Connect with us

celebrity

Ivana Alawi itinanghal na Top YouTube PH content creator ng 2021

Published

on

Bukambibig na naman ang Actress-vlogger na si Ivana Alawi matapos ilabas ng Google Philippines ang Top 10 Pinoy YouTube content creators na ibinatay sa bilang ng vlogs, views, at mga subscribers ng taong 2021.

Ang kanyang kapatid na si Hash Alawi naman ay nasungkit ang 9th spot kaya’t double celebration ang pamilya Alawi.

Umabot sa 14.4 million ang kanyang subscribers sa video-sharing platform na sinimulan niya noong 2018 at kapansin pansin na laging millions ang views ng mga ibinabahaging videos ng maalindog na aktres.

Ang sumunod kay Ivana sa talaan ay si Zeinab Harake na may 11.4M subscribers at ang pumangatlo ay ang  comedienne, businesswoman, host, singer, at actress na si Alex Gonzaga-Morada  na may 11.9M subscribers naman.

Nasa 4th spot naman ang kapatid ni Alex na si Toni Gonzaga para sa Toni Gonzaga Studio na may 4.61M subscribers. Bumenta rin kasi ang ‘Toni Talks’ nito na talaga namang humakot ng atensyon.

Si Donnalyn Bartolome na may 8.45M subscribers naman ang nasa 5th spot at pumang-anim ang Unkabogable Star na si Vice Ganda  na may 6.05M subscribers.

Ang mga nasa 7th to 10th spot respectively ay ang Skusta Clee TV, si Mika Salamanca, si Hash Alawi at ang Cong TV.

Kapansin-pansin na hindi ngayon napabilang sa talaan ng top content creators ang ilang Pinoy vloggers na nasa Top 10 nitong nakaraang taon — sina Ranz Kyle na umabot na sa 14.6M ang subscribers (mas mataas pa kay Ivana), Niana Guerrero na may 14.1M, Jelai Andres  na may 6.76M, Doc Willie Ong  na may 6.73M, at si AkoSiDogie na may 6.49M subscribers.

Umakyat naman sa ‘hagdan’ ang mga vloggers na sina Donnalyn Bartolome, Ivana Alawi, Alex Gonzaga, at Zeinab Harake.

Sina Vice Ganda, Skusta Clee TV, Mika Salamanca, Toni Gonzaga, at Hash Alawi ang mga nag-level up sa Top 10 nitong 2021 pero hindi sila napasama sa talaan ng top 10 noong nakaraang taon.

So surprising naman na si Hash Alawi ang nakaabot sa rank 1 sa Top 10 Pinoy Breakout YouTubers ng 2021. Samantala, mapapansing ang Cong TV ay bumaba naman sa 10th rank mula sa pagiging 6th placer last year.

Sumusunod sa puwesto ni Hash Alawi bilang top Pinoy Breakout YouTubers sina Wilbert Tolentino, Boy Tapang, Andrea Brillantes, MPL Philippines, AJ Raval, Herlene Hipon, Mygz Molino, Bonoy & Pinty Gonzaga, at Luis Manzano.

Meanwhile, narito ang mga lumabas sa Top 10 Trending Videos na pinangunahan ng “Four Sisters and a Welding” at Top 10 Music Videos kung saan ay nasungkit ni Skusta Clee – Lagi (Official Music Video) ang top spot!

celebrity

Alexa Ilacad, nakatanggap ng billboard surprise mula sa kanyang mga tagahanga

Published

on

By

Inilabas ni Alexa Ilacad ang kanyang bagong pop ballad single na “Paano,” isang kanta na isinulat niya noong siya ay nakaranas ng kanyang unang heartbreak. Nang pagdaanan niya umano ang masakit na karanasan noong 2016, isinulat niya sa Notes app ng kanyang cellphone ang lahat ng nararamdaman niya at lahat ng “how’s” na kanyang naiisip.

Bilang suporta, nakatanggap si Alexa ng billboard surprise galing sa kanyang mga tagahanga kung saan naging usap-usapan ito sa social media.

Noong Biyernes, Enero 21, 2022, ibinahagi ng singer-actress kung gaano siya na-speechless matapos malaman na nag-set up ang mga fans nila ni Eian Rances ng billboard sa Pasig City para sa kanyang bagong inilabas na kanta.

“Oh my gosh. YOU GUYS!! I’m speechless.. Thank you! What have I done to deserve this,” tugon ni Alexa sa kanyang mga tagahanga.

Ibinahagi ng AlEian fans sa Twitter ang isang clip ng kanilang billboard kasama ang kanilang mensahe ng pagbati para sa kanilang idolo.

“Congratulations Alexa! We are so proud of you,” saad ng AlEian fans.

Sa isa pang tweet, nagpasalamat si Alexa sa kanyang mga tagahanga sa pagdiriwang ng paglabas ng kanyang bagong kanta.

“Literally crying rn this means so much to me!!! thank you for celebrating with me  so lucky to have you all by my side,” ani Alexa.

Simula nitong Enero 22, 2022 ay makikita na rin sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas ang billboard na ginawa ng ALEian fans para kay Alexa at nagpapasalamat naman dito ang aktres kung saan ay umani ito ng maraming views.

“Once again, I am speechless and blown away by how well you love us, AlEians Exploding head What have we done to deserve this? My heart is overflowing with gratitude Pleading face THANK YOU! Face screaming in fear This is soooo extra- i love it! Wish i could hug you all, but virtual hug nalang muna for now”

Ang kantang ‘Paano‘, ay available na sa Spotify, Apple Music at sa lahat ng digital platforms.

 

Continue Reading

celebrity

YouTube channel ni Ivana Alawi may 1 billion views na

Published

on

By

Isang panibagong milestone na naman ang narating ni Ivana Alawi sa kanyang pagiging vlogger.

Umabot na sa mahigit 1 billion ang total views ng mga video niya sa YouTube sa loob lang ng mahigit tatlong taon. Makikita sa “About” section ng kanyang YouTube channel na nagsimula siya sa vlogging noong May 31, 2018.

May 127 videos na ang nagawa ng aktres at mayroon na siyang 14.8 million subscribers. Ang most viewed video niya ay ang “A Day in My Life” na ginawa niya noong 2019. Mayroon na iyong mahigit 29 million views.

Sumunod naman ang mga sari-saring pranks na milyun-milyon din ang hinakot na views. Ang “Prank on Strangers on the Street” ay may mahigit 23 million views at ang “Na-Prank si Ivana: May BF si Mona” ay may 28 million views.

Hindi na nakagugulat na umabot na sa isang bilyon ang views ng YouTube channel niya dahil ang bawat vlog na ibinabahagi niya ay tinatangkilik ng masugid niyang mga followers sa lahat ng social media platforms.

Ang bawat video na ibinabahagi niya ay umaabot sa mahigit isang milyon ang views.

Noong nakaraang taon, si Ivana ang itinanghal na “YouTube PH Top Content Creator.” Isa sa mga trending video ni Ivana noong 2021 ay ang “Na-Prank si Mama Alawi” kung saan sinurpresa niya ng bagong kotse ang inang si Mama Alawi.

Kabilang sa Top 10 YouTube PH content creators of 2021 sina Zeinab Harake (no.2), Alex Gonzaga (no. 30, Toni Gonzaga (no. 40, Donnalyn Bartolome (no. 5), Vice ganda (n0. 6), Skusta Clee TV (no.7), Mika Salamanca (n0. 8), Hash Alawi (n0. 9) at Cong TV (no. 10).

Nag-number one naman ang kapatid ni Ivana na si Hash sa Top 10 Breakout Creators ng YouTube Philippines.

Kasama rito sina Wilbert Tolentino (no. 2), Boy Tapang (no. 3), Andrea B. (no. 4), MPL Philippines (no. 5), AJ Raval (no. 6), Herlene Hipon (no. 7), Mygz Molino (no. 8), Bonoy & Pinty Gonzaga (no. 9), at Luis Manzano (no. 10).

Continue Reading

celebrity

Kakai Bautista, may paalala sa mga kabataan: “Matuto muna kayong maglaba”

Published

on

By

Nag-post ang aktres-komedyante na si Kakai Bautista sa kanyang Facebook account kung saan sinabi niyang huwag magpakasalaula ang mga kabataan.

Paalala ng aktres sa mga kabataan na nag-iinarteng adult sa social media na matuto munang maglaba ng underwear: “Kahit may katulong pa kayo sa bahay, kayo dapat ang naglalaba nyan. NO TO SALA-ULA,” aniya.

“Kayong mga kabataan, bago kayo mag-aarteng adult sa social media, matuto muna kayong maglaba ng mga panty at brief n’yo,” aniya.

“Tama po miss Kakai Bautista kailangan matuto na ang mga kabataan kahit man lang underwear ay labahan nila…kahit mayaman ka man o mahirap hindi lang sa paglalaba ng underwear matuto ang kabataan dapat sa gawaing bahay din kasi sa totoo lang po marami tamad na kabataan ngaun, puro lang asa sa magulang o lola simpleng gawaing bahay lang pag inutusan mo naka muryot agad si face….peace lang,” kuwento ng isa sa mga followers ni Kakai.

Kasunod ng kanyang pag-post sinabi niyang siya ang naglalaba ng kanyang mga underwear.

“FYI ako ang naglalaba ng mga panties ko. Babad muna tapos banlaw,” aniya.

“Si Lucy minsan taga banlaw. Ayoko kase talaga ipalaba sa iba. Personal hygiene ‘yun eh,” hirit ng komedyante.

“Taas kamay ng mga adult na pero sila paren naglalaba ng underwear nila!” dagdag pa niya.

Bumuhos naman ang mga tugon sa kanyang mga post. Mahigit isang libo ang nagbahagi rin ng kanilang saloobin at may mga larawan pa.

“Kaming mahirap lang idol kayang kaya po namin Yan di lang panty panglahatan sino membro sa bahay salitan lang yan turo ng mama namin saming magkapatid mawala man sila busog raw kmi sa kaalaman at pangaral nila,” komento ng isang netizen.

Sa panahon ngayon ay magandang mulat lalo ang mga kabataan sa mga gawaing bahay para saan man sila mapunta ay hindi sila kawawa na wala silang alam gawin. Sabi nga ng nanay ng karamihan, pag mapupuri ang isang bata – unang mapupuri ang kanyang mga magulang at kung siya man ay mapintasan, una ding mapipintasan ang kanyang magulang sapagkat ‘di niya naturuan ang anak niya habang ito ay bata pa.

Continue Reading

Trending