Connect with us

celebrities

Personal niyang custom truck ibinigay ni Dwayne “The Rock” Johnson sa hindi makapaniwalang tagahanga

Published

on

Isang tagahanga ang hindi makapaniwala sa pamaskong regalo sa kanya ng iniidolong actor-professional wrestler na si Dwayne “The Rock” Johnson.

Ang personal niyang custom Ford truck lang naman ang  surpresa niyang ibinigay sa kanyang fan na isang personal trainer, church leader at navy veteran.

Image from The Rock’s Instagram account

Ibinahagi ni The Rock sa Instagram na inimbitahan niya ang mga tagahanga niya para sa isang special screening ng pelikula niyang Red Notice na mapapanood sa Netflix. Gusto niyang bigyan ng saya ang mga fans.

“I invited fans to a special theater screening of Red Notice and I wanted to do something cool for all of them. Free Concessions, @projectrock@teremana@zoaenergy@saltandstraw ice cream. Free everything and a great time at the movies!” post niya sa Instagram.

Bukod doon, gusto niyang gumawa ng isang hindi malilimutang bagay para sa isang partikular na tagahanga na mapipili niya.

Sabi niya, ang orihinal niyang ideya ay iregalo sa isang tagahanga ang Porcshe Taycan na ginamit niya sa pelikulang Red Notice. Nakipag-usap raw siya sa Porsche pero tumanggi raw ang kumpanya sa hiling niya.

Matapos tanggihan ay may mas maganda raw siyang naisip na regalo – ang personal niyang custom truck na Ford.

Image from The Rock’s Instagram account

“My original idea was to give away the Porsche Taycan, that I drive in the movie, Red Notice. So we reached out to Porsche, but they said no. But I still said, yes. I’ll do one better. I’ll give away my personal custom truck as the gift. My baby,” aniya.

Kinilalang si Oscar Rodriguez ang masuwerte niyang napiling regaluhan.

“I gathered as much information as I could about everyone in the audience and ultimately, Oscar’s story moved me.

Sabi ni The Rock, isang personal trainer, church leader, navy veteran at ”mama’s boy” na tulad niya si Oscar Rodriguez.

“Takes care of his 75 year old mom. Personal trainer. Leader at his church. Provides support and meals for women victimized by domestic violence. Proud & humble Navy veteran. Kind human being,” aniya.

Naiyak sa labis na saya si Oscar sa Christmas gift sa kanya ni The Rock.

Image from The Rock’s Instagram account

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrities

P500K buwanang sustento ni Gretchen kay Claudine naudlot? “‘Di nasunod ang gusto ni Gretchen” – Ogie

Published

on

By

Nanghihinayang sina Ogie Diaz at ang kaniyang co-host na si Mama Loi sa sustento umano dapat ni Gretchen Barretto sa kaniyang kapatid na s Claudine na hindi na raw natuloy.

Sa kuwentuhan ng dalawang host  sa “Ogie Diaz Showbiz Update” nitong Miyerkules, Enero 19, napag-usapan nila ang tungkol sa magkapatid na Barretto.

Kabilang na rito ang  naging ‘hugot’ ni Claudine tungkol sa umano’y ‘panloloko at pandaraya’ sa kaniya ng mga taong itinuring niyang kaibigan at pinagkatiwalaan pa.

Napag-usapan rin nina Ogie at Mama Loi ang pagkandidato ng aktres bilang konsehal sa Olongapo City. Subalit ang mas naging interesting sa mga nanonood ay ang ‘tsika’ hinggil sa naudlot na sustento ni Gretchen sa kaniyang bunsong kapatid.

“Pangalawa mayroong nagtsika sa akin. Dapat pala itong si Claudine ay sinusuportahan na dapat ni Gretchen Barretto. Kaya lang medyo hindi nasunod ‘yung gustong mangyari ni Gretchen na para rin kay Claudine,” paglalahad ni Ogie.

“Kaya lang parang hindi yata ito nasunod ni Claudine at nasuway niya. So sayang ‘yung supposedly P500 thousand a month na supporta ni Gretchen kay Claudine,” patuloy pa ng talent manager.

Nilinaw rin ni Ogie na wala itong kinalaman sa pagiging magkasama nina Claudine at Marjorie noong New Year. Sa unang bahagi pa lamang raw ng 2021 niya narinig ang isyung binabanggit niya.

BASAHIN: Claudine at Marjorie, present sa New Year celebration ng Barretto family, nagkabati na nga ba?

“Kung hindi siguro tumakbo si Claudine, eh malamang nasuportahan siya ni Gretchen ng P500,000 a month,” ayon pa sa showbiz writer/host.

‘’Yung ‘diretso’ lang ang buhay… ‘yun ang narinig natin, ha?” dagdag pa ni Ogie.

Iginiit din ni Ogie Diaz na maaayos pa rin naman ang relasyon ng magkapatid at ‘love’ naman nila ang isa’t-isa.

Kaya lang daw sa ‘checklist’ ni Gretchen na gustong mangyari kay Claudine, mayroong hindi raw nagawa ang huli.

Hindi naman na isiniwalat ni Ogie ang ‘kondisyong’ hinihingi ni Gretchen.

Panoorin ang buong episode ng “Ogie Diaz Showbiz Update”:

Continue Reading

celebrities

‘Nahirapan din kaming maghanap’: Neri at Chito sa Lazada pa nakabili ng meds at vitamins para sa kanilang staff

Published

on

neri chito lazada

Katulad ng maraming Pilipino na nahirapang bumili ng gamot sa unang buwan ng 2022, hindi rin naging madali para sa celebrity couple na sina Neri Naig at Chito Miranda ang paghahanap nito kaya naman naisipan na nilang umorder sa online shopping platform na Lazada.

Sa Instagram, ibinahagi ni Neri na naghanap din sila ng mga gamot at vitamins para sa kanilang staff ngunit nabigo silang makabili dahil out of stock sa mga malapit na botika. Dahil dito, umorder na lamang sila sa Lazada at matiyagang naghintay sa pagdating nito.

neri chito lazada

“Finally! Dumating na ang meds at vitamins na inorder ko sa Lazada for our staff. Because health is wealth!” saad niya sa caption ng litrato ng mga parcel na dumating sa kanila.

Ikinatuwa ng maraming social media users ang post ni Neri dahil patunay lamang daw ito na mayroon silang pagpapahalaga sa mga empleyado nila, na kahit gaano kahirap maghanap ng supply ng gamot at vitamins ay nagawan nila ito ng paraan.

neri chito lazada

Samantala, dahil daw sa naranasan nilang hirap sa pagbili ng gamot, naisip tuloy ni Neri na baka panahon na upang muli silang magtayo ni Chito ng botika; na siyang unang negosyong itinayo nila noong magkasintahan pa lamang silang dalawa.

“Since nahirapan din kaming maghanap ng meds, buhayin ba ulit namin ang Miranda Pharmacy? ‘Yan ang unang negosyo namin ni Chito noong mag-BF/GF pa lang kami. Walang alam sa negosyo, ayon lugi!” aniya.

neri chito lazada

Matatandaang ilang business na rin ang sinimulan ni Neri at ng kanyang asawang si Chito at karamihan sa mga ito ay talagang kumikita at lumalago. Kilala rin ang aktres sa pagiging maabilidad at maalam pagdating sa investments, kaya naman maraming mga ilaw ng tahanan ang sumusubaybay sa kanya at binigyan pa siya ng bansag na “Wais na Misis”.

Continue Reading

celebrities

Partner ni Romnick inirereklamo raw ng mga customers sa online selling – Ogie

Published

on

By

Inirereklamo umano ng mga customers niya sa online selling ang partner ng aktor na si Romnick Sarmenta na si Barbara Ruaro.

Si Barbara ay nagtitinda ng mga designer bags at damay na rin umano sa isyu si Romnick.

Sa pinakahuling vlog nina Ogie Diaz at Mama Loi, ibinahagi ng huli na inaakusahan si Ms. Barbie ng kaniyang mga kustomer na nangunguha ng bayad subalit hindi umano ipinapadala ang mga items.

Minsan naman daw ay peke ang mga bag na ipinadadala kaya marami ang nagalit at humihiling ng refund.

Ayon naman kay Ogie, nilinaw niya ito kay Romnick dahil friends sila sa Facebook. Tinanong raw niya kung nagbebenta ng bags si Ms. Barbie na kinumpirma naman ng aktor.

“Nagbebenta siya ng bags at mga pinabenta nung supplier niya. Pero napapagod na eh, ang daming scammers at bullies na bumibili. So bakit daw? Kasi nga, may nagtimbre sa akin, o may nag-message sa akin na humihingi ng tulong. Baka raw pwedeng ma-recover yung binayad niya,” ito umano ang message sa kaniya ni Romnick.

“Eh parang pinangakuan ata sila ni Barbie na huhulug-hulugan sa ATM. So sinend ko kay Romnick, sabi naman ni Romnick, na-encounter na raw niya ‘yung person na ‘yun, ‘yung nag-send sa ‘kin ng message, at minessage din daw siya nito. Ito’y last May 25, 2021,” patuloy ni Ogie.

Iginiit pa raw ng aktor sa kaniya na marami na silang na-refund at ipinaliwanag naman nila na may limit ang ATM transactions.

Naipadala na rin umano nila ang ibang bags sa mga willing maghintay.

Kinausap na rin daw ni Romnick ang kaniyang partner na tigilan na ang pag-o-online selling dahil marami ring nambubudol sa kanila.

“Ang style, naipadala na namin ‘yung bag, authenticated, tapos ipipilit na fake at manghihingi ng refund pero hindi isasauli ‘yung bags. Hindi sa ipinagtatanggol ko, pero nakikita ko kasi at gumagastos kami sa authentication at dumarating ‘yung slip through delivery services. Meron lang talagang mga pushy, ‘yung nagpipilit,” kuwento nito.

Dahil sa nangyari, ipinasa na nila sa isang abogado ang usapin para ito ang kumausap sa ibang kliyente.

Tiniyak din ni Romnick na hindi nila sisirain ang kanilang pangalan sa halagang P40,000 lamang.

Panoorin ang buong episode ng “Ogie Diaz Showbiz Update”:

Continue Reading

Trending