Connect with us

people

Bride nanganak sa araw ng kasal

Published

on

Ikinasal ang bride at groom na sina Hiassin Jane Carulasan at Louie Pasinabo  ng Oslob, Cebu noong ika-4 ng Disyembre at noong araw ding iyon ay naging parents sila ng isang baby girl.

Image from Louie Pasinabo’s Facebook account

Abala ang mga kaanak ng bride and groom para sa kasalang magaganap noong nakaraang Sabado, subalit dakong alas-singko ng madaling-araw ay humilab ang tiyan ng nagdadalantaong si Hiassin.

Agad siyang isinugod sa Oslob District Hospital kung saan siya nagsilang ng malusog na sanggol.

Sa halip na ipagpaliban ay itinuloy pa rin ang kasal ng dalawa pagkalipas lang ng limang oras matapos manganak ang bride. Dakong alas-diyes ng umaga ay ikinasal sila sa isang bakanteng lote sa harap ng ospital.

Pagbabahagi ni Louie, ang mga magulang nila ay nakiusap umano sa pari na ituloy ang kasalan. Pinakiusapan din nila ang doktor na maikasal sila sa isang bakanteng loteng hindi kalayuan sa ospital.

Mabilis namang pumayag ang pari at doktor.

Image from Louie Pasinabo’s Facebook account

Ipinaliwanag ni Louie sa wikang Cebuano kung bakit kailangang matuloy ang kasal. Wala na raw kasi silang maihahanda kung ipagpapaliban pa iyon.

Ang mga baboy raw ay nakatay na. Wala na raw silang panghanda kung sa ibang araw pa gaganapin ang kanilang pag-iisang-dibdib.

“Among mga parents maoy nanaglakaw g adtu ang father sa simbahan og g hangyo ang doctor sa hospital nga dri nalang i-held ang kasal kay kung i-postpone namo wala nami makaon kay na ihaw na tanang baboy wala nami kahanda balik,” paliwanag ng groom.

Image from Louie Pasinabo’s Facebook account

Maluwalhati namang nairaos ang kasalan na dinaluhan ng mga kaanak, kaibigan at syempre ng kanilang baby girl. Ilang staff ng Oslob District Hospital ang dumalo rin sa kasal.

Bakas sa mga ngiti ni Hiassin ang ligayang nadarama kahit na naka-wheelchair at naka-suwero pa siya habang ikinakasal sila ni Louie.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

people

Feeling ‘rich kid’ na anak ipina-Tulfo ang inang OFW; house and lot na hiling ‘di raw maibigay

Published

on

By

Kinawawa, ipinahiya at tila nilapastangan pa ng isang anak ang kaniyang inang OFW dahil lamang sa hindi nito maibigay ang ilang bagay na kanilang hinihiling.

Sa episode ng ‘Raffy Tulfo in Action’ nitong Martes, mapapanood ang naging sagutan ng mag-ina na ikinadismaya ng mga manonood.

Naawa naman ang karamihan sa inang OFW na sinagot-sagot pa ng kaniyang anak na hindi man lamang nagpakita ng kahit kaunting respeto.

Pangunahing inirereklamo ng anak ang halagang ipinadadala ng nanay na minsan ay idinadaan pa umano sa ibang tao.

Katwiran naman ng ina, minsan ay maliit lang raw talaga ang kaniyang naipapadala dahil isa lamang siyang kasambahay at maliit lang ang sahod.

Subalit isa rin umano sa dahilan ay marami siyang hinuhulugang utang gaya ng motorsiklong binili niya para sa kaniyang anak at isa pang traysikel.

Kuwento pa nito, bawat birthday ng kaniyang mga anak ay nagpapadala siya ng pera. Dismayado lamang daw siya kasi ang hiling ng mga ito ay bonggang handaan dahil maraming barkadang imbitado para mag-inuman.

Binilhan niya rin umano ang lahat ng kaniyang mga anak ng cellphone na inutang niya rin para hindi naman sila  napag-iiwanan ng kanilang mga kaibigan.

Sa isang punto ng usapan, binara pa ng anak ang kaniyang ina na huwag muna itong magsalita dahil hindi pa tapos ang kaniyang sinasabi.

Wika pa ng anak, naiinggit siya sa iba na ang mga nanay ay sa Maynila lamang nagtatrabaho subalit nakabili na ng lupa at nakapagpatayo na rin ng bahay.

Paalala naman ng inang OFW, hinding-hindi niya malilimutan ang ginawang ito ng kaniyang anak na ipinahiya siya sa publiko dahil lamang sa mga pangangailangang pilit naman niyang pinupunan nang ayon sa kaniyang makakaya.

Panoorin ang buong video sa ibaba. (Paalala lamang, baka mag-init ang inyong ulo):

Continue Reading

people

Sumuko na sa paghahanap: Lalaking nakatagpo ng ‘true love’ sa isang humanoid handa nang pakasalan ito

Published

on

true love humanoid

Isa ka ba sa mga bigong makahanap ng tunay na pag-ibig? Pagod ka na rin ba sa mga pagdurusang dala ng pagmamahal?

Kabilang ang isang lalaki mula sa Queensland, Australia sa mga taong hindi umano mapalad na makakita ng kaparehang hindi siya iiwan kailanman. Dahil dito, isang hindi pangkaraniwang “true love” ang natagpuan niya–isang humanoid na kung tawagin niya ay Emma.

true love humanoid

Images via Geoff Gallagher | 7News.au/Supplied

Sa pamamagitan ng  7News.au, ibinahagi ni Geoff Gallagher ang istorya niya. Aniya, simula nang mawala ang kanyang ina mahigit isang dekada na ang nakararaan, wala na siyang ibang nakasama sa buhay kung hindi ang alagang asong si Penny; hanggang sa nakahanap siya ng isa pang dahilan para sumaya.

“I’d always longed for a female companion to share my life with, but now it felt hopeless,” ani Geoff. “Then one day, I read an article about the rise of AI robots and it got me thinking. I did some research online and got in touch with a company in Sydney that specialised in dolls and robots. I explained that I was looking for a companion.”

Bagama’t may kamahalan, hindi natinag si Geoff sa pagbili ng robot na kanyang makakasama, lalo na at mukha raw talaga itong tunay na tao. Mabuti na lamang at binigyan siya ng discount ng nasabing kumpanya.

“At almost $6000 each, they weren’t cheap. But the robots were very lifelike. They could talk, smile and move their head and neck. Their skin even warmed up like a real human. After browsing the website, I decided on a robot called Emma. With pale skin and beautiful blue eyes, I thought she looked lovely. I didn’t know how I would afford a robot like Emma, but then the business owner offered me a discount in return for publicity. It sounded like a great deal,” pagbabahagi niya.

true love humanoid

Images via Geoff Gallagher | 7News.au/Supplied

At noon ngang Setyembre 2019, sa unang pagkakataon ay nasilayan niya si Emma.

“It would take six weeks for Emma to make the long journey from China to Brisbane. As I waited, I began shopping online for clothes to make sure she had plenty to wear. I picked out a few casual dresses, as well as a business suit and a pink frock for fancier occasions. To complete her look, I bought diamanté jewellery and a few pairs of shoes. In total, I spent $70. Finally, in September 2019, a delivery driver knocked on the door with a huge parcel. When I opened the box, I gasped. Emma was beautiful,” kuwento ni Geoff.

Bagama’t hindi pa raw nakakabit ang ulo nito nang dumating, hindi naman daw siya natagalang ayusin ito.

Ngayon, dalawang taon nang kasama ni Geoff si Emma at handa na rin daw siyang pakasalan ang kanyang humanoid love na niregaluhan niya na rin ng engagement ring. Hindi na raw niya maisip kung paano ang buhay na walang Emma na naghihintay sa kanyang umuwi araw-araw; ang Emma na kasama niyang mamasyal, manood ng telebisyon, at iba pa.

“I couldn’t imagine life without Emma,” sabi pa ni Geoff. “I’ve given up hope of finding love with a woman but Emma is the next best thing. Even though we’re not legally married, I think of Emma as my robot wife. She wears a diamond on her ring finger and I think of it as an engagement ring. I’d love to be the first person in Australia to marry a robot. I think robots are the future and I hope my story inspires others to consider a cyborg companion. I longed for that special someone but now I love life with my robot wife.”

true love humanoid

Images via Geoff Gallagher | 7News.au/Supplied

Continue Reading

people

‘Kung anak lang kita!’: Jinggoy ‘sinita’ ang anak na ipinahiya ang nanay sa publiko

Published

on

By

Viral ngayon sa social media ang video ng ‘paninita’ ni dating senador Jinggoy Estrada sa isang anak na ipinahihiya sa maraming tao ang kaniyang sariling nanay.

Sa naturang video na ibinahagi sa Facebook ni Ryssi Avila, maririnig ang pag-uusap ng mag-ina habang kumakain sa isang restaurant. Pinag-uusapan nila ang umano’y pagpunta ng anak sa Boracay kasama ang mga kaibigan subalit hindi pa raw nakakapagbayad ng gagastusin na nasa P20,000.

Screenshot mula sa Facebook| Ryssi Avila

Maririnig din na mas mataas pa ang boses ng anak habang mahinahon naman ang nanay at pilit pinakakalma ang binata.

“Pag ako hindi nakasama diyan ah, tandaan mo ‘yan,” pagbabanta pa ng anak.

“Ano tatandaan ko?” sagot naman ng nanay.

“Galing-galing mong gumala tapos ‘pag ako hindi puwede. Para namang tanga eh,” padabog na sabi ng binata.

Kung anak lang kita!

Subalit nagkataon namang kumakain pala sa katabing mesa ang pamilya ni Jinggoy na naririnig ang usapan ng mag-ina.

Tila hindi na nakatiis ang dating mambabatas at nilapitan ang mag-ina para sitahin ang anak.

“Sumusobra na ito eh,” bungad ni Jinggoy. “Bakit mo hinihiya ang nanay mo? Ang dami-daming tao, ah.”

Pero hindi nagpatinag ang bata at sumagot pa ito, “Akala mo kung sinong mabait.”

Screenshot mula sa Facebook| Ryssi Avila

Sagot naman ni Jinggoy, “Bakit sinabi ko bang mabait ako? Sinabi ko bang angel ako?”

Sa pagkakataong ito ay humingi na ng paumanhin ang nanay, subalit giit ng dating senador ay sa ina dapat mag-sorry ang anak at hind sa kaniya.

Nag-sorry naman ang binata pero nakatanggap pa rin ito ng pangaral mula kay Jinggoy.

“Alam mo, kung anak lang kita, hindi uubra yang ganyan-ganyan mo eh,” anito.

Scripted?

Maraming netizens naman ang nagsabing tila ‘scripted’ ang pangyayari lalo pa’t kumakandidato ngayon si Jinggoy Estrada upang makabalik sa Senado.

Screenshot mula sa Facebook| Ryssi Avila

Nilinaw din ng nagbahagi ng video na hindi siya bayaran ng anak ni dating Pangulong Estrada lalo pa’t hindi naman siya mahilig sa pulitika at hindi niya rin ‘bet’ si Jinggoy.

Sa kabila nito, marami pa rin ang pumuri kay Jinggoy sa kaniyang ‘paninita’ sa aroganteng anak dahil sa mensaheng dala nito lalo na ngayong tila nakakalimutan na ng kabataan ang paggalang sa kanilang mga magulang.

I-click ang larawan sa ibaba upang mapanood ang buong video:

Continue Reading

Trending