Connect with us

celebrity

Eric Tai sinagot ang judgmental netizens na nag-body shame sa asawa niya

Published

on

Marami pa talaga ang tila hindi pa rin naiintindihan ang katotohanan na ang bawat isa sa atin ay ginawa ng Diyos na unique at espesyal na may iba-ibang katangian, kulay at hugis.

Para sa  mga taong mapanghusga, ang mga may katawang sobrang taba o sobrang payat ay para bang walang puwang sa lipunan.

Tulad na lang ng ginawa ng ilang netizens sa asawa ng Filipino-Tongan actor-athlete na si Eric Tai.

Image from Eric Tai

Masayang nag-post noong Pasko sa Instagram at Facebook si Eric Tai ng larawan nila ng asawa at anak para batiin ang lahat ng  Merry Christmas.

“From the bottom of my maskels, a safe and blessed merry Christmas to your family from mine,” post ni Eric na nakilala sa tawag na “Eruption” nang maging isa siya sa mga hosts ng noontime show na “It’s Showtime.”

Pero sa kabila ng pagnanais niya na maghatid ng Christmas cheers sa kanyang mga followers, ilang netizens ang nag-body shame sa asawa niyang si Rona, na isang plus-size model.

“Why bro, you can advise someone who can work out, but your wife you can’t teach her to be fit.”

“Pag-exercisesin mo naman ‘yung asawa mo, lods. Idamay mo naman siya sa pagka-healthy mo.”

 Malumanay na sinagot ni Eric Tai ang mga judgmental na netizens at buong pagmamalaki na sinabing isa sa most sought-after plus-size models sa Pilipinas ang kanyang asawa.

“She’s one of Philippines most sought-after plus-size model. Actually one of the best. You’ll see her on Avon, HnM, Cosmopolitan, SM & many more advertisements, prints and commercials,” sagot ni Eric sa netizen.

Image from Eric Tai

Sa isa pang hiwalay na post, sinabi niya na “‘Pag mataba ka, hindi ibig sabihin unhealthy ka,”

Maraming social media users ang pumanig kay Eric Tai at nagpaalala na hindi tama ang body shaming.

Maging si Rona ay nag-post din sa kanyang Instagram account tungkol sa insidente. Sinabi niya na kahit  maghapon siyang i-body shame ay hindi siya naaapektuhan.

Heto ang buong mensahe niya:

To everyone that body shamed me on my husband’s recent Christmas post. My prayer for you is to find true & unconditional love. Not just from your significant other, but also from yourself.

Love yourself enough even if you’re going through something that you will see it’s beauty and strength despite it’s imperfection.

Know that you can body shame me all day long, but sweetheart, that don’t phase me!

Image from Rona Tai

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrity

Nadine Lustre nag-trending matapos nitong muling magpakita ng suporta sa Leni-Kiko tandem

Published

on

By

Ang singer, model, endorser, dancer at aktres na si Nadine Lustre ay muling nagpakita ng pagsuporta sa tandem nina presidential candidate VP Leni Robredo at vice presidential candidate Senator Kiko Pangilinan sa pamamagitan ng kaniyang My Story sa Instagram  nitong Enero 18, 2022.

Certified ‘kakampink’ na talaga ang aktres? Makikita sa kaniyang Instagram story post ang kuhang larawan ng Leni-Kiko tandem sa isang bahagi ng gusali.

Kamakailan ay iniulat ng The Philippine Star via Twitter na inihayag ni Nadine ang pagsuporta sa kanyang piniling iboboto sa darating na halalan 2022.

“You can support who you wanna support. And you shouldn’t be afraid to say it to people. And if you wanna support someone, you do it all the way. It’s like, why would you be ashamed of your picks,” saad ni Nadine.

Gayunpaman, sinabi ng aktres na hindi niya pipilitin ang sinuman na bumoto ng napipisil niya o ng iba. Aniya, kahit sino ay maaaring suportahan kung sino ang gusto nila.

As of this writing ay trending si Nadine sa Twitter.

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizens:

“Nadine Lustre is currently trending after showing support for VP Leni Robredo’s presidential candidacy!”

“Nadine Lustre, sending out a pink heart for all the kakampinks out there. QUEEN. #LetLeniKikoLead2022.”

“Stan the kweeen!”

“President Nadine Lustre has spoken. She is a certified Kakampink. Thank you for your support, @hello_nadine!”

“A Queen for A Queen. Nadine Lustre using her platform. Even the smallest way helps.”

Samantala, umani rin ito ng batikos mula sa mga netizen na sumusuporta sa ibang kandidato o partido.

“Luh? May nagkakalat na naman pong starlet na palaos na!”

“Canceled! Okay next!”

“Naku dear, may pelikula ka pa naman… gusto mong langawin?”

“From our DENR Secretary (kuno) Nadine Lustre. Clap! Clap! Clap! Dahil diyan, lalong hindi ko iboboto ‘yan!”

Totoo naman na kahit sino ay may karapatang mamili at bumoto ayon sa kanilang napipisil na kandidato. Ito ‘yung tinatawag na respeto sa iyong napili at sa napili ng iba.

Sa ngayon ay maraming nagtatalo-talo kaugnay sa mga kandidatong kanilang pinili. May tinatawag pa ngang ‘cancel culture’ kung saan ang isang celebrity o brand, halimbawa, ay binoboycott kapag hindi lapat sa sinusuportahan ng ilang grupo.

Ang Eleksyon 2022 ay nakatakda sa Mayo 9, 2022.

Kamakailan ay nagbigay ng tulong sa mga survivors ng bagyong Odette si Nadine at nagpa-install pa ng solar panel para sa mga residente ng Brgy. Malinao, Siargao.

 

Continue Reading

celebrity

‘Saksi lahat ng uban ko sa mga role ko sa buhåy’: Karla Estrada masaya at proud sa mga white hair niya

Published

on

karla white hair

Kung naaaburido ang iba sa tuwing nakakakita ng puting buhok lalo na kung hindi pa naman ganoon katanda, ang aktres na si Karla Estrada ay masaya at proud pang ipinakikita ang mga white hair niya

Sa Instagram, ibinahagi ng actress-host ang isang selfie kung saan ngiting-ngiti siya at halatang masaya. Dito, sinabi niya na maging siya ay napapansin na ang mga puting buhok niya. Gayunman, imbes na mainis o malungkot sa senyales na ito ng pagtanda, mas pinipili niyang ngumiti at ikarangal ang pagbabagong ito dahil saksi raw ang mga uban sa mga papel na ginampanan niya sa buhay bilang isang single mother at artista.

karla white hair

“I am mama, mommy, mudra, momshie, nanay, Mother Nature, Queen Mother, and tatay din! Saksi lahat ng uban ko sa mga role ko sa buhay! At nakuha ko pang ngumiti? Why not? Life is beautiful and so are we!” saad niya sa caption.

Sa isang episode ng Toni Talks kamakailan, binalikan ni Karla ang mga pinagdaanan nila ng kanyang panganay na si Daniel Padilla at ng mga kapatid nito; kabilang na noong panahong nawalan sila ng kuryente at kinailangan nilang magpaypay sa gabi.

Aniya, ginigising niya si Daniel noon dahil toka na niyang magpaypay sa mga kapatid niya. Narinig niya raw na humikbi ito, bagama’t hindi niya tinanong kung bakit.

karla white hair

“Pagkatapos niya magpaypay, tumalikod, gumanun na siya pero narinig kong humikbi,” aniya. “Hanggang ngayon ‘di ko naman alam kung bakit kasi ayokong tinatanong ‘yong anak ko ng ikalulungkot niya. Parang gusto ko lang matatag siya kasi kuya siya. Hindi ko pinansin pero narinig ko. Humikbi lang siya, ako ngumangawa.”

Pero ngayong malaki na ang ipinagbago ng buhay nila, masasabi raw ni Karla na malaking bagay din ang mga pinagdaanan nila ng kanyang mga anak sa kung sino sila ngayon bilang tao.

karla white hair

Continue Reading

celebrity

Solenn Heussaff, preggy with Baby #2 na nga ba?

Published

on

By

Napaisip ang followers ng celebrity na si Solenn Heussaff matapos nitong magbahagi ng isang larawan sa kanyang Instagram account. May Baby #2 na kaya soon?

Ang ibinahagi niyang larawan ay may caption na: “Fun days with you. Love this leotard from @bumpsuit, so easy to wear and also stretches if you get preggo!”

Napansin ng netizens na tila nakapang-maternity na kasuotan ang aktres habang buhat ang anak na si Thylane sa kanyang Instagram post.

Hindi napigilan ng kanyang mga followers na magpahayag sa comment section ng kanilang sapantaha kaugnay sa larawan. Nagpo-promote lang kaya siya ng @bumpsuit o sadyang nagbibigay na siya ng hint na another #BabyBolz is on the way?

“I assume that you just simply announced that you’re pregnant.  Congrats in advance if true.. Ate na si Tili ” – altheajoy0729

“Yehey another baby, keywords: bumpsuit and preggo” – helloac

keyword PREGGO,” switzluv214

Marami rin sa kanila ang nagsimulang bumati kay Solenn:

“Congratsss!!!???” – bhuds

“OMG!!!! I can’t with another Tilibolz or a boy version of her if ever this is true” – sunnysideup

Hindi pa naman kinukumpirma ni Solenn kung totoo nga ba na magkakaroon na sila ng baby #2 ng asawa niyang si Nico.

Noong 2012 nagsimulang makipag-date si Solenn kay Nico na isang negosyanteng Argentine.

Noong Disyembre 2014, inihayag ni Solenn ang kanilang relasyon ni Nico.

Ikinasal ang dalawa noong Mayo 21, 2016, sa Combourg, France. Noong Agosto 2019, inihayag niya ang kanyang pagbubuntis sa pamamagitan ng Instagram.

Isinilang niya si Thylane Katana sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig noong Enero 1, 2020. Nitong simula ng taon ay sa France nila ipinagdiwang ang ikalawang kaarawan ni Tili.

Continue Reading

Trending