Connect with us

Philippine Showbiz

Jaclyn Jose aminadong nangungulila sa mga anak

Published

on

Inamin ng beteranong aktres na si Jaclyn Jose na nangungulila siya sa kaniyang mga anak na kapwa malayo sa kaniya.

Ang panganay na si Andi ay may sarili nang pamilya sa Siargao habang ang bunsong si Gwen naman ay nag-aaral sa US.

Imahe mula sa Instagram | Jaclyn Jose

Sa isang panayam sa talent manager na si Ogie Diaz ay sinabi niyang kailangan niyang masanay na mag-isa sa buhay dahil ayaw niyang pigilan ang mga anak na gawin ang mga gusto nila.

“Ayokong pigilan ‘yong mga anak ko sa mga gusto nilang gawin kasi ako, nahawakan, napigilan. Kung anuman yung gusto nilang tahakin, gusto ko silang hayaan. I want them to enjoy life kasi life is short,” pagbabahagi ni Jaclyn.

“So, gustong mag-aral sa States, sige. Gusto ni Andi na manirahan sa Siargao to create a life there, sige [kahit] masakit, malungkot.”

Gayunpaman, hindi naging madali para sa kaniya na payagan agad ang bunsong anak na si Gwen na mag-aral sa ibang bansa. “[Sabi niya]. ‘Nanay, it’s not gonna be forever that I’m gonna be with you so let me live a life,’” pagbabahagi ng aktres.

Imahe mula sa YouTube | Ogie Diaz

Kung minsan daw ay tinatanong siya kung bakit hindi siya nagkaroon ng bagong karelasyon nang sa gayon ay may katuwang siya sa buhay. “Naubusan na kasi ako ng time. Sabi ko, kung magkakaroon ako ng katuwang tapos ‘yong anak kong lalaki, maiilang, hindi bale na lang.”

Ibinahagi rin niya ang karanasan nang minsan ay maospital nang walang kasama. “Nung naospital ako, wala akong ginawa kundi umiyak. Ganito pala, ang hirap mag-isa,” sabi niya pa.

Kaya naman bukod sa nakatutulong ang pagtatrabaho upang malibang siya, ginagawa niya rin ito upang makaipon. “Hanggang malakas tayo, magtrabaho tayo nang magtrabaho kasi baka dumating ‘yong time, hindi na natin kaya. Lalo na kung nag-iisa ako. Sinong mag-aalaga sa akin, lalo na kung hindi ako mag-iipon?”

Malaki naman ang tiwala  ni Jaclyn sa desisyon ng mga anak.

Imahe mula sa Instagram | Jaclyn Jose

“Maaaring tayo ang nagluwal sa kanila, nagbigay ng buhay pero huwag nating kalimutan na may buhay rin sila at may karapatan na ipaglaban kung ano ang sa tingin nila ay tama,” aniya.

“Alam ko pinalaki ko sila nang tama so kung ano man ang magiging desisyon nila, nasa likod lang ako.”

Panoorin ang kabuuan ng panayam sa kaniya rito.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Philippine Showbiz

Bea sa netizen na nagtanong kung kailan siya magpapakasal: ‘It’s not a race’

Published

on

By

Sinagot ng aktres na si Bea Alonzo ang isang netizen na nag-usisa kung kailan niya balak magpakasal at bumuo ng sariling pamilya kagaya ng ilang mga kasabayan sa show business.

Binuksan ni Bea ang kaniyang Instagram para sa tanong mula sa followers at may isa na nagtanong tungkol sa pagpapakasal.

“You are not getting any younger po. When will you get married and have kids like Marian [Rivera], Anne [Curtis], Jennylyn [Mercado], etc?,” sabi ng netizen.

“May taxi? Hahaha,” pabirong sagot ni Bea.

Ipinaliwanag din ng aktres na hindi siya nagmamadali dahil naniniwala siyang may kaniya-kaniyang timeline ang bawat isa.

“Hindi ako nagmamadali. I’d like to take my time. It’s not a race after all. I believe we all have our own timeline.”

Agosto noong nakaraang taon nang kumpirmahin ni Bea ang relasyon nila ni Dominic Roque, ngunit bago ito ay matagal nang usap-usapan ang tungkol dito.

“It just came out naturally. Alam ko na prior to the posting, marami nang haka-haka ang mga tao. It’s not like I was trying to hide it, I think I was just trying to be careful given my past experience. Siyempre, gusto kong masiguro muna kung saan siya pupunta bago siya gawing official,” sabi noon ng aktres sa panayam sa 24 Oras.

Naniniwala rin daw siyang ang pinakamahalagang moments sa relasyon ay ‘yong mga hindi nakikita sa social media.

“Even sa past relationships ko, hindi naman ako super open about it. I think treasured moments ng relationship ay ‘yong moments na hindi nashi-share sa social media. I want to keep it that way,” sabi ni Bea sa parehong panayam.

Samantala, may isang netizen din na nagtanong kung ano ang pinaka-nagustuhan niya kay Dominic.

“The way he loves me. The way he takes care of me. Sarap pala ng inaalagaan,” aniya.

Continue Reading

Philippine Showbiz

Megan, Mikael nagpasalamat sa netizens sa pagpapaalala ng kanilang 2nd wedding anniversary

Published

on

By

Muling nakaligtaan ng mag-asawang Megan Young at Mikael Daez ang mahalagang milestone sa kanilang buhay – ang kanilang ikalawang wedding anniversary.

Sa isang Instagram post ay nagpasalamat si Miss World 2013 Megan sa mga nagpaalala ng kanilang anibersaryo.

“Thank you to everyone else for reminding us because we always forget these things,” aniya.”

Aminado rin ang kaniyang mister na nawala sa isip niya ang mahalagang araw na ito. “On cue, we forgot a major milestone in our relationship once again. Today is our 2nd wedding anniversary! (synchronized face palm from me and Bonez). But then again, this is how we roll and it’s all good in the hood,” sabi ni Mikael.

Nagbahagi rin ang aktor ng larawan ng natutulog na si Megan habang suot pa ang kaniyang wedding dress.

“And just to remind everyone how Boneezy feels about me, you may refer to the second picture in this post. Yes, that is Boneezy, plakda po siya. She has fallen and stayed fallen…in love with me! HAHA! But to be honest, I’m just looking for a cheesy excuse to post that picture,” sabi niya.

“And with that, happy anniversary to us! My only message to Bonez is… I shall do my best to make you stay ‘fallen.’”

Samantala, pangako naman ni Megan, palagi lang siyang nasa likod ni Mikael. “2 years married and 11 years together. I’ve always got your back as you’ve always got mine.”

Marami ang humanga sa simpleng kasal na idinaos nina Megan at Mikael noong January 2020. Unang ikinasal ang dalawa noong January 10 at dinaluhan ito ng 10 mga mahal sa buhay.

“January 10, 2020 was the day we officially sealed the deal. We had an intimate ceremony at Caleruega attended by 10 loved ones. Fofo and I ended up crying during the whole ceremony so please excuse our red noses,” sabi noon ni Megan.

Muli silang ikinasal noong January 25 sa Subic.

Continue Reading

Philippine Showbiz

Andi Eigenmann ibinahagi ang kanyang fitness journey

Published

on

By

Ibinahagi ni Andi Eigenmann sa Instagram na ang ilan sa kanyang fitness goals ay naging matagumpay isang taong matapos niyang ipanganak ang kanyang ikatlong anak na si Koa.

Ibinahagi niya ang isang compilation ng videos habang nagsasagawa ng pag-eehersisyo sa bahay,  “Was looking for some motivation and found it in myself!”

Ayon kay Andi, umabot ang kanyang timbang sa 175 lbs nang ipinagbubuntis niya ang bunsong anak na si Koa.

Dahil sa kagustuhang maibalik sa healthy shape ang kanyang katawan ay sinisikap niyang mag-ehersisyo kahit mahirap. Nabawasan siya ng 50 lbs makalipas lamang ng 10 buwan.

Wow! Sana all matiyaga mag-exercise dahil sa panahon ngayon ay food is life! 

Aminado naman ang aktres na nahinto ang kanyang pagpapapayat subalit naisip pa rin niya ang kahalagahan ng ginagawa niyang pag-eehersisyo, hindi lamang sa physical kundi para sa mental health nito.

“Suddenly being “out of place” for almost 2 months froze me up quite a bit, but I realise how much of an impact physical exercise has really had on my mental health and overall well- being,” aniya.

Pinasasalamatan din niya ang kanyang mga fitness coach at ang kanyang asawang si Philmar Alipayo dahil sa pagtulong sa kanyang fitness journey.

“I do have my own personal fitness goals, of course, but exercise and staying active really does so much more to us that keep us fit. And also I just wanted to try making a reel,”dagdag pa ni Andi.

Maraming followers naman ang na-inspire sa tiyaga ni Andi:

“Galing Andie! You’re really so inspiring – ina_feleo”

“YAAAAASSSSSS GO GURLLLL!!!!! – yassipressman”

“Galing talaga!happy islander fam fan here.”

“Wow!!!! Thats what you call HARD WORK! Good Job”

Kamakailan ay bumalik na muli ang anak na si Ellie na masayang ibinahagi ni Andi sa Instagram account nito.

Panoorin ang buong fitness journey ng aktres:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)

Continue Reading

Trending