Connect with us

Health

DOH kinumpirma ang unang kaso ng Omicron variant sa 2 pasahero mula Japan, Nigeria

Published

on

Imahe mula sa PNA

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang kauna-unahang kaso ng Omicron variant sa bansa mula sa dalawang biyahero galing Japan at Nigeria.

Batay sa  pahayag na inilabas ng DOH nitong Miyerkules, Disyembre 15, na-detect umano ng University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC) at UP – National Institutes of Health (UP-NIH)  ang dalawang kaso ng Omicron (B.1.1.529) variant of concern mula sa 48 samples na kanilang sinuri noong Martes.

Imahe mula sa PNA

Ang unang kaso ay na-detect sa isang returning overseas Filipino (ROF) mula Japan na dumating sa bansa noong Disyembre 1 sakay ng Philippine Airlines flight number PR 0427. Siya ay kinunan ng sample noong Disyembre 5 at lumabas na positibo ang resulta noong Disyembre 7.

Kaagad naipasok sa isolation facility ang naturang pasahero at sa kasalukuyan ay asymptomatic, bagama’t mayroon itong ubo at sipon noong dumating sa bansa.

Ang ikalawang kaso naman ay isang Nigerian national na lumapag sa bansa noong Nobyembre 30 sakay ng Oman Air flight number WY 843 mula Nigeria. Isinailalim sa testing ang nasabing banyaga noong Disyembre 6 at nagpositibo din sa COVID base sa test result na lumabas noong Disyembre 7.

Imahe mula sa UCLA Newsroom

Tulad ng naunang Pinoy, ang Nigerian ay kasalukuyan ding asymptomatic at inoobserbahan na rin sa isang isolation facility sa ilalim ng pamamahala ng Bureau of Quarantine.

Tinutukoy na rin ng DOH ang mga posibleng close contacts na kapwa-pasahero ng dalawang pasyente sa kani-kanilang flight.

Bukod dito, inaalam na rin ng ahensiya ang mga test results ng lahat ng pasahero ng dalawang flights at ang kalagayan ng kanilang kalusugan upang makumpirma kung may kaparehong kaso pa sa kanila na naging symptomatic nang dumating sa bansa.

Imahe mula sa PNA

“Getting the manifest kami, we will inform all of you as soon as we have further details,” ani Heallth Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang Viber message sa mga mamamahayag.

Kaugnay nito, nanawagan ang DOH sa lahat ng pasahero ng mga nabanggit na flights na tumawag sa DOH COVID-19 Hotlines (02) 8942 6843 o 1555, o makipag-ugnayan sa kani-kanilang LGUs hinggil sa kanilang kalagayan.

Health

Oxford U naghahanap ng volunteers na hahawaan ng COVID para sa kanilang ‘human challenge trial’

Published

on

By

Naghahanap ngayon ng volunteers ang mga researchers ng Oxford University na gagamitin sa kanilang ‘human challenge trial’ na naglalayong pag-aralan ang virus na sanhi ng COVID-19.

Pangunahing layunin ng kanilang pag-aaral ay alamin kung anong uri ng immune response ang maaaring makapigil upang mahawahan ang tao ng original strain ng SARS2 Cov.

“A human challenge trial in medical research is a carefully controlled study that involves purposefully infecting a subject with a pathogen or bug, in order to study the effects of that infection,” ayon sa Oxford U.

Nagsimula ang human challenge trial noong Abril 2021 at kasalukuyang nakikipagtulungan ang mga siyentipiko ng unibersidad sa mga malulusog at batang participants upang pag-aralan kung paano nagreresponde ang kanilang immune system sa virus.

“A human challenge model is where, under a very carefully controlled conditions we deliberately expose healthy volunteers to a bug or pathogen,” paliwanag ni Helen McShane, vaccinology proffessor ng Department of Paediatrics, University of Oxford na siya ring chief investigator ng programa.

Marami na umanong nalaman ang siyensiya tungkol sa COVID nitong nagdaang dalawang taon subalit ang pagsulpot ng mga bagong variants ay nangangahulugan na kailangan ding i-refine ang mga bakuna laban dito.

“If we know what level of immune response we need the vaccine to induce it will make future vaccine development much quicker and much more efficient,” dagdag pa ni McShane.

Ang gagamiting virus sa pag-aaral na ito ay ang original strain na nadiskubre sa Wuhan, China. Ang mga volunteers ay ika-quarantine sa isang espesyal na ospital sa loob ng 17 araw at isasailalim sa iba’t-ibang medical tests.

Ang sinumang participants na magkakaroon ng sintomas ay tuturukan ng Regeneron monoclonal antibody treatment (Ronapreve). Maaari lamang silang ma-discharge kapag hindi na infected at hindi na rin magdudulot ng panganib sa ibang tao.

Continue Reading

government

Sen. Leila hinimok ang gobyerno na paghandaan ang iba pang COVID variants

Published

on

By

Hinimok ni Senador Leila De Lima ang gobyerno na paghandaan ang posibilidad na magkaroon pa ng ibang variant ang COVID-19 sa mga darating na araw o buwan.

Ginawa ng nakakulong na senador ang panawagan sa gitna ng maaaring panibagong banta na naman ng BA.2 variant o Omicron sub-variant.

“Huwag naman na sanang lumala pa ang kasalukuyang pandemya o magkaroon pa ng mga bagong Covid-19 variants,” ani De Lima sa isang pahayag nitong Lunes, Enero 24.

“Pero ngayon pa lang, mas maigi nang laging handa ang gobyerno, pati na ang susunod na administrasyon, sa ganitong mga posibilidad o sa anupamang krisis na maaaring mangyari sa hinaharap,” dagdag pa nito.

Giit ng mambabatas, dapat ay laging handa ang pamahalaan sa posibleng pagsirit muli ng COVID-19 at ituring itong isang malaking sakuna na may nakalaang sapat na budget.

“There must be budget always for continuous vaccination, testing, contact-tracing, isolation, social amelioration and livelihood assistance for those affected,” ayon pa kay De Lima.

Samantala, tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na nakikipag-ugnayan na sila sa World Health Organization (WHO) tungkol sa Omicron sub-variant.

Sa kasalukuyan, itinuturing pa lang itong variant under investigation (VUI) at hindi pa variant of concern, ayon kay Health  Sec. Francisco Duque III.

Image from DOH

Bagama’t limitado ang datos tungkol sa sub-variant na ito, hindi naman daw ito naiiba sa Omicron at epektibo pa rin ang mga kasalukuyang COVID vaccines para maiwasan ang mga severe cases ng virus.

Ipinaalala rin ng kalihim ang patuloy na pagsunod sa minimum health protocols upang hindi na lumala pa ang sitwasyon.

“’Wag tayong tutulad sa mga ibang bansa na nagdeklara ng walang nang mask mandate, pwede nang magbukas, niluwagan ang restrictions, baka sumipa ulit. Sayang naman ‘yung atin nang mga nakamit na mga tagumpay baka mabalewala, ay ‘wag naman sana magiging ganu’n,” paalala ni Duque.

Continue Reading

Health

Dahon ng tanglad nakapagpapalakas ng resistensya

Published

on

By

Sa paningin ng iba ang halamang tanglad ay pangkaraniwang damo lamang. Ngunit alam mo bang espesyal ang damong ito?

Ano ang tanglad o lemon grass?

Ang tanglad ay isang mabangong damo na karaniwang ginagamit na pantanggal sa lansa ng mga pagkain. Kilala rin ito bilang sangkap sa paggawa ng tsaa. Ang mga dahon nito’y pahaba at napalilibutan ng maliliit na tusok-tusok. Orihinal na nagmula ang halaman sa bansang Sri Lanka, India at isla ng Java, ngunit ito’y karaniwan na ring pananim sa mga taniman sa Pilipinas.

Popular ang halamang ito sa rehiyon ng Southeast Asia dahil sa iba-ibang gamit nito. Ginagamit mang pampabango at pampasarap sa pagkain ang tanglad, mahalagang malaman din natin na pinalulusog din nito ang mga kumakain. Ito ay ayon sa mga pag-aaral sa halamang ito na may scientific name na Cymbopogon citratus at kilala rin bilang lemongrass.

Tradisyunal sa mga pinoy na gumamit ng tanglad bilang sahog sa pagluluto dahil sa taglay nitong bango at pampalasa. Ang puting bahagi ang kadalasang hinihiwa nang pino at hinahalo sa lutuin dahil malambot ito kumpara sa berdeng parte.

Karamihan sa mga nagluluto ay sinasahog ang buong bungkos ng tanglad para tumingkad pa ang lasa ng  iba’t ibang putahe.

Ngunit may benepisyo rin palang hatid sa atin ang dahon ng tanglad at hindi lang basta pampagana sa ating pagkain.

Katulad ng kalamansi, luya at iba pang mga halamang gamot, ang tanglad ay nagbibigay resistensya din pala para sa ating pangangatawan.

Ngayong 2022 mas patibayin at palakasin pa natin ang ating resistensya laban sa mga sakit at virus na kumakalat.

Sa programang KMJS o Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) ay ibinahagi ni  Annie ang benepisyo ng tanglad. Si Annie Rose Cane ng Bayugan City, Agusan del Sur,  ay may mahigit 2.5 hektarya na taniman ng tanglad.

“Ang intensyon po namin noong una for food seasoning lang po, tapos ayun may bumalik sa amin na bibili nun,” sabi ni Annie

Ang purpose lamang talaga nila daw ay pansahog lamang ang mga tanglad nila hanggang sa lumaon ay naisip nila na puwede pala itong gawing tsaa.

Kada tatlong buwan ay kanila itong inaani at inilalagay sa distiller upang makuha ang katas nito at ginagawang tanglad juice.

Ang kanilang inaaning tanglad o lemongrass ay kanilang kinukuhanan ng katas o hydrosol at ginagawang inumin.

“Pag-inuubo po ako o sinisipon o kahit po lagnat iniinom ko po ang tubig ng tanglad pampawala ng sakit ko,” aniya.

Kapag nagkakasakit umano siya tulad ng ubo o sipon, ang tubig na pinaglagaan ng tanglad daw ang kaniyang iniinom at gumiginhawa na ang kaniyang pakiramdam.

At kahit sa bahay, maaaring makagawa ng tanglad juice sa pamamagitan ng pagpapakulo ng dahon nito. Pero hindi dapat patagalin ang pagpapakulo upang hindi mawala ang nutrients ng halaman.

Ayon kay Algy Bacla, certified naturopathic practitioner, “70 hanggang 80 percent ng essential oil na galing sa tanglad ay may citral.”

Batay umano sa mga pag-aaral, ang citral ay maraming benepisyo tulad ng pag-prevent ng impeksyon, ng mga bacteria, nagpapalakas ito ng lungs at immune system.

Paglilinaw ng mga eksperto,  ang tanglad ay hindi gamot sa Covid-19 pero nakatutulong ito sa pagpapalakas sa resistensiya ng katawan na mahalaga lalo na sa panahong ito ng pandemya.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Tanglad?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang tanglad ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan. Taglay ng sariwang dahon ng tanglad ang ilang uri ng langis gaya ng lemongrass oil, verbena oil, at Indian Molissa oil. Mayroon din itong methyl heptenone at terpenes. Ang dahon at ugat ay makukuhanan din ng alkaloids, saponin, a-sitosterol, terpenes, alcohol, ketone, flavonoids, chlorogenic acid, caffeic acid, p-coumaric acid at sugars.

 

Panoorin ang KMJS feature:

Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Mediko.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.

Continue Reading

Trending