Connect with us

celebrities

‘Magandang influence’ umano si Herbert kay Ruffa, ayon kay Anabelle Rama

Published

on

Imahe mula sa Philnews

Tila boto si Anabelle Rama kay dating Quezon City Mayor Herbert Bautista para sa kaniyang anak na si Ruffa Gutierrez; ito ay kung pagbabasehan ang reaksyon ng mataray na beteranang aktres at talent manager tungkol sa pagkakaugnay ng dalawa.

Ito ay matapos ang pahayag ni Bistek tungkol sa estado ng kaniyang lovelife at kung si Ruffa nga ba ang kaniyang girlfriend ngayon.

Imahe mula sa Okayy.net

“Sige, ganito na lang. Alamin n’yo muna kay Tita Annabelle kung ano ang gusto niya para kay Ruffa. Ganoon na lang muna. Kayo na lang muna ang magtanong sa kanya,” sagot ng actor-politician sa pangungulit ng mga vloggers sa kaniya.

“So after this, puntahan n’yo si Tita Annabelle para malaman n’yo kung ano ang gusto niya para kay Ruffa,” dagdag pa ng dating alkalde na ngayon ay tumatakbong senador.

Nakarating naman agad ito kay Anabelle matapos sabihin sa kaniya ng publicist na si Jun Lalin ang katanungan ni Herbert.

Imahe mula sa The Filipino Times

“Gusto ko si Herbert dahil mabait siya. Guwapo at bright. Medyo maliit lang, pero okey lang,” diretsahang sagot umano ng nanay ni Ruffa.

“Magandang influence si Herbert kay Ruffa. Si Herbert ang nagsabi kay Ruffa na dapat tapusin niya ang college, kaya nag-enroll si Ruffa. Nag-aaral siya online at next year, matatapos na,” patuloy na kuwento nito.

Bukod dito, ang sipag daw ngayon ni Ruffa sa pag-aaral at tinutulungan siya ni Herbert pati sa pagre-review. Sa katunayan umano, kapag dumadalaw si Bistek sa kaniyang anak ay may dala itong mga libro para tulungan si Ruffa sa paggawa ng homework.

Imahe mula sa ABS-CBN News

“Sino ba ang hindi matutuwa. Kaya nga kami, nagsu-support talaga sa kandidatura ni Herbert sa pagkasenador!” wika ni Anabelle.

Sa kabila nito, wala pang kumpirmasyon mula kina Herbert at Ruffa kung mayroon na nga silang relasyon ngayon.

Kung matatandaan, naging kontrobersiyal pa ang tweet ni Bistek tungkol kanyang TOTGA (the one that got away) na hinala ng maraming netizens ay patungkol naman kay Kris Aquino na naging karelasyon din ng aktor.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

celebrities

Mariel inaming nagselos noon sa ‘bath tub scene’ nina Robin at Kris

Published

on

By

Inamin ni Mariel Padilla na nagselos siya noon sa isang eksena ng kaniyang mister na si Robin at ni Kris Aquino.

Ito ay matapos usisain ng netizens ang TV host-actress kung sino sa mga dating leading lady ni Robin ang kaniyang pinagseselosan.

“Not Ate Kris but the scene!!!” paglilinaw ni Mariel sa kaniyang Instagram stories na may kalakip pang larawan na magkasama ang kaniyang asawa at si Kris.

Pag-amin ni Mariel, immature pa siya noon kaya nahihiya siya sa kaniyang naging reaksyon.

“Kasi may love scene tapos may mga bath tub scene… tapos naka-diet ako tapos immature ako. Tapos nakakahiya kasi nag-react ako,” dugtong nito.

Sa tanong naman kung nagsisisi ba siya sa kaniyang pagseselos noon sa naturang eksena, sagot ni Mariel ay oo daw.

Aniya, “Do I regret it? Yes! Btw, love ate Kris to the max!!!”

Ayon sa Bandera, ang tinutukoy marahil na eksena ni Mariel ay sa Kapamilya teleserye na “Kailangan Ko’y Ikaw” kung saan nakasama ng dalawa si Anne Curtis.

Bago pa ang pag-aming ito ni Mariel, nag-alay ng panalangin si Robin para sa paggaling ni Kris Aquino.

BASAHIN: Robin: ‘Maging ano man ang kulay natin sa pulitika, kailangan natin si Kris’

Sa isang Facebook post nitong Martes, sinabi ni Robin na mahal na mahal nila ni Mariel si Kris bilang isang kaibigan.

Nalulungkot umano siya sa mga lumabas na masasamang balita tungkol sa actress-TV host sapagka’t hindi ito makatutulong sa kalusugan ng huli.

Dahil dito, nag-alay ng dasal ang aktor para sa kapatid ng yumaong Pangulong Noynoy Aquino.

“Ang aking salmo ay mabigyan ng pahinga ang kaisipan at damdamin ni Ms. Kris para siya ay makabawi at makabalik sa kanyang lakas,” wika ni Robin.

“Maging ano man ang kulay natin sa pulitika, kailangan natin si Ms. Kris,” dagdag pa ng binansagang ‘Bad Boy’ ng pelikulang Pilipino.

Continue Reading

celebrities

Vice Ganda may ‘power’ na magdesisyon para sa ‘It’s Showtime’?

Published

on

By

May ‘say’ umano si Vice Ganda sa mga desisyong ginagawa sa kanilang noontime show na ‘It’s Showtime’, ito ang ibinahagi ni Ogie Diaz.

Ani Ogie, may nakapagsabi sa kaniyang isang source na isa si Vice Ganda sa kinukonsulta o pinagkukunan ng desisyon kapag may bagong programa o segment silang ipapasok sa ‘It’s Showtime’.

“Actually ang alam ko, e, binigyan ng power si Vice na magdesisyon para sa show or magkonsulta sa kanya ang mga staff,” kuwento ng talent manager sa kaniyang co-host na si Mama Loi sa kanilang ‘Ogie Diaz Showbiz Update’.

Pakli naman ni Mama Loi, lumalabas na parang ‘creative consultant’ ng programa si Vice Ganda. Subalit ayon naman kay Ogie, BUH o ‘business unit head’ ang dating nito sa kaniya.

Sang-ayon naman dito si Ogie. Aniya, mas nakakahiya umano kapag ang kukunsultahin ay isang wala pa namang napatunayan sa showbiz.

“Nakakahiya naman kung kukunsulta ka sa hindi naman panalo sa show, so, siyempre doon ka kokonsulta sa tao na una tinitingala sa show, pangalawa, ‘yung source of energy ng show pinaghuhugutan nila,” paliwanag ng showbiz writer.

“Kasi sa totoo lang matalino naman ‘yang baklang ‘yan! In fairness to him kapag sa meeting-meeting ang dami niyang baon, doon niya naibubuhos,” dagdag pa ni Ogie.

Napag-usapan nina Ogie at Mama Loi si Vice Ganda matapos sabihin ni Lolit Solis na nagpa-power tripping umano ang sikat na komedyante sa ‘It’s Showtime’. Dahil dito nagparinig si Vice tungkol sa hindi magandang ginagawa raw ng mga ‘Marites’ na tila ang pinatatamaan ay si Lolit.

BASAHIN: Jugs sinagot ang post ni Lolit Solis tungkol sa umano’y power tripping ni Vice sa ‘It’s Showtime’

Subalit para kina Ogie, maaaring concerned lamang si Vice sa kanilang show kaya nasaktan ito sa sinabi ni Lolit. Wika pa ng dalawa, nagmamalasakit lamang ang comedian-host kaya iniisip nito ang lahat ng makabubuti sa kanilang programa.

Panoorin ang buong talakayan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa ‘Ogie Diaz Showbiz Update’ vlog:

Continue Reading

celebrities

Robin: ‘Maging ano man ang kulay natin sa pulitika, kailangan natin si Kris’

Published

on

By

Nag-alay ng panalangin si Robin Padilla para kay Kris Aquino na ngayon ay humaharap sa mabigat na pagsubok sa kaniyang kalusugan.

Bukod sa kaniyang health condition, hindi rin tinitigilan si Kris ng mga bashers at mga tsismis tungkol sa kaniyang personal na buhay.

BASAHIN: Kris sa mga nagpapakalat na wala na siya: ‘Sorry pero ilalaban pa na mapahaba ang oras ko’

kris

Sa isang Facebook post nitong Martes, sinabi ni Robin na mahal na mahal nila ni Mariel ang tinaguriang ‘Queen of All Media’ bilang isang kaibigan.

Nalulungkot umano siya sa mga lumabas na masasamang balita tungkol sa actress-TV host sapagka’t hindi ito makatutulong sa kalusugan ng huli.

“Batid ko na ang pulitika ay walang patawad at wala nang makapagpapabago don. Hindi ko rin hinihingi ang awa dahil walang awa sa pulitika, ipinanganak nga ito sa ating bayan na nakabalot sa dugo ni Andres Bonifacio,” ani Robin.

Dahil dito, nag-alay ng dasal ang aktor para sa kapatid ng yumaong Pangulong Noynoy Aquino.

“Ang aking salmo ay mabigyan ng pahinga ang kaisipan at damdamin ni Ms. Kris para siya ay makabawi at makabalik sa kanyang lakas,” wika ni Robin.

BASAHIN: Robin Padilla, nakiusap sa mga kritiko ni Kris Aquino na magpakatao

“Maging ano man ang kulay natin sa pulitika, kailangan natin si Ms. Kris,” dagdag pa ng tinaguriang ‘Bad Boy’ ng pelikulang Pilipino.

Hindi rin umano mabubuhay ang demokrasya sa bansa kung walang oposisyon, at si Kris lamang daw ang maituturing ngayong ‘mukha ng tunay na oposisyon’.

Bukod dito, ani Robin, kailangan pa ang aktres ng kaniyang dalawang anak na sina Joshua at BImby.

“Kailangan natin ang tunay na oposisyon para manatili sa direksyon ang administrasyon,” ayon pa sa aktor.

Si Robin ay kilalang kaalyado ng administrasyon at masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte. Siya ay kumakandidato ring senador sa susunod na halalan.

Samantala, si Kris naman ay isang ‘dilawan’; ang kolokyal na tawag sa mga tagasuporta ng pamilya Aquino. Hayag na rin ang kaniyang pagsuporta kay VP Leni Robredo, ang kandidato ng oposisyon.

Continue Reading

Trending