Connect with us

celebrity

Ivana, nag-birthday sa grandest villa ng hotel na nagkakahalaga ng P1 million per night

Published

on

Super bongga ang birthday ni Ivana Alawi.

Isinelebra lang naman nila ng kanyang pamilya ang espesyal niyang araw sa isa sa mga luxurious villas ng Okada Manila na ang 1 night stay ay nagkakahalaga ng tumataginting na isang milyong piso.

Screenshot from Ivana Alawi’s vlog

Nag-twenty five years old na si Ivana nitong birthday niya na araw mismo ng Pasko, December 25.

Ipinakita niya sa kanyang vlog na pinamagatang “My Christmas + Birthday Surprise” ang yayamaning selebrasyon ng kaarawan niya kasama ang inang si Fatima na mas kilala ngayon sa tawag na Mama Alawi, mga kapatid na sina Amaira, Hashim at Mona.

Kasama rin nilang nag-staycation sa hotel ang manager at road manager ni Ivana.

Noong una, sinabi ni Ivana na nag-book siya ng tatlong kuwarto sa Okada hotel at pinagtatalunan nilang magkakapatid kung sino ang makakasama ni Mona sa kuwarto. Lahat kasi sila ay si Mona ang gustong makasama.

Sabi ng aktres, gagawa raw siya ng paraan kung paano sila magkakasyang lahat sa isang kwarto para makasama nilang lahat si Mona, na pinakabunso sa magkakapatid na isa ring child actress.

“So, nag-decide na kami ang magkasama sa kuwarto lahat na lang kami. Ita-try namin kung kakasya kami…kung ilan. Kasi ang nakalagay dun sa “binook” namin is two persons per room,” sabi ni Ivana.

Screenshot from Ivana Alawi’s vlog

Pagdating sa hotel ay sinabihan sila ng isang hotel staff na in-upgrade na ang kanilang ibinook para hindi na sila hiwa-hiwalay na kuwato.

Ibinigay sa kanila ang grandest villa ng Okada Manila na “Coron Villa” na may laking 1,400 square meters.

Mayroon itong sariling living room, 16-seater dining room with a minibar, state-of-the-art entertainment room, spacious his-and-hers bathrooms na may smart toilets, private garden na may outdoor patios, indoor gym, spa suite with a sauna, at exclusive outdoor swimming pool at jet tub. Lima ang bedrooms nito.

May sarili pang chef ang villa na lulutuin ang anumang pagkain na naisin.

Nagulat si Mama Alawi nang malamang P1 million per night ang bayad sa villa. Dahil dalawang araw sila doon ay two million ang babayaran ni Ivana kaya nagbiro pa ito na dapat walang matutulog para masulit nila ang lahat ng amenities ng Villa Coron.

Screenshot from Ivana Alawi’s vlog

Panoorin ang birthday vlog ng aktres:

 

 

 

celebrity

Kakai Bautista, may paalala sa mga kabataan: “Matuto muna kayong maglaba”

Published

on

By

Nag-post ang aktres-komedyante na si Kakai Bautista sa kanyang Facebook account kung saan sinabi niyang huwag magpakasalaula ang mga kabataan.

Paalala ng aktres sa mga kabataan na nag-iinarteng adult sa social media na matuto munang maglaba ng underwear: “Kahit may katulong pa kayo sa bahay, kayo dapat ang naglalaba nyan. NO TO SALA-ULA,” aniya.

“Kayong mga kabataan, bago kayo mag-aarteng adult sa social media, matuto muna kayong maglaba ng mga panty at brief n’yo,” aniya.

“Tama po miss Kakai Bautista kailangan matuto na ang mga kabataan kahit man lang underwear ay labahan nila…kahit mayaman ka man o mahirap hindi lang sa paglalaba ng underwear matuto ang kabataan dapat sa gawaing bahay din kasi sa totoo lang po marami tamad na kabataan ngaun, puro lang asa sa magulang o lola simpleng gawaing bahay lang pag inutusan mo naka muryot agad si face….peace lang,” kuwento ng isa sa mga followers ni Kakai.

Kasunod ng kanyang pag-post sinabi niyang siya ang naglalaba ng kanyang mga underwear.

“FYI ako ang naglalaba ng mga panties ko. Babad muna tapos banlaw,” aniya.

“Si Lucy minsan taga banlaw. Ayoko kase talaga ipalaba sa iba. Personal hygiene ‘yun eh,” hirit ng komedyante.

“Taas kamay ng mga adult na pero sila paren naglalaba ng underwear nila!” dagdag pa niya.

Bumuhos naman ang mga tugon sa kanyang mga post. Mahigit isang libo ang nagbahagi rin ng kanilang saloobin at may mga larawan pa.

“Kaming mahirap lang idol kayang kaya po namin Yan di lang panty panglahatan sino membro sa bahay salitan lang yan turo ng mama namin saming magkapatid mawala man sila busog raw kmi sa kaalaman at pangaral nila,” komento ng isang netizen.

Sa panahon ngayon ay magandang mulat lalo ang mga kabataan sa mga gawaing bahay para saan man sila mapunta ay hindi sila kawawa na wala silang alam gawin. Sabi nga ng nanay ng karamihan, pag mapupuri ang isang bata – unang mapupuri ang kanyang mga magulang at kung siya man ay mapintasan, una ding mapipintasan ang kanyang magulang sapagkat ‘di niya naturuan ang anak niya habang ito ay bata pa.

Continue Reading

celebrity

Nico Bolzico may pahabol sa ‘sinayang’ post ni Alodia

Published

on

By

Matapos mapabalita ang  hiwalayang Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao noong 2021, ay naging usap-usapan na naman sila dahil sa ‘parinigang’ naganap sa kanilang social media post nitong nakaraang linggo.

Dahil sadyang makuwela ang asawa ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico, tila may sariling entry rin ito.

Ibinahagi naman ni Nico sa kanyang Instagram My Story,  ang larawan na may hawak na hanger na nakapaloob sa damit nito.

“Hi, Ako nga pala ang sinampay mo,” nakakatawang pahabol meme ni Nico. Ibinahagi niya rin ito sa kanyang Facebook wall at tinag pa ako ex-couple.

Nakita ng kaibigang si Wil ang FB post ni Nico at agad naman niya itong ibinahagi sa kanyang Facebook account. “Isang taon na tong meme may pa habol pa! Buset na ito.” Ni-repost din ni Wil ang meme sa kanyang Instagram Stories at may caption na “Dude” na may tatlong emoji reaction.

Matatandaan na ibinahagi ni Alodia sa social media noong Huwebes, Enero 13, ang kanyang larawan na suot ang sleek golden gown, na mula sa isang character ng League of Legends’ na si Leona, para sa Arcane red-carpet event sa California, USA.

“Hi. Ako nga pala yung sinayang mo,” saad ni Alodia sa caption.

Basahin: Viral post ni Alodia Gosiengfiao, patama kaya kay Wil Dasovich?

Maraming ‘marites’ naman ang nagsabing si Will ang pinaparinggan nito. Matapos itong ipost ni Alodia ay marami ang nagtag sa dating nobyong si Wil.

Kinabukasan, Enero 14, nag-post naman si Wil na tila tugon sa “parinig” ni Alodia.

“Hi, ako nga pala yung sinaing mo,” saad sa caption ng Facebook post ni Will habang topless at nakasuot lamang ng apron, at may hawak na rice cooker na naglalaman ng sinaing na kanin.

Basahin: Wil Dasovich may kwelang bwelta sa viral post ng ex-GF; Alodia nagpaliwanag

Matapos ang tila ‘parinigan’ ng dalawa ay maraming haka-haka na nagbalikan daw muli ang ex-couple subalit wala pang kumpirmasyon kung totoo ba ito o hindi.

Nagsimula ang relasyon nina Wil at Alodia noong 2018 at nagwakas ito noong Nobyembre 2021 na ikinagulat ng lahat. Hindi na nila idinetalye pa kung ano ang puno’t dulo ng kanilang hiwalayan.

Marami rin ang nagsasabi na baka may third party umano na naging dahilan ng kanilang hiwalayan, pero sa huli wala pa ring sinasabi kung totoo ba ang ang usaping iyon.

Continue Reading

celebrity

Joshua Garcia trending muli sa TikTok

Published

on

By

Kabago-bago lang sa TikTok ay nag-viral na naman? Ibang klase talaga si Joshua Garcia!

Nag-upload na namang muli ng video ang kapamilya aktor na si Joshua sa kanyang TikTok account at humakot naman ito ng maraming views at shares gaya noong nauna.

Naging mainit na usapin ang aktor sa online world noong Miyerkules, lalo na sa Twitter, nang maglabas siya ng 10 segundong clip ng kanyang pagsasayaw na may caption na: “Call Me,” ayon sa ABS-CBN news.

Tulad ng una niyang TikTok video, dinagsa pa rin ng mga netizens ang in-demand na Kapamilya actor kung saan binansagan na siya ng ilan bilang bagong “TikTok King” ng Pilipinas.

Kaya naman bawat upload ng mga simpleng pagsayaw na video sa TikTok page ay talaga namang naghi-hit agad at bumebenta sa mga followers.

Sa pagtatapos ng video, ipinakita ni Joshua ang kanyang magandang ngiti na kinakikiligan naman ng mga followers nito.

Ang pinakabagong video post ng aktor ay mayroon nang 18.6 million views, 19 na oras lamang mula nang ma-upload ito sa TikTok. Nakakuha na ito ng mahigit 3 milyon likes at 100k shares, as of posting.

Marami namang nagkomento sa kanyang video;

“Hirap ng steps mo joshua first step kailangan pogi.”

“Joshua bigyan mo naman sila ng chance.”

“Pag may new upload talaga ito yanig ‘yung TikTok world eh.”

“Nakangiti na naman akong matutulog”

“Hindi pa nga ako nakakamove-on sa isa mayroon na naman omg more pa.”

Kamakailan ay nag-trending ang kauna-unahang video na ini-upload niya na wala pang kalahating oras ay humakot na ng maramings followers at views.

Naging verified agad ang account ng aktor matapos ang video kung saan ay sinayaw niya ang trending na “Gensing Strip 2002” sa TikTok. Nakapagtala ng mahigit 93.8 milyong views ang naturang video.

Sa ngayon ang kanyang TikTok account ay mayroon nang mahigit 4.4 milyong followers at halos 18 milyon likes.

Kasalukuyang napapanood si Joshua sa primetime teleserye ng ABS-CBN na “Viral Scandal” kasama si Charlie Dizon.

Kamakailan lamang din ay inanunsyo na si Joshua ang magiging leading man  ng aktres na si Jane De Leon sa kanilang upcoming Kapamilya adaptation na “Darna” .

Continue Reading

Trending