Connect with us

News

Bong Go pormal nang nag-withdraw; nag-taxi lang papuntang Comelec

Published

on

Imahe mula sa Facebook

Sakay lang umano ng isang taxi, pumunta si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa Comelec upang pormal na mag-withdraw bilang isa sa mga kandidato sa pagkapangulo sa darating na pambansang halalan sa 2022.

Pasado alas-diyes nang umaga nitong Martes, Disyembre 14, nang dumating sa Comelec si Go para gawing pormal ang kaniyang pag-atras dalawang linggo matapos niya itong ianunsiyo sa publiko noong nakaraang buwan.

Imahe mula sa Facebook

Ani Go sa panayam ng mga reporter, desidido na siya sa kaniyang gagawin at walang nakaaalam nito maliban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Matagal na akong desido, sabi ko nga po talagang nagre-resist ang aking puso at isipan sa pagtakbo bilang pangulo. Andito po ako, handang magserbisyo sa aking kapwa,” wika ni Go.

“Wala pong nakakaalam. Ni driver ko hindi alam, sumakay lang po ako ng taxi,” patuloy ng senador.

Screenshot mula sa GMA video

Nilinaw naman ni Go na matagal na niyang nakausap si Pangulong Duterte hinggil sa kaniyang desisyon at ngayon nga ang nakikita niyang tamang pagkakataon para gawin ito.

“Sabi ko lang po right timing at pinapaintindi ko sa aking supporters ang aking pag withdraw,” dagdag pa ng dating presidential aspirant.

Unang nag-file si Go bilang kandidato sa pagka-bise presidente sa ilalim ng PDP-Laban Cusi wing subalit umatras ito upang kumandidato sa pagkapangulo sa ilalim naman ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).

Imahe mula sa Facebook

Kasabay noon ay ang pag-atras naman ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na pambato dati ng PDP-Laban at ang deklarasyon ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tatakbo siya bilang pangalawang pangulo.

Dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, naiwang walang presidential bet ang ruling party PDP-Laban habang pormal namang umanib si Duterte-Carpio sa kampo ni dating Senador Bongbong Marcos.

Samantala, nilinaw rin ni Go na wala pa silang napipisil ni Pangulong Duterte na susuportahan sa pagkapangulo subalit tiyak na umano ang kanilang suporta sa panganay na anak ng presidente.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

business

4 kataong umano’y sangkot sa BDO hacking noong Disyembre, nahuli na

Published

on

By

Nalambat na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat kataong sangkot diumano sa ‘hacking incident’ ng BDO Disyembre noong nakaraang taon.

Ayon sa ulat ng GMA News, kabilang sa naaresto ay dalawang Nigerian national na kapwa nasakote ng mga awtoridad sa Pampanga.

Ang naging papel umano ng dalawang banyaga sa grupo ay ‘i-synchronize’ ang kilos ng mga miyembro.

“Ino-open nila ang account, sila ang nagpapa-falsify ng mga dokumento tapos ‘yung mga downloaded amounts o downloaded cash, sila ang nagko-consolidate from different downloaders at sila rin ang nagbibigay ng payoff,” pahayag ni NBI Cybercrime Division chief Vic Lorenzo nitong Biyernes.

Bukod sa dalawa, nahuli rin ang dalawa pang sangkot sa magkahiwalay na operasyon sa Maynila at Pasig City. Isa umano sa mga ito ang siyang gumagawa ng computer program para ma-hack ang bangko.

Sa kasalukuyan, iniipon na ng NBI ang mga ebidensiya laban sa apat na suspek bilang paghahanda sa pagsampa ng kaukulang kaso.

Tiniyak dati ng BDO na ibabalik nila ang pera ng mga kliyenteng naapektuhan ng nasabing ‘hacking incident’.

BASAHIN: BDO tiniyak na ibabalik nila ang pera ng mga kliyenteng na-hack ang account

Ikinasa na rin ng bangko ang karagdagang “security measures” upang hindi na ito maulit pa at maprotektahan ang kanilang bank credentials.

Naumpisahan na rin ng bangkong pag-aari ng pamilya Sy ang reimbursement process para sa 700 kliyenteng apektado ng insidente.

BASAHIN: BDO inumpisahan na ang proseso sa reimbursement ng 700 apektadong depositors

Ayon sa pahayag ng mga biktima, nasa P40,000 hanggang P200,000 umano ang perang nabawas sa kanilang account gayung wala namang dumarating na OTP request sa kanilang cellphone.

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang BDO hinggil sa pagkakahuli sa 4 na suspek.

Continue Reading

News

Nasaan ang hustisya: Imelda Marcos trending sa socmed matapos ikumpara sa lolo na hinuli dahil sa mangga

Published

on

By

Nag-trending si former first lady Imelda Marcos sa Twitter kasunod ng pagkakakulong ng isang lolo na walumpung taong gulang dahil sa diumano’y pamimitas ng ilang kilo ng mangga sa Pangasinan.

Mabilis na ikinumpara ng mga Twitter users  ang naging sitwasyon ni Leonardo Flores o “Lolo Narding” kay Imelda Marcos.

Isang linggong napiit si lolo Narding matapos kasuhan ng kanyang kapitbahay. Nakalaya na ang matanda matapos bumuhos ang tulong para sa kanya.

Ikinalungkot ng mga netizens ang pagkakakulong ni Lolo Narding dahil lang sa napaulat na sampung kilo ng mangga, samantalang si Imelda Marcos daw ay nananatiling malaya sa kabila ng conviction sa kanya noong 2018 para sa seven counts ng graft.

Hindi raw parehas ang pagpapatupad ng hustisya.

“Imelda Marcos was convicted guilty of 7 counts of graft in 2018 but has never seen a day in jail. She was sentenced to a minimum of 42 years in prison but was deemed ‘too old’ to keep behind bars. Get lost with your selective justice. This is not fair at all.

“What a compassionate act for an elderly who clearly thought those were his mangoes. If they can put him in jail regardless of his age on charges of stealing 10 kilos of mangoes, why can’t they jail an already convicted Imelda Marcos who stole billions?”

 “But Imelda who is convicted is still not in jail? We clearly need a new leader that is not an anti-poor.”

Noong 2018, sinabi ng Sandiganbayan na nilabag ni Imelda Marcos ang Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt practices Act noong naglipat siya ng $200 million sa pitong Swiss foundations noong miyembro pa siya ng wala na ngayong Batasang Pambansa, bilang Metro Manila governor, at noong siya ang Minister of Human Settlements.

Ang sentensya sa kanya ay pagkabilanggo mula anim na taon at isang buwan hanggang labing-isang taon sa bawat count ng graft na ginawa.

Continue Reading

News

Mocha, Michelle Gumabao nabatikos dahil sa kanilang partylist na kakatawan sa mga ‘ina’

Published

on

By

Hindi maunawaan ng ilang netizens kung bakit tumatakbo sina Mocha Uson at Michelle Gumabao para sa partylist na kakatawan umano sa mga inang Pilipino.

Sina Uson at Gumabao ay ang first and second nominee ng partylist na ‘Mothers for Change’ (Mocha) na naaprubahan na ng Comelec kamakailan lamang.

 

Pangunahing batikos ng mga netizens sa dalawa ay ang plano nilang katawanin ang mga ina sa Kongreso gayung kapwa naman sila single at wala pang mga anak.

“Michele Gumabao admits she and Mocha Uson are not mothers, but explains that their party-list ‘Mothers for Change’ is beyond the definition of motherhood. If they aren’t mothers, what are they?” ayon sa isang Twitter user.

“So, it’s true, it is sectoral misappropriation.  Why @COMELEC?” tanong naman ng isang netizen.

“My question here is this. Are mothers a marginalized sector? Or if this is for representation purposes, why are mothers being represented by women who are not mothers?” dagdag naman ng isa pa.

‘Ina ng Pagbabago’ o ‘Ina para sa Pagbabago’?

Samantala dumepensa naman si Gumabao sa mga batikos sa kaniya dahil sa desisyong maki-tandem kay Mocha Uson, kilalang kaalyado ng administrasyon at ilang beses nang naakusahan ng pagpapakalat ng ‘fake news’.

“I’ve shared the sentiment of the general public when I first mer her (Uson). But we only believe what we see on media and social media. More than fake news, and back with what I said in 2018, being responsible with what you report, you have to make it a point to see what’s the truth by going out there and meeting the person and confirming what you’re reading online,” paliwanag noon ni Gumabao.

Sa panayam naman ng News5 noong Miyerkules, nilinaw rin ng dating volleyball varsity player kung bakit ‘Mothers for Change’ ang kanilang partylist ni Uson.

“It’s true hindi po kami nanay, maging si Mocha po, wala pa pong anak, ako wala pa pong anak,” ani Gumabao.

“When we say ‘Mothers for Change,’ if you translate it to Tagalog, it says ‘Ina ng Pagbabago. Hindi lang naman po ang [pagiging] ina ay nangahulugang nanganak o nagkaroon ng anak. There are other meanings or definitions of the word mother,” paliwanag ni Gumabao.

Subalit hindi ito pinalampas ng isang netizen na nagsabing mukhang may mali sa ‘translation’.

Aniya, “Mothers for Change, Mga Ina para sa Pagbabago. Kung Ina ng Pagbabago, ‘di ba Mother of Change dapat? Party-list title pa lang may clarification na mali na, so how do you expect these shungas to make decent laws for the people they ‘represent’?”

Samantala, wala pang malinaw na paliwanag tungkol dito si Mocha Uson.

Continue Reading

Trending