Connect with us

News

Chavit Singson nagpaulan ng pera sa mga kababayan, ilang netizens nagalit

Published

on

Nagbigay ng kasiyahan si Mayor Luis Singson o mas kilala bilang Chavit Singson sa mga kababayan sa Narvacan, Ilocos Sur bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of the Holy Innocents o Niños Inocentes noong December 28.

Nilibot ng alkalde ang bayan ng Narvacan at nagpaulan ng pera.

Screenshot from Chavit Singson’s video

Pero hindi simpleng paghahagis ng perang papel na tig-iisandaan at limandaan ang ginawa ni Mayor Chavit. Gumamit siya ng kulay gintong money gun. Isa itong laruan na binabalahan ng perang papel.

Nagmistula nga siyang pangunahing karakter sa James Bond movie na “The Man with the Golden Gun.” Biniro naman siya ng iba at tinawag na “trigger happy.”

Ibinahagi ni Mayor Chavit sa Facebook ang video ng pagpapaulan niya ng pera sa mga constituents niya na nagmistulang mga bata sa pag-aagawan sa pera.

“MGA TAGA NARVACAN HANDA NA BA KAYO? #HappyHolidays #SpiritOfGiving #LCS #LuisChavitSingson,” caption ng alkalde sa Facebook post niya.

Bilang pasintabi sa mga taong “malilikot”ang isip, nakasaad din sa FB post ng mayor na hindi siya tumatakbo sa anumang government position.

Napa-”sana all” na lang ang maraming nakapanood sa nangyaring  katuwaan sa Narvacan.

Sana all, Mayor.

 “Ang saya saya! Sana lahat ng politician ganyan. Share your blessings! Siguradong marami kayong mapapasaya.”

 “God bless you more and Good health sir Chavit!”

 “Love it! May God bless you always Sir Chavit and I wish good health and long life stay safe

always.”

 “May God bless you more as you continue to be a blessing not just to your constituents but also to many a multitude elsewhere.”

Screenshot from Chavit Singson’s video

 Hindi lahat ay nasiyahan sa ginawa ni Mayor Chavit. May ilang netizens na nagawa pa itong batikusin.

“Ginawang timawa ang mga tao.”

“Give it with respect and dignity to people, mahirap na kami ginagawa n’yo pang laruan.”

Dapat binibigyan ng paabot para di nagkakasiksikan at tulakan kawawa yong masasaktan tapos walang madadampot.”

“Trabaho ang ibigay mo! wag mong gawing pulubi mga tao. kaya hindi umuunlad ang bansa dahil sa gantong sistema. Ginagawang pulubi, uhaw ang mga tao, ang kapalit, Boto!”

Screenshot from Chavit Singson’s video

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

government

Rekomendasyong kasuhan sina Sec. Duque at ex-FDA chief Domingo, binawi ng Kamara

Published

on

By

Ilang oras lamang matapos isapubliko ang committee report na nagrerekomendang sampahan ng reklamo sina Health Secretary Francisco Duque III at dating FDA chief Dr. Eric Domingo dahil umano sa kapalpakan ng mga ito sa pagtugon sa pandemiya, binawi naman agad ito ng Kamara.

Nitong Miyerkules, Enero 26, ay inilabas ang Committee Report No. 1393 na may petsang December 16, 2021 na nagmumungkahing kasuhan sina Duque at Domingo dahil sa paglabag sa Republic Act No 6713 o ang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees,” at sa “Anti-Red Tape Act of 2007”.

Ang dalawang opisyal umano ay dapat ksauhan dahil sa kanilang “failure to render government services such as approval of applications for automatic renewal within prescribed time.”

Kinuwestiyon din ng report ang magkakasalungat na pahayag ng DOH at FDA hinggil sa Ivermectin bilang gamot sa COVID, pagiging ‘bias’ pabor sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, Inc. (PSMID), at backlogs sa mga aplikasyon sa License to Operate and Certificate of Product Registration.

Ang committee report ay nagmula sa House Committee on Good Government and Public Accountability chairperson na pinamumunuan ni DIWA party-list Rep. Michael Edgar Aglipay.

Nagkamali kaya binawi?

Subalit nitong Miyerkules din ay binawi rin ito ng Mababang Kapulungan dahil hindi pa raw tapos ang kanilang pagdinig tungkol sa nasabing usapin.

“The House of Representatives has always followed the rule of law. And in the constitution enshrined the principle of due process. The resource persons remain such and cannot be respondents unless he was able to attend all hearings and defend himself,” paliwanag ni Aglipay sa mensaheng ipinadala sa mga mamamahayag.

“So with this, the committee will conduct further hearings or get the side of Secretary Duque since he was not able to attend those hearings. Then and only then we will be able to get the full picture,” dagdag pa ng kongresista.

Inamin rin ni Aglipay na nagkamali sila dahil absent umano sa mga pagdinig si Duque at inakala nilang ini-waive ng kalihim ang kaniyang karapatang marinig sa Kongreso.

Continue Reading

Money

Poe umalma sa advisory ng BSP hinggil sa pekeng pera mula sa mga ATM: ‘Di obligasyon ng depositors’

Published

on

By

Hindi sang-ayon si Senador Grace Poe sa paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na dapat ay suriing maigi ng publiko ang mga perang lumalabas sa mga ATM.

Para kay Poe, hindi na obligasyon ng mga depositors na siyasatin muna ang perang nakukuha nila ATM upang malaman kung tunay ito o peke.

“The burden of distinguishing counterfeit bills emanating from banks from genuine ones should not be placed on depositors. ATMs dispensing fake bills is unacceptable and must have no place in the banking system,” anang senadora sa isang pahayag.

Ginawa ito ng mambabatas matapos maglabas ng advisory ang BSP na nagpapaalala sa mga depositors na maging mapanuri sa mga perang nawi-withdraw nila sa ATM upang ‘wag malusutan ng pekeng salapi.

“The BSP reminds the public to regularly inspect banknotes for authenticity through the ‘feel, look, tilt’ approach to protect oneself against counterfeiting. Should a banknote dispensed by an ATM be suspected as a counterfeit, the holder is advised to immediately report it to the bank that owns the machine,” ayon sa advisory ng BSP.

Subalit, giit ni Poe, responsibilidad ito ng mga bangko kaya kailangang tiyakin na mayroon silang state-of the art defenses upang maiwasan ang mga ganitong bagay at para na rin sa seguridad ng kanilang banking system.

“It is our financial institutions that carry the responsibility to steadfastly guard against vulnerabilities and keenly upgrade their systems amidst the changing times to keep our people’s unflinching trust in the banking industry,” dagdag ng mambabatas.

Sa ilalim ng Republic Act 10951, ang sinumang mahuhuli at mapatutunayang namemeke ng pera ay mapapatawan ng parusang pagkakakulong ng hanggang 12 taon at multang hindi lalampas sa P12-milyon.

Continue Reading

government

Iba pang frequency ng ABS-CBN napunta rin sa SMNI ni Quiboloy, Aliw Broadcasting

Published

on

By

Bukod sa kompanya ni Manny Villar, nakakuha rin ng dating frequency ng ABS-CBN ang Sonshine Media Network International (SMNI) na pag-aari ni Pastor Apollo Quiboloy.

Sa pahayag nitong Miyerkules, kinumpirma ng National Telecommunications Commission (NTC) na naibigay sa Swara Sug Media Corp., ang kompanyang namamahala ng SMNI, ang Channel 43.

Ang Channel 43 ay dating naka-assign sa Amcara Broadcasting Network, ang block timer ng ABS-CBN para ipalabas ang programa sa kanilang set-top box TV Plus o ‘black box’.

Paliwanag ng NTC, ang SMNI ni Quiboloy ang pangatlong aplikante na naghahanap ng provisional authority (PA) para sa kanilang digital media broadcasting system simula pa noong 2007.

Ang kontrobersiyal na pastor ay kilalang malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.  Ang SMNI ay kasalukuyang umeere sa UHF Channel 40.

Samantala, ang Channel 23 ay ibinigay naman ng NTC sa Aliw Broadcasting Corp, ang kompanyang nagpapatakbo sa radio stations na DWIZ AM at Home Radio FM.

Sa Channel 23 napanonood dati ang Studio 23 ng ABS-CBN at ang kanilang programang Sports+Action.

“Aliw was the second applicant for an authority to install, operate and maintain a digital TV in Metro Manila.  Aliw was granted the PA after the determination of its legal, technical and financial qualification,” paliwanag ng NTC.

Nauna nang kinumpirma ng NTC na ibinigay sa AMBS (Advanced Media Broadcasting System Inc.) ni Manny Villar ang Channel 2 at Channel 16 frequency na dating ginagamit ng ABS-CBN.

BASAHIN: Dating frequencies ng ABS-CBN hawak na ng kompanya ni Manny Villar

“After the technical evaluation of AMBS’ request for a simulcast channel, Channel 2 (the paired analog channel in Mega Manila of digital channel 16) was temporarily assigned to AMBS. This temporary assignment is for simulcast purposes only, and only until the analog shut-off scheduled in 2023,” pahayag ng NTC,” pahayag ng NTC.

Ang ABS-CBN ng pamilya Lopez ay nabigong makakuha ng panibagong 25-taong prangkisa matapos itong ibasura ng Kamara noong Hulyo 2020.

Continue Reading

Trending