Connect with us

world news

CEO na nagtanggal ng 900 empleyado sa isang Zoom meeting, nag-sorry na

Published

on

Imahe mula sa India Today

Humingi na ng paumanhin ang isang CEO sa Estados Unidos matapos mabatikos sa social media nang tanggalin niya ang nasa 900 empleyado ng kaniyang kompanya habang nasa Zoom meeting.

Sa inilabas na pahayag, mapagpakumbabang inamin ni Vishal Garg, ang boss ng Better.com, na may mali sa kaniyang ginamit na paraan para maglay-off sa mga empleyado dahil mistulang ipinahiya umano niya ang mga ito.

“I want to apologize for the way I handled the layoffs last week,” ani Garg. “I failed to show the appropriate amount of respect and appreciation for the individuals who were affected and for their contributions to Better.”

Screenhsot ng Zoom meeting

”I own the decision to do the layoffs, but in communicating it I blundered the execution. In doing so, I embarrassed you,” dagdag pa ng CEO.

Magugunitang nag-viral ang video ng Zoom meeting ni Garg at kaniyang mga empleyado kung saan inanunsiyo niya sa mga trabahdor ang hindi magandang balita.

“I come to you with not great news. If you’re on this call, you are part of the unlucky group being laid off. Your employment here is terminated, effective immediately,” bungad ni Garg sa kanilang meeting.

Imahe mula sa The Muse

Dahil dito, binatikos si Garg hindi lamang ng mga apektadong empleyado kung hindi pati na rin ang mga kapwa CEO na nakapanood sa naturang video.

Masyadong ‘harsh’ umano ang ginawa ni Garg at hindi ito katanggap-tanggap lalo pa ngayong malapit na ang Kapaskuhan.

Nalungkot din ang mga tinanggal na empleyado dahil hindi umano nila ito inaasahan. Bukod dito, malaki rin umano ang kanilang naging sakripisyo para sa Better.com simula pa noong bago pa lamang ang kumpanya.

Visahl Garg| Imahe mula sa Business Today

Nangako naman si Garg na pag-uusapan nila sa darating na ‘All Hands meeting’ ang magiging direksyon ng kanilang kompanya at kung paano pagbubutihin pa ang kanilang trabaho para na rin sa kapakanan ng customers ng Better.

“I believe in you, I believe in Better, and I believe that working together we can make homeownership better together,” pagwawakas ng mensahe ni Garg.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Health

Oxford U naghahanap ng volunteers na hahawaan ng COVID para sa kanilang ‘human challenge trial’

Published

on

By

Naghahanap ngayon ng volunteers ang mga researchers ng Oxford University na gagamitin sa kanilang ‘human challenge trial’ na naglalayong pag-aralan ang virus na sanhi ng COVID-19.

Pangunahing layunin ng kanilang pag-aaral ay alamin kung anong uri ng immune response ang maaaring makapigil upang mahawahan ang tao ng original strain ng SARS2 Cov.

“A human challenge trial in medical research is a carefully controlled study that involves purposefully infecting a subject with a pathogen or bug, in order to study the effects of that infection,” ayon sa Oxford U.

Nagsimula ang human challenge trial noong Abril 2021 at kasalukuyang nakikipagtulungan ang mga siyentipiko ng unibersidad sa mga malulusog at batang participants upang pag-aralan kung paano nagreresponde ang kanilang immune system sa virus.

“A human challenge model is where, under a very carefully controlled conditions we deliberately expose healthy volunteers to a bug or pathogen,” paliwanag ni Helen McShane, vaccinology proffessor ng Department of Paediatrics, University of Oxford na siya ring chief investigator ng programa.

Marami na umanong nalaman ang siyensiya tungkol sa COVID nitong nagdaang dalawang taon subalit ang pagsulpot ng mga bagong variants ay nangangahulugan na kailangan ding i-refine ang mga bakuna laban dito.

“If we know what level of immune response we need the vaccine to induce it will make future vaccine development much quicker and much more efficient,” dagdag pa ni McShane.

Ang gagamiting virus sa pag-aaral na ito ay ang original strain na nadiskubre sa Wuhan, China. Ang mga volunteers ay ika-quarantine sa isang espesyal na ospital sa loob ng 17 araw at isasailalim sa iba’t-ibang medical tests.

Ang sinumang participants na magkakaroon ng sintomas ay tuturukan ng Regeneron monoclonal antibody treatment (Ronapreve). Maaari lamang silang ma-discharge kapag hindi na infected at hindi na rin magdudulot ng panganib sa ibang tao.

Continue Reading

Social News

Lalaki sa China kulong matapos sunugin ang internet cable dahil sa ‘mabagal’ na connection

Published

on

By

Internet Cafe in China| Imahe mula sa Tech In Asia

Sa kalaboso ang bagsak ng isang lalaki sa China matapos niyang sunugin ang internet cable sa isang shop dahil sa diumano’y mabagal na connection.

Nagdulot kasi ng malubhang pinsala ang apoy kung saan natupok ang mahigit sa 4,000 kabahayan kabilang na ang isang public hospital.

Imahe mula sa Daily Mail| For Illustrative purposes only

Bukod dito, nawalan pa ng internet sa lugar na umabot ng 28 hanggang 50 oras.

Ayon sa record ng korte, nasa loob ng isang internet café sa Guangxi region ang naturang lalaki, na nakilala lamang sa pangalang Lan, nang madismaya ito at tuluyang magalit dahil sa sobrang bagal ng connection.

Dahil sa inis at pikon, binuksan nito ang isang public box kung saan nasa loob ang optical fibre network cables at sinilaban ang kahon.

Fiber optic cable box| Imahe mula sa Rainbowtech.net

Ayon sa ulat ng SCMP, gumamit si Lan ng isang lighter at napkin para simulan ang naturang apoy. Kaagad namang nahuli ng mga awtoridad ang lalaki matapos ang insidente.

“After the incident, public security officials seized Lan’s instrument of crime – a lighter,” ayon sa pahayag na inilabas ng korte nitong Lunes, Enero 10.

Nangyari umano ang insidente Hunyo noong nakaraang taon.

Internet cafe sa China| For illustrative purposes only

Dahil sa dulot na napakalaking pinsala, pinatawan si Lan ng pitong (7) taong pagkakakulong bilang parusa sa pagwasak sa “public telecommunications facilities”.

Inulan rin ng batikos si Lan sa Chinese social media dahil sa pangyayari. Isang Weibo user pa ang tinawag siyang ‘big baby’ o matandang iyakin.

Continue Reading

VIDEO

Heart transplant gamit ang puso ng baboy, matagumpay na nagawa sa isang pasyente

Published

on

By

Matagumpay na nakapag-transplant ng puso ng baboy sa isang pasyente, nakamamangha, ‘di ba?

Imahe mula sa Pixabay

Ibinagi ng The New York Times na ito ang unang matagumpay na paglipat ng puso ng baboy sa isang tao. Ang pasyente ay kinilalang si David Bennett Sr, 57 taong gulang, ng Maryland.

Wala mang garantiya kung magtatagumpay ang  gagawing eksperimento, wala siyang mapagpilian kundi ang tanggapin ito dahil gusto pa niyang patuloy na mabuhay.

“It was either die or do this transplant. I want to live. I know it’s a shot in the dark, but it’s my last choice,” ani Bennett bago naganap ang makasaysayang transplant.

Ang walong oras na operasyon ay isinagawa sa Baltimore noong Biyernes. Pagkalipas ng tatlong araw, maayos na umano ang kalagayan ng pasyenteng si David; iniulat ng kanyang mga doktor noong Lunes.

Imahe mula sa University of Maryland School of Medicine

“It creates the pulse, it creates the pressure, it is his heart,” saad ni Dr. Bartley Griffith, ang direktor ng cardiac transplant program sa medical center na nagsagawa ng operasyon. “It’s working and it looks normal. We are thrilled, but we don’t know what tomorrow will bring us. This has never been done before.”

Kung mapatutunayang matagumpay, umaasa ang mga siyentipiko na ang mga organs ng baboy ay makatutulong sa pagpapagaan sa pagkakalap ng mga organ donor.

“This was a breakthrough surgery and brings us one step closer to solving the organ shortage crisis. There are simply not enough donor human hearts available to meet the long list of potential recipients,” pahayag ni Dr.  Griffith.

“We are proceeding cautiously, but we are also optimistic that this first-in-the-world surgery will provide an important new option for patients in the future,”  dagdag pa nito.

Imahe mula sa University of Maryland School of Medicine

Humigit-kumulang 110,000 Amerikano ang kasalukuyang naghihintay para sa isang organ transplant, at higit sa 6,000 mga pasyente ang nasasawi bawat taon bago makakuha ng isa, ayon sa organdonor.gov.

Noong 1960s, ang mga kidney ng chimpanzee ay inilipat sa ilang pasyente noon, ngunit ang pinakamatagal na nabuhay sa mga nakatanggap nito ay inabot lamang ng siyam na buwan. Noong 1984 naman, isang puso ng baboon ang inilipat sa isang sanggol na nakilala bilang Baby Fae, ngunit yumao siya makalipas lamang ang 21 araw. Sa kabila nito, ayon sa mga ulat ay “she lived weeks longer than any previous recipient of a non-human heart.”

Panoorin ang ibinahaging video ng University of Maryland School of Medicine via YouTube:

Continue Reading

Trending