Connect with us

Nostalgia

Sulyap sa nakaraan: Ang cute wallets na paborito ng mga bata, tuwing Pasko lang nagkakalaman nang marami

Published

on

Pumukaw ng alaala ang mga wallet ng nakaraan…’yung panahon na okay lang walang pera basta may cute na wallet ka, masayang-masaya ka na! Abang ka na lang sa pagsapit ng Pasko, tiyak na magkakalaman na nang marami.

Napa-nostalgia trip ang maraming netizens sa ibinahaging larawan ng Facebook page na Sulyap sa Nakaraan. May tatlong cute na PVC wallet kasi na nagpabalik sa kanila sa nakaraan — ‘yung panahon na mga bata pa sila at napakaligaya na kapag mayroong ganoong pitaka.  Sikat na sikat noon pa mang 70s-80s ang mga Little Twin Star, Hello Kitty, My Melody at ilang cartoon characters.

Nakasaad sa post:  Ang pitaka natin na madalas walang laman..(emoji)  Pero pag-Pasko, aba maraming laman yan. (emoji)

Maraming naka-relate sa nostalgic post kaya umabot na sa mahigit sampung libo ang reactions. Bumuhos rin ang komento at mga naglalahad ng sarili nilang kuwento kaugnay sa mga wallet ng nakaraan. Mahigit 4,000 na rin ang nag-share at counting pa.

Kalakip ang maraming happy memories sa daan-daang nagkomento. Mayroon pa ngang nagpakita ng kanyang naitabing wallet na Little Twin Stars.

Omg! may ganito akong wallet before, Little Twin Star and i love Sanrio talaga elementary days until highschool.   I missed those days talaga.

Hello Kitty yung ganyan ko, lagi may 5 pesos  🙂

Yan po talaga ang super duper na nakakapagpasaya sakin nong kabataan ko. Dapat laging may bagong wallet… tapos madalas ko ding mawala (laughing emojis) Wallet lang sapat na sakin noon…

Napangiti naman ako sa wallet na yan… mine is Hello kitty… pag Pasko may aguinaldo nang laman..ang sarap balikan ng nakaraan

Very memorable sa kin yang ganyang wallet, ganyan kase gift sakin nang sinagot ko classmate ko, Nung naging gf niya ko

Noon yan talaga ang mga wallet, pero ang ganda naman kahit barya lang ang laman noon okay na masaya na

Ay naku meron ako nyan kc pinapaskuhan ako ng nanay ng best friend ko at pinsan. Mayaman kasi sila kaya nabibili niya lahat. So yung pinamaskuhan ko binili ko agad ng wallet. Yung binigay sa kin binili ko ng wallet kulay blue. Ung sobra syempre l taong pitaka un. umabot pa yun hanggang magcollege ako. Nawala kc un nang maiwan ko sa book store. nabili ako ng second hands na books para sa subject na taxation.

Ganyan talaga wallet ko noon tapos, lagyan ng keychain palabas ng bulsa ng uniform.

May ganyan din ako nuon.. Ang laman Yung pisong kalabaw tas dos na puno. Tas my pulbos pa ko niyan sa papel na nkatiklop diyan sa loob ng wallet kasi may salamin yan

Yayamanin mga tao noon, sa bigay pa lang unti2 ng kapitbahay at sa kinita sa caroling dami mo na pera pag Pasko.

Meron pa yan salamin sa loob…50 cents lang ang laman feeling yayamanin ka na. Ganyan ang binibili ko pag pasko lagayan ng pera..minsan para nang sasabog sa mga barya..haha sarap balikan ang nakaraan.., salamat kasulyap..

Ay naku meron ako nyan… halos kaming magkakabatch noong araw… kahit nagdadalaga na kami ay ganyan pitaka namin

Napakasaya ko kapag may ganyan akong bago.. Pasalamin salamin pa ako haha Lalo pink or red. Napaka lungkot ko kapag pumutok na ung gilid tas lalabas na ung foam

May mga nalungkot din naman dahil never daw nilang naranasan magkaroon ng ganito.

Ako lang yata malungkot(sad emoji)    kasi hindi ko naranasan yan e sinasabihan kasi ako ng magulang ko aanhin ko wallet wala naman ako panglagay pero nong habang naglalakad ako sa kalsada may napulot ako wallet kaya lang dahon ang laman e  (laughing emoji) kasi pag walang pera panlagay madami namang dahon sa paligid.

Samantala, may nagbahagi na mayroon pa rin namang mabibili na katulad ng mga wallet na iyun. Kaya lang ay mahal na ito ngayon, hindi kagaya noon.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Nostalgia

Childhood favorite: Ang classic Pinoy meryenda na ube bar bread

Published

on

ube bar bread

Sino ba ang makalilimot sa maliliit ngunit masasarap na ube bar bread na bumuo sa meryenda ng napakaraming batang Pinoy noon? Ang paboritong bilhin sa tindahan, ang most requested pasalubong kina nanay at tatay, ang tinapay na hindi pinagsasawaan—hindi maikakailang naging malaking parte ito ng masarap nating kabataan.

Sa Facebook, natakam ang maraming netizens nang ibahagi ng page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon ang mga larawan ng nasabing tinapay. Dahil sa post, nagbalik sa nakaraan ang mga followers ng nasabing page.

ube bar bread“Ube bar bread–ang tinapay na naging bahagi ng kabataan mo,” saad ng admin sa caption ng photos. Agad namang nag-iwan ng komento ang mga social media user na naka-relate.

“Baon ko noong elementary, P5 lang ang 10 pieces tapos ‘pag may ntira hanggang kinabukasan na,” pagbabahagi ng Facebook user na si M. Paraiso.

“Ito ‘yong pinakaborito kong tinapay mula noong estudyante pa ako hanggang magtrabaho ako. Naaalala ko pa ‘yong bakery sa harap ng Concepcion Elementary School. Tuwang-tuwa ako. Kahit dalawang piraso lang nito, masaya na ako,” pagbabahagi ni H. Devera.

“Kasabay ko sa paglaki, since five years old ako unang kumain niyan noong 1985,” ani M. Mariano.

ube bar bread

Imahe mula sa Batang Pinoy-Ngayon at Noon | Facebook

Nakakuha ang post ng lampas 36,000 shares at mahigit 40,000 reactions, as of posting. Halos limang libong social media users na rin ang nag-iwan ng kumento rito; hindi lamang ang mga taong naging paborito ito dahil sa pagiging popular, kung hindi pati na rin ang mga nakakakain na nito bago pa man ito nakilala at naging “classic” para sa marami.

Sa kasalukuyan, bagama’t hindi pa naman tuluyang nawawala ang ganitong klase ng tinapay ay hindi na kasing dami ng dati ang bilang ng mga nagtitinda nito. Sa katunayan, marami rin ang nagtatanong sa comments section kung saan na lamang ba nakabibili ng klase ng tinapay na ito.

ube bar bread

Imahe mula sa Batang Pinoy-Ngayon at Noon | Facebook

Ikaw, naging paborito mo rin ba ito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!

Continue Reading

Nostalgia

Elementary days! Ang old school pencil sharpener na madalas nasa mesa ni titser

Published

on

old school pencil sharpener

Kabilang ang old school na pencil sharper sa mga bagay na madalas gamitin noon ng mga estudyante. Madalas itong matagpuan sa lamesa ni titser noon sa eskwela, o hindi kaya’y sa study table sa kuwarto kung saan ginagawa ang mga assignment at project.

Sa paaralan man o sa bahay, hindi maikakailang nagdala ng tuwa ang classic school supply na ito sa mga batang mag-aaral dahil bukod sa talagang mas malaki ito kumpara sa mga pantasang kasya sa kanilang pencil case, nakaaaliw din ito para sa kanila dahil sa kakaibang paraan ng paggamit nito.

old school pencil sharpener

Imahe mula sa Teaching Trio

Sa post ng Facebook page na Klasik Titos and Titas of Manila, nagbalik-tanaw ang mga “young once” sa mga gunitang nabuo sa panahon ng old school na pencil sharpener na ito. Mayroon din mga nagsabi na kailanman ay hindi sila nagkaroon ng bagay na ito dahil mga mayayaman lamang ang nakabibili nito, habang ang iba ay nanghihiram lamang sa kakilala o sa paaralan lamang nakagagamit nito.

 old school pencil sharpener
“Sa amin nakikitasa ng lapis ang mga kapitbahay namin kasi ang suwabe ng pagkatasa kapag iyan ang gamit, puwera na lang kung ang lapis mo e hindi magandang klase dahil mapuputol agad,” wika ng netizen na si P. Sta. Rosa.

“Iyong may ganito kami sa bahay noong bata kami tapos natutuwa ako magtasa kaya pati lapis ng classmate ko ay inuuwi ko, nangangakong tatasahan ko at isasauli kinabukasan,” pagbabahagi ni S. Sy.

old school pencil sharpener

Imahe mula sa Our Everyday Harvest

“Pangarap ko iyan noong bata ako,” kuwento ni G. R. Deoquino. “Mahal iyan noon kaya simpleng sharpener lang ang mayroon ako.”

Samantala, ibinahagi rin ng iba na ang litrato ng sarili nilang pantasa na hanggang ngayon ay nasa kanila pa ring pag-iingat at patuloy na nagagamit.

Ikaw, naranasan mo rin bang gumamit ng old school na pantasa? Ano ang hindi mo makalilimutan sa popular at classic school supply na ito? Mayroon ba kayo nito sa bahay o kay titser ka madalas nanghihiram? Ibahagi sa amin ang iyong kuwento!

Continue Reading

Nostalgia

Netizens binalikan ang alaala sa bunot at floor wax

Published

on

By

Naranasan mo rin bang gumamit ng bunot at floor wax para pakintabin ang sahig ng classroom noon?

Imahe mula sa Facebook

Marami ang napabalik-tanaw sa kanilang buhay-estudyante nang magbahagi ang netizen na si Ray Tanega ng larawan ng bunot at floor wax sa Facebook group na Nostalgia Philippines. “Dito ako noon natutong sumayaw,” biro niya.

Relate naman dito and ilang Facebook user, kabilang na si Ann Marie na nagsabing kahit walang music ay tiyak na sasayaw ka talaga habang gamit ang bunot.

“Sa pagbubunot, papawisan ka na. ‘Di mo na kailangang mag-Zumba,” komento naman ni Eliane A. 

“Ito yong magandang ehersisyo noong high school days,” pagsang-ayon ni Yen D.

“Araw-araw ko silang kasama dati, pero bakit ‘di ako natutong sumayaw?” pabirong tanong naman ni Cess P.

Imahe mula sa Facebook

Bukod sa katuwaan habang naglilinis, may ilan ding masayang makitang makintab ang kanilang sahig kaya naman naipasa na rin nila ang pagbubunot maging sa kanilang mga anak.

“Gumagamit pa kami niyan ngayon pampakintab ng aming sahig na semento at masaya ako na na-introduce ko ito sa mga anak ko,” sabi ni M. Rescober.

“Noon sa school at sa bahay namin gamit yan. Sa bahay ang sarap humiga at magbasa ng komiks pagkatapos o makinig sa radio drama lalo na’t malamig pa ang panahon noong araw di tulad ngayon,” sabi naman ni B. Principe.

Maging ang mga kalokohan noong kanilang kabataan ay nanumbalik din sa alaala ng iba. “Magugulat na lang classmate mo ‘pag nasa bahay na nila tapos pagtingin nila ng bag, nandoon na ‘yong coconut husk,” sabi ni C. Barlahan.

Imahe mula sa ACS

Nagpasalamat naman si Z. De Sagun dahil sa masasayang memories dulot ng throwback post. “Ako noon may paboritong bunot dahil marami kaming bunot. Thank you again for reminding me how fun my childhood was,” komento niya.

Mayroon ka rin bang ‘di malilimutang karanasan sa paggamit ng bunot at floor wax noong iyong kabataan?

Continue Reading

Trending