Connect with us

government

‘We dropped the ball again?’ Duque pumalag sa paratang ni Locsin

Published

on

Imahe mula sa Wikipedia

Pinalagan ni Health Secretary Francisco Duque III ang paratang ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin tungkol sa diumano’y panibagong ‘kapalpakan’ ng kalihim ng DOH sa pagbili ng syringe mula sa Estados Unidos.

Giit ni Duque sa panayam ng dzBB, walang katotohanan ang paratang ni Locsin bukod pa sa paglabag sa batas ang nais mangyari ng huli.

Imahe mula sa Inquirer

“Wala, wala ‘yun, hindi totoo ‘yun. Kasinungalingan ‘yun, puro kasinungalingan ‘yun. Hindi totoo ‘yan,” paliwanag ni Duque.

“Ang gusto ni Locsin, sumunod kami sa gusto nung supplier na presyo. Ay hindi naman pwede ‘yun. Hindi naman kami g*go para gawin ‘yun. Meron tayong batas diyan—Republic Act 9184,” dagdag ng kalihim.

Ayon kay Duque, inalok sila ng P411.5-M para sa 50 milyong hiringgilya kung saan lumalabas na nasa P2.38 ang presyo ng bawat isa nito. Hindi raw nila ito kinagat sapagkat lalabag ang naturang kontrata sa RA 9184 at makakasuhan naman sila ng graft.

Imahe mula sa Japan Times

Ang ikinasasaman lang umano ng kaniyang loob ay kung bakit idinadaan sa mga tweet ng DFA official ang hinaing nito at hindi na lang siya tinawagan muna. Ipaaabot niya rin umano sa Malakanyang ang nasabing isyu, ayon kay Duque.

‘Unfair’ ang alegasyon

Sa hiwalay na panayam naman sa ABS-CBN News, ipinaliwanag din ni Duque na mismong ang supplier ang nag-back out matapos malamang hindi kaya ng DOH ang budget na inaalok sa kanila.

“His allegation is very unfair. There is no basis. How can he say we dropped the ball when the company backed out?” giit ng kalihim.

Screenshot mula sa Twitter

Ani Duque, nais ng banyagang kompanyang Procurenet na sumali sa bidding para makabili ang Pinas ng 50 milyong hiringgilya subalit umatras ito nang malamang nas P119.5-M lamang ang approved budget ng DOH para dito.

“Adjusting the price in favor of a bidder would be clear graft,” wika pa nito.

Magugunitang ibinulgar ni Locsin noong isang araw ang umano’y nasayang na oportunidad ng Pilipinas para makabili ng 50 milyong syringes.

“We dropped the ball again; this time offer of 50 million syringes,” anito sa isang tweet.

Screenshot mulas sa Twitter

Sa kaniyang mga sumunod na tweet, tinawag din ng kalihim na ‘hallucinatory’ ang presyong USD 4.7 cents na nais ng DOH dahil ang pinakamababa umanong presyo nito sa merkado ay USD 7 cents.

Disyembre noong nakaraang taon nang unang ginamit ni Locsin ang katagang ‘dropped the ball’ bilang paglalarawan sa kapalpakan ng DOH sa nasayang na oportunidad ng bansa na makabili sana ng COVID vaccine na darating ng Enero 2021.

Ito ay bunsod na rin umano ng kabiguan ng DOH na kumpletuhin ang mga dokumentong hinihingi noon ng Pfizer.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

government

Pang. Duterte nangakong papangalanan ang ‘most corrupt’, ‘inexperienced’ presidential bets

Published

on

By

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilalabas niya ang ‘baho’ ng ilan sa mga kandidato na tumatakbong presidente sa susunod na eleksyon.

Sa kaniyang ‘Talk to the People’ nitong Lunes nang gabi, nangako ang Pangulo na papangalanan niya kung sino sa mga ito ang ‘masyadong corrupt’ pati na umano ang isang walang kakayahang maging lider ng bansa.

“In due time, I will personally name the candidates, maybe what is wrong with them. Kailangan malaman ng tao because you are electing a president,” paglalahad ni Duterte.

Iginiit rin ng Pangulo na hindi siya namumulitika subalit ginagawa lamang niya ito bilang presidente at dapat ring malaman umano ng mamamayang Pilipino.

Batay raw ito sa mga impormasyong nakararating sa kaniya bilang presidente bukod pa sa kaniyang personal na karanasan at obserbasyon.

Kabilang raw sa nakarating sa kaniya ang isanng kandidato na ‘lasenggo’, mahilig mang-insulto at nagwawala pa kapag nakainom.

Isa rin umano ay ‘masyadong corrupt’ kaya hindi maaaring maging presidente.

“Akala lang kasi ng mga tao malinis pero ‘yung mga nag-transact sa business sa kanya, mga official business, pati yung mga Chinese nagreklamo na na masyadong corrupt daw,” bahagi ng Pangulo.

Mayroon din umanong ‘kulang’ pa talaga sa karanasan at walang kapasidad na mamuno sa bansa.

“Meron dito hopelessly, I think, hindi dapat mag-presidente kasi medyo kulang talaga, kulang na kulang,” anito.

Hindi naman sinabi ng Pangulong Duterte kung kailan niya tuwirang papangalanan ang kaniyang mga tinukoy na kandidato subalit bahala na raw ang mga tao kung maniniwala sa kaniyang mga ibinulgar.

“But if you reject it at ayaw ninyong maniwala, ang masasabi ko lang, bahala kayo. Besides, it’s also your country, it’s not only mine,” dagdag pa nito.

Ilan sa mga kumakandidato ngayon sa pagkapangulo ay sina dating Senador Bongbong Marcos, Vice President Leni Robredo, Senador Ping Lacson, Senador Manny Pacquiao, Manila Mayor Isko Moreno at Labor Leader Leody de Guzman.

Continue Reading

government

Sen. Leila hinimok ang gobyerno na paghandaan ang iba pang COVID variants

Published

on

By

Hinimok ni Senador Leila De Lima ang gobyerno na paghandaan ang posibilidad na magkaroon pa ng ibang variant ang COVID-19 sa mga darating na araw o buwan.

Ginawa ng nakakulong na senador ang panawagan sa gitna ng maaaring panibagong banta na naman ng BA.2 variant o Omicron sub-variant.

“Huwag naman na sanang lumala pa ang kasalukuyang pandemya o magkaroon pa ng mga bagong Covid-19 variants,” ani De Lima sa isang pahayag nitong Lunes, Enero 24.

“Pero ngayon pa lang, mas maigi nang laging handa ang gobyerno, pati na ang susunod na administrasyon, sa ganitong mga posibilidad o sa anupamang krisis na maaaring mangyari sa hinaharap,” dagdag pa nito.

Giit ng mambabatas, dapat ay laging handa ang pamahalaan sa posibleng pagsirit muli ng COVID-19 at ituring itong isang malaking sakuna na may nakalaang sapat na budget.

“There must be budget always for continuous vaccination, testing, contact-tracing, isolation, social amelioration and livelihood assistance for those affected,” ayon pa kay De Lima.

Samantala, tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na nakikipag-ugnayan na sila sa World Health Organization (WHO) tungkol sa Omicron sub-variant.

Sa kasalukuyan, itinuturing pa lang itong variant under investigation (VUI) at hindi pa variant of concern, ayon kay Health  Sec. Francisco Duque III.

Image from DOH

Bagama’t limitado ang datos tungkol sa sub-variant na ito, hindi naman daw ito naiiba sa Omicron at epektibo pa rin ang mga kasalukuyang COVID vaccines para maiwasan ang mga severe cases ng virus.

Ipinaalala rin ng kalihim ang patuloy na pagsunod sa minimum health protocols upang hindi na lumala pa ang sitwasyon.

“’Wag tayong tutulad sa mga ibang bansa na nagdeklara ng walang nang mask mandate, pwede nang magbukas, niluwagan ang restrictions, baka sumipa ulit. Sayang naman ‘yung atin nang mga nakamit na mga tagumpay baka mabalewala, ay ‘wag naman sana magiging ganu’n,” paalala ni Duque.

Continue Reading

government

Panukalang magbibigay ng proteksyon sa “right to rest’ ng mga empleyado inihain sa Senado

Published

on

By

Naghain ng panukala si Senator Francis Tolentino na bawalan ang mga employers na istorbohin ang mga empleyado sa oras ng kanilang pahinga. Ito ay sa gitna ng work-from-home setup dahil sa umiiral na pandemya.

Ang panukalang isinumite ng senador ay naglalayong pagbawalan ang mga employer na i-require ang empleyado na magtrabaho kapag rest hours na nito.

Ayon kay Sen. Tolentino, sa kanyang panukala ay may itinakdang kaparusahan para sa mga employers na lalabag sa karapatang magpahinga ng mga manggagawa.

“Instead of destressing at home from the pressures of work, work is now brought to the employees’ homes or wherever they go. Similarly, due to advances in technology, employees are now virtually always at the beck and call of their employers. The power of control of employers now overreaches beyond working hours through the use of phone and email,” saad ni Sen. Tolentino sa explanatory note sa kanyang panukala.

Sa ilalim ng panukala, hindi rin tatanggapin o ipawawalang-bisa ang anumang kasulatan o kasunduan na nagsasaad ng pagpayag ng job applicant na kailangang mag-overtime  para lang matanggap sa trabaho.

Hindi rin papayagan ang pag-contact ng employer sa kanilang mga employees sa pamamagitan ng telepono, pagpapadala ng email, text messages o anumang uri ng komunikasayon para sa anumang bagay na may kinalaman sa trabaho sa oras ng pahinga. Maliban na lang kung talagang kinakailangan at kung may written consent ang empleyado.

“This bill defines the rest hours of employees, and prohibits employers from exacting work or contacting employees, without the latter’s consent, during rest hours,” wika ni Sen. Tolentino.

Posible ring makulong ang employer na lalabag sa right to rest ng empleyado. Nilinaw niya na may mga uri ng trabaho ang hindi sakop ng panukala.

An employer that violates the prohibitions set in this bill will be penalized with a monetary sanction and a fine, or with imprisonment if attended with coercion or resulted in discrimination. The bill covers employees in all establishments and undertakings whether for profit or not. However, the measure would not apply to field personnel, domestic helpers, persons in the personal service of another, and workers “paid by results. 

Continue Reading

Trending