Connect with us

Uncategorized

China nag-donate ng P50 million bilang suporta sa rehabilitasyon sa sinalanta ng Odette

Published

on

Naglaan ang China ng $1,000,000 o katumbas ng halos P50 million bilang emergency cash assistance upang matulungan ang Pilipinas sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.

Ang tulong-pinansiyal ay bukod pa sa sampung libong tonelada ng bigas na ibinigay ng Chinese government.

Image from Chinese Embassy Manila

Inanunsiyo ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang donasyon ng kanilang pamahalaan noong i-turn over niya ang huling batch ng mga bigas.

“On the occasion, I announced that the Chinese government has decided to provide the Philippines with additional USD 1 million emergency cash assistance, to help the government and people in the Typhoon Odette affected areas overcome the disaster and rebuild their homes at an early date,” pahayag ni Ambassador Huang sa isang advisory mula sa Chinese Consulate sa Cebu.

“The cash donation is the newest support rendered by the Chinese side after the 20,000 food packages worth around PHP 8 million and the rice donation. The rice donation consists of the newest 4.725 million kg and remaining 400 thousand kg of previous donation that is currently being distributed in Cebu,” ayon pa sa advisory.

Image from Chinese Embassy Manila

Nauna na ring nagpahatid ng kanyang pakikiramay si Chinese President Xi Jinping sa mga pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay dahil sa bagyo.

“President Xi extended to President Duterte his deep mourning for the victims and his sincere sympathy to the bereaved families and injured. He expressed that China stood ready to render assistance to the Philippine side to the best of its ability,” ayon pa sa anunsyo ng Chinese consulate.

Image from China News

Bukod sa China, marami pang mga bansa ang nagbigay ng tulong sa Pilipinas para sa rehabilitasyon ng mga probinsiyang lubos na naapektuhan ng typhoon Odette.

Kabilang sa mga bansang ito ang Japan, Israel, United Kingdom, New Zealand, Canada, Hungary, Australia at United States of America.

Social News

‘When mommy is life but majorette is lifer’: Buntis na dating majorette, nagpabilib

Published

on

By

Matindi ang tawag ng musika kaya’t hindi na nakapagpigil pa ang isang babae na magpakitang gilas sa publiko nang dumaan ang isang banda. Kaya lang ay buntis siya!

Ibinahagi ni Sharmaine Federizo sa kanyang Facebook account nitong January 23 ang video ng isang buntis habang nagme-majorette performance ito sa gitna ng kalsada.

“ATE YUNG BATA!   HHAHAHAHAHA” ang caption ni Sharmaine sa video clip. Kapansin-pansin namang malaki na rin ang tiyan ng ginang.

Makikitang hawak ng babae ang dalawang baton at nagme-majorette moves ito sa saliw ng tugtog ng banda. Halatang na-miss ni ate ang kanyang majorette days ah! Ang galing niya!

Maririnig sa video ang hiyawan ng mga tao at may mga sumisigaw pa ng “Ate ang bata!”. Maliksi kasi at ‘bouncy’ ang ‘da moves’ ng babae kaya’t hindi maiwasang mag-alala ng ibang nanonood sa kanya.

Ang buntis ay nakilalang si Nicole Caimoy Marbella na isa palang dating lead majorette. Siya ay taga Tanay Rizal  at nagdaraos ng pista sa kanilang lugar noong Linggo.

Instant celebrity

Humakot agad ang naturang video ng mahigit 13k reactions at may halos 700K views na sa Facebook clip pa lang.

Marami ang naaliw at mayroon din namang nabahala sa pag-indak ng ginang. Baka daw kasi ito mapaanak nang wala sa oras.

“Hooyyyu. Nicoleeeeee… Uwi.. Makukurot kita jan.”

“Ako lang ba yung kinakabahan kasi baka matamaan tyan nya haha.”

“Pag passion mo talaga kahit ilang dekada ang lilipas pag nagawa mo uli ang saya ng feeling parang ako passion ko sumayaw dito ko na lang sa TikTok nilabas.”

“Galing ni ate.”

“When mommy is life but majorette is lifer.”

“Tapo paglabas nung baby nag mamajorette na rin HAHAHAHAHHAH cotton buds hawak n’ya.”

“ay Bongga hehehehh dating majoret ata.”

May mga naka-miss din noong panahon na nagma-majorette pa sila. “Yung laking Banda ka nakakamiss to nung Elem/highschool.”

Naalala ko nung nag majoritte din ako during my teenage ang saya saya lalo na kapag naka uniform na kami at nagpaparade”.

Panoorin ang video:

Continue Reading

Uncategorized

Netizen na nagpa-booster: ‘Naputol ‘yung syringe, halos hindi nai-vaccine ‘yung laman at tumapon’

Published

on

By

Sa panibagong pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, hinihikayat ng pamahalaan ang mga indibidwal na magpabakuna at booster jabs. Inilunsad din ang mga bagong patakaran para lamang mapalawak ang pagbabakuna sa bansa.

Ang netizen na si Jomari Benaza mula sa Nueva Ecija ay gustong maging bahagi nito kaya naman, sa kabila ng pagiging abala, naglaan siya ng isang araw para makakuha ng booster shot.

Gayunpaman, nang makauwi siya, napagtanto ni Jomari na hindi niya natanggap ang kumpletong dose ng booster shot.

Sa isang video na ipinost niya sa TikTok, makikita na nakaupo si Jomar habang hinihintay ang kanyang vaccine. Nang maitusok ng nagbabakuna ang syringe ay bigla itong naputol at halos hindi naiturok ang lahat ng vaccine.

“Nagulat na lang ako pag-uwi sa bahay nakita ko ’yung video na ganun ang nangyari. Kaya pala sobrang sakit ng aking braso at hanggang pag-uwi sa bahay, nakaramdam na ako ng sobrang sakit ng aking braso,” ani Jomari sa Philippine star.

“Naputol ang syringe at bigla nyang hinila ’yung karayom ​​na naiwan sa aking braso. Halos hindi nai-vaccine ’yung laman at tumapon. Hindi rin naman ako ininform nung vaccinator na ganun ang nangyari kahit sana umulit na lang ako ng isang vaccine ulit,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Jomari na bumalik daw siya nang araw din ng kanyang vaccination sa vaccination site sa Pag-asa Gym sa Barangay F.E. Marcos, San Jose City, upang subukang muling magpa-booster shot, ngunit sinalubong sila umano ng pananakot mula sa supervisor ng inoculation drive.

“Tinatakot po nila ako na bawal daw mag-video without consent nung vaccinator nasa batas daw ’yun. Pero kung hindi naman po ako nagpa-video hindi ko malalaman mali pala ’yung ginawa sa akin. Booster vaccinated lang ako sa papel pero hindi sa tamang dose,” aniya.

Matapos ang talakayan ng supervisor ng lugar ng pagbabakuna at isang doktor, sa wakas ay natanggap ni Jomari ang booster shot.

Sinabi ni Jomari na siya ay nag-post ng video upang mapalawak ang awareness na ang mga pagkakamali sa pagbabakuna ay nangyayari din at upang himukin ang publiko na bantayan ang mga bagay-bagay kapag binibigyan ng inoculation.

“Sana sa mga susunod na magpapa-vaccine maging aware po baka hindi po fully injected ‘yung gamot. Sa card lang sila vaccinated tulad ko,” aniya.

Continue Reading

social media

Wil Dasovich may kwelang bwelta sa viral post ng ex-GF; Alodia nagpaliwanag

Published

on

By

Nag-viral ang social media post ng popular na content creator at cosplayer na si Alodia Gosiengfiao kamakailan lang.

Napukaw kasi ang pansin ng mga netizens sa caption ng post niya kasama ng isang litrato kung saan nakasuot siya ng golden gown na obra ng designer na si Mara Chua.

“Hi. Ako nga pala ‘yung sinayang mo,” ang nag-viral na post ng cosplayer.

Inakala ng mga followers niya na patama iyon kay Wil Dasovich na dati niyang boyfriend.

Ang mga sumusunod ay ilan lang sa napakaraming komento ng netizens sa post ni Alodia.

Sayang nga.

 Kuya Wil, sinayang mo pa ‘to oh.”

 Bwisit ka Wil. Sinayang mo Queen A namin. Maglaway ka ngayon.”

 Nagkomento rin si Wil Dasovich sa comment ng kapatid ni Alodia na si Ashley Gosiegfiao, pero agad niya iyong binura.

’Wag na, nagbo-blow-up na phone ko. Alam ko na. Naku po,” sabi ni Wil sa burado niyang komento na na-screenshot ng isang follower ni Alodia.

Ilang oras lang ang lumipas ay nag-post naman si Wil Dasovich sa sarili niyang social media account na halatang reaksyon sa post ng dating kasintahan.

Kwela ang sagot ni Wil sa post ni Alodia kaya naman agad din iyong nag-viral.  Mayroon na iyong higit 22,000 shares, 19,000 comments at 366,000 ang nagbigay ng “Haha” reactions.

“Hi, ako nga pala ‘yung sinaing mo,” hirit ni Wil kasama ang larawan na hawak niya ang isang rice cooker na may sinaing.

Narito ang ilan sa mga komento sa post niya:

 “Haha, I knew you would post something like this, bro!”

 “Boss Alodia Gosiengfiao, nagpaparinig si Boss Wil , oh.”

 “Bumawi ka pa talaga. Pakurot nga.”

 “Huwag mong iwanan baka masunog. Love n’yo pa ang isa’t isa. May mga hugot, eh.”

 Samantala, ipinaliwang ni Alodia na ang post niya ay isang meme quote na nabasa niya. Pinasalamatan niya rin ang mga followers na nagpahayag ng suporta sa kanya.

Thank you guys for the support but yesterday’s post was based on a meme quote I saw somewhere on the intraweb but a few people took it seriously so sorry for the confusion!  I’ve been posting memes daily for a while now because I like sharing funny things. Even have a page dedicated to it which has been up for almost a decade – Alodia Memes.

Continue Reading

Trending