Connect with us

politics

Imee sa popularidad ni Bongbong: “We’re surprised we’re back in style”

Published

on

Imahe mula sa Wikimedia Commons

Inamin ni Senador Imee Marcos na hindi nila inaasahan ang patuloy na popularidad ng kaniyang kapatid na si Bongbong sa mga isinagawang poll surveys.

Si Bongbong ay kumakandidato bilang pangulo at patuloy na nangunguna sa mga surveys na inilathala ng mga opinion research firms na Social Weather Station (SWS) at Pulse Asia.

Screenshot mula sa You Tube| Headstart

“Yes, it’s come as an enormous surprise. It’s a huge windfall,” ani Imee sa panayam ng ANC Headstart kamakailan.

Kung magugunita, nanguna sina Bongbong sa pinakahuling resulta ng presidential survey na inilabas ng Pulse Asia noong Disyembre 22.

Malayo ang naging agwat ni Marcos (53%) sa kaniyang pinakamahigpit na karibal na si Vice President Leni Robredo na mayroon lamang 20%.

Imahe mula sa icij.org

“My brother has been working quietly all these years. But the truth is we’ve been out of fashion for such a long time. We’re surprised that we’re back in style,” dagdag pa ng senadora.

Bongbong bilang ‘unifying president’

Naniniwala rin ang mambabatas na magiging ‘unifying leader’ si Bongbong kapag ito ang pinalad na makaupo sa Malakanyang.

“I cannot speak for my brother, but the truth is, so much time has passed. A the end of the day, history will judge us,” bahagi ni Imee.

“And this is a new era. The only way to fight pandemic, to fight climate change, and to finally see economic and social development in the Philippines is really to unify,” patuloy pa nito.

Screenshot mula sa You Tube| Headstart

Si Bongbong ay nahaharap sa ilang disqualification case na isinampa sa Comelec ng mga grupong kontra sa kaniyang pagkandidato.

Ayon sa mga grupong ito, may hindi binayarang buwis nang ilang taon ang anak ng yumaong diktador bukod pa sa iniuugnay siya sa mga pang-aabuso ng rehimeng Marcos noong kapanahunan ng Martial Law.

Nitong nakaraang araw lamang ay naglabas ng dokumento ang kampo ni Bongbong upang patunayang wala itong pagkakautang na buwis sa gobyerno at nabayaran na umano ang para sa mga taong 1982 hanggang 1985.

BASAHIN: Kampo ni Bongbong, iginiit na nagbayad na ito ng kaniyang buwis para sa taong 1982-1985

celebrities

Ex-wife Liezl Sicangco nagpahayag ng suporta kay Robin sa pagtakbo nito bilang senador

Published

on

By

Maraming showbiz personalities ang sumusubok pumasok sa public service sa darating na halalan. Isa sa kanilang pangunahing dahilan sa pakikipagsapalaran sa politika ay upang palawakin umano ang kanilang plataporma sa pagtulong sa iba.

Kabilang sa mga sumusubok sa elective posts sa 2022 ay ang mga kilalang celebrities tulad nina Raffy Tulfo, Jason Abalos, Ejay Falcon, Richard Yap, Angelu de Leon, Nash Aguas, at Dennis Padilla.

Ang action star namang si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla, mas kilala bilang Robin Padilla, ay tatakbo bilang senador sa ilalim ng paksyon ng PDP-Laban sa pangunguna ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Bagama’t pinupuna ng ilan ang kanyang “ambisyon” na makakuha ng puwesto sa senado, mayroon ding mga nagtatanggol at nangangampanya pa para sa kanya.

Isa na rito ang kanyang ex-wife na si Liezl Sicangco, ina ni Kylie Padilla, kung saan nagpahayag ito ng suporta sa dating asawa. Sa kanyang post, makikita siyang may hawak na tarpaulin na naka-print ang mukha ng aktor habang isinusulong ang kanyang senatorial bid sa darating na eleksyon sa Mayo 9, 2022.

Sinabayan pa ng caption na: “Ang tunay na may malasakit sa Filipino. Robin ang senator ko.”

Samantala, sa daan-daang naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) para  sa 2022 senatorial polls, 12 lamang ang mahahalal.

Ang panahon ng kampanya ay magsisimula sa Pebrero 8, 2022, hanggang Mayo 7, 2022. Ang pambansang halalan ay nakatakdang isagawa sa Mayo 9.

 

Si Robin ay isinilang noong Nobyembre 23, 1969 sa Daet, Camarines Norte, at isa sa mga anak ng dating Camarines Norte Vice-Governor at assemblyman Roy Padilla at Eva Cariño.

Kilala bilang “Bad Boy” ng Pinoy movies dahil sa pagganap ng mga gangster roles, gumanap siya ng mga pangunahing karakter sa mga pelikulang Bad Boy, Anak ni Baby Ama, at Grease Gun Gang. Ang tatlo pa niyang kapatid na sina BB Gandanghari (dating kilala bilang Rustom), Rommel, at yumaong Royette, ay pawang mga artista rin.

Continue Reading

politics

Utol ni Pacquiao, si Sara ang inendorso bilang VP; Manny kakausapin ang kapatid

Published

on

By

Tiniyak ni presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao na kakausapin niya ang kaniyang kapatid matapos mapaulat na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang inendorso nito bilang kandidato sa pagka-bise presidente.

Ayon kay Pacquiao, ipinatawag na niya ang kapatid na si Sarangani Rep. Ruel Pacquiao upang hingan ng paliwanag tungkol dito.

Subalit nitong Miyerkules ay sinabi ng Pambansang Kamao na hindi pa niya nakakausap ang nakababatang kapatid.

“Mamaya ko pa tatawagan siya dahil hindi ko pa ma-contact kanina,” ani Pacman sa panayam ng mga mamamahayag.

Susubukan niya umanong kausapin si Ruel, pati na ang isa pang kapatid na si OFW Family Club Party-list Rep. Bobby Pacquiao, tungkol sa pananaw sa pulitika ng kanilang pamilya.

“Kakausapin ko muna sila, kukumbinsihin dahil nakakahiya naman sa ating vice president. Kinuha ko ‘yung bise presidente ko dahil malaki ang tiwala ko, at ‘yung ekspiryensya sa pagserbisyo and’yan,” dagdag pa ng senador.

Si Pacman ay tumatakbo sa ilalim ng partidong PROMDI at ka-tandem niya si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza bilang running mate.

Noong isang araw ay inanunsiyo ng Lakas-CMD na isa si Ruel Pacquiao sa sumusuporta sa kandidatura ni Inday Sara bilang pangalawang pangulo.

“Rep. Pacquiao, Gov. Solon, and the mayors of Sarangani expressed support to the vice-presidential candidacy of Inday Sara,” anang partido sa isang pahayag.

Inamin naman ni Pacman na nagulat siya matapos marinig ang anunsiyo ng Lakas-CMD. Hindi umano siya nakonsulta ng kaniyang kapatid hinggil dito.

“Bilang pamilya at bilang magkapatid ay kailangan naming magkaisa upang matiyak na tuloy-tuloy ang labang Pacquaio-Atienza,” wika pa ng mambabatas.

Continue Reading

government

Pang. Duterte nangakong papangalanan ang ‘most corrupt’, ‘inexperienced’ presidential bets

Published

on

By

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilalabas niya ang ‘baho’ ng ilan sa mga kandidato na tumatakbong presidente sa susunod na eleksyon.

Sa kaniyang ‘Talk to the People’ nitong Lunes nang gabi, nangako ang Pangulo na papangalanan niya kung sino sa mga ito ang ‘masyadong corrupt’ pati na umano ang isang walang kakayahang maging lider ng bansa.

“In due time, I will personally name the candidates, maybe what is wrong with them. Kailangan malaman ng tao because you are electing a president,” paglalahad ni Duterte.

Iginiit rin ng Pangulo na hindi siya namumulitika subalit ginagawa lamang niya ito bilang presidente at dapat ring malaman umano ng mamamayang Pilipino.

Batay raw ito sa mga impormasyong nakararating sa kaniya bilang presidente bukod pa sa kaniyang personal na karanasan at obserbasyon.

Kabilang raw sa nakarating sa kaniya ang isanng kandidato na ‘lasenggo’, mahilig mang-insulto at nagwawala pa kapag nakainom.

Isa rin umano ay ‘masyadong corrupt’ kaya hindi maaaring maging presidente.

“Akala lang kasi ng mga tao malinis pero ‘yung mga nag-transact sa business sa kanya, mga official business, pati yung mga Chinese nagreklamo na na masyadong corrupt daw,” bahagi ng Pangulo.

Mayroon din umanong ‘kulang’ pa talaga sa karanasan at walang kapasidad na mamuno sa bansa.

“Meron dito hopelessly, I think, hindi dapat mag-presidente kasi medyo kulang talaga, kulang na kulang,” anito.

Hindi naman sinabi ng Pangulong Duterte kung kailan niya tuwirang papangalanan ang kaniyang mga tinukoy na kandidato subalit bahala na raw ang mga tao kung maniniwala sa kaniyang mga ibinulgar.

“But if you reject it at ayaw ninyong maniwala, ang masasabi ko lang, bahala kayo. Besides, it’s also your country, it’s not only mine,” dagdag pa nito.

Ilan sa mga kumakandidato ngayon sa pagkapangulo ay sina dating Senador Bongbong Marcos, Vice President Leni Robredo, Senador Ping Lacson, Senador Manny Pacquiao, Manila Mayor Isko Moreno at Labor Leader Leody de Guzman.

Continue Reading

Trending