Connect with us

News

Panukala na maaaring panatilihin ng married women ang kanilang maiden surname pasado na sa Kamara

Published

on

Ikinatuwa ng mga kababaihan ang ginawa ng House of Representatives na magkaroon ng malinaw na legal provision na maaari nang panatilihin ng isang married woman ang kanyang maiden surname o ang apelyido sa pagkadalaga.

Image from Pexels

Noong Miyerkules, ika-1 ng Disyembre, ay inaprubahan na ng mababang kapulungan ng Kongreso sa  ikatlo at pinal na pagbasa ang House Bill 10459 na nagnanais na bigyang kalinawan ang Article 370 ng Republic Act (R.A.) 386 na kilala bilang Civil Code of the Philippines.

Sa kasalukuyan, sinasabi sa Civil Code of the Philippines na maaaring gamitin ng isang ikinasal na babae ang kanyang 1) maiden first name at surname at idadagdag ang surname ng napangasawa, 2) maiden first name at surname ng asawa, 3) Buong pangalan ng mister, pero ilalagay ang prefix na “Mrs.”

Sa ilalim ng House Bill 10459 o tinatawag na New Civil Code of the Philippines ay maaari nang gamitin ng married woman ang kanyang maiden first name at  surname, bukod pa sa tatlong nabanggit sa R.A. 386.

Layon ng panukalang batas na isulong ang pagkakapantay-pantay ng mga kalalakihan at kababaihan sa harap ng batas sa pamamagitan ng pagbibigay  ng proteksyon sa mga karapatan ng kababaihan sa pamamagitan ng pananatili ng kanilang maiden surnames kahit pagkatapos ng kasal.

“Malaking hakbang ito para sa kababaihan, lalo’t hindi natin maipagkakaila na ang pagbabago ng apelyido ng isang babae ay porma ng diskriminasyon sa pagrerelasyon, na tila ba kailangan niyang pantayan ang pangalan ng kanyang asawa,” pahayag ni Representative Arlene Brosas ng Gabriela Women’s Party.

Image from Gabriela Women’s Party

“Pagkilala ito sa identitad ng isang babae na bukod pa sa kanyang asawa, at pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng babae at lalaki sa batas,” ayon naman sa Facebook post ng Gabriela Women’s Party.

Paglilinaw ni Makati City 2nd District Representative Luis Campos, Jr., co-author ng panukalang batas, hindi inamyendahan ng House Bill 10459 ang R.A. 386; bagkus ay nilinaw lang nito ang mga apelyido na maaaring gamitin ng mga kababaihan pagkatapos ng kasal.

“This would empower women since she would now have a clear legal provision stating that they have an option to retain their last name even after marriage,” paliwanag niya.

Image from Pexels

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

News

Gov. Jonvic Remulla sa mga bumabatikos sa pagpanig kay Bongbong Marcos: Everyone is free to choose

Published

on

By

Pinanindigan ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang pahayag na naniniwala siyang nakatadhanang manalo sa pagkapangulo si dating Sen. Bongbong Marcos.

“Maraming letga sa huling post ko kung saan sinulat ko na mananalo si BBM sa Cavite. Maraming letga sa aking pananaw na ginuhit ng tadhana na maging Pangulo si BBM. Maraming letga sa aking impresyon na panahon na ni BBM bilang susunod na lider ng bansa,” ani Gov. Remulla sa isang post.

Sa kabila nito ay pinaninindigan niya raw ang kaniyang paniniwala at hindi raw siya hihingi ng paumanhin sa kahit sino.

“To all those who reacted (special mention to the first time visitors of the page who dropped by just to make their feelings known), let me make one thing clear: I am owning up to my words. I will never apologize to anyone for what I wrote or what I believe is the most likely outcome,” sabi niya.

Basahin: ‘It’s his destiny’: Cavite Gov. Jonvic Remulla naniniwalang mananalo si Bongbong Marcos sa pagkapangulo

Ayon pa kay Gov. Remulla, mahalaga para sa kaniya na marinig ang iba’t ibang panig sa usaping politika. Masaya rin umano siyang makitang marami ang nagmamahal sa bansa.

“I welcome hearing all sides – even with the extreme emotions and expletives. It only proves one thing: We all care about our country. Sa galit at gayak pa lang ay nakikita ko na marami pa rin ang nagmamahal sa bansa,” paliwanag niya.  

“To everyone, thank you very much for the feedback. It gives me a great sense of hope that our love for the country remains steadfast and the virtues we want in our leaders are precise and clear.”

Paalala niya rin, ang bawat isa ay may karapatang pumili ng lider.

“Let the final arbiter be the people. Meanwhile, everyone is free to choose sides. Let’s choose the issues that matter. Most importantly, let us choose our leaders wisely. Every vote counts. For every vote is a win for our democracy. It’s a win for our future.”

Continue Reading

Money

P142-M jackpot sa lotto napanalunan ng mananaya mula Leyte

Published

on

By

Isang mapalad na mananaya sa Leyte ang mag-uuwi ng mahigit P142-M na jackpot prize sa Lotto 6/49.

Sa draw na ginanap nitong Linggo, Enero 16, masuwerteng natamaan ng mananayang taga-Abuyog, Leyte ang lumabas na mga numerong 02-05-04-31-01-46.

Ito ay may kaakibat na premyong nagkakahalaga ng P142,679,606.40, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Binati rin ng PCSO sa kanilang Facebook page ang masuwerteng bettor at pinakabagong milyonaryo.

Bukod dito, 14 na bettors din ang tamang nakahula ng limang numero mula sa anim na lumabas. Sila ay mag-uuwi ng P50,000 kada isa bilang second prize.

Noong nakaraang araw, isa ring bettor mula sa Albay ang nanalo ng jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 na nagkakahalaga ng mahigit P65-M.

Noong Biyernes, Enero 15, ginanap ang bola kung saan lumabas ang mga numerong 39-29-09-21-19-20. Napanalunan ng mapalad na Bicolano ang kabuuang gantimpala na nagkakahalaga ng P65,991,571.

Ang masuwerteng tiket ay binili umano sa Tabaco City, Albay.

Ito na ang pang-apat na beses ngayong buwan na ang jackpot prize ay napanalunan ng nag-iisang bettor.

Samantala, wala namang nanalo sa Ultra Lotto 6/55 na may kasalukuyang jackpot na P49,500,000. Sa bola nito ring Linggo, lumabas ang mga numerong 13 – 34 – 17- 41 – 58 – 53.

Ang premyong mahigit sa P10,000 ay kakaltasan ng 20 porsiyentong buwis bilang pagsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Para sa mga nanalo, maaari lamang silang magtungo sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City bitbit ang kanilang winning ticket.

Continue Reading

News

Lalaking nagpresenta ng fake na RT-PCR test result, COVID-positive pala

Published

on

By

Imahe mula sa Check Point Blog

Isa na namang pasaway na balikbayan ang hindi sumunod sa mandatory quarantine protocol para sa mga umuuwi ng Pilipinas mula sa ibang bansa.

Batay sa ulat ng ABS-CBN News, isang lalaking galing Australia ang nagpumilit na umalis sa kaniyang hotel na tinutuluyan kahit hindi pa lumalabas ng resulta ng RT-PCR test.

Dumating umano sa bansa ang nasabing balikbayan noong Enero 2 at tumuloy sa Lelita Hotel para sa kaniyang mandatory quarantine. Enero 6 naman nang siya ay sumailalim sa RT-PCR test.

Subalit ayon sa management ng hotel, bago pa man lumabas ang resulta noong Enero 7, nagpumilit nang bumaba sa kaniyang kuwarto ang lalaki dahil dumating na umano ang susundo sa kaniyang mga kaibigan.

“Ang sabi niya po, wala daw po siyang pakialam kung ano yung sasabihin, kung ano ‘yung gagawin. Basta lalabas daw po siya,” kuwento ng manager ng hotel.

Nagpadala rin umano ang lalaki sa email ng resulta ng RT-PCR test na negatibo subalit nang kanila itong i-i-check ay pangalan ng babae ang nakalagay.

Bukod dito, lumalabas na nagpositibo rin sa COVID-19 ang nasabing balikbayan nang dumating na ang resulta.

Ayon pa sa management, nang bumaba raw ito sa kaniyang kuwarto ay talagang nagpupumilit at dala na ang lahat ng kaniyang bag na naka-impake.

Dahil dito, napilitan tuloy silang tumawag ng pulis at Philippine Coast Guard dahil hindi na nila makontrol ang lalaki.

Kinausap daw ng mga pulis ang lalaki at pinabalik ito sa kaniyang kuwarto bago ginawan ng blotter report. Kinumpirma rin ng mga awtoridad ang RT-PCR test na unang isinumite ng balikbayan sa laboratory at napatunayan ngang peke ito.

Makaraan ang ilang araw ay sinundo na sa hotel ang pasaway na balikbayan ng mga personnel ng Bureau of Quarantine (BOQ) at dinala ito sa isang pasilidad.

Hindi man lang daw nag-sorry sa kanila ang lalaki nang umalis ito at hindi na nila nalaman pa kung nasaan na ito ngayon.

Noong nakaraang linggo ay laman din ng balita ang dalawang balikbayang babae – na tinawag na ‘Poblacion Girl’ at ‘Massage Girl’ – na hindi sumunod sa ipinatutupad na mandatory quarantine matapos dumating galing sa ibang bansa.

Continue Reading

Trending