Connect with us

lifestyle

Christmas tree idea para sa 90s kids na fan ni Cardcaptor Sakura nagdala ng nostalgia

Published

on

Isa ka ba sa mga fans ng animated shows na sikat na sikat sa bansa noong 1990s at early 2000s? Kung ganoon, tiyak na ibabalik ka sa panahon ng Christmas tree na inspired sa popular animated show na Cardcaptor Sakura.

christmas tree cardcaptor sakura

Sa Facebook, ibinahagi ng page na Giorgia Costumes ang kanyang Christmas tree idea na ang inspirasyon ay nagmula sa isa sa mga animated show na bumuo sa kabataan niya; isang creation na talaga namang ikinatuwa ng mga “young once” at “kid at heart”.

christmas tree cardcaptor sakura

Image via Giorgia Costumes’ Facebook page

“I’ve had a lot of people interested in my Cardcaptor Sakura tree, and I realized that the video was quite blurry and didn’t show all the details. So here’s a photo collage of my tree [Marami ang naging interesado sa Cardcaptor Sakura tree ko, at napagtanto ko na medyo malabo pala ang video ko at hindi nito naipakita lahat ng detalye. Kaya ito ang isang photo collage ng Christmas tree ko]!” saad ng creator sa caption ng photo collage ng Cardcaptor Sakura-inspire Christmas tree niya.

Pagbabahagi ng artist na gumawa, maging siya ay natuwa sa kinalabasan ng kanyang Christmas tree idea na puno ng mga bagay na may kinalaman sa Cardcaptor Sakura, gaya na lamang ng mga Clow Card na naging popular din na laruan noon dahil sa kasikatan ng palabas.

christmas tree cardcaptor sakura

Image via Giorgia Costumes’ Facebook page

“I ended up putting it together twice, because the first time I stuffed it in a corner of the house next to my bookshelf, but it came out so pretty that I wanted it in the middle of my lounge room. So of course, when moving it I klutzed out and everything fell to the ground. So here’s Tree v2.0 (Dalawang beses kong inayos ang Christmas tree dahil noong una ay nakalagay ito sa sulok ng bahay ko katabi ng lalagyan ng mga libro, pero nagandahan talaga ako kaya minabuti kong ilagay ito sa gitna ng aking lounge room. At siyempre, habang naglilipat ay may mga nahulog na piraso. Kaya heto ang version 2.0 nito)!” aniya.

As of posting, nakakuha na ng libo-libong Facebook reactions at mahigit 10,000 shares ang kanyang kahanga-hangang disenyo.

Christmas tree inspiration: Animated series Cardcaptor Sakura

Sa  popular animated series na Cardcaptor Sakura, si Sakura—isang simpleng batang babae na may simpleng buhay—ay nakakita ng isang aklat ng Clow Cards sa isang library, kung saan nakawala ang mga mahiwagang baraha. Dahil dito, naging misyon na niyang hanapin at hulihin ang mga ito sa tulong ng kanyang matalik na kaibigang si Tomoyo at ang guardian ng mga Clow Card na si Kerberos.

beauty

Hairstylist na may eye-catching flower braids hinahangaan ngayon sa social media

Published

on

flower braid hairstyle

Hanggang saan aabot ang pag-aayos mo ng buhok? Ikaw ba iyung simple at maayos na suklay lang ay kuntento na o talaga bang gumugugol ka ng ilang oras para maging mas presentable pa ang iyong “crowning glory”? Kung nasa pangalawa ka, tiyak na matutuwa ka sa hinahangaan ng marami ngayon na isang hairstylist mula sa Vietnam dahil sa mga naiiba at eye-catching flower braids na ginagawa nito.

Sa kanyang Facebook, Instagram, at TikTok accounts, pinahahanga ni Nguyen Phat Tri sa kasalukuyan ang maraming social media users sa simpleng pagpo-post niya ng photos at videos ng kanyang mga naiibang obra.

flower braid hairstyle

At masayang-masaya ito dahil noon pa man ay pangarap na niyang maibahagi ang kanyang kakayahan at ipakita sa mundo ang husay ng mga Vietnamese pagdating sa hairstyling.

“I want to inspire creativity in people who share my passion, and I hope to help Vietnam’s hair industry grow and reach the world,” saad niya.

Malayong-malayo sa unang kurso ni Nguyen ang pag-aayos ng buhok. Nagtapos siya ng pag-aaral sa An Giang University, kung saan siya nakakuha ng degree sa Biotechnology noong 2015. Ngunit dahil sa pangarap niya bilang isang hairstylist, nagdesisyon siyang tumungo sa Ho Chi Minh City para pag-aralan ang makeup at hairdressing.

Hindi naman siya binigo ng kanyang pangarap at naging maganda ang resulta ng kanyang mga flower braid.

flower braid hairstyle

Ang mga disenyo ni Nguyen at nakapag-generate ng libo-libong views sa social media. Ang pinakasimple niyang disenyo ay inaabot ng isa hanggang dalawang araw, habang ang iba naman na talagang mabusisi ay matiyagang ginagawa sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.

Sa kasalukuyan ay mayroon umanong high demand sa mga disenyong ginagawa ni Nguyen, kahit pa may kamahalan din ang ilan sa mga ito. Sa katunayan, ilan sa mga bridal design na ginagawa niya ay nagkakahalaga ng $130 hanggang $218, habang ang iba na mas mahirap gawin ay nasa $218 hanggang $305 naman.

flower braid hairstyle

Continue Reading

lifestyle

Mga pampasuwerte sa pagsalubong sa 2022 Year of the Tiger

Published

on

By

Likas na mapamahiin ang mga Pilipino lalo na sa gagawing pagsalubong sa bagong taon.

Karamihan sa mga pamahiing ito ay mula sa impluwensiya ng mga Intsik kaya naman talagang inaabangan taun-taon ang mga payo ng Chinese feng shui experts tulad ni Master Hanz.

Image from Master Hanz Cua

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ni Master Hanz ang maraming tips sa pagsalubong sa 2022 water tiger.

Para makaakit ng pera at suwerte dapat daw magsuot ng kulay pulang damit mula ika-31 ng Disyembre hanggang ika-1 ng Enero.  Ang color theme naman sa bahay at opisina ay dapat daw na kulay yellow gold.

Dapat daw palitan ang mga kurtina ng kulay red, yellow, orange o pink . Ang punda at bed cover palitan din. Pink sa mga walang asawa at red sa mga married couples.

Dapat buksan ang lahat ng ilaw para maliwanag ang buong kabahayan sa pagsalubong sa Year 2022 nang ma-attract ang prosperity at money luck. Palitan daw ang mga pundidong ilaw.

Bago pumasok ang bagong taon ay dapat mag-general cleaning ng bahay. Ang mga sira at luma ay itapon para pumasok ang good fortune energy. Ang lutuan o stove ay dapat malinis.

Ang tumutulong gripo ay kumpunihin, gayundin ang sirang main door.

Siyempre kabilang sa kanyang mga tips ang matagal na nating ginagawa na paglalagay sa hapag kainan ng isandosenang iba’t ibang klase ng mga prutas. Sinisimbolo raw ng 12 fruits ang labindalawang buwan ng pagiging masagana.

Screenshot from YouTube video

Para ma-attract at maging masuwerte ang 2022, dapat daw na mag-display ng tiger  sa loob ng bahay.

Itinuturing pa rin na masuwerte ang pagsusuot ng damit na polka dots ang disenyo. Magsuot din ng bagong underwear.

Ang payo pa ni Master Hanz ay dapat makipag-ayos sa mga nakaalitan bago matapos ang 2021. Dapat ding bayaran ang mga utang.

Dapat daw na masaya ang buong pamilya sa pagsalubong ng bagong taon at maghasik ng good vibes sa social media.

Narito ang buong listahan ni Master Hans para sa masaganang 2022:

Image from Master Hanz Cua

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!

 

Continue Reading

business

Nilagang kamote na tinirikan ng kandila iniregalo sa birthday ng 2nd richest man sa Pilipinas

Published

on

By

Bonggang party ang inaasahan ng marami sa birthday ng multi-billionaire (in US dollars) na si Manny Villar, pero ninais niyang idaos nang simple ang espesyal na araw na iyon.

Sa halip na lavish party na angkop para sa pangalawa sa pinakamayaman sa Pilipinas, kasunod ng Sy siblings na mga anak ni Henry Sy ng SM empire, minabuti ni Manny Villar na enjoy-in ang pagsalubong sa morning sunrise sa rooftop ng Crossing Cafe, ang pinakabago nilang cafe business.

Imagre from Manny Villar

Habang minamasdan ang pagsikat ng araw ay dinalhan siya ng anak niyang si Camille, na nagsisilbi ngayong Deputy House Speaker sa House of Representatives, ng paborito niyang Kamote Cake.

Hindi iyon cake na may kamote flavor kundi ilang piraso ng nilagang kamote na hindi pa natatalupan na tinirikan ng isang birthday candle.

“I welcomed my birthday catching the sunrise at the rooftop of our newest cafe, The Crossing Cafe, located in the 2,500-hectare Villar City. My daughter Camille joined me and brought one of my faves, camote. Thank you, darling, for the camote cake,” saad ng Facebook post ng real estate tycoon na dati ring nagsilbi bilang senador.

Pinasalamatan din niya ang lahat ng bumati sa kanya.

“To everyone who greeted and sent me warm wishes, thank you very much. I am very happy and I couldn’t think of a better way to celebrate my special day,” aniya.

Si Manny Villar ay ay nagdiwang ng kanyang ika-72 taong kaarawan noong Lunes, December 13.

Imagre from Manny Villar

Tulad ng nabanggit niya, ang bagong negosyo nilang Crossing Cafe ay matatagpuan sa Villar City, ang 2,500-hectare property na gagawing bagong central business district,

Ayon kay Manny Villar, ang Villar City ay ang pinakahuling development project na gagawin niya sa buhay niya. Sabi niya, dahil sa sobrang laki ng proyekto “it will take more than the rest of my life to develop because of its size. There is no other property near this size this close to Metro Manila.

Imagre from Manny Villar

Continue Reading

Trending