din pala nating maging HOME BUDDY?”

Dagdag pa niya sa kanyang post, marami umano sa atin ang nagpa-renovate ng bahay, ‘yung iba naman ay nag-DO-IT-YOURSELF (o DIY) lang. Mayroong mga nagbahagi na sila ay nakapagligpit at nakapag-declutter lang. Mayroon din namang iba na nag- Glade na lamang daw.  (blue heart emoji)

Images via Facebook / Bibong Pinay

Ano man ang pinaggagagawa natin sa ating tahanan, one thing is for sure,” aniya. “We finally realized that we want our homes to be a better place for our families where we can build and make MORE memories together. Because at the end of the day, nothing else would matter. Not our career or jobs, not our kayamanans, BUT our key relationships— our families (heart emoji)

Kaya naman bilang patunay na sila ay naging “transformers” sa panahon ng pandemya, ibinahagi niya ang ilang ‘before and after’ na mga larawan ng kanilang tahanan.

Ang bitaw niyang tanong, “Kayo mga Inay? Patingin naman ng mga home transformation projects ninyo!”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Inspiring

Basketball player, iniwan ang career sa PBA para maging truck driver sa Canada

Published

on

By

Isang dekadang inalagaan ni Tristan Perez ang pangarap niyang makapaglaro bilang professional basketball player sa Philippine Basketball Association (PBA).

Natupad ang pangarap na iyon ni Tristan nang kunin siya ng Blackwater Elite team noong 2016, subalit sa loob lang ng isang taon bilang professional basketball player ay nagdesisyon siyang iwan ang PBA career niya upang makapiling ang asawa sa Canada.

“Ganoon talaga, may pangarap ka, minsan talaga may isa sa inyo na mag-asawa na may igi-give up para magkasama kayo,” paglalahad ni Tristan.

Sabi niya, tinimbang niyang mabuti ang kanyang mga options  bago nagdesisyon na sundan sa Alberta, Canada ang asawang si Princess Jhameel, kung saan ito nagtatrabaho. Pinag-isipan daw niya iyon nang ilang ulit.

“I weighed my options well. I thought it many times over. My wife was pregnant and it seemed that what I would be getting from a new life in Canada outweighed anything I might earn in the PBA – assuming I play long in the league,” aniya.

Mas pinili raw niya ang Canada kaysa sa PBA dahil ang magbebenepisyo ay ang future ng kanilang mga anak.

“Mas pinilli naming mag-Canada kasi ang daming benefits na maibibigay sa future ng mga anak ko. Kumbaga, less worry lang sa future. Buo na ang desisyon ko, eh. Hindi ako basta-basta magdedesisyon na hindi ko paninindigan eh,” paliwanag niya.

Tatlong taon na rin si Tristan bilang truck driver sa Canada. Napamahal na raw sa kanya ang trabaho dahil exciting daw ang pagmamaneho ng malalaking truck sa Canada.

“Napamahal na ako sa trabahong ito. ‘Yung trabaho ko parang hindi siya nakakainip, parang ang dami niyang challenge. Risky siya, pero doon ako nag-e-enjoy, eh, lalo na pag winter. Dumadaan kami sa iba’t ibang daan, bush road, ice road… tumatawid kami sa bridge na yelo,” ani Tristan.

Kuwento niya, ang misis niya ay school driver naman.

Aniya, malayo man ang pagiging truck driver sa dati niyang propesyon bilang professional basketball player sa PBA, kakaiba raw ang feeling niya dahil masaya siya sa kanyang ginagawa.

Continue Reading

Social News

“Ilang ektarya ba yan?”: Xian Gaza gusto nang ‘bilhin’ ang lupang kinatitirikan ng mangga

Published

on

By

Hindi pa rin yata humuhupa ang ngitngit ni Xian Gaza sa nangyari kay Lolo Narding na nakulong matapos ipapitas ang mangga mula sa punong nakatayo sa katabi ng kaniyang lupa.

Matapos bigyan ng babala ang taong nagsampa ng reklamo, pati na ang pipirma sa release order ni Lolo noong nakaraang araw, ngayon naman ay nais bilhin ng kontrobersiyal na negosyante ang lupang kinatatayuan ng ‘makasaysayang’ mangga.

BASAHIN: Xian Gaza binalaan ang nagsampa ng kaso laban kay Lolo Narding: “Hahanapin kita, kumapit ka na”

Sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes kung saan tinukoy niya ang caretaker ng lupa, mistulang nanggagalaiti pa rin si Gaza at gusto na nitong bilhin ang property.

“Sino ba may-ari ng lupa na yan? Nasa abroad ba? Sa kanya nakapangalan? Ilang ektarya ba yan? Naka-SPA ka ba?” sunod-sunod na tanong ng social media personality.

“Magkano per sqm? 100 pesos? 150? Bilhin ko na lang para wala ng issue sa lintek na puno ng mangga na yan,” wika pa nito.

Pansamantala nang nakalaya si Lolo Narding matapos makapagpiyansa nitong Huwebes, subalit ang arraignment para sa kaniyang kaso ay itinakda sa ika-8 ng Pebrero.

BASAHIN: 80-anyos na lolong nakasuhan dahil sa mga pinitas na mangga, nakalaya na

Nagpaliwanag na rin ang Asingan PIO na nasa maayos na kalagayan si Lolo Narding at inalagaan ito ng kapulisan nang nasa kustodiya pa nila ang 80 anyos na matanda. Humingi rin sila ng dispensa sa may-ari ng property na katabi ng lupa ni Lolo at sa caretaker nito.

“Huwag din po sana natin i-bash ang may ari ng lupa at ang caretaker nito, sa katunayan sila pa ang nagpupursige na mapawalang-bisa ang inihain na reklamo,” ayon sa Asingan PIO.

Samantala, nagbahagi rin ng saloobin si Xian Gaza hinggil sa kung bakit raw ganun ang nangyari kay Lolo Narding.

Aniya, “Kasi yung pera na pang-areglo niya sa caretaker ng lupa ay sobrang barya.”

Pangalawa umano ay dahil ‘wala siyang (Lolo Narding) pambayad sa abugado tapos umusad ang kaso hanggang sa naissuehan siya ng warrant of arrest.”

“Kasi hindi siya makapangyarihan kaya dinampot at inaresto siya ng mga pulis sa kabila ng kanyang edad,” dagdag pa ng negosyante.

Masakit man umanong isipin pero ang mundong ito ay sadyang pabor lamang sa mayayaman at makapangyarihan.

‘Kung nababasa mo ‘to at isa kang dukha, you only have 2 options in life: Either manatili kang mahirap at magreklamo nang magreklamo kung gaano ka-unfair sayo ang mundo, or magpursigi kang makatawid sa kabilang dako hanggang sa ika’y maging mayaman kagaya nang ginawa ko. The choice is yours,” pangwakas na payo ni Xian.

Continue Reading

Social News

‘Mahal kita’: Co-founder ng NFT game na Axie Infinity nagpahayag ng pagmamahal sa Pilipinas

Published

on

Sa gitna ng kasalukuyang pagbaba ng value ng Smooth Love Potion (SLP) o ang nakukuhang token sa non-fungible token (NFT) game na Axie Infinity, nagpahayag ng pagmamahal sa Pilipinas ang co-founder ng game na si Jeffrey “Jiho” Zirlin.

axie infinity

Sa wikang Filipino, ipinahayag ni Jiho ang pagmamahal niya sa bansa kung saan malaking porsyento ng nag-invest sa kanilang NFT game ay naroroon.

“Mahal kita,” saad niya sa isang tweet, kasabay ng paglalakip ng Philippine flag emoji.

Ikinatuwa ng mga Pinoy member ng Axie Community ang pakiramdam nila ay pakikisimpatiya ng co-founder sa mabababang value ng SLP. Nagpahayag din sila ng pagmamahal at suporta sa laro at sa mga nasa likod nito.

Saad ng isa, “Never mind the haters, Sir, just keep pushing, we will support you and the game all the way. Go, go, go! May God bless all the people behind the success of Axie Infinity.”

“Still believing with Axie Infinity. I’m far from my ROI (return of investment). Getting stressed with the arena, but I still enjoy playing it. I’m looking forward to the things that will unfold this year,” wika naman ng isa.

axie infinity

May mga nagpahayag din ng pagkadismaya at humimok sa kanya na gumawa ng paraan para tumaas muli ang value ng token na noon ay halos umabot na sa P20 ngunit ngayon ay hindi man lang umaabot ng piso.

Mayroon din namang nagbigay ng payo sa mga kapwa player kung ano ang magandang gawin sa mga sandaling ito.

axie infinity

Matatandaang kalagitnaan noong nakaraang taon nang magkaroon ng hype sa bansa at magsimulang mag-invest sa play-to-earn game na Axie Infinity sa kabila ng libo-libong piso na kailangang gastusin para magkaroon nito. Habang marami ang umasenso at kumita nang malaki, marami rin ang hindi pa rin nakababawi ng puhunan hanggang sa ngayon dahil sa pagbaba ng halaga ng SLP.

Ikaw, isa ka ba sa mga nag-invest sa Axie Infinity? Anong naramdaman mo nang mabasa ang tweet na ito?

Continue Reading

Trending