Connect with us

Inspiring

Inspiring! Fil-Can mommy vlogger-queen ng DIY kapupulutan ng maraming aral at ‘tipid tips’

Published

on

Hanggang saan ang kayang gawin ng isang ina at maybahay para sa kanyang pamilya? Para sa dating OFW na ngayon ay isa nang Filipino-Canadian, endless ang possibilities basta’t may sipag at tiyaga ka na nilahukan ng pagmamahal sa iyong ginagawa.

Ito ang pinatunayan ng dating OFW sa Morocco na si teacher Racz na ngayon ay residente na ng Canada. Dahil sa pinagdaanan sa buhay ay natutunan niyang maging masinop at matipid. Naging bahagi na rin ito ng kanyang pagkatao – ang maging creative at matiyaga para makatipid at mas maging financially independent, ‘ika nga. Mas naa-appreciate ito ng kanyang pamilya at maging ng kanyang asawang Canadian at mga biyenan.

Para sa Pamilya

Kamakailan ay ginawaan niya ng Frozen ice palace ang kanyang panganay na anak para sa ikaapat na kaarawan nito.  Malaking katipiran na, may personal touch pa na labis na nagustuhan ng kanyang anak at labis na hinangaan ng kanyang mga in-laws at mga kaibigan. Pero hindi na raw nasurpresa ang MIL ni Racz dahil alam nilang napakamaabilidad at matiyaga ito sa mga ganoong bagay.

Tunay ngang matatawag siyang DIY (do it yourself) queen dahil mula sa mga upuang nireupholster, tufted headboard, at mga selebrasyon ng kaarawan, pati sarili niyang kasal ay siya rin ang personal na nag-asikaso. Yes, siya rin ang tumahi ng kanyang wedding gown na convertible sa formal dress, gumawa ng mga decor at giveaways, at marami pang iba. Kaya’t hindi nakapagtataka na labis siyang hinahangaan at kinabibiliban ng kanyang kabiyak ng puso. Madiskarte talaga ang Pinay na masasabi mong ‘small but terrible.’

Sa kanyang mga vlogs ay mapapanood ang ilan sa kanyang mga ginawa:  1) DIY Hand-stitched $30 wedding gown, 2)  DIY Wedding decors/preparations 3) Easy DIY Tufted Headboard using a peg board 4) DIY Reupholster ng dining chairs  5) DIY Playhouse gamit ang malalaking karton  6) DIY birthday decors at marami pang iba.

Sino si Racz Kelly?

Habang ang iba ay puro himutok sa kanilang kalagayan sa buhay, ang Pinay na si Raquel D. Padilla na mas kilala bilang ‘Racz Kelly’ ay ginamit ang kanilang kahirapan bilang inspirasyon at motibasyon para mabago ang kalagayan ng kanilang pamilya.

“Lumaki akong salat sa lahat, sa maraming bagay. Ang alam ko lamang, naging daan ang mga ito upang maabot ko ang aking mga pangarap,” pagbabahagi nito sa isang Facebook post noon.

Lumalakad pala silang magkakapatid ng walong kilometro patungo sa paaralan nila sa Capiz. At nang sumakabilang-buhay ang kanilang ama dahil sa mabigat na karamdaman ay napalipat sila sa Bulacan. Doon na sila nanirahan at nagsikap na patuloy na mabuhay. Nag-ala wonderwoman umano ang kanilang ina upang makaraos sila sa araw-araw.

“Naging tindera sa sidewalk ng Commonwealth na nakikipagkarerahan sa mga pulis kapag nagkakahulihan. Nagtrabaho sa pabrika ng mga bihon, damit, naging janitress, nagtinda ng balut, mais at maging tagapag-alaga ng baboy ng kapitbahay. Ganyan kasipag ang nanay ko. Kahit ano na lang ay ginagawa niya upang matustusan kami,” kuwento ni Racz.

Nagtulong-tulong ang lahat para sa pamilya; sari-saring trabaho ay pinasok nila.

Racz Kelly Channel

“Ako naman ay naging Study Now, Pay Later Scholar ng lungsod ng San Jose del Monte Bulacan. Nakatapos ako sa college sa kursong Bachelor of Science in Mathematics for Teachers sa tulong ng munisipyo ng San Jose del Monte at ng auntie ko na nagpatira sa akin sa Malabon at siya ring nagbibigay sa akin noon ng baon araw araw,” aniya.

Nang makatapos sa pag-aaral ay nakapagturo siya dito sa Pilipinas, ngunit nang sinubukan niyang mag-apply sa abroad ay pinalad naman siyang makaalis.

Noong 2006, 22-anyos pa lang si Racz, ay nagsimula na ang kanyang  life-changing journey sa ibayong dagat. Morocco ang una niyang destinasyon.

“Napakagaan ng aking trabaho. Hindi rin ako nagtatrabaho ng gawaing bahay. Kapag hindi ako nagtuturo, pinapayagan akong gawin ang nais ko. Malaya ako noon ngunit naghangad ako nang sobra,” kuwento niya. Makalipas ang tatlong taon doon ay nagdesisyon siyang hanapin pa ang mas magandang kapalaran.

“Hindi ako nakuntento sa aking sahod na tinatanggap dahil naniniwala akong may naghihintay sa aking mas maganda pa roon sa aking trabaho,” saad niya.

Pero hindi maganda ang mga sumunod na pangyayari pagkat hindi tinatanggap ang walang Master’s degree sa mga American Schools sa  Morroco. Kailangan pa niyang muling mag-aral doon. Naubos ang kanyang ipon at nawalan siya ng choice kung ‘di pumasok bilang kasambahay. Hindi rin iyun umubra sa may kaliitang si Racz kaya’t agad din siyang bumitiw.

Halos isang taon siyang walang permanenteng trabaho at napilitang umasa sa tulong ng iba, hanggang sa palarin na siyang makarating sa Canada taong 2010. Masuwerte umano siya sa naging boss, pero pag-amin niya, kinailangan  niya ng matinding disiplina para magkaroon ng focus sa kanyang goals sa buhay.

“Kung hindi ko dinisiplina ang sarili ko, malamang ay wala pa rin akong naipupundar sa ngayon. Hindi ako bumibili ng luho, hindi ako kumakain ng mga mamahaling pagkain at tiniis ko ang pagpasyal kung saan saan, makaipon lamang ng halaga para maihulog ko sa bahay na napili ko,” pagpapatuloy niya. “Unti-unti ko nang natupad ang mga pangarap ko at nakakapag-abot pa ako sa mga nangangailangan ng tulong. Ibinabalik ko lamang ang mga biyayang natatamo ko noon dahil noong ako’y nangailangan, marami rin ang tumulong sa akin.”

Isang dating blogger si Racz at nakasama niya ang DF Bloggers Intl. Naging awtor na rin siya ng dalawang aklat; ang “Tiis, Sipag at Tiyaga” taong 2012 na nagwagi bilang “Best Book” sa Migration Advocacy Media Awards na inorganisa ng Commission on Filipinos Overseas. Pangalawa ang “Sindi ng Lampara” kasama ang iba pang DF bloggers na karamihan ay mga OFW. Nagkamit din ito ng karangalan na Best Print Award taong 2013.

11 Years After

Makailang beses na rin niyang nakasama ang kanyang nanay sa Canada na para sa kanya ay superhero nilang lahat. Natulungan na rin niya ang isang kapatid na makarating at manirahan doon.

May sarili na silang bahay na katas ng pagtutulungan nilang mag-asawa at may paupahan na rin. Pagdating sa pinansyal na usapin, patuloy ang pag-aaral ni Racz kaugnay sa wise investments at income generation. Ibinabahagi niya ang mga karanasan at diskarte tips sa kanyang mga vlog sa YouTube. Kinakaya niyang balansehin ang pagiging ina sa dalawa nilang anak ng kanyang esposo habang nagtatrabaho.

Natutunan niya na walang “shortcut to success.’ Aniya, “Lahat ng ating pinagdadaanan ay gawing inspirasyon upang mas matuto tayo sa buhay”.

Maraming tips at payo ang Pinay wonderwoman sa kanyang YouTube channel.

DIY haircut, manicure – https://www.youtube.com/watch?v=xW7b9DPzILo

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Inspiring

Basketball player, iniwan ang career sa PBA para maging truck driver sa Canada

Published

on

By

Isang dekadang inalagaan ni Tristan Perez ang pangarap niyang makapaglaro bilang professional basketball player sa Philippine Basketball Association (PBA).

Natupad ang pangarap na iyon ni Tristan nang kunin siya ng Blackwater Elite team noong 2016, subalit sa loob lang ng isang taon bilang professional basketball player ay nagdesisyon siyang iwan ang PBA career niya upang makapiling ang asawa sa Canada.

“Ganoon talaga, may pangarap ka, minsan talaga may isa sa inyo na mag-asawa na may igi-give up para magkasama kayo,” paglalahad ni Tristan.

Sabi niya, tinimbang niyang mabuti ang kanyang mga options  bago nagdesisyon na sundan sa Alberta, Canada ang asawang si Princess Jhameel, kung saan ito nagtatrabaho. Pinag-isipan daw niya iyon nang ilang ulit.

“I weighed my options well. I thought it many times over. My wife was pregnant and it seemed that what I would be getting from a new life in Canada outweighed anything I might earn in the PBA – assuming I play long in the league,” aniya.

Mas pinili raw niya ang Canada kaysa sa PBA dahil ang magbebenepisyo ay ang future ng kanilang mga anak.

“Mas pinilli naming mag-Canada kasi ang daming benefits na maibibigay sa future ng mga anak ko. Kumbaga, less worry lang sa future. Buo na ang desisyon ko, eh. Hindi ako basta-basta magdedesisyon na hindi ko paninindigan eh,” paliwanag niya.

Tatlong taon na rin si Tristan bilang truck driver sa Canada. Napamahal na raw sa kanya ang trabaho dahil exciting daw ang pagmamaneho ng malalaking truck sa Canada.

“Napamahal na ako sa trabahong ito. ‘Yung trabaho ko parang hindi siya nakakainip, parang ang dami niyang challenge. Risky siya, pero doon ako nag-e-enjoy, eh, lalo na pag winter. Dumadaan kami sa iba’t ibang daan, bush road, ice road… tumatawid kami sa bridge na yelo,” ani Tristan.

Kuwento niya, ang misis niya ay school driver naman.

Aniya, malayo man ang pagiging truck driver sa dati niyang propesyon bilang professional basketball player sa PBA, kakaiba raw ang feeling niya dahil masaya siya sa kanyang ginagawa.

Continue Reading

Inspiring

Apo Whang-Od nagpa-tattoo sa isang tattoo artist

Published

on

By

Walang pagsidlan ng tuwa ang isang tattoo artist nang hinilingan siya ng napakapopular na  mambabatok na si Apo Whang-Od na magpa-tattoo sa kanya.

Ikinuwento ng tattoo artist na si Diegz Madrona nito lang Nobyembre ng nakaraang taon siya nagpa-tattoo kay Apo Whang-Od. Dahil sa sobrang saya na ang maalamat na mambabatok ang nagta-tattoo sa kanya ay wala raw siyang sakit na naramdaman.

“Noong tinatatuan niya ako hindi ko naramdaman ‘yung sakit kasi sobrang saya ko po eh,” pagbabahagi ng tattoo artist.

Nang matapos ang pag-tattoo sa kanya ng oldest at  world-renowned traditional tattoo artist ay nagulat na lang daw si Diegz nang humiling si Apo Whang-Od na magpa-tattoo sa kanya.

Nakita raw kasi nito ang dala niyang “machine” na ginagamit sa pag-tattoo. Nagandahan daw si Apo Whang-Od.

“Nag-picture-picture na po kami, tapos nakita ‘yung machine ko, ang sabi ang ganda raw doon sa word po nila. Tapos, baka puwede ko raw po siyang tatuan. Tapos sabi ko ‘Sige po.’ Tapos may dala raw po ba akong gamit? Sabi ko ‘Wala po eh pero puwede po ‘yung ink niyo po na traditional,” ani Diegz.

Ang maalamat na mambabatok na rin ang pumili ng disenyo na ita-tattoo sa kanya ni Diegz.

Kahit may nararamdamang kaba ay pinilit ni Diegz na maayos na matatuan si Apo Whang-Od. Sabi niya, pumapaling-paling daw ang “machine” niya habang tinatatuan ang matanda pero nagawa raw niya nang maayos.

Once in a lifetime lang daw mangyayari na matatuan niya ang pamosong si Apo Whang-Od kaya sinunggaban na niya ang pambihirang pagkakataon.

“Sobrang pumapaling pero pilit kong nilalabanan ‘yung pagpaling niya. Tapos nararamdaman din nila o nakikita ng mga nanonood sa amin, ‘Uy sir nanginginig ka ah, pumapaling ah.’ Ako, parang hindi ko pinapakinggan. Moment ko na ito, gagawin ko na ito kahit ano man ang mangyari. Halatang halata, sobra. ‘Yung kaharap mo talagang respetado eh,” aniya.

Ang karanasan ni Diegz ay habambuhay nang nakaukit hindi lang sa kanyang balat kundi maging sa kanyang puso.

Continue Reading

Inspiring

Delivery rider nakatanggap ng helmet kapalit ng isang Paracetamol

Published

on

By

Parami na nang parami ang mga grupo ng riders na may natutulungang mga tao lalo na sa hanay ng mga delivery rider.

Katulad na lamang ng isang Toktok rider na nakatanggap ng biyaya mula sa isang rider vlogger na ipinost ng Jawo Motovlog sa kanyang Facebook  page na mayroon nang 444k reacts at 11k shares.

“Kahit isang pirasong bioflu lang nabili niya pero yung effort at malasakit niya sa tao ayun yung hindi matutumbasan! Saludo ako kay kuya toktok rider! Kayo rin ba? Habang naglilibot at umiikot ang vlogger at naghahanap ng mabibigyan na helmet ay pinili naman niya ngayon ay ang isang Toktok rider na hindi na kagandahan na helmet ang kanyang matutulungan,” saad sa kanyang caption.

Sa kanyang paglilibot at paghahanap ng mabibigyan pinili niya ang isang Toktok rider na hindi kagandahan ang helmet.

Tinanong naman niya ang rider kung mayroon itong paracetamol. “Sir may ano ka diyan, mayroon kang paracetamol Biogesic?” tanong ni Jawo.

“Wala po eh,” sagot naman ng Toktok rider.

Nakisuyo si Jawo na baka may mabilhan na Biogesic dahil masama umano ang pakiramdam niya. Iniwan pa ng rider ang kanyang motorsiklo para lang makahanap ng gamot para sa vlogger. Agad naman itong naglakad at naghanap sa mga tindahan para may mabiling gamot.

“Ang effort ni kuya oh, tingnan mo iniwan pa pati cellphone dito, kung may mga gamit dito [sa motorsiklo] baka nawala na rin yan kung masamang tao ako,” wika ni Jawo.

Alam naman ng rider na talagang mahirap makahanap at nagkakaubusan na ng mga gamot ngayon lalo na ng paracetamol at Bioflu dahil sa lumolobong kaso ng Covid-19 at influenza dahilan sa malamig na panahon.

Natuwa ang rider sapagkat makikita talaga kung gaano kamatulungin ang mga Pinoy. Siya naman talagang tunay!

Nang bumalik ang rider ay may dala na itong isang pirasong Bioflu at kaagad na ibinigay sa vlogger. Hindi paracetamol ang nabili ng rider. Pero sabi nga ni Jawo, may mabili man o wala ang rider ay bibigyan pa rin niya ito ng helmet.

“Okay lang ba, sir, palitan ko Bioflu mo? Evo helmet? ” tanong ni Jawo.

Hindi makapaniwala ang Toktok rider na ganoon kadali siyang mabibigyan ng helmet. Dahil sa pagkawili ni Jawo  sa rider ay agad niyang ibinigay ang bagong helmet para mapalitan na ang lumang suot nito.

Naiyak ang delivery rider matapos siyang makatanggap ng bagong helmet dahil lang sa isang pirasong Bioflu. Bukod pa sa helmet ay nag-abot din ng pera ang vlogger para makatulong sa delivery rider.

Maraming netizens ang natuwa at nagkomento sa ginawa ni Jawo;

“Grabe yung tiwala ni toktok driver sayo idol. Imagine iniwan niya nang buo ung panghanapbuhay nya sa di naman niya kilala para lang matulungan ka makabili ng gamot… Salute ke kuya driver at sayo din syempre idol Jawo”  –  H Delfin

“Ito yung ‘di inaasahang tulong na alam mong bukal sa loob ang pagtulong kc di \siya nag expect ng kapalit dahil di nya kilala ung taong tinutulungan niya salute sau kuya rider at sir jawo…God blessed more” – J Suarez

Nakakatuwa, naiiyak God bless po sa inyong dalawa.”  – E Surco

Narito at panoorin ang kabuoang video ni Jawo Motovlog:

Continue Reading

Trending