Connect with us

celebrity

P1-billion cyberlibel case kay Enchong Dee sumampa na sa korte

Published

on

Malungkot ang magiging pasok ng 2022 para sa aktor na si Enchong Dee dahil sumampa na umano sa korte ang kasong cyberlibel na inihain laban sa kanya ni Congresswoman Claudine Diana Bautista-Lim, party-list representative ng Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER.

Tiyak na magiging malaking abala sa aktor ang pag-attend sa hearing dahil isinampa umano ang kaso sa korte sa Davao Occidental.

Composite photos og Rep. Claudine Bautista-Lim and Enchong Dee

Nananatiling tahimik ang aktor na karaniwang madalas mag-post sa social media ng kanyang mga saloobin tungkol sa iba’t ibang isyu.

May dalawa pa umanong dawit sa kaso subalit na-dismiss na ang mga iyon kaya’t kay Enchong Dee lang ang umuusad.

Ang reklamo ay kaugnay diumano sa malisyoso at mapanirang mga salita na ginawa ng aktor sa pamamagitan ng social media patungkol sa kasal ng mambabatas sa negosyanteng si Jose French “Tracker” Lim na ginanap sa Balesin Island Club, isang exclusive resort sa Quezon.

Sinabi ni Rep. Bautista-Lim na kasiraan sa kanyang pangalan at karangalan ang pahayag ng aktor na ginamit umano niya ang public funds para sa kanyang magarbong kasal.

“Enchong went as far as saying that I used public coffers to fund my wedding by categorically saying that ‘The money for commuters and drivers went to her wedding’, to the detriment and injury to my honor and name… The posts were meant nothing more than their malicious intentions of maligning my person, depicting me as a corrupt public official,” bahagi ng salaysay ng mambabatas.

Matatandaang agad na binawi ni Enchong Dee ang kanyang nasabi sa social media at humingi ng kapatawaran sa kanyang nagawa.

Image from DUMPER

Ngunit hindi ito tinanggap ni Rep. Bautista-Lim dahil naniniwala siya na hindi sinsero ang paghingi nito ng paumanhin. Nais lang daw ng aktor na makaiwas sa asunto.

“He was not sorry to me and for the damage that he has done. He just wants to deflect, albeit unsuccessfully, this criminal charge against him…This does not do any good for him. It only bolstered and magnified his admission of guilt beyond reasonable doubt for his un-provoked and baseless libelous remarks,” ayon pa sa Congresswoman.

Humihingi umano siya ng P500,000,000 para sa moral damages at P500,000,000 para sa exemplary damages.

Image from Enchong Dee’s video

 

celebrity

Mariel, sinagot ang netizen kung bakit hindi siya tinatawag na mama ni Kylie at Queenie Padilla

Published

on

By

Sa Instagram post ay ibinahagi ni Mariel Padilla ang isang cute na bag na kulay pink na may caption na, “Cutie in Toledo, but the point is, need pa bang picturan?”

Nagkomento naman ang isang netizen kung bakit hanggang ngayon ay ‘Tita’ at hindi pa rin ‘Mama’ ang tawag sa kanya nina Kylie at Queenie Padilla, ang mga anak ni Robin Padilla kay Liezl Sicangco.

Aniya, “Mariel, bakit Tita pa rin tawag sayo nina Kylie at Queenie? Hindi ba Mama??? @mareltpadilla”

Prangka naman itong sinagot ni Mariel; “My mama po sila.”

Samantala, ibinahagi naman ni Mariel ang nakatutuwang katotohanan tungkol sa mga apelyido ng kanyang mga anak na may prefix na, “De.”

Sa kanyang Instagram post ng larawan ng kanyang mga anak sa Plaza de Padilla sa Toledo, Spain ay makikita sina Isabella at Gabriela na nag-pose sa harap ng rebulto ni Juan de Padilla.

Ayon sa celebrity mom, marami siyang natatanggap na tanong kung bakit may “De” sa apelyido ng kanyang mga anak.

Ibinunyag ni Mariel na request umano ito ni Robin Padilla para parangalan ang kanilang mga ninuno. Ito rin ang dahilan kung bakit dinala niya ang kanyang mga anak sa Toledo.

“Most people ask me why my kids have “De” in their last name. It was Robin’s request when I was pregnant to honor their ancestors. Juan De Padilla is a spanish missionary, a leader in the Castilian war and a true revolutionary.

“I brought my kids to Toledo just for this photo (and also to do laundry). [So] now you know why Robin is the way he is… nasa dugo talaga nila ang pagiging Rebolusyonaryo.”

“Revolt of the comuneros maraming maraming salamat babe. Napakahalaga sa akin nito asawa ko @marieltpadilla,” komento ni Robin.

Kamaikailan lamang ay dinala rin ni Mariel ang mga anak sa monumento ni Rizal.

Continue Reading

celebrity

‘Si Kris daw, ipinagbibilin na si Josh at saka si Bimby sa kanyang mga kapatid’ – Cristy Fermin

Published

on

By

Muling pinag-usapan nina Nay Cristy Fermin sa kanyang latest episode ng online talk show ‘Showbiz Now Na!’, kasama sina Romel Chika at Morly Alinio, ang tungkol sa health condition ni Kris Aquino.

Inihayag din ni Nay Cristy ang mga pekeng impormasyon na sumakabilang-buhay na si Kris.

“Kailan lang lumutang ‘yung balita na patay na siya. ‘Di ba, lahat tayo naligalig? Ako naman ang feeling ko naman diyan, baka naman po pupuwede na tanggalin po muna natin sa ating puso at isip ang pagwi-wish ng kamatayan ng ating kapwa,” ani Cristy.

Hinimok din ni Cristy ang mga detractors ni Kris na tulungan ang Queen of All Media na maka-recover sa pamamagitan ng pagdarasal para sa kanya.

“Ako aminado ako, pinipitik ko si Kris pagka hindi ako sang-ayon sa kanyang mga ginagawa. Pero ilang ulit na nating sinasabi, ilang buwan na tayong humihiling ng panalangin, hanggang sa mga columns natin. Sana naman po, tulungan natin si Kris na makasalba sa pagkakataong ito.”

“Hanapin po natin sa ‘ting isip at puso ang pagmamahal sa isang kapwa tao, tutal naman po kapag siya ay nakasalba dito sa pagkakataong ito, makikita po natin, maganda ang kalalabasan ng kanyang mga anak, ng kanyang pamilya.”

Gayunpaman, Iginiit ng beteranong kolumnista na ipinagkakatiwala na ni Kris ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby sa kanyang mga kapatid kung sakaling hindi maging matagumpay ang kanyang paggaling.

“Ito po ‘yung nakakalungkot. Kwento rin po naman ito mula din sa kanilang pamilya, na si Kris daw, ipinagbibilin na si Josh at saka si Bimby sa kanyang mga kapatid. Kung ano man ang mangyari sa kanya, alam ng kanyang mga kapatid kung ano ang gagawin.”

Higit pa rito, nagpahayag ng awa si Nay Cristy sa mga anak ng Queen of All Media, lalo na kay Josh na may mga espesyal na pangangailangan. “Ako’y naaawa kay Josh at kay Bimby kasi napakabata pa nila para mawalan ng ina kung talagang wala itong kalunasan. Lalo na si Josh, may mga special needs po si Josh.”

Panoorin.

Continue Reading

celebrity

Angelica, naging emosyonal sa natanggap na regalo mula kay Juday

Published

on

By

Hindi napigilan ni Angelica Panganiban na maging emosyonal nang makatanggap siya ng espesyal na regalo mula sa isa sa mga mabubuting kaibigan niya sa industriya na si Judy Ann Santos.

Sa kanyang IG Story, nagbigay ng ilang sulyap ang aktres sa kanyang pregnancy journey. Kasama sa post ang isang collage na ginawa niya kung saan ipinakita niya ang regalong natanggap mula kay Judy Ann, na isa sa mga ninang-to-be ng kanyang baby.

Base sa mga larawang ipinost ni Angelica, tila pinadalhan siya ni Judy Ann ng “Mama Must Haves” kit dahil isa na siyang soon-to-be mom.

“Ang sarap mag-alaga at magmahal ng nag-iisang ate @officialjuday,” ani Angelica sa kaniyang caption bago hayagang inamin na naiyak siya sa regalong natanggap.

Ayon sa aktres, lubos niyang nasisiguro na hindi hormones niya ang dahilan upang siya ay maging emosyonal.

“Sure akong hindi hormones ang nagpaiyak sakin. Talagang nakakaiyak ‘yung care na nakukuha ko mula sayo, ate. Thank you and we super love you, ninang,” aniya.

Kamakailan lamang ay ipinasilip ng aktres ang nursery room ng kanyang magiging anak kung saan nakapinta sa mga walls ang iba’t-ibang sea creatures.

Basahin: Angelica Panganiban shares glimpse of their baby’s room

Nagkaroon ng pagkaklataon si Angelica na makasama ang kaniyang mga kaibigan na sina Maxene Magalona at Glaiza De Castro noong Mayo 18.

Ibinahagi ni Maxene sa kanyang Instagram ang ilang mga larawan nila ni Angelica at Glaiza na kuha sa grace park trip nila. Sa kaniyang caption ay binati niya si Angelica sa pagbubuntis nito at nagpahayag ng kaniyang pananabik na makilala na din ang ‘little Homan’

“Exhibit A: This is what happiness looks like. The baby is now a mommy. Congratulations to @iamangelicap and @gregg_homan! @glaizaredux, @khangkers and I can’t wait to meet the little Homan.”

Makikita naman kung gaano kasaya at ka-blooming ang magkakaibigan para sa soon-to-be-mom na si Angelica.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maxene Magalona (@maxenemagalona)

Continue Reading

Trending