Connect with us

News

Roque inaming sumama ang loob matapos hindi i-adopt ng isang presidentiable

Published

on

Screenshot mula sa Facebook video| Harry Roque

Inamin ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na sumama ang kaniyang loob sa isang presidential candidate matapos siyang ‘isnabin’ nito at hindi isama sa kanilang senatorial lineup.

Si Roque ay tumatakbo ngayon sa pagkasenador at sinusuportahan ang kandidatura ni dating Senador Bongbong Marcos dahil ito lang umano ang nag-alok sa kaniyang maisali sa kanilang Senate slate.

“Wala namang ibang partido na nag-offer na i-adopt ako. Tanging sila lang ang nag-offer na mag-adopt,” bahagi ni Roque sa panayam ng OneNews PH.

Ayon pa sa dating Malacanang official, hindi siya inimbitahan ng isang presidentiable dahil sa pangamba ng epekto ng kaniyang pagiging dating tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“In fact, mayroon nga akong sama ng loob diyan sa ilang mga presidentiable, akala ko ia-adopt nila ako pero ang sabi nila, ‘presidential spokesperson ka kasi kaya mahirap kang i-adopt’,” ani Roque.

Hindi na itinago ng dating human rights lawyer na nasaktan siya dahil hindi siya inalok ng naturang presidentiable gayung itinuturing niya itong isang malapit na kaibigan.

“Actually masama ang loob ko talaga doon sa isa kasi noong panahon na siya ay mahirap ang kalagayan, ako lang ang nagsalita para depensyahan siya. Ganyan ako talaga maging loyal sa ating mga kaibigan. Maski nag-iisa akong nagsasalita at lahat ng tao ay iniiwasan siya, ginawa ko yun,” kuwento pa ng abogado.

Tumanggi naman ito na pangalanan ang kaniyang tinutukoy na kandidato sa pagka-pangulo. Aniya, sabihin na lang na sa lahat ng presidentiables, ito ang itinuturing niyang pinakamalapit sa kaniya.

“Kaya nga po nagulat ako na wala man lang offer to adopt me. Masakit po yun,” dagdag pa ni Roque.

Nang tanungin kung ang tinutukoy niya ay si Senador Manny Pacquiao, na kandidato ng PDP-Laban Pimentel wing, hindi umano ang Pambansang Kamao ang kaniyang sinasabi.

Ang isa pang kandidatong malapit sa Malakanyang ay si Senador Bong Go subalit nagdeklara na itong aatras na bilang kandidato sa pagkapresidente.

News

Lolo Narding tatlong beses humingi ng paumanhin sa caretaker, batay sa record ng barangay

Published

on

By

Hindi lamang isa kung hindi tatlong beses pa umanong humingi ng paumanhin si Lolo Narding sa caretaker ng lupang kinatatayuan ng kontrobersiyal na punong mangga.

Ito ay kung pagbabatayan umano ang record ng barangay, ayon sa ulat ng Inquirer.

Nauna nang sinabi ng caretaker ng lupa na si Robert Hong na handa siyang iurong ang reklamo laban kay Lolo Narding kung aaminin ng matanda ang kasalanan at mag-public apology ito na hindi pa raw nangyayari hanggang ngayon.

Subalit base sa record umano ng Barangay Bantog kung saan nagharap ang dalawa, unang humingi ng paumanhin si Lolo Narding noong Abri 26, 2021, isang araw matapos siyang akusahan ni Hong ng pagnanakaw ng manga at pagbebenta nito sa isang buyer.

Ayon umano sa transcript ng pag-uusap ng dalawa sa harap ng mga opisyal ng barangay, sinabi ni Lolo Narding na binayaran lamang siya ng P600 ng buyer para sa 10 crate ng mangga; malayong-malayo raw sa presyong dapat ay P1,200 bawat crate.

Inamin rin dito ng 84-anyos na matanda na napilitan lamang siya sa naturang sitwasyon at humingi ng paumanhin kay Hong.

Muli raw humingi ng paumanhin si Lolo Narding sa ikalawang pagkakataon sa nasabi ring meeting nila nang araw na iyon.

Noong Mayo 6 ay muling nagharap ang dalawa sa barangay at humingi ulit ng paumanhin si Lolo sa caretaker ng Lupa. Turan pa umano nito, “Bakit hindi nila ako mapatawad?” sa salitang Pangasinan.

Tuluyang sinampahan ni Hong ng reklamong pagnanakaw at trespassing si Lolo Narding noong Mayo 13, 2021 sa 7th Municipal Circuit Trial Court ng Asingan-San Manuel.

Nitong Enero 13, 2022, isinilbi ng Asingan police ang warrant of arrest laban kay Lolo Narding.

Nag-viral sa social media ang pagkakakulong sa matanda at umani ito ng simpatiya sa maraming netizens na naawa sa kaniyang sinapit, habang marami naman ang nagalit sa caretaker na nagsampa ng reklamo.

BASAHIN: Lolo Nardo binigyan ng negosyo ni Wendell Ramos

Pansamantala nang nakalaya si Lolo Narding matapos makapagpiyansa noong Enero 20, subalit ang arraignment para sa kaniyang kaso ay itinakda sa ika-8 ng Pebrero.

Continue Reading

business

Informant ibinahagi kung paano nila nakuha ang OTP ng ilang kliyente ng BDO

Published

on

By

Idinetalye ng informant ang paraan kung paano sila nagkaroon ng access sa OTP (one-time password) ng mga kliyenteng apektado ng BDO hacking noong nakaraang Disyembre.

Sa panayam ng GMA News, isiniwalat umano ni ‘Alex’ na siya ang gumawa ng ‘text blast’ na ipinadala sa mahigit 700 kliyente ng BDO. Si Alex din ang nagbigay ng impormasyon na nauwi sa pagkakahuli ng apat na suspek noong isang araw.

Kuwento ng impormante, sa message link na ipinadala nila ay doon naglogin ang mga account holder gamit ang kanilang username at password.

“At the same time meron na po kaming OTP nung depositor, kumbaga hindi na po papasok sa kanya yung OTP, kundi sa panel na po namin,” lahad ng informant.

Inamin din ni Alex na kasama siya sa gumawa ng ‘Mark Nagoyo’ account na siyang ginamit ng mga hacker para itago at ibili ng cryptocurrency ang milyones na kanilang nanakaw.

Tinaon umano talaga nila na sa buwan ng Disyembre gagawin ang hacking dahil maraming OFW ang nagpapadala ng pera sa kanilang pamilya sa Pilipinas.

“Alam po namin na mas maraming depositor yung sa month ng December kasi po magpa-Pasko at Bagong Taon. Mas marami pong depositor si BDO sa ibang bansa po like OFW (Overseas Filipino Workers),” wika nito.

Inamin din ng isa pang naaresto, na isang babae, na isa siya sa kumakausap sa mga kliyente ng bangko para makuha ang kanilang OTP.

Samantala, patuloy na sinusuri ng National Bureau of Investigation  (NBI) ang mga gadgets na nasamsam nila mula sa apat na kataong naaresto para mas maintindihan nila umano ang operasyon.

BASAHIN: 4 kataong umano’y sangkot sa BDO hacking noong Disyembre, nahuli na

Bukod dito, magagamit rin daw ito para mas lalo pang mapalakas ang security ng ating financial institutions.

Buong ulat ng GMA News:

Continue Reading

News

Kampo ni BBM naniniwalang biased kontra Marcos si Jessica Soho; GMA Network naglabas ng pahayag

Published

on

By

Ipinaliwanag ng kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos ang desisyon nitong hindi lumahok sa presidential interview ni Jessica Soho.

Naniniwala raw silang biased kontra mga Marcos ang host kaya ang mga ibabato umano nitong tanong ay hindi papabor kay Bongbong.

“The reason why Bongbong Marcos decided not to join the Jessica Soho show is founded on our belief that the hostess of said popular talk show is biased against the Marcoses, and therefore, we believe her questions will just focus on negativity about BBM which the UniTeam dislike,” sabi ni Atty. Victor Rodriguez, ang spokesman at chief of staff ni Bongbong.

Hindi raw masusukat ang kakayahan niyang maging presidente sa pagdalo sa isang show, lalo na kung may “preconceived judgment” ito laban sa kanilang pamilya.

Gayupaman, patuloy raw na ipararating ni Bongbong ang kaniyang plataporma sa pamamagitan ng pagdalo sa iba pang show at forum.

“Presidential aspirant Bongbong Marcos’ duty is to the Filipino people and not to a particular tv show or program host. We will continue with our way of communicating direct to the people in so many equally significant shows, platforms, and forums where all the attendees are allowed to present their visions, plans, and platforms freely, unfiltered and unhindered by any biases,” dagdag ni Atty. Rodriguez.

Samantala, sa pahayag ng GMA ay sinabi nilang si Soho ang isa sa mga most trusted media personality sa bansa dahil sa pagsunod nito sa GMA News and Public Affairs ethos na “Walang Kinikilingan, Walang pinoprotektahan, Serbisyong Totoo Lamang.”

“This same ethos has guided Ms. Soho and the whole GMA News and Public Affairs organization, which is the most trusted media organization in the Philippines, according to the University of Oxford/Reuters Institute for the Study of Journalism,” saad sa kanilang pahayag.

Naniniwala rin daw silang mahalagang magkaroon ng ganitong uri ng mga diskusyon upang tulungan ang mga mamamayang magdesisyon kung sino ang karapat-dapat iboto sa darating na halalan.

“We believe that this is an important exercise to inform the public about the candidates seeking their votes in Eleksyon 2022, to help them make the best, most informed choice on their ballots.”

Continue Reading

Trending